Share

KABANATA 465

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2025-09-03 18:44:41

Natapos na ng mga doktor sa emergency room ang paunang pagsusuri kay Natalie. Ayon sa kanila, wala naman silang nakitang problema sa mga vital signs niya, ngunit dahil buntis siya, tinawag nila ang isang obstetrician para sa mas masusing pagsusuri.

Sa buong proseso, hindi umalis si Mateo sa labas ng silid. Ilang beses siyang nagparoon at nagparito habang hinihintay kung kailan nila makikita si Natalie.

“Alex,” tawag ni Mateo sa tauhan niya.

“May kailangan kayo, sir?” Nasa malapit lang si Alex. Binigyan din ito ng paunang lunas. Pero dahil wala naman itong nararamdaman, sinamahan na niya ang buong grupo sa labas ng ER.

Dahil trabaho ni Alex na samahan ang asawa ng mangyari ang lahat, kailangan ni Mateo na marinig ang buong detalye mula mismo sa kanya. “Sabihin mo sa akin ang lahat. Huwag kang magtitira ng kahit na anong detalye.”

Agad na inamin ni Alex ang kanyang pagkakamali. “Sir, patawarin niyo ako. Nabigo akong protektahan si Natalie.” Pagkatapos, isa-isang ikinuwento niya ang laha
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (261)
goodnovel comment avatar
Rosalie Coja
nakakainis na talaga kac ang hina naman mag isip xa naman talaga ang ama ng dinadala ni mateo,bakit nallinlng xa sa kasramahan ni irene.
goodnovel comment avatar
Mercy Grace Tampayan Ligal
update please
goodnovel comment avatar
Alvarez Teresita
bakit Wala nanaman update?
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 468

    Hindi na niya kailangang gawin ‘yon dahil nakita niya mismo ang lahat sa kanyang sariling mga mata. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang pinaabot ng mga nakita niya—sapat para magising siya sa inakala niyang buhay na haharapin nila ng magkasama. Walang init, walang pagpapahalaga at may reserbasyon. Sa mismong oras na ‘yon, napagtanto din ni Natalie na hindi na niya kayang umasa. Kung hindi man siya ganap na makalaya pa dahil bitbit pa niya ang apelyido nito—at least, may limitasyon na ang relasyon nila.Nagpatuloy si Natalie, “ganito,mula ngayon, bumalik na lang tayo sa dati nating estado. Tungkol sa hinaharap—”“Sandali.” Hindi pa siya tapos magsalita, ngunit dumilim na ang mukha ni Mateo, waring hindi makapaniwala sa narinig mula sa kanya. May bahid ng panunuya ang kanyang tinig. “Bumalik sa dati nating estado? At ano ang ibig sabihin mo doon?”Kumurap si Natalie, nagulat sa reaksyon niya. “Hindi mo naiintindihan? Ibig sabihin, mananatili tayong mag-asawa sa papel, pero walang totoong

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 467

    Dahil sa kanyang mga sugat, nakasuot si Irene ng maluwag na hospital gown na hindi natatakpan ang balikat, at ang kanyang kaliwang braso hanggang panga ay nababalutan ng putting benda.Ang kanyang buhok, na walang ingat na ginupit para sa gamutan, ay hindi pantay at walang hugis. Banidosa si Irene. Isa siyang artista—ang kapital niya sa industriyang ginagalawan ay ang magandang mukha at makinis niyang balat. Malayong-malayo ang itsura nito sa nakagisnan na itsura nito noon.At dahil sa walang humpay na pag-iyak, siya ay mukhang wasak na wasak.Marahang pinunasan ni Mateo ang kanyang mga luha. “Huwag kang umiyak,” malumanay na paalala niya. “Sige na, maghunos-dili ka at mahiga para magamot ka nila. Mas lalala lang ang sugat mo.”“Mateo…” pumikit si Irene at bumagsak sa kanyang dibdib, humahagulgol pa rin. “Ano ang gagawin ko? Paano ako mabubuhay ng ganito? Wala na…hindi na ako maganda!”“Hindi. Huwag kang matakot.” Mababa at matatag ang tinig ni Mateo. Marahan niyang hinihilot ang liku

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 466

    Nagdadalawang-isip pa si Isaac bago sumagot ng malabo, dahil totoo din naman na wala pang malinaw na ebidensya na magkukumpirma. Sa ngayon, tamang hinala lang sila. “Hindi pa namin alam ng buo, pero pinaghihinalaan namin na may kinalaman ito sa mga taga-Canada.”Tahimik na nakinig si Natalie, ngunit hindi na nagpatuloy si Isaac. Inaasahan niyang magiging mahaba ang paliwanag nito dahil hindi lang ito ang unang beses na dinukot siya.“Ganoon lang?’Yon na ‘yon? Wala ng kasunod?” Kumunot ang noo niya—sinasadyaniyang iwasan ang pangalawang tanong pero hindi niya mapigilan. Pakiramdam niya ay may koneksyon ang kalagayan nito sa inaasikaso ng asawa. “Ano ang nangyari kay Irene, Isaac?”“Nat, magpahinga ka na lang muna. Nasa labas lang ako, tawagin mo ako kung may kailangan ka.” Hindi nito sinagot ang tanong niya—parang wala lang itong narinig.“Sige.” Tumango si Natalie, pero lalong lumakas ang kanyang pangamba.Pakiramdam niya, iniiwasan siya ni Isaac. Ang mga tanong niya ay magbibigay s

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 465

    Natapos na ng mga doktor sa emergency room ang paunang pagsusuri kay Natalie. Ayon sa kanila, wala naman silang nakitang problema sa mga vital signs niya, ngunit dahil buntis siya, tinawag nila ang isang obstetrician para sa mas masusing pagsusuri.Sa buong proseso, hindi umalis si Mateo sa labas ng silid. Ilang beses siyang nagparoon at nagparito habang hinihintay kung kailan nila makikita si Natalie.“Alex,” tawag ni Mateo sa tauhan niya.“May kailangan kayo, sir?” Nasa malapit lang si Alex. Binigyan din ito ng paunang lunas. Pero dahil wala naman itong nararamdaman, sinamahan na niya ang buong grupo sa labas ng ER.Dahil trabaho ni Alex na samahan ang asawa ng mangyari ang lahat, kailangan ni Mateo na marinig ang buong detalye mula mismo sa kanya. “Sabihin mo sa akin ang lahat. Huwag kang magtitira ng kahit na anong detalye.”Agad na inamin ni Alex ang kanyang pagkakamali. “Sir, patawarin niyo ako. Nabigo akong protektahan si Natalie.” Pagkatapos, isa-isang ikinuwento niya ang laha

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 464

    Hindi na nag-aksaya ng oras si Alex at mabilis na lumapit sa exhaust vent. May kataasan din ‘yon pero nakahanap siya ng mga karton ng nagyeyelong karne na ginawa niyang patungan para magawa niyang abutin ang pakay.Ang pagbabalot kay Natalie ng kanyang jacket ay pansamantalang solusyon lamang—ang tanging paraan para tuluyang matulungan siya ay ang makalabas sila agad. Hindi siya matutulungan ng simpleng jacket lang laban sa ganito katinding lamig.Sinuri niya ang wiring ng vent at gamit ang kanyang mga kamay, pinilas ito ng walang pag-aalinlangan. Nang bumagal ang pag-ikot ng exhaust fan, inilabas niya ang kanyang foldable military knife at agad nagsimulang magtrabaho—pasalamat na lang siya at hindi iyon nakita ng kung sino mang nagdala sa kanila doon.Habang nagtatrabaho siya—naisip niya na hindi ganoon katalino ang kung sino man ang salarin dahil iniwan ang cellphone niya at hindi siya kinapkapan ng maayos. Pabor ‘yon sa kanila ni Natalie. Kahit paano ay may panlaban sila at may gam

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 463

    “Isaac, kunin mo si Irene!”“Ano?” Bago pa makareact si Isaac, isiniksik na ni Mateo sa mga bisig niya ang walang malay na babae.Pagkatapos—walang pag-aalinlangan at wala ng iba pang sinabi, bumalik siya sa naglalagablab na gusali.“Sir Mateo!” Halos tumigil ang tibok ng puso ni Isaac ngunit hindi naman siya makagalaw dahil bitbit niya si Irene. “Anong ginagawa niya?! Maliwanag na delikado na ang una niyang pagsagip, pero ngayon bumalik pa siya?! Anong babalikan niya sa loob?”**Sa loob ng nasusunog na gusali, agad siyang nilamon ng makapal na usok. Halos mapunit ang lalamunan niya kakaubo pero nagpatuloy pa rin siya. Ang huling natatandaan niya ay sa lugar na ‘yon niya narinig na nahulog ang bagay na ‘yon.Mababa ang kanyang katawan habang naghahanap sa gitna ng nag-aapoy na guho. “ Nasaan 'yon?! Hindi puwedeng nawala na lang ng bigla ‘yon!”At doon—sa gitna ng naglalagablab na apoy, may kumislap na maliit na bagay.Ang lighter. Ang lighter na ginawa ni Natalie para sa kanya—ang re

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status