Share

KABANATA 6  

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2024-09-11 14:32:21
Nanatiling nakaupo si Justin sa kabila ng pangyayari. Ang suot niyang hospital gown ay basang-basa na dahil sa sabaw na ibinuhos sa kaniya. Para siyang naghilamos ng lugaw dahil natabunan ang mukha niya ng mga butil ng kanin.

Isang babaeng caregiver na nasa edad trenta ang galit na galit at namimilit na ipasak ang isang kutsara ng lugaw sa bibig ni Justin.

“Kainin mo!” bulyaw niya. “Mas malala ka pa sa mga aso’t baboy! Ni hindi mo magawang ibuka ang bunganga mo!”

Nang bigla ay may humablot at humatak sa buhok niya. Hindi niya napigilang mapahiyaw sa sakit. “Bitiwan mo ako! Aray! Sino ka ba?!”

“Mama?” Namumula ang mga mata ni Justin dahil sa luha niyang nangingilid.

Bakas ang matinding galit sa mukha ni Natalie. “Sino ka bas a tingin mong bruhilda ka?! Ang kapal naman ng mukha mong manakit ng bata! Para sabihin ko sa ‘yo, hindi pa kami patay na pamilya niya!”

Lalong humigpit ang hawak ni Natalie sa buhok ng babae. Muli niya itong hinatak, dahilan para mapaiyak ito.

Pakiramdam ng babae ay makakalbo siya sa mga sandaling iyon. “Aray ko! Bitiwan mo na ako, miss!” nanginginig niyang pagmamakaawa. “Hindi ko na uulitin! Pangako!”

Napaupo sa sahig ang caregiver nang malakas siyang itulak ni Natalie. Akala niya ay matatapos na roon ang pagwawala ni Natalie. Ngunit nagulat siya nang pulutin nito ang pagkaing natapon sa sahig at saka iyon pinilit na ipakain sa kaniya.

“Ganito mo pakainin ang mga pasyente mo, ‘di ba?! Oh ito, kainin mo!”

Muntik nang masugat ang bibig ng caregiver dahil sa pamimilit ni Natalie. Hindi siya makapagsalita at sinusubukan niyang magmakaawa gamit ang kaniyang mata. Ngunit ayaw magpaawat ni Natalie. Malakas siyang sinampal nito.

“Ganito mo tratuhin ang kapatid ko, ‘di ba?! Masarap ba? Huwag kang mag-alala. Ipaparanas ko sa ‘yo mismo!”

Muling binigyan ni Natalie ng magkabilang sampal ang caregiver hanggang sa mapahiga na ito sa sahig. Hindi na niya binigyan ng pagkakataon ang babae na makabawi. Agad niya itong hinatak patayo. “Tara! Puntahan natin ang medical director!”

“Huwag po!” Bakas ang takot sa mukha ng caregiver. “Nakikusap po ako! Huwag niyo po akong isumbong! Hindi ko na po uulitin! Napag-utusan lang po ako!” iyak nito.

Napatigil si Natalie sa narinig. Unti-unting nanliit ang kaniyang mga mata. “Sinong nag-utos sa ‘yo?”

“S-Si… Ma’am J-Janet po.”

Kaagad na kumulo ang dugo ni Natalie.

Ang madrasta niya na naman pala ang may kagagawan ng lahat!

Alam niyang ginawa iyon ni Janet dahil sa hindi niya pagsipot kay Mr. Chen. Pero bakit kailangan niyang idamay si Justin?

Labing apat na taong gulang pa lang ang kapatid niya. At higit sa lahat, may autism ito!

“Labas!” bulyaw niya sa caregiver.

Halos madapa na ang caregiver sa paglabas.

Nang makaalis ang caregiver ay agad na nilinis ni Natalie ang kalat sa loob ng silid. Nang matapos siya ay kaagad niyang nilapitan si Justin. Inabot niya ang kamay niya rito. “Tara, Justin. Linisan natin ikaw.”

Katulad ng dati, hindi na naman sumagot si Justin. Pero sanay na si Natalie roon.

Nanlaki ang mga mata ni Natalie nang maramdaman niya ang paghigpit ng kapit ni Justin sa kamay niya. Hindi niya maiwasang masiyahan. Napaluhod siya sa harap ni Justin at saka ito hinawakan sa magkabilang braso.

“Justin, naaalala mo na ba si ate?”

Ngunit wala siyang sagot na nakuha mula sa binatilyo. Pero hindi iyon sapat para maglaho ang saying nararamdaman ni Natalie sa mga sandaling iyon. Dahil makalipas ang ilang taon, sa wakas ay nagkaroon ng pagbabago sa reaksyon ng kapatid niya. Isa iyong patunay na may epekto ang treatment dito.

Dinala ni Natalie si Justin sa banyo. Doon niya natuklasan na hindi lang dahil sa sabaw ito nabasa. Basa rin kasi ang pantalon nito ng ihi. Halatang pinabayaan lang ito ng caregiver.

Matapos niyang paliguan si Justin ay sinimulan niya naman itong pakainin. Masunurin naman itong sumubo habang nakakapit sa laylayan ng damit ni Natalie.

Ramdam ni Natalie ang takot nito dahil sa kaniyang akto.

Nag-init ang sulok ng mga mata niya.

“Huwag kang matakot, Justin. Hindi kita papabayaan. Poprotektahan ka ni ate.”

Bago siya tuluyang umalis sa sanatorioum, nagtungo muna si Natalie sa opisina ng medical director para isumbong ang katiwalian ng caregiver kanina. Sinigurado naman ng medical director na hindi na mauulit ang ganoong pangyayari sa kapatid niya at sa ibang mga pasyente. Pagkatapos ay nagmamadali siyang umuwi sa bahay nila.

Hindi niya papalampasin ang ginawang kasamaan ng kaniyang madrasta sa nakakabata niyang kapatid.

**

Nang sumapit ang gabi ay nagtungo si Mateo sa bahay ng mga Natividad. Sa kahabaan ng daan ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Irene. “Mateo, nasaan ka?”

“Baka mahuli ako. Sobrang traffic kasi,” sagot nito.

“Mag-iingat ka. Hihintayin kita.”

“Salamat.”

**

Nang makarating si Natalie sa kanilang bahay ay nagmamadali siyang pumasok sa loob. Ni hindi niya na nga nabati ang katulong na nagbukas ng pinto.

Dumiretso siya sa kusina at kinuha ang isang takore na may lamang malamig na tubig. Saka siya naglakad patungo sa living room. Sakto naman na pababa sina Janet at Irene. Tila ba may nakakatawang bagay silang pinag-uusapan.

Walang prenong naglakad si Natalie para salubungin ang mag-ina. Walang pasabi niyang isinaboy ang tubig sa dalawa.

“Ahhh!” hiyaw ng mag-ina.

Nanlaki ang mga mata pati ang butas ng ilong ng dalawa nang makilala kung sino ang nagsaboy sa kanila ng tubig.

“Natalie!” sigaw ni Janet. “Ang kapal ng mukha mong bumalik pa rito-“

Hindi na natapos pa ni Janet ang sasabihin niya nang muli siyang sabuyan ni Natalie.

Napasinghap si Irene. “Baliw ka ba?!”

Pero hindi nagpatinag si Natalie. Sinamaan niya pa ng tingin ang mga ito. Nanginginig siya sa galit. “Baliw? Pasalamat nga kayo at malamig na tubig lang ‘yon. Eh kayo? Talagang nagbayad pa kayo ng tao para lang maltratuhin ang kapatid ko!”

Hinila ni Janet ang anak palayo kay Natalie. “Pabayaan mo na siya at anong oras na. Magpalit ka na.”

Nagmamadaling umakyat si Irene patungo sa kaniyang kwarto. May date pa siyang dapat puntahan.

Pinalis ni Janet ang tubig na tumutulo sa mukha niya. Ang sama ng tingin nito kay Natalie. “Oo! Nagbayad ako ng tao para pahirapan ang kapatid mo. Eh ano naman? Tinakbuhan mo si Mr. Chen kaya dapat lang na pagbayaran mo ‘yon. Dapat naisip mo ang kapatid mo bago ka hindi sumipot sa tagpuan niyo ni Mr. Chen!”

Napaismid si Janet. Alam niyang nabayaran na ni Natalie ang bayarin para sa treatment ni Justin. “Saan mo nakuha ang pera? Paano?” Tumaas ang kilay niya. “Halata namang hindi ‘yon galing sa pagbebenta mo ng katawan mo. Pero kahit na! Wala kang nagawa para makatulong sa pamilyang ‘to! Wala kang konsensyang pokpok ka!”

Sa sobrang galit ay hindi na napigilang sampalin ni Natalie si Janet. “Kung wala kang magandang sasabihin, manahimik ka na lang!”

Napatda si Janet. Parang namanhid ang pisngi niya sa lakas ng sampal ni Natalie. Muling umusbong ang galit sa puso niya. “S-Sinampal mo ba ako?”

Madali niyang sinugod si Natalie at sinabunutan. Hindi naman nagpatalo si Natalie at hinablot din ang buhok ng matanda. Hanggang sa napahiga na sa sahig si Janet.

Agad naman itong kinubabawan ni Natalie at pinagsasampal.

“Sa tingin mo ba ako pa rin ‘yong batang kinakaya-kaya mo noon?! Malaki na ako! At tumatanda ka na! Subukan mo uling galawin ang kapatid ko. Sisiguraduhin kong titriplehin ko ang balik sa’yo!”

“Tulong!” saklolo ni Janet.

Namataan niya ang isang katulong na nanonood sa gilid. “Anong tinatayo-tayo mo r’yan?! Tumawag ka nang pulis bago pa ako mapatay ng babaeng ‘to!”

Matapos ‘yon ay saktong dumating si Rigor. “Anong nangyayari rito?”

Nang makita niya ang posisyon ng dalawa ay agad siyang tumakbo at hinila si Natalie palayo kay Janet. Napaupo sa sahig si Natalie sa sahig dahil sa pwersa ng kaniyang ama.

“Hindi ka ba talaga nagtatanda, Natalie?! Paano mo nagagawang manakit ng mas nakakatanda sa ‘yo?!”

Umismid at saka ngumisi si Janet saka kumapit sa laylayan ng damit ni Rigor. “Parusahan mo ang babaeng ‘yan!”

Ngunit bago pa makakilos si Rigor at sinalubong na siya ni Natalie gamit ang kaniyang nagbabantang tingin.

“Ang kapal naman ng mukha mong sabihin mas nakakatanda ka pagtapos mong lokohin ang asawa mo, abandonahin ang mga anak mo, at ibenta ang anak mo para lang sa pera! Ipagpapasa-Diyos ko na lang lahat ng katarantaduhang ginawa mo. Karma na ang bahala sa ‘yo.”

Matapos niyang sabihin ‘yon ay nagmamadali siyang lumabas ng mansyon.

Habang tumatakbo siya palayo sa mansyon, nakasalubong siya ng isang itim na Bentley Mulsanne.

Unti-unting siyang napatigil sa pagtakbo. Maya-maya pa’y napalingon na siya at tinanaw ang sasakyang pumarada sa harapan ng mansyon.

Pamilyar ang sasakyang iyon.

Saan niya nga ba nakita ‘yon?
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (26)
goodnovel comment avatar
Darline Malicse
sana araw araw may update po
goodnovel comment avatar
Maila Famanila Pacheco
nakaka excite ang mga susunod na kabanata
goodnovel comment avatar
KingJay Bergantin
ang ganda tlga
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 485

    Natawa si Rigor, puno ng kawalang magawa. Alam niya kung ano ang iniisip ng anak niya dahil ilang beses na silang napunta sa ganitong pag-uusap. “Huwag kang mag-alala. Wala akong hinihinging kapalit sa pagtanggap mo nito.”Yun nga ang problema para kay Natalie. Kapag tinanggap niya ito—wala na raw kondisyon, walang hinihingi, walang kapalit…hindi niya maiwasan na isipin kung kaya ba talaga nitong magbigay ng walang kapalit?Kung pwede bang totoo ito?Hindi makapaniwala si Natalie. Totoong karapatan nila ni Justin ang mga inaalok nito dahil anak sila ni Rigor at sa mata ng batas, Dahil sa nakaraan nito at sa maraming beses na pinilit siya nito, may karapatan siyang magduda. Kailangan niyang magtanong at normal ang magdalawang-isip para sa isang anak na kinawawa noon.“Tigilan mo na ang paglalaro, Rigor. Hanggang dito na lang ang pag-uusap na ‘to. Kung alam ko lang na papupuntahin mo lang ako dito para ipagpilitan ang isang bagay na tinanggihan ko na noon pa man, sana pala, itinulog ko

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 484

    Galit na galit talaga si Mateo at hindi maiwasang isipin ni Natalie na may kinalaman ito sa kanya. Dahil wala naman siyang ibang maisip na dahilan kung bakit magkakaroon ng dahilan na wasakin ni Mateo si Dr. Yu kundi siya.“Nat,” nag-alinlangan si Alex ng matagal bago tuluyang lakasan ang loob para magsalita. “Alam kong hindi ako dapat nakikialam. Pero sa totoo lang, lahat kami naniniwalang mahal ka talaga ni sir. Totoong-totoo ang pagtrato niya sayo.”“Mm.” Tumango si Natalie. Hindi niya iyon itinanggi dahil alam niyang basehan iyon. “Oo, mabait siya sa akin,” aminado s iya. “Pero hindi lang naman ako ang tinatrato niya ng mabuti. Hindi ba mas lalo pa niyang inaalagaan si Irene? Sa totoo lang… sa tingin ko, mas higit pa.”Kinagat na lang ni Alex ang dila niya.**Kinabukasan, day off ni Natalie. Buong linggo niyang hinintay ang isang araw na pahinga. Sa wakas, makakapag-relax din siya. Natulog siya ng mahaba at nagising ng halos tanghali na. Nasa apartment pa rin siya ni Nilly. Bag

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 483

    Napatingin Natalie sa flyer na hawak niya. Tinitigan niya iyon ng maigi. Bukod sa mga kinalat na flyers, may mga ganoon din. Kung sino man ang may pakana ng paglabas ng lahat ng iyon ay may budget. Ang hinala niya, maaaring ang isa sa mga legal na asawa. Tinitigan niya iyon ng maigi. Sa totoo lang, ‘yung mga lalaki ni Dr. Yu—hindi naman sila pangit. Masama lang ang ginawa niya, pero kahit papaano, maganda ang panlasa niya. Masasabi niyang may taste ito sa mga lalaki.Binubuklat pa lang niya ang mga pahina ng biglang may anino sa harap niya—ipinikit niya ang mga mata, hindi siya handa sa presensya nito pero amoy mint at cologne… alam na agad niya kung sino ‘yon kahit na hindi pa siya magtaas ng tingin.Ang buong akala ni Natalie, malilibre ang araw niya dahil hindi nagparamdam sa kanya ang lalaki simula kagabi ng ihatid siya nito sa apartment unit ni Nilly. Nakahinga siya ng maluwag sa pag-aakalang, naintindihan din nito sa wakas na tapos na siya.Pero narito ito ulit.Inagaw nito ang

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 482

    Pagkatapos nilang kumain, tulad ng napagkasunduan nila, inihatid ni Mateo si Natalie sa apartment complex ni Nilly. Gaya ng bilin ng asawa kanina, nauna ng naihatid ni Alex ang mga gamit niya doon.“Nandito na tayo. Aakyat na ako,” paalam ni Natalie, kalmadong kumaway habang patungo sa hagdan patungo sa main entrance ng gusali.Ngunit bigla, may humawak sa kamay niya. Diretsong nakatingin si Mateo sa kanya, walang ekspresyon sa mukha habang nagsasalita. “Sandali lang. Lumang building ito. Sira ang ilaw sa hagdanan. Malamang haggang pasilyo ng floor niyo at wala kayong elevator dito. Paano kung matapilok ka?”Maingat at maalalahanin ito. Pero sa sitwasyon nilang dalawa, kailangan pa ba ito? Hindi na nag-abalang makipagtalo pa si Natalie. Bahala na ang lalaki kung ano ang gusto niyang gawin.Umaasa si Natalie na sana dumating din ang panahon na maiintindihan nito na—hindi ito pagpapakipot lang at hindi ito isang simpleng kaso ng pagseselos. Totoong tapos na siya.**Kinabukasan, tambak

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 481

    Unti-unti nang nabasag ang maingat na pagpipigil ni Mateo. Humalukipkip siya. “Ikaw yata ang hindi nakakaintindi,” aniya sa madiing tono. “Kahit ano pa ang nangyari, wala ‘yun sa pagitan nating dalawa. Walang magbabago at walang nagbago.”“Talaga lang? nasobrahan naman sa pagiging delusyunal ang lalaking ito.” “Baka sayo, oo,” sagot ni Natalie, ang mga labi niya ay nakasimangot. “Pero iba ang tama ng nangyaring iyon sa akin. Aaminin ko—isa kang mabuting tao. Minahal kita. At sa isang punto, magiging ipokrito ako kung hindi ko sasabihin na pinangarap ko pa nga ang isang buhay kasama ka.”“Maganda 'yan.” Dumilim ang mga mata ni Mateo habang tinititigan siya. “Ipagpatuloy mo ang pangarap na ‘yan dahil tutuparin natin ‘yan.”Umiling si Natalie ng dahan-dahan, magaan pero matatag ang tono niya. “Pero bumitaw na ako. Mabuti pang hindi ko na lang hinayaan ang sarili kong maniwala at mangarap na posible ‘yon.”“Natalie, hindi mo kailangan bumitaw.” Humina ang boses ni Mateo at inabot niya an

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 480

    “Dr. Yu, hindi po ‘yon ang ibig kong sabihin...mali po yata ang pagkakaunawa ninyo sa sinabi ko…” pilit na nagpaliwanag si Natalie. Hindi nga sila magka-team ni Dr. Yu—ni hindi niya alam kung sino ang mga pasyenteng hawak nito. Paano niya aayusin ang mga medical records gaya ng inuutos nito sa kanya?“Pwede ba? Tigilan mo nga ‘yang mga rason mo! Wala akong pakialam kung malapit ka sa direktor ng ospital na ito o kung sino ang napangasawa mo.” Inilapat ni Dr. Yu ang mga file sa kamay niya. “Ayusin mo na lang ‘yan! Tigilan mo mga palusot dahil hindi bebenta sa akin ‘yan! Kahit na pagbali-baliktarin mo ang mundo, senior ako at kaya kong utusan ka! May lakad pa ako! pagbalik ko, dapat tapos na ‘yan!”“Sandali lang po, Dr. Yu—”Pero hindi na lumingon ang babae. Lumabas na siya ng opisina dahil naipasa na niya ang trabaho sa iba. Naiwang nakatayo si Natalie doon, hawak ang mga file, litong-lito. Pero ano pa bang magagawa niya? Wala—tinanggap na lang niya ito.Saktong tumunog ang cellphone n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status