Share

KABANATA 5

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2024-09-11 14:32:21
Muntik pang matumba si Natalie dahil sa pagkakatulak sa kaniya ni Mateo.

Kakatapos lang i-check ng doktor ang kalagayan ni Antonio. Napalingon ito kina Mateo at Natalie.

“Kumusta na ang kalagayan ng lolo ko?” agad na tanong ni Mateo.

“Stable na ang kalagayan ni Mr. Garcia. Pero nanghihina pa rin siya sa ngayon. Kailangang mabantayan ng diyeta niya. At kailangan niya ring magpahinga. Higit sa lahat, dapat ay lagi siyang nasa magandang mood. Panatilihin niyo siyang masaya at huwag na huwag niyo siyang stressin at biglain.”

Matapos ibilin iyon ay lumabas na ng silid ang doktor.

“Mateo, Natalie, nakuha niyo na ang marriage certificate niyo ngayon, hindi ba? Mateo, siguraduhin mong bibigyan mo oras at atensyon ang asawa mo. Hindi niyo na ako kailangang bantayan.”

“Mr. Garcia…”

Napakunot ng noo si Antonio. “Bakit Mr. Garcia pa rin ang tawag mosa ‘kin? Hindi ba dapat ay lolo na? At saka bakit ka humihingi ng patawad?”

“A-Ano po kasi…”

Ngunit bago niya pa masabi ang kaniyang sasabihin ay pinigilan na siya ni Mateo sa pamamagitan ng paghigpit ng hawak nito sa kaniyang palapulsuhan.

“Ang ibig niyang sabihin, lo, paano kami makakapag-focus na mag-quality time kung ganito ang kalagayan niyo? Hindi kami makakapag-enjoy gayong alam naming narito ka.”

Natigilan si Natalie.

Hindi ba’t gusto siya nitong ibulgar kanina?

Natawa si Antonio. “Hay nako, Natalie. Unang kita ko pa lang sa ‘yo, alam ko nang mabuti kang bata,” aniya.

“Narinig niyo naman ang sinabi ng doktor, ‘di ba? Maayos na ang kalagayan ko. At isa pa, marami namang doktor at nurse na magbabantay sa ‘kin dito. Napaka-espesyal ng araw na ito. Lumakad na kayo at enjoyin niyo. Mateo, makinig ka sa ‘kin.”

Napabuntong hininga na lang si Mateo. “Opo, lo. Magpahinga na kayo.”

Hinawakan ni Mateo ang kamay ni Natalie at saka siya hinila palabas. Nang makalabas na sila sa kwarto ay agad niyang binitawan ang kamay ng dalaga. Niluwagan niya ang kaniyang necktie dahil pakiramdam niya ay para siyang sinasakal.

“Hindi pwedeng ma-stress si lolo ngayon. Kaya hindi muna natin sasabihin ang totoo sa kaniya.”

Kapag nalaman ng lolo niya na pinilit siya nitong magpakasal sa babaeng katulad ni Natalie, siguradong magagalit ito.

Naintindihan ni Natalie ang sitwasyon.

Tinapunan siya ni Mateo nang malamig na tingin. “Lalong tumitindi ang pandidiri ko sa ‘yo habang tumatagal na gamit mo ang apelyido ko.”

Nabato si Natalie sa kaniyang kinatatayuan. Kinuyom niya ang kaniyang kamao. Pakiramdam niya ay hinubaran siya sa mga sandaling iyon.

Kahit pa sabihin na arranged marriage lang ang kasal nilang dalawa, hindi niya naman siguro deserve na marinig iyon mula mismo sa kaniyang asawa.

Pero wala siyang magawa. Alam niya namang may kasalanan talaga siya. Marumi siyang babae.

Nag-iwas ng tingin si Mateo. “Kailangan muna nating asikasuhin ang annulment papers. Babalitaan na lang kita. Sa ngayon, habang hindi pa tuluyang gumagaling si lolo, kailangan mong magpanggap na isang mabuting apo. Naiintindihan mo ba?”

“Hmm.” Tumango si Natalie.

Naglakad na palayo si Mateo.

Naiwan naman si Natalie sa kaniyang pwesto. Mapait siyang napangiti.

Hindi niya masisisi ang lalaki kung bakit ito galit sa kaniya. Pero hindi niya pa rin maiwasang masaktan.

Sino bang babae ang hindi nangarap na magpakasal dahil sa pag-ibig?

Naranasan niya kung paano mahalin. Pero nakaraan na ‘yon.

Sa halip na pumunta sa hotel na inihanda ni Mateo para sa kaniya, dumiretso si Natalie sa kaniyang dorm sa San Jose University.

Ngayong alam niya kung gaano siya kinamumuhian ng lalaki, sigurado siya hindi na nila kailangan pang tumira sa iisang bubong.

Kinagabihan, nakatanggap ng tawag si Natalie mula kay Isaac.

[Available si Mateo next Wednesday. Pupunta siya sa Civil Affairs Bureau para mag-file ng annulment. Pwede ka ba sa araw na ‘yon?]

“Oo. Pupunta ako.”

Nanatiling kalmado si Natalie pagkatapos ng tawag. Isa lang iyong marriage for convenience kaya wala siyang dahilan para malungkot. Pero hindi niya inaakalang ganito kabilis iyong matatapos.

Dahil sa ilang gabing stress at pagod, agad siyang nakatulog ng gabing iyon.

Kinabukasan, tila ba bumalik ang lakas ni Natalie. Naghanda na siya para magtungo sa kaniyang duty.

Nag-aaral siya ng medisina sa San Jose University. At kasalukuyan siyang nagpa-practice ng surgery sa isang ospital na related sa kaniyang pinapasukang unibersidad.

At ngayon, naka-assign siya sa isang outpatient clinic.

Nang matapos ang kaniyang shift ay dumiretso siya sa town. Nang makarating siya roon ay naroon na sina Nilly at Chandon. Magkaklase sila simula pa elementarya at hanggang ngayon ay nasa iisang unibersidad pa rin sila, magkakasama.

Tulad ni Natalie ay nag-aaral din ng medisina si Nilly, sa ibang ispesyalisasyon nga lang. Habang si Chandon naman ay nag-aaral ng business. Nauna itong grumaduate sa kanila ng isang taon.

Mula noon ay naging busy na sila sa kani-kanilang buhay. Kaya naman hindi na sila gaanong nagkikita.

Kakagaling lang ni Chandon sa ibang bansa kaya agad siyang nag-schedule ng dinner para sa kanilang tatlo.

“Nandito na si Natnat!”

Napatingin si Natalie sa dami ng pagkaing nakahain sa kanilang mesa.

“Bakit naman ang dami niyong inorder?”

Natawa si Nilly. “Nako! Mas malaki pa ang mata ni Chandon kaysa sa bituka niya. Buti na lang at narito tayo para ubusin ang tira niya. Lagi niya na lang talaga tayong dinadamay sa mga cravings niya.”

“Okay. Hindi na kita iimbitahan sa susunod,” ani Chandon. Tinaasan niya ng kilay at saka nginisihan si Natalie. “Si Natnat na lang isasama ko sa susunod. Damihan mo ang kain, Natnat. Huwang mong bibigyan si Nilly ah!”

Sinamaan ng tingin ni Nilly si Chandon. “Ayoko na sa ‘yo!”

Nagtawanan silang tatlo dahilan para gumaan ang pakiramdam ni Natalie.

Napatingin si Chandon sa kaniya. “Nabalitaan mo na ba?”

“Ang alin?”

Nagtinginan muna sina Nilly at Chandon bago sagutin si Natalie. “Babalik na raw si Drake.”

Napatigil si Natalie sa akmang pagsubo. Bahagyang namutla ang kaniyang mukha. Maya-maya pa ay umiling siya.

“Hindi ko nabalitaan.”

“Nag-chat siya sa GC. Sabi niya gusto niyang makipagkita sa ‘ting lahat pagkabalik niya.”

Ang sinasabing group chat ni Chandon ay ang group chat na kasapi siya noon. Ngunit nang mag-break sila ni Drake ay nag-leave siya roon. Kaya naman wala siyang balita rito.

Muli siyang tinanong ni Chandon. “Natalie, kapag ba dumating ‘yong araw na ‘yon, sasama ka ba?”

Tumaas ang kilay ni Natalie. “Bakit naman ako pupunta?”

“Class reunion natin ‘yon. Ano ka ba? Minsan lang ‘yon mangyari,” dagdag ni Nilly.

Pero muling umiling si Natalie. “Bakit ko naman gugustuhing makita ang ex ko? Simula nang maghiwalay kami, wala na akong intensyong makipagkita pa sa kaniya ulit.”

Hindi niya namalayan na nakuyom na niya ang kaniyang kamao.

Agad na napansin ni Nilly ang pagbabago ng mood ni Natalie. “Huwag ka nang magalit, Natnat.”

Binalingan niya ng masamang tingin si Chandon. “Huwag mo na nga siyang babanggitin ulit! Hindi natin kailangang makita ang gagong ‘yon!”

“Sorry na,” malumanay na sabi ni Chandon. Maya-maya pa ay kinindatan niya si Natalie. “Sa totoo lang, kung hindi lang umepal si Drake, baka sakaling ako ang nakatuluyan ni Natalie ngayon. Hindi niya alam kung paano pahalagahan ang Natnat natin.”

Muntik nang masamid si Nilly sa kaniyang iniinom. “Lakas naman ng confidence mo, master.”

“Syempre!” ngiting-ngiting sagot niya. Maya-maya pa ay bigla itong nagseryoso. “Natnat, ginugulo ka na naman ba ng bruha?”

Bruha ang tawag nila kay Irene.

Dahil sa magkakasama silang lumaki, alam ng dalawa kung gaano kagulo ang pamilya ni Natnat.

Pero ngayon, walang balak sabihin si Natalie tungkol sa kaganapan sa kaniyang pamilya.

Umiling siya saka ngumiti. “Hindi naman. Okay lang ako.”

“Naninigurado lang.” Bakas ang pagiging protective sa boses ni Chandon. “Kapag may nangyari sa ‘yo, sabihan mo ako agad. Alam mo namang lagi lang ako nandito para sa ‘yo.”

“At syempre, ako rin!” sabat ni Nilly.

Napangiti si Natalie. “Salamat sa inyong dalawa.”

Ayaw nang maging pabigat ni Natalie sa dalawa. Alam nitong may sarili ring problema ang mga ito. At kahit pa sabihin ng mga ito na hindi siya pabigat, ayaw niya pa ring i-take advantage iyon. At isa pa, nahanapan niya na naman ng solusyon ang problema nila.

Naunang umalis si Chandon dahil may lakad pa raw ito. Samantala, nakisabay si Natalie kay Nilly pabalik sa kaniyang dorm.

Nang gabing ‘yon, hindi makatulog si Natalie. Nakailang baling siya pero puno pa rin ang kaniyang isip.

Si Drake…

Babalik ba talaga siya?

Gaano na ba katagal simula nang huli silang nagkita?

Tatlong taon na.

Nang sumapit ang day off ni Natalie ay agad siyang nagtungo sa San Jose Sanatorium. Halos linggo-linggo niyang dinadalaw si Justin doon. Kahit pa minsan lang siyang kausapin nito dahil mayroon itong sariling mundo.

Habang nakasakay siya sa bus ay nakatanggap siya ng isang friend request sa Messager. Hindi niya nakilala ang user ID kaya naman binalewala niya lang iyon.

Dala-dala ang pinamiling gamit at pagkain para kay Justin, binuksan niya ang pinto ng silid kung nasaan ito.

“Iyak! Umiyak ka!”

“Wala kang kwenta!”

Isang matining na boses ng babae ang bumungad kay Natalie. Nasundan iyon ng lagitik ng malutong na sampal at nang-iinsultong tawa ng babae.

“Bobo! Ni hindi mo alam umiyak kahit sinasaktan ka na! Anong silbi ng buhay mo kung ganiyan?!” Muling tumawa ang babae.

Kaagad na nakaramdan ng matinding galit si Natalie.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (32)
goodnovel comment avatar
Eilsel Lang Sapat Na
ang ganda next pls
goodnovel comment avatar
Leanne Fortaleza Naing
subrang ganda pero ang ...
goodnovel comment avatar
Yennj Olivarez Fulgar
super Ganda Ng story
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 552

    Malamang ay masyado ng matagal ang paghihintay ni Natalie—kaya umalis na siguro ito. Napagod na siguro at nagpasya ng umuwi dahil abalang tao din si Natalie, isa itong doktora at bukod doon, buntis pa ito. Hindi napigilan ni Isaac na manghinayang.“Sayang naman. Kung sana nakapaghintay pa siya ng konti…” may panlulumong palatak ni Isaac sa isip niya.Pero sa mismong sandaling iyon, lumabas si Natalie mula sa banyo at agad na nakita sina Mateo at Isaac na pababa na sa hagdan papunta sa harap ng gusali. Nagpapasalamat siya na hindi niya kinailangang magtagal sa banyo dahil kung nagkataon, nagkasalisi na naman sila.Hindi na nag-isip pa si Natalie, dali-dali siyang sumigaw. “Mateo! Sandali!”Napahinto sa paghakbang si Natalie sa tawag ng kanyang pangalan. Ang buong akala niya ay -guni-guni lang niya iyon. Ngunit nagpatuloy ang pagsigaw mula sa likuran kaya gulat siyang napalingon at nakita si Natalie na mabilis na lumalapit sa kinaroroonan nila.Halos tumatakbo ito.Kumunot ang noo ni Ma

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 551

    Hindi naman ito ganap na ikinagulat ni Natalie. Alam naman niya ang mga posibilidad ng mga kung anong pwedeng mangyari doon. Ang totoo, bago pa siya pumunta sa opisina nito, inihanda na niya ang sarili—hindi rin naman niya inaasahang basta-basta na lang siya haharapin ni Mateo lalo pa at pagkatapos ng mga kinakaharap nilang eskandalo ng sunod-sunod nitong mga nakalipas na araw.“Ngayon, ano na ang susunod? Uuwi na lang ba ako? Iyon na ‘yon? Paano ang mga kasama kong umaasa na mapapapirma ko siya para ituloy ang pondo ng team namin? Hindi pwede! Maraming maapektuhan!”Sandaling natigilan si Natalie, tapos tumingin sa waiting area ng lobby. “Pwede ba akong maghintay doon?” Tanong niya.“Hindi na po muna kayo magpapahatid?”Umiling si Natalie. “Hindi na muna. Nandito na rin ako kaya mas okay siguro na maghintay na lang ako dito. Salamat na lang. Dito na lang muna ako sa lobby niyo. Okay lang naman siguro, ano?”“Ah… syempre naman po, Mrs. Garcia.” Hindi siya pinigilan ng receptionist. Wa

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 550

    “Naku bata ka.Wala namang problema, kung ayaw mo sa master’s bedroom, may mga guest room tayo dito...pero sigurado ka bang kailangan mo talagang umalis? Delikado na para sa isang babae ang magbyahe ngayon lalo na at buntis ka.”“Ate Tess, hindi na talaga akma para sa akin ang manatili rito.” Matatag ang desisyon ni Natalie na umalis sa mansyon.Gabi na at nag-aalala si Tess, kaya tinawag nito ang family driver para ihatid siya pauwi. Hindi na tumanggi si Natalie, walang mga taxi na dumadaan sa area na iyon at marami sa mga ride-sharing drivers kapag alanganin na ang oras ay ayaw niyang bumiyahe. Pagdating niya sa townhouse, hindi siya agad nakatulog.Hindi niya nakita si Mateo ngayong gabi, at sabi ni Tess, ilang araw na raw itong hindi umuuwi sa mansyon. Palaisipan sa kanya kung saan ito tumutuloy ngayon.“Ibig sabihin...may ibang bahay siya? Saan pa kaya siya maaaring puntahan? Baka... sa kompanya? Kahit saan siya nagpupunta sa gabi, kailangan pa rin niyang pumasok sa trabaho kinabu

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 549

    Pagkaalis niya sa opisina ng Assistant direktor, bakas na bakas sa mukha ni Natalie ang pagkabalisa. Pumayag siya, oo—pero pagkatapos ng pagpayag niya, ano na? Malaking suliranin sa kanya ang binigay na obligasyon sa kanya ng direktor at hindi niya nagawang tumanggi. Noon nga na maayos pa sila ni Mateo ay hirap na hirap siyang humingi ng pabor, ngayon pa kaya na malabong-malabo na sila?Hindi pa siya nakakalayo mula sa opisina ng direktor, mabagal ang mga hakbang niya dahil tumatakbo ang isipan niya. Iniisip niya kung paano niya kukumbinsihin si Mateo na pirmahan ang second installment ng project funding ng team nila. Iniisip niya kung paano niya gagawin iyon gayong ayaw na siyang makita at makausap nito.“Natalie!”“Huh?” Laking gulat niya ng makita si Marie na naghihintay pa rin sa kanya, naroon ito sa isang bench na nagkalat sa hallway. “Nandito ka pa pala?”Agad nitong hinawakan ang braso niya. “Oo naman. Wala na akong duty, eh. Tsaka ngayon ko lang napansin, lalo na yatang lumaki

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 548

    “Tungkol saan ang dokumentong ito?”Kinuha ni Isaac ang folder at mabilis na sinulyapan ito—galing ito sa departamento ni Director Norman Tolentino sa ospital na kaanib ng Garcia Group of Companies. Dati, inaprubahan ni Mateo ang isang sponsorship package para sa departamento nila dahil naroon si Natalie. Sa totoo lang, dahil lang sa suporta ng kumpanya kaya nakapagsimula ang project team ni Dr. Tolentino.Hindi ito one-time na fund approval—may kasunod pa itong mga installment. Ngayong lumipas na ang isang quarter, panahon na para ilabas ang pangalawang bahagi ng pondo para sa proyektong ito.Pero iba na ang panahon ngayon. Napakarami ng nagbago at hindi malayong maapektuhan pati ang ospital sa alitan ng mag-asawa.“Susubukan ko,” buntong-hininga ni Isaac. Pero sa totoo lang, wala siyang gaanong pag-asa.Pumasok siya sa opisina at inilapag ang folder sa mesa ni Mateo, kasama ang mga iba pang papeles na kailangan nitong i-review at asikasuhin para sa araw na ‘yon. Marami-rami rin ang

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 547

    Wala pa ring sagot mula kay Mateo, kaya nagpadala ulit ng mensahe si Natalie. Hindi siya pwedeng humarap sa matanda ng mag-isa dahil mag-iisip lang ang matanda ng kung ano-ano at iyon ang iniiwasan niya.‘Hindi mo man lang ba ako masagot? Saglit lang naman daw ‘yon.’Pero pagkasend niya, biglang nag-lag ang screen—at lumaki ang kanyang mga mata sa gulat. May pulang exclamation mark na lumitaw sa tabi ng mensahe.“Ha?” Napatingin si Natalie sa screen, hindi makapaniwala. Ang paglabas ng pulang exclamation mark at malinaw na tanda na na-block siya. “Totoo ba ‘to…? Binlock niya ako?”Galit si Mateo, aminado siya na nasaktan niya ito at naiintindihan niya ‘yon. Pero usapang si Lolo Antonio ito. “Ganoon na ba siya kabulag sa galit, pati si Lolo hindi na niya iniintindi? Kalalakihan talaga. Makasarili. Mababaw. Lahat na yata.”Napabuntong-hininga si Natalie, pero kahit ganoon, nagpasya pa rin siyang dalawin ang matanda dahil nakapangako na siya kanina na darating siya para sa hapunan. Hindi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status