Share

KABANATA 586

Auteur: Lin Kong
last update Dernière mise à jour: 2026-01-12 11:58:42

Samantala, pang-apat na araw na iyon na hindi dumadalaw si Mateo kay Irene. Bandang alas una ng hapon, dumating si Isaac sa kwarto niya. Ang buong akala niya ay si Mateo iyon. Kaya ng makita kung sino ang bisita niya, biglang bumagsak ang sigla niya.

“Ikaw na naman, Isaac?” Irap niya sa lalaki. “Nasaan na naman si Mateo? Don’t tell me, hindi na naman niya ako pupuntahan dito?”

“Miss Irene, abala po siya sa ngayon. Ako na lang ang nagdala ng pinabibili mong pastries. Galing ito mismo sa bakeshop na gusto mo.” Magalang na sagot ni Isaac habang inilalapag sa mesa ang mga dala. “Ipinaabot din ni sir na kung may kailangan ka pa, sabihin mo na lang sa akin.”

Dito na nagpanting ang tenga ni Irene. Ang pinabili niyang pastries ay rason na lang niya para puntahan siya nito pero wala pa ring epekto. Bumalikwas siya sa kama. “Bakit? Ikaw ba si Mateo? Utusan ka lang niya! Ang kailangan ko ay siya!!”

Napangiwi ang lalaki. Noon pa man ay hindi na niya gusto ang ugali ni Irene lalo na kung wala ang
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 588

    “Pinagtatanggol mo siya?” Mababa ngunit puno ng akusasyon ang tinig ni Irene.“Oo.” Matigas na sagot ni Mateo.“Bakit?”“Dahil mali ang binibintang mo sa kanya, Irene. Kahit ako, naging mapanghusga ako kay Natalie. Pero baka nakakalimutan mo na asawa ko pa rin siya. Obligasyon ko siya.”Napasinghap si Irene. Nasa alanganing sitwasyon siya. Kung ipipilit niya ang gusto niya—maaring lalo lang silang magkaproblema ni Mateo. Kaya ngumiti na lang siya. “Sige, sabi mo, eh. Tara na. Bumalik na tayo sa kwarto ko. Sabay nating kainin ‘yung pastry na binili mo. Masarap ‘yon.”Pero umiling lang si Mateo at sinenyasan ang nurse para muling lumapit sa kanila. “Hindi ako pwede ngayon, Irene. Gusto ko rin sanang sabihin sayo na hindi na kita madadalaw ng gaya ng dati—”“Dahil kay Natalie?” Putol niya. Bumangon ulit ang galit na kanina pa niya kinikimkim. “Sumosobra na talaga ang babaeng ‘yan. Hindi siya marunong lumugar!”Nasapo ni Mateo ang ulo. Sa haba ng panahon na ginugol niya para unawain ang b

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 587

    Kahit anong pakiusap ng nurse kay Irene, wala itong epekto. Pagkatapos lisanin ang opisina ng Research Department, hinalughog naman nito ang buong ospital para mahanap sina Natalie at Mateo. Ang una niyang pinuntahan ay ang parking lot para tingnan kung talagang naroon nga ang lalaki.“Miss, tara na po. Malayo na talaga tayo sa burn unit.” Pakiusap ng nurse. “Bumalik na po tayo. Parang awa niyo na. Malilintikan po ako sa trabaho nito.”Galit na binalingan ni Irene ang nurse na kanina pa sunod ng sunod sa kanya. “Malilintikan ka talaga kapag hindi ka tumahimik dyan. Tulungan mo na lang akong hanapin ang kotse ng nobyo ko—”“Sige po, anong kotse po ba?” Para mapabilis na sila, nagpasya ang nurse na pagbigyan na lang si Irene.Nirolyo ni Irene ang mga mata. Hanggang sa makita niya ang isang pamilyar na imahe ng isang lalaki sa dulo ng parking area. Hindi siya pwedeng magkamali. Kahit anino nito ay kilalang-kilala niya. Mukhang pasakay na ito sa sasakyan kaya lalong umigting ang galit ni

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 586

    Samantala, pang-apat na araw na iyon na hindi dumadalaw si Mateo kay Irene. Bandang alas una ng hapon, dumating si Isaac sa kwarto niya. Ang buong akala niya ay si Mateo iyon. Kaya ng makita kung sino ang bisita niya, biglang bumagsak ang sigla niya.“Ikaw na naman, Isaac?” Irap niya sa lalaki. “Nasaan na naman si Mateo? Don’t tell me, hindi na naman niya ako pupuntahan dito?”“Miss Irene, abala po siya sa ngayon. Ako na lang ang nagdala ng pinabibili mong pastries. Galing ito mismo sa bakeshop na gusto mo.” Magalang na sagot ni Isaac habang inilalapag sa mesa ang mga dala. “Ipinaabot din ni sir na kung may kailangan ka pa, sabihin mo na lang sa akin.”Dito na nagpanting ang tenga ni Irene. Ang pinabili niyang pastries ay rason na lang niya para puntahan siya nito pero wala pa ring epekto. Bumalikwas siya sa kama. “Bakit? Ikaw ba si Mateo? Utusan ka lang niya! Ang kailangan ko ay siya!!”Napangiwi ang lalaki. Noon pa man ay hindi na niya gusto ang ugali ni Irene lalo na kung wala ang

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 585

    “Hi.”“Hi. Para saan ‘to?” Tanong ni Natalie ng tuluyan ng makalapit sa mesa niya ang lalaki.Ramdam niya ang init ng mga mata ng mga kasamahan sa trabaho kahit na nakatalikod siya. Sa dami ng mga nangyari kasabay ng mas maugong na tsismis na mas binibisita ng asawa ang dating nobya kaysa kanya—pati siya ay naguluhan na.“Kung peace offering ito, huwag ka ng mag-abala. Napakaraming magandang nagawa ang pamilya mo para sa amin ni Justin—”“Nat,” biglang putol ni Mateo sa kanya. “Pwede ka bang makausap? ‘Yung tayo lang sana? Ibig kong sabihin, sa mas pribadong lugar?”Matagal na pinagmasdan ni Natalie ang mukha ng lalaki. Gusto niya itong itaboy pero may bahagi niya na interesadong malaman kung ano ang sadya sa kanya ni Mateo. Gayunpaman, nanumbalik din sa kanya ang pinag-usapan nila ni Nilly kanina lang. Habang hinahayaan niyang lumapit ulit si Mateo sa buhay niya—lalo lang niyang inilalapit ang sarili niya sa sakit.“M-may gagawin pa kasi ako, eh…” mahinang tanggi niya.Napahawak sa b

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 584

    Unang araw ulit ni Natalie sa ospital pagkatapos ng suspensyon niya. Naging mainit ang pagtanggap sa kanya ng mga kasamahan sa trabaho pero hindi pa rin tuluyang humupa ang mga usap-usapan tungkol sa kanya kahit na napatunayan na siya talaga ang may-ari ng thesis na pinasa niya. Malaking bahagi ng hindi mamatay-matay na usap-usapan ay kung bakit tila natagalan bago aksyunan ng asawa niya ang naging problema gayong ito ang pinaka-maimpluwensyang tao sa lungsod nila.Alam ni Natalie iyon, siya mismo ay narinig ang tsismis ng magbanyo siya. Kaya ng kitain niya para magmeryenda ang matalik na kaibigang si Nilly sa cafeteria, napansin agad nito na hindi maganda ang timpla niya.“Huy, ang tulis naman ng nguso mo.” Sita ni Nilly habang inaayos ang meryenda nila sa mesa. “Ayan, biko tsaka gulaman. Akin ‘tong cassava cake. Ano ba ‘yang iniisip mo? Hindi ba dapat masaya ka dahil after all the drama—napatunayan na ikaw pa rin ang nagsasabi ng totoo? Reinstated ka na.”“Thankful naman ako, Nilly.

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 583

    Sa pagtatapos ng sinabi ni Natalie, dahan-dahang naglaho ang ngiti labi ng lalaki. Kasunod noon, narinig ang mababang tinig ni mateo— malamig at mariin.“Hindi ko na uulitin. Lumayas ka.”Napaatras si Maurice, nagimbal siya bagsik ng titig ni Mateo. Kung kanina ay nagtitimpi pa ito, ngayon ay tila napuno na ito. Mula sa punto de vista niya, alam niyang nagamit na niya ang lahat ng alas nya. Habang nanginginig at umiiyak, hinarap pa rin niya ang lalaki.“Kung ayaw mo akong kilalanin, aalis na ako! Pero alam ko, at alam ng mga taong naroon ng gabing iyon na naroon ka at magkasama tayo!” At tsaka siya nagmadaling tumakbo palayo.Umalis nga si Maurice, pero naiwan ang dalawa sa gitna ng isang nakakabinging katahimikan. Si Mateo ay hindi alam kung paano ipapaliwanag kay Natalie ang nangyari. Hindi naman niya kasama talaga ang babae, gaya ng sinasabi nito.Pinagtagni-tagni ni Natalie ang mga daliri niya. Gaya ni Mateo, hindi niya din alam kung paano magsisimula. Wala na siya sa posisyon par

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status