Lovebele Bago pa ako makarating sa pinto ng office ni Mamasang. Lumabas na si Scott Miguel galing sa loob. Natigilan ito kaya tumigil sa pinto pagkakita sa ‘kin at walang emosyon sa mata nito pinasadahan ako ng tingin. Alanganin ako kung anong ire-react ko sa kanya. Nagpasya akong ngumiti ngunit hindi niyon tinugon ni Scott kaya napayuko ako sa hiya. Ano ba ang aasahan ko masaya pa ito pagkatapos ko kanina pagsalitan ng hindi kaaya ayang salita. Alangan matuwa pa si Scott sa ‘kin. Sino ba naman ako para pagtiyagaan nito ng oras. Napagtanto nga siguro ni Scott, walang katuturan na pag-aksayahan nito ako ng atensyon ngayon narealize na niya. Nanliliit ako sa aking sarili lalo na roon sa sinabi ng mga customer sa club. Ganito ba talaga ka unfair ng mundo? Bakit? E, gusto ko lang naman kumita para sa dalawa kong kapatid. Kaya kahit hindi ko masikmura ang salitang marinig galing sa mga pumapasok na customer ng Elite club. Pilit kong lulunukin para sa maginhawang buhay para sa dalaw
Lovebele “Kumusta naman ang pag-uusap. Nakita ko si hottorney umuwi na. Hindi ba kayo nagpang-abot sa loob ng office ni, Mamasang?” inulan agad ako ng tanong ni Analisa pagdating ko sa p'westo niya. Umiling ako. Umupo sa kaniyang tabi. Wala yatang customer si Analisa kasi mag-isa lang siya sa table niya. “Ikaw lang solo mo rito?” tanong ko pa sa kaniya. Kasi may apat na empty bottles ng San Mig light sa harapan ni Analisa. Sa kabila naman may beer mga anim na iyon pero iyong pang-amin ay hindi pa ubos ang laman. “Marami ka ng nainom ah. Ang tibay ng beshy ko, huh?” biro ko tinutukoy mga bote sa table na walang laman. “May ka-table ako nag-restroom lang. Mabuti nga dahil makulit daming tanong. Pero kerebels lang dinaan ko na lang sa tawa at tango,” wika pa nito sabay bumungisngis. Ganito rin ginagawa ko kapag ka table ko makulit. “Nag-usap na kayo ni Mamasang? Si hottorney anong sabi?” Tumango ako at umiling. Kasi dalawa ang tanong niya bahala na siya alin ang akma sa sagot
Lovebele Pagbalik ko sa table ni Analisa. May kasama na ito. Nagulat na lang ako ng hindi gaano'n katandaan ang customer ni Analisa at medyo rin may itsura. Pinasama na nila ako sa table. Mukhang mabait naman kaya pumayag ako. “Lisa, kanina pa tayo nag-uusap hindi ko pa naibigay ang pangalan ko. Ako nga pala si Daniel,” pakilala n'ya sa ‘min. “Daniel? As in Daniel Padilla?” biro ni Analisa sa kaniya. Natawa ito nakitawa na rin kami. “Daniel Argilas…e,itong kaibigan mo?” “Belle,” ako na ang nagpakilala sa kaniya. Naging dalawa na kami. Okay naman kausap ang ka table ni Analisa. Madaldal nga lang tama si Analisa tango na lang nakikinig sa mga kwento nito. Katulad na lang ngayon. May offer na trabaho. Naalala ko tuloy si Scott pilit ko na lang iyon inalis sa ‘kin isip. Nagtataka lang ako. Si Sir Daniel ang nag-alok ng trabaho. Pero hindi ako naiinis. Ako na rin ang sumagot customer kasi kaya gano'n. “Mabibigyan ko kayo ng trabaho. Kasi tingin ko sa inyo mabait kayong mag
Lovebele After one month.....Alas-sais pa gising na ako't nakabihis na ng pang-alis. Ang dalawa kong kapatid nakanganga pa sa higaan ng tingnan ko parang mamayang tanghali pa gigising ang dalawa. Kasi ganito sila kapag walang pasok sa school nila.Sabado naman kasi ngayon at walang pasok kaya hinayaan ko na makatulog si Bebeng at Jaya ng mahaba-habang oras. Kapag kasi mayroon pasok. Maaga naman ang dalawa kung gumising bumawi lang sila kapag walang pasok.Ako rin walang pasok mamaya at bukas din. Kasi nagpaalam ako sa Mamasang may lalakarin ako kaya hindi ako papasok mamaya gabi gano'n din bukas ng gabi.Hahanap kasi ako ng p'westo sa naisip kong bakeshop. Gusto ko ganito business ang itayo ko kahit maliit lang dahil mag-uumpisa pa lang naman ako.Mabuti na lang pinayagan ako ni Mamasang. Kasi absent din ang bestfriend kong si Analisa, mamaya. Iba naman ang lakad ni Analisa. Pupunta ito mamayang hapon sa Kuya niya kasama ang Nanay. Birthday kasi ng anak ng Kuya ni Analisa. Sa gabi a
Lovebele “Aga ng gala natin ah?! Anong atin, besh? Nakalimutan mo bang may lakad kami ni Nanay mamaya?” “Hindi ko ‘yon nakalimutan, besh. Kaya nga inagahan ko na pumunta rito upang masamahan mo pa ako,” “Ha, saan naman? Wait! Siya nga pala tumawag ba sa ‘yo si Scott?” tanong nito kaya nasira ang mood ko nakasimangot ako sa kaniya. “Ikaw alam na alam mo talaga paano akong inisin,” saad ko pagkatapos inambahan ko siya ng kamao ko bilang babala na tumahimik siya sa kabubuyo r'yan sa walang paramdam na manok n'yang si Scott Miguel. Hindi ako interesado kung buhay pa ba iyon ngayon. “Inis? Nek-nek mo, Lovebele Lozano. Kung hindi ko pa alam hinahanap-hanap mo si hottorney. Utot nimo Inday, ‘wag ako kabisado ko na ugali mo mga bata pa lang tayo.” “Ikaw lang nagsabi n'yang hinanap ko siya kaya tigilan mo ako Analisa,” Almost one month ng hindi nagparamdam uungkatin pa nitong bestfriend kong salawahan ang loyalty, half kay attorney at nasa 'kin ang kalahati. Maganda nga forlife
Lovebele Mayroon na akong nakitang p'westo para sa itatayo kong bakeshop. Nakapag down na rin ako ng five months rent. Imbis na two months lang. Ginawa ko ng five months para may tatlong buwan pa akong allowance hindi magbabayad ng upa. Sa sunod na linggo mag-o-open na ang bakery ko. Hindi pa ako makapaniwala noong una malapit na akong makapag umpisa sa pangarap kong bakery. Bumili na rin ako ng oven at iba pang kailangan na gamit. May nakuha na rin akong panadero at dalawang kasama ko na all around tindera. Sinabi ko naman na all around sila pansamantala lang kasi kauumpisa lang ng bakery ko. Maaga rin ang pasok. Alas singko y medya at labas naman ay alas-singko ng hapon. Mabuti lang pumayag. Kasi kasama naman nila ako sa tanghali at hanggang alas singko lang naman ng hapon, sarado na kami. Kasi nga papasok pa ako ng alas-siyete ng gabi sa Elite club. Pansamantala lang ito habang nag-u-umpisa pa ang negosyo ko. Kailangan ko pa rin magtrabaho. Dahil trial and error kung baga.
Lovebele “Damn!” pupunta si Scott Miguel, ngayon dahil kina Bea? Okay! Dedmahan kami ngayon. Letsugas siya. Tagal n'yang hindi sa ‘kin nagparamdam pagdating sa iba magiliw siya. Argh! Mariin kong ipinikit ang aking mata dahil slight akong nauurat kay Scott. Lentek lang talaga hottorney ‘wag kang makalapit lapit sa ‘kin dinagdagan mo pa ang kasalanan sa ‘kin. Pagdating ko sa mismong disco house. Tumayo muna ako sa sulok dahil hahanapin ko pa ang bestfriend ko. Nlibot ko ang aking mata. Nakita rin agad ako ni Analisa. Inirapan ko kahit malayo ‘to sa ‘kin. Kasama kasi n'ya si sir Daniel. Kinawayan niya ako. Nakita ko si Sir Daniel kumaway rin sa ‘kin. Aba himala bumalik si Sir Daniel. Nakikita ko masayang nag-uusap ni Analisa. Mukhang nagkakamabutihan ang dalawa ah. Binilisan ko ang lakad. Kaya lang may table akong nadaanan may nakaupo lalaki at bastos. Pinisil ang magkabila kong pag-upo kaya uminit ang ulo ko. Sinampal ko. Pak! Malakas na sampal ang pinadapo ko sa mukha nit
Lovebele “Lovebele, are you sure pupuntahan mo talaga ‘yung lalaki? Bago mo bang suitor?” Tumigil ako upang lalong asarin si Scott. Tamang hinala ang gago hmp! Wala sana akong balak na kausapin si Scott, ngunit hindi ko pa rin natiis lumingon ako nginisihan ko siya. Ayaw pala nito ako pumunta roon kina Daniel, pero siya p'wede kina Bea? Ang unfair naman nito aba. “Selos ka ba, attorney?” wika ko sa kaniya. Tumawa si Scott, subalit dedma ko lang siya. “Puntahan mo na ka date mo. Look, masama ng tingin sa ‘kin. Ayaw ko yatang masabunutan dito dahil lang ayaw mo pa lapitan.” Humakbang palapit sa ‘kin kaya umatras ako mabuti nga tumigil ito. “Bakit baliktad yata, Love…Belle? Parang nakikita ko ikaw ang nagseselos. Aminin mo kasi na miss mo ako,” wika nito hindi pa nabubura ang inis nakikita ko sa mata nito. Lalo na kung titingin doon sa table nila Analisa at kay sir Daniel, nakatingin ang nagbabagang mata ni Scott kay sir Daniel. “Ows? Ikaw nga kaya ang selos na selos. Ayaw mo pa
Belle Nang pagpasok ko sa kuwarto. Siyang paglabas din ni Analisa. Nagkagulatan pa kami sabay pareho na lang kami natawa sa biglaang pasalubong. “Sumigaw na si Jaya naririto na ako hindi mo ba narinig?” tanong ko pa sa kaniya bago siya lumampas sa akin baka lang hindi niya narinig ang kapatid ko ng sabihan siya. “Narinig ko pero akala ko ayaw mo pa pumasok dito kaya nagulat ako,” pinasadahan niya ako ng tingin kaya ngumiti ako para kasing pinag-aaralan nito ang aking hitsura o reaksyon ko basta nasa dalawang iyan parang may gusto rin siyang sabihin sa akin nagdadalawang isip lang. “Makatingin aba. Alam ko naman na halata na ang baby bump ko kaya ‘wag mo na tagalan ang titig diyan,” biro ko lang sa kaniya. “Bagay nga sa iyo besh. Mayroon lang akong napansin na hindi ko matukoy.” Saglit na kumunot ang noo ko kunwari naguluhan ako sa kaniyang sinabi. Pero ang totoo ayaw kong mabasa nito umiyak ako kanina o mayroon akong problema na iniisip. “Luh! Ano naman iyan kakatok naman besh,
Belle “Dumating na pala si ate Love!” saad ni Jaya ng pihitin ko ang pinto pabukas. Sadyang inaabangan ako ni Jaya dahil pagtingin-tingin ito sa pinto kahit nakabukas ang TV nanood ito hindi pa rin nakalilimot tumingin sa pinto. Siya lang ang nasa sala. Nasaan na naman sina kuya Daniel at Analisa. Si Bebeng din wala rin sa sala hindi kasama ni Jaya. Sino naman ang kausap nito bakit binalita niya narito na ako? “Kumusta? Bakit pala ikaw lang ang nandito nasaan ang iba?” tanong ko rito pagkatapos ay lumakad sa kaniya palapit sa kinauupuan ni Jaya. Umupo ako sa tabi niya tumingin ako sa TV. “Ate kumusta rin ang lakad mo? Natapos mo ba? Bakit wala ka naman dala sabi mo mayroon ka lang bibilhin?” “Ahehe oo nga kasi nagbago ang isip ko eh,” anang ko nagkamot ako ng buhok ko. Matandain talaga itong kapatid ko hindi p'wedeng lansiin dahil tatanungin ka ng paulit-ulit hanggang sa mauubusan ako ng isasagot sa kaniya. “Sana pala umuwi ka ng maaga ate. Nag-antay kaya si kuya Scott.
Belle Nkayuko ako at nakatingin sa magkabila kong paa ng mayroon akong makitang dalawang paa tumayo sa harapan ko kaya ako'y nag-angat ng tingin. “Tita Mabel?” mahina kong sambit. Mabuti na lang kumalma na ako. Dapat paalis na ako kung hindi ito ngayon dumating. Seryoso ang mukha ni tita Mabel nakahalukipkip pa sa harapan ko. “Ahm paalis na po ako. Gusto ko lang po sana mangumusta kay Abril. Nakita ko naman na ligtas na siya uuwi na po ako,” tipid ko pang ngiti kahit seryoso si Tita Mabel. Napalunok ako ng pasadahan n'ya ako ng tingin. Wala naman imik. Pero slight akong kabado. Bakit kaya ano ang ibig n'yang ipakahulugan sa kilos niya ngayon nakababahala. “Tita, upo muna kung gusto mo po akong makausap,” magalang kung alok sa kaniya. “Magandang hapon din po tita Mabel,” pagbati ko rin sa kaniya. Wala pa rin itong imik nakataas pa ang kilay niya nakatingin lang sa akin. Ngumiti ako kahit gano'n ang ang pakitungo ni tita Mabel. “Anong ginagawa mo rito?!” may galit din sa b
Belle “Nurse! Gising na ang pasyente,” sigaw ng Tita Mabel ang narinig ko. Napatingin ako sa loob kahit hindi ko sila makikita. “Nurse kapag okay na po. Pakisabi sa tita Mabel. Bisita ako. Si Belle kamo,” bilin ko sa kaniya. “Miss sandali lang ha? Pasensya ka na hanggang dito ka na lang muna,” paalam nito sa akin at nagmamadaling muling pumasok sa loob ng ICU. Malalim akong napabuntong hininga. At least gising na si Abril iyon ang mahalaga sa ngayon. Mag-aantay naman ako kahit mamaya, abutin pa ako ng hating-gabi mag-aantay ako para makausap ito at si tita Mabel. Nag-antay ako sa nakasarado pinto. May maliit iyon na salamin ngunit hindi naman gano'ng makikita ang loob ng ICU. Lalo na kung saan ang p'westo nila tita Mabel lalo na ang kinahihigaan ni Abril. Mabuti na lang may isang mahabang upuan sa gilid. Sandali muna akong nagtungo roon upang umupo habang nag-aantay ng tamang oras kung maaari na akong pumasok. Mahaba pa naman ang oras. Aabot ako mamayang seven ng gabi sa u
Belle “Ate anong oras kami magsasara?” tanong ni Bebeng. Kasi mamaya raw lalabas kaming lahat. dahil treat ni Analisa. Ewan ko kay Analisa bakit galante ngayon at gusto sa restaurant daw kami kumain ng hapunan, kahit pwede naman sa apartment na lang kasi marunong naman akong magluto ngunit mahigpit ang pagtanggi ng bestfriend ko. Minsan ko lang daw siya ngayon makasama tatanggi pa ako sa libre niya. Aayaw pa ba ako e, libre na ng kaibigan ko. Isa pa. Lahat kami i-li-libre daw niya. Kasama pa nga si kuya Daniel sa lakad namin mamaya sumangayon na lamang ako matagal na rin kaming walang bonding ni Analisa kaya pinagbigyan ko ngayon. "Ate Belle, saan ka pala pupunta?" tanong ni Bebeng. "May kikitain lang ako bunso. Uuwi rin naman agad ako sa apartment hindi ako magtatagal." "Dapat ate magpaganda ka na lang eh para sa lakad natin mamaya," "Kakain lang naman tayo kailangan pa ba iyon?" "Oo nga pala maganda ka na ate. Kahit ano naman ang ayos mo gusto ni Kuya Scott," sabi ni
Belle Nagpasya akong umalis ng wala akong nakuhang tawag o text galing kay Scott sa pag-aantay ko sa kaniya sa bahay nila. Ang lungkot naman kasi wala sila rito ako ang mag-isang naiwan kahit sangkaterba ang kasambahay nila. Hindi ko naman sila mga kilala. Sa bahay na lang ako mag-aantay kay Scott upang makausap ito. “Ma'am saan ka po pupunta?” naabutan ko sa living room ang isa nilang kasambahay naglilinis. “Ate uuwi na muna ako. Pakisabihan na lang po si Scott, umuwi na ako sa bahay ha?” bilin ko. “Ayaw mo po antayin?” tanong pa nito tila gusto akong pigilin ngunit naglakad na ako palapit sa pinto. “Hindi ko kasi sigurado kung uuwi iyon agad. Gusto ko sa bahay na muna magpahinga. Salamat sa pag-aalala,” tugon ko sa kaniya at tuluyan ng lumabas ng pinto. Mabuti hindi nag-usisa sa akin ang guwardiya nila Scott ng magpaalam ako lalabas muna. Pagdating ko sa labas ng gate nila Scott. S-sandali lang akong nag-antay ng taxi nakasakay agad ako. Nang nasa taxi na ako hindi k
Belle "Abril! M-my God," nataranta ako sa nangyari. Hindi ko naisip na buntis ako. Dahil nagmamadali akong tumakbo upang tulungan si Abril sa baba. “A-Abril.. Abril gumising ka,” wika ko at iniangat ko ang ulo ni Abril. Nanlaki ang mata ko ng pagtingin ko sa kamay ko umaagos ang dugo sa sugat galing sa ulo ni Abril. Shit may sugat ito kaya siguro nahimatay dahil tumama ang ulo niya. At kung saan ay hindi ko alam. “Tulong! Please tulong!” malakas kong sigaw at sumunod mayroon nagtakbuhan. Sumulpot si tita Mabel at tatlong kasambahay na nanlalaki ang mata nila pagkakita kay Abri. Hindi ako makapagsalita dahil umaapoy ang mata ni tita Mabel. Kahit hindi ko kasalanan pero na-guilty ako sa pagkahulog ni Abril. Lalo pa napuruhan pa ang dalaga. Sana walang masamang mangyari kay Abril dahil habang buhay ko ito dadalhin sa konsensya ko. “Abril,” nauutal na saad ni tita Mabel tumakbo palapit sa dalaga. Nakita ko pa nanginig ang kamay ni tita Mabel sa pagkataranta lalo na hindi pa du
Belle Nang maisuot ko ang binigay ni Scott na boxer short. Nagitla ako ng bigla na lang hinablot sa kamay ko ang hinubad kong undies ko kaya mabilis niyang iyong nakuha sa akin. Malakas na humalakhak ng manlaki ang mata ko at pilit na kinukuha sa kamay niya. Pisti mahilig mang-asar. “Bakit ba? Anong nakakahiya?” tinanong pa ako talaga naman gusto akong asarin. “Scott woi akin na nga ‘yan lalabhan ko,” bulalas ko dahil hawak pa rin niya iyon kahit anong lukso ko hindi ko sa kaniya maagaw. “Ako na ang maglalaba nito mabilis lang ako. H'wag ka ng tumalon. Baka mapaano si baby,” “Paano ayaw mo naman ibigay?!” “Ako na nga makulit naman. Mabuti pa matulog ka na alas-otso na ng gabi bawal sa buntis magpuyat,” Hindi na ako nakapalag ng pangkuin niya ako at maingat na inilapag sa kama. “Nahihiya ka pa rin?” tudyo nito. Aba'y itatanong pa talaga natural ah. “Kung gusto mong mauna matulog, ‘wag mo na akong antayin, love," aniya at mabilis niya akong hinalikan ako sa labi. “Kasi
Belle Tuluyan lang akong hinila ni Scott hindi lang lumingon kina tita Mabel at Abril. Naulinigan ko pa na umiiyak ang dalaga habang pinatatahan ni Tita Mabel. Hindi ko maintindihan ang sinabi ni Tita rito dahil nakalayo na kami ni Scott. Isa pa mahina lang boses ni Tita Mabel halos pabulong lang animo ayaw iparinig sa ‘min ni Scott. Nang makarating kami ng living room. Naabutan pa kami ni tita Mabel at Abril. Nagmamadali si Abril maglakad habang hinahabol ni Tita Mabel sa likuran nito. Hindi naman gaano'n kalayo ang agwat nito ngunit parang may panghili akong nadama. Ang astig ni Abril hinahabol ni tita Mabel dahil lang galit ang dalaga. Tumingin ako kay Scott naramdaman siguro nitong mayroon akong gustong sabihin sa kaniyang kaya pumaling siya ng tingin sa akin. “Uuwi siguro si Abril. Ayaw mo bang kausapin ng maayos? Okay lang aantayin kita rito,” saad ko ngunit mabilis lang umiling si Scott. “Love, kung kakausapin ko siya. Parang binigyan ko lang si Abril ng dahilan para paasa