Share

Kabanata 03

Author: blackbunny
last update Huling Na-update: 2025-10-20 18:20:22

Napakurap-kurap si Tessa bago niya itinaas ang paper bag na hawak niya. “N-nandito ako para isauli sa’yo ang jacket mo, salamat.” Kinuha ni Zander mula sa kanyang kamay ang hawak niyang paper bag.

“Okay... wala ka ng ibang sasabihin sa’kin?” bahagyang nadismaya si Zander.

Tumango naman kaagad si Tessa dahil sa kaba.

Tinalikuran na siya ni Zander at dumiretso na ito patungo sa may elevator.

Natawa naman ang dalawang receptionist nang pinalo ni Tessa ang kanyang noo at pagkatapos sinundan nito si Zander. “Atty Velasquez, gusto ko sanang itanong—” hindi na itinuloy ni Tessa ang kanyang sasabihin nang bumukas ang pinto ng elevator at pumasok na si Zander sa loob. Pumasok din si Tessa sa loob at tumabi pa siya kay Zander.

Saglit na sinulyapan ni Zander si Tessa. Inayos niya ang kanyang damit sa harap ng salamin.

“Hindi ko kukunin ang kaso mo ng tatay mo.” Agad na napatingin si Tessa kay Zander nang magsalita ito. Napalunok naman si Tessa, saka napayuko.

Mukhang alam na nito ang tungkol sa problema ng kanyang pamilya.

“K-kinausap ka na ba ni Liam?” tanong niya sa mahinang tono ng boses.

Tiningnan siya ni Zander sa salamin at ngumiti nang bahagya. “He doesn’t have the guts to talk to me about your father’s case. I also like to keep my public and private life separate from my work,” sabi nito sa kanya.

Naintindihan naman ni Tessa ang ibig niyang sabihin. She was a little embarrassed.

Kahit na pasok naman si Tessa sa kanyang physical standard sa babae, hindi pa rin ito sapat para gawin niyang eksepsyon si Tessa.

Pagdating nila sa 28th floor bumukas na ang elevator. Naghihintay naman ang sekretarya ni Zander sa may tapat ng pinto. Medyo nagulat ito nang makita niya si Tessa sa tabi ng kanyang boss, ngunit hindi nito pinahalata sa kanila.

“Sir, dumating na po si Mr. Tino,” sabi nito kay Zander.

Kaagad na ibinigay ni Zander ang kanyang jacket sa kanyang sekretarya. “Wash it or just send it to the cleaners.”

“Copy, boss. Pupunta na po ako, ngayon din,” paalam nito bago ito umalis.

Yumuko si Zander at tiningnan ang mga mensaheng natanggap niya nang sunod-sunod na tumunog ang notification ng kanyang cell phone.

“Maghanap ka na ng ibang abogado. Hindi ako interesado sa kaso ng tatay mo.... Also, women should wear their belts lightly,” saad nito bago siya iniwan nitong nakatulala.

Napatingin naman si Tessa sa kanyang suot na sinturon bago niya ito inayos. “May pagka-strikto rin pala ang lalaking ‘to. Bagay nga sa kanya ang maging abogado!” wika ni Tessa. Bumaba na siya at umalis na sa kompanyang pinagtatrabahuhan ni Zander.

Tinanggihan na siya ni Zander at wala na siyang magagawa pa roon.

Lalong nababalisa si Tiya Cora sa bahay nila at patuloy na nagrereklamo. Dahil sa sobrang pressure, nakipagkita si Tessa sa kanyang kaklase noon sa kolehiyo na si Ruffa Dela Cruz.

Nagpakasal si Ruffa pagkatapos ng kanilang graduation. Ang asawa nito ay nagmula sa mayamang pamilya na may maraming kakilala at maimpluwensiya.

Humingi si Tessa ng tulong kay Ruffa dahil ito na lamang ang kanyang tanging pag-asa.

Nagkita ang dalawa sa isang coffee shop, at ikinuwento ni Tessa ang buong nangyari. Komportable naman siyang i-share ang kanyang problema kay Ruffa, dahil mapagkakatiwalaan naman ito.

Sinumpa ni Ruffa si Liam, at pagkatapos ilabas ang kanyang galit, tumingin ito ng diretso sa mga mata ni Tessa. “Wala talagang nangyari sa inyo ni Atty. Velasquez noong gabing ‘yon?" mapanuksong tanong nito sa kanya.

Umiling si Tessa at biglang namula ang kanyang mga pisngi, at napainom din siya sa kanyang kape.

“Huwag ka munang sumuko, Tessa. Mataas talaga ang standard ni Atty. Velasquez, kaya siya ganyan. Pero ikaw pa ba? Kayang-kaya mo ‘yan,” hininaan ni Ruffa ang kanyang boses.

Mapait na ngumiti si Tessa. “Wala na akong ibang pagpipilian, Ruffa. Sa tono ng boses niya kanina? Wala talaga siyang balak na tulungan ako sa kaso ng papa ko.”

Napaisip si Ruffa at maya-maya lang ay ngumiti ito kay Tessa. Gagamitin ni Ruffa ang kanyang koneksyon upang mapalapit si Tessa kay Zander.

Alas tres ng sabado ng hapon, nakipagkita si Zander sa isang importanteng tao para maglaro ng golf sa club.

Sinundan ni Tessa si Ruffa at ang asawa nito, at nagulat siya nang makita niya roon si Liam.

Kinurot nang malakas ni Ruffa ang kanyang asawa. “Dapat inalam mo muna kung pupunta rin ba si Liam o hindi. Paano makakadiskarte si Tessa kung nandito ang mokong na lalaking ‘yan?”

“Pasensya ka na, Tessa. Hindi ko alam na nandito rin pala si Liam,” taos-pusong humingi ng paumanhin ang asawa ni Ruffa na si Brent.

Magsasalita na sana si Tessa nang makita niyang nakatingin sa kanilang direksyon si Zander. He was wearing a white casual golf suit. He felt like a star among the crowd.

Lumapit ito sa kanila at sina Ruffa at ang asawa lamang nito na si Brent ang binati ni Zander. Malawak ang ngiti sa mga labi ni Brent.

Napatingin naman si Zander sa suot ni Tessa. White loose t-shirt at light gray na sports short ang suot ngayon ni Tessa. Ang kanyang kulay brown at bahagyang kulot na mahabang buhok ay nakatali ng bun, na nagdaragdag ng kaunting alindog sa kanyang presko na hitsura. Tiningnan ni Zander ang makikinis at mapuputing binti ni Tessa. Literal na sinuri nito ang kanyang buong katawan, kaya nakaramdam ng pagkailang si Tessa.

“I haven’t seen this person before,” sabi ni Zander.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Attorney Zander Velasquez Excessively Adores Me   Kabanata 12

    Hindi naglakas-loob si Carl na tumanggi kay Zander. Bagama’t magkaedad lamang sila ni Zander, hindi maikakaila ang agwat ng kanilang kakayahan. Si Zander ay isa sa pinakatanyag na abogado sa bansa—matatag ang presensiya, kalmado ang kilos, at taglay ang uri ng kumpiyansang nakakatakot sa sinumang kaharap. Isang titig lang mula sa kanya ay sapat na upang manahimik ang lahat. Bago siya lumabas, kumindat muna si Carl kay Tessa. “Hihintayin kita sa kotse,” aniya, tila magaan ang tono ngunit may bahid ng babala sa pagitan ng mga salita. Ngumiti si Tessa, pilit at banayad, ngunit ramdam niya ang matinding kabog ng kanyang dibdib. Pagkaalis ni Carl, napansin ng isa sa mga opisyal ang tensyon sa paligid, kaya umalis na muna ito at umakyat sa taas. At sa isang iglap, naiwan sina Tessa at Zander sa loob ng silid. Tahimik at mabigat ang hanging dumadagundong sa kanyang dibdib. Si Zander ay nakaupo pa rin, nakayuko habang pinapaikot ang sigarilyong hindi pa sinisindihan sa pagitan ng k

  • Attorney Zander Velasquez Excessively Adores Me   Kabanata 11

    Pagkarinig sa tanong ni Zara, tila biglang humigpit ang hangin sa paligid. Ang dating magaan na pag-uusap ay napalitan ng nakakabinging katahimikan. Ramdam ni Tessa ang biglang paglingon ng lahat sa kanya; nag-init ang kanyang pisngi sa hiya, habang pilit niyang pinanatili ang kalmado niyang mukha.Bago pa man makasagot si Liam na halatang pinipigilan ang kanyang inis, isang mahinang tawa ang umalingawngaw. Si Carl iyon, nakasandal sa upuan. “Tessa is my friend, kaya syempre kilala siya ni Liam, ‘di ba, bro? Pero Zara… huwag kang mag-alala. Si Liam, loyal na loyal ‘yan sa’yo!” may bahid na biro sa tinig habang sinabing may halong kaseryosohan.Habang binibitawan niya ang mga salitang iyon, sumulyap siya kay Liam, at sa sulyap na iyon, mas malinaw pa sa anumang salita ang kanyang panunukso. Biglang dumilim ang mukha ni Liam. Walang sabi-sabing hinawakan niya sa braso si Zara at mahigpit na inakay palayo habang tuwid ang likod at malamig ang mga mata nito.“What is wrong with you?” Dini

  • Attorney Zander Velasquez Excessively Adores Me   Kabanata 10

    Sa mga sumunod na araw, naging abala si Tessa sa pag-aasikaso ng kaso ng kanyang ama.Nakilala na rin niya si Atty. Arthur Madrid, isang batikang abogado na kilala sa pagiging mahinahon ngunit matalas mag-isip. Ilang beses pa lang silang nagkikita, pero agad nitong naunawaan ang takbo ng kaso at kung paano ito lalapitan.Sa maluwang at maliwanag na opisina, sinuri ni Arthur ang mga dokumentong inihanda ni Tessa. Pagkatapos ay ngumiti ito ng magaan.“Since you were introduced by Zander, I'll give you the bottom line. To be optimistic, the sentence could be reduced to two years.”Bahagyang napayuko si Tessa. Magkahalong ginhawa at pangamba ang naramdaman niya. Dalawang taon—maikli, ngunit hindi pa rin gaanong madali.Nakaupo nang kampante si Atty. Madrid, nakasandal at nakahalukipkip, bago muling ngumiti: “Zander has already asked me for help, but why doesn't he take on this case himself? Kung siya mismo ang hahawak ng kaso, malaki ang posibilidad na tuluyang maabsuwelto ang ‘yong ama.”

  • Attorney Zander Velasquez Excessively Adores Me   Kabanata 09

    Sa wakas, nagpakita rin ng kaunting kababaang-loob si Zander. Maingat niyang itinuwid ang laylayan ng palda ni Tessa at tinangkang ibutones iyon para sa kanya.“A-ako na,” mahina ngunit nanginginig na sabi ni Tessa.Sinubukan niyang isara ang maliit na butones—kasinglaki lamang ng isang butil ng bigas, ngunit dumudulas ito sa pagitan ng kanyang mga daliri. Sa huli, si Zander na rin ang nagkusa. Maingat nitong isinara ang butones, at pagkatapos ay muli itong humingi ng tawad sa kanya.Bilang kabayaran sa abalang dinulot niya, tinawagan mismo ni Zander si Atty. Arthur Madrid upang ipaliwanag ang kalagayan ng ama ni Tessa.Hinahangaan ni Arthur Madrid si Zander bilang kanyang nakababatang kasamahan, kaya’t hindi na siya nagdalawang-isip nang pakiusapan ito ni Zander. Kaagad siyang pumayag at itinakda ang araw ng pagkikita nila Tessa upang talakayin ang kaso ng ama nito.Matapos ang ilang minutong pakikipag-usap, ibinaba ni Zander ang telepono. Umupo siya sa likod ng kanyang mesa, nagsind

  • Attorney Zander Velasquez Excessively Adores Me   Kabanata 08

    Pagmulat ng mga mata ni Tessa, naramdaman niyang nakasandal pala siya sa balikat ni Zander. Mahigpit ang pagkakahawak ng malaking kamay nito sa kanyang baywang—hindi masakit, ngunit sapat para maramdaman niya ang init at bigat ng presensiya ng lalaki.Bahagya siyang huminga nang malalim, naamoy ang halimuyak ng aftershave at banayad na amoy ng mamahaling pabango—isang samyo ng kahoy, malinis at pamilyar. Para bang ang bawat hinga niya ay unti-unting dinadala sa mundong tanging si Zander lang ang laman.Tahimik ang infusion room, maliban sa mahinang boses ng lalaki habang may kausap sa telepono. Mababa at matatag ang tono nito, halatang may bigat ang pinag-uusapan.Kahit alam niyang hindi dapat tumanggap ng tawag sa loob ng silid, walang sinumang naglakas-loob na sumita. Ang mga pasyente at nurse sa paligid ay napapatingin sa kanya, tila nahihipnotismo ng presensiya ni Zander—ang tikas, ang boses, ang aura nitong kay hirap tablan.Matapos ang tawag, ibinaba ng lalaki ang telepono at na

  • Attorney Zander Velasquez Excessively Adores Me   Kabanata 07

    Pag-uwi ni Tessa, nadatnan niyang nagsisindi ng insenso ang kanyang Tiya Cora sa altar. Pagkakita nito sa kanya, sumilay agad ang pag-asa sa mga mata ng matanda—tila umaasang may magandang balita itong iuuwi.Ngunit nang makita ang maputlang mukha ni Tessa at ang marahang pag-iling nito, agad din na nawala ang ngiti sa labi ni Tiya Cora. Saglit siyang napapikit, tila pinipigilan ang sarili na magalit o magsalita ng masakit. Sa huli, pinili niyang lunukin ang inis.“Basang-basa ang damit mo,” mahinahong sabi ni Tiya Cora. “Maligo ka muna at magpalit ng damit. Baka magkasakit ka pa niyan.” dagdag pa nito.Tumango lang si Tessa, halos walang boses.Pagkatapos niyang maligo at uminom ng gamot, ramdam pa rin niya ang ginaw sa katawan. Nang lumipas ang ilang oras, nagsimula na rin siyang makaramdam ng pagkahilo—at bago pa man niya namalayan, nilalagnat na pala siya.Pagsapit ng alas-dose ng hatinggabi, nag-ring ang kanyang cellphone. Si Ruffa iyon, sabik na sabik malaman ang totoong nangyar

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status