LOGINNagkatinginan naman sina Ruffa at Brent, saka sinabayan ni Brent ang trip ni Zander. “Her name is Tessa Morales, kaklase siya noon ng asawa ko sa kolehiyo. Isa rin siyang talented piano teacher.”
Bahagyang tumawa si Zander. “Ahh... ikaw pala si Teacher Tessa. Nice to meet you, Teacher Tessa.” Inilahad pa ni Zander ang kanyang kamay sa harapan ni Tessa. Walang nagawa si Tessa kundi ang makipagkamay na lamang kay Zander kahit hindi niya gusto ang trip ng lalaki. “Nice to meet you rin, Atty. Zander.” Pilit na ngumiti si Tessa. Napangiti si Zander nang maramdaman nito ang malambot na kamay ni Tessa. “Teacher Tessa, let’s play golf?” tanong nito sa kanya bago nito bitawan ang kanyang kamay. Naglakad si Zander patungo sa court, na para bang hindi niya papayagan na tumanggi sa kanya si Tessa. Walang nagawa si Tessa kundi ang sumunod na lang. Sa likuran ni Zander, naroon si Liam na may hawak na golf club na madilim ang anyo ng mukha nito. “Ang totoo... hindi ako marunong maglaro ng golf,” pag-amin ni Tessa nang makalapit na siya kay Zander. Good mood ngayon si Zander kaya hindi siya nainis sa sinabi ni Tessa. “Don’t worry, I am willing to teach you,” sabi nito sa kanya. Hindi naman ganoon ka-tanga si Tessa. Alam niyang ang pagiging malapit ni Zander sa kanya ay nagpapatunay lamang ng isang bagay—hindi nito gusto si Liam. “Tama kaya ang hinala ko na ayaw ni Zander kay Liam? Ayaw kaya niyang ito ang makatuluyan ng kanyang kapatid?” tanong ni Tessa sa kanyang sarili. Si Tessa ay tumayo sa harap ni Zander, hinayaan niyang yakapin siya nito mula sa kanyang likuran. She’s wearing a gym shorts, revealing a large section of her fair legs pressed against him. She could even feel the heat from his body. Biglang uminit ang buong mukha ni Tessa. “Pay attention, Teacher Tessa,” bulong nito sa kanyang tainga. Bahagyang nagulat si Tessa sa ginawa ni Zander. Para silang magkasintahan na habang naglalaro, nagbubulung-bulungan. Hinawakan ni Zander ang kanyang kamay at iwinagayway nito ang club. May mga taong nagpapalakpakan sa paligid. “Tingnan n’yo, bagay na bagay silang dalawa ni Atty. Velasquez, ‘di ba? Ang swerte naman ng girl.” Mas lalong nag-init ang mga pisngi ni Tessa nang marinig niya ang sinabi ng babae. “Perfect match nga sila,” pagsang-ayon naman nang isa. “It’s because of Atty. Velasquez. Tingnan n’yo nga iyong girl. Halata naman na hindi siya marunong mag-golf, haler! First timer ata iyang babae na ‘yan dito,” komento naman nang isa. “One more swing from Atty. Velasquez, and he will be in the hole!” Naramdaman ni Tessa ang pag-iling ni Zander nang may biglang sumigaw mula sa kanilang likuran. Idinikit ni Zander ang kanyang ulo sa malambot na tainga ni Tessa at bahagya itong tumawa, “Gusto mo bang subukan ulit natin, Teacher Tessa?” tanong nito sa kanya. Talagang magaling maglaro si Zander ng golf. He has a good skills and he can hit a hole in just one try. Muling nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. Halatang puno ng enerhiya ang katawan ni Zander. Today, she clearly intended to seduce him, but he manipulated her at will. May kutob siya na kung gustong makipaglandian sa kanya si Zander, 95% ng mga babae ay hindi makakatanggi sa charm ng lalaki. Ngunit hindi basta-basta ibababa ng isang lalaki na may katayuan sa sarili. Tessa was held in his arms as he scored several more goals. Pagkatapos ng kanilang paglalaro, nagpahinga muna silang lahat. Umupo si Tessa sa tabi ni Zander. Ngunit, hindi siya gaanong pinapansin ni Zander, dahil abala ito sa pakikipag-usap sa ibang tao tungkol sa trabaho. Nainip si Tessa kaya naman inabutan niya ng tubig si Zander at kumuha na rin siya ng pamunas nito. Tinanggap din naman ito ni Zander ng walang pag-aalinlangan. Palihim na kinilig si Ruffa kina Tessa at Zander, at mas lalong nabuhayan ang loob nito na tulungan pa ang kanyang kaibigan. Hinila ni Ruffa si Tessa papunta sa banyo. “I never thought na ganoon ka galing maglaro slash magpakilig si Atty. Velasquez. Nakita ko na siya ng ilang beses sa mga party dati, pero palaging seryoso ang kanyang mukha—ngayon lang ang hindi,” saad ni Ruffa gamit ang mahinang tono ng boses nito bago ito natahimik. Natatakot si Ruffa na baka mapaso si Tessa sa paglalaro ng apoy kay Zander, dahil sa katayuan ni Zander, malamang na hindi niya papakasalan si Tessa, at saka, may Liam din sa pagitan nilang dalawa. Nakuha kaagad ni Tessa ang mga makahulugang tingin sa kanya ni Ruffa. “Don’t worry about me, Ruffa. Hindi naman ako ganoon ka-tanga.” Napanatag na ang loob ni Ruffa. Lalabas na sana silang dalawa sa banyo nang biglang itulak ni Liam ang pinto at dali-dali itong pumasok sa loob. Pagkapasok niya, itinulak niya si Tessa sa pader na may madilim na anyo sa kanyang mukha. “Liam, wala na kayo ni Tessa. Tigilan mo na siya!” Biglang nataranta si Ruffa, tinulak nito si Liam at dali-dali niyang hinablot ang kamay ni Tessa at lumayo silang dalawa kay Liam. Mabilis na tumayo si Liam at hinarangan nito ang kanilang dadaanan, pagkatapos tinulak nito si Ruffa palabas ng banyo. Ni-lock na rin nito ang pinto upang hindi makapasok sa loob si Ruffa. Sa labas, desperadong kinakalampag ni Ruffa ang pinto ng banyo, “Liam, you bastard! Anong klaseng lalaki ka kung nambu-bully at nananakit ka ng babae?! Wala ka ng karapatan kay Tessa… gago ka!” Malakas na sigaw ni Ruffa mula sa labas, ngunit hindi siya pinag-aksayahan ng oras ni Liam. Lalong natakot si Ruffa sa naiisip niya, dahil sa sobrang selos, baka patayin na ni Liam si Tessa dahil sa nakita niya kanina.Hindi naglakas-loob si Carl na tumanggi kay Zander. Bagama’t magkaedad lamang sila ni Zander, hindi maikakaila ang agwat ng kanilang kakayahan. Si Zander ay isa sa pinakatanyag na abogado sa bansa—matatag ang presensiya, kalmado ang kilos, at taglay ang uri ng kumpiyansang nakakatakot sa sinumang kaharap. Isang titig lang mula sa kanya ay sapat na upang manahimik ang lahat. Bago siya lumabas, kumindat muna si Carl kay Tessa. “Hihintayin kita sa kotse,” aniya, tila magaan ang tono ngunit may bahid ng babala sa pagitan ng mga salita. Ngumiti si Tessa, pilit at banayad, ngunit ramdam niya ang matinding kabog ng kanyang dibdib. Pagkaalis ni Carl, napansin ng isa sa mga opisyal ang tensyon sa paligid, kaya umalis na muna ito at umakyat sa taas. At sa isang iglap, naiwan sina Tessa at Zander sa loob ng silid. Tahimik at mabigat ang hanging dumadagundong sa kanyang dibdib. Si Zander ay nakaupo pa rin, nakayuko habang pinapaikot ang sigarilyong hindi pa sinisindihan sa pagitan ng k
Pagkarinig sa tanong ni Zara, tila biglang humigpit ang hangin sa paligid. Ang dating magaan na pag-uusap ay napalitan ng nakakabinging katahimikan. Ramdam ni Tessa ang biglang paglingon ng lahat sa kanya; nag-init ang kanyang pisngi sa hiya, habang pilit niyang pinanatili ang kalmado niyang mukha.Bago pa man makasagot si Liam na halatang pinipigilan ang kanyang inis, isang mahinang tawa ang umalingawngaw. Si Carl iyon, nakasandal sa upuan. “Tessa is my friend, kaya syempre kilala siya ni Liam, ‘di ba, bro? Pero Zara… huwag kang mag-alala. Si Liam, loyal na loyal ‘yan sa’yo!” may bahid na biro sa tinig habang sinabing may halong kaseryosohan.Habang binibitawan niya ang mga salitang iyon, sumulyap siya kay Liam, at sa sulyap na iyon, mas malinaw pa sa anumang salita ang kanyang panunukso. Biglang dumilim ang mukha ni Liam. Walang sabi-sabing hinawakan niya sa braso si Zara at mahigpit na inakay palayo habang tuwid ang likod at malamig ang mga mata nito.“What is wrong with you?” Dini
Sa mga sumunod na araw, naging abala si Tessa sa pag-aasikaso ng kaso ng kanyang ama.Nakilala na rin niya si Atty. Arthur Madrid, isang batikang abogado na kilala sa pagiging mahinahon ngunit matalas mag-isip. Ilang beses pa lang silang nagkikita, pero agad nitong naunawaan ang takbo ng kaso at kung paano ito lalapitan.Sa maluwang at maliwanag na opisina, sinuri ni Arthur ang mga dokumentong inihanda ni Tessa. Pagkatapos ay ngumiti ito ng magaan.“Since you were introduced by Zander, I'll give you the bottom line. To be optimistic, the sentence could be reduced to two years.”Bahagyang napayuko si Tessa. Magkahalong ginhawa at pangamba ang naramdaman niya. Dalawang taon—maikli, ngunit hindi pa rin gaanong madali.Nakaupo nang kampante si Atty. Madrid, nakasandal at nakahalukipkip, bago muling ngumiti: “Zander has already asked me for help, but why doesn't he take on this case himself? Kung siya mismo ang hahawak ng kaso, malaki ang posibilidad na tuluyang maabsuwelto ang ‘yong ama.”
Sa wakas, nagpakita rin ng kaunting kababaang-loob si Zander. Maingat niyang itinuwid ang laylayan ng palda ni Tessa at tinangkang ibutones iyon para sa kanya.“A-ako na,” mahina ngunit nanginginig na sabi ni Tessa.Sinubukan niyang isara ang maliit na butones—kasinglaki lamang ng isang butil ng bigas, ngunit dumudulas ito sa pagitan ng kanyang mga daliri. Sa huli, si Zander na rin ang nagkusa. Maingat nitong isinara ang butones, at pagkatapos ay muli itong humingi ng tawad sa kanya.Bilang kabayaran sa abalang dinulot niya, tinawagan mismo ni Zander si Atty. Arthur Madrid upang ipaliwanag ang kalagayan ng ama ni Tessa.Hinahangaan ni Arthur Madrid si Zander bilang kanyang nakababatang kasamahan, kaya’t hindi na siya nagdalawang-isip nang pakiusapan ito ni Zander. Kaagad siyang pumayag at itinakda ang araw ng pagkikita nila Tessa upang talakayin ang kaso ng ama nito.Matapos ang ilang minutong pakikipag-usap, ibinaba ni Zander ang telepono. Umupo siya sa likod ng kanyang mesa, nagsind
Pagmulat ng mga mata ni Tessa, naramdaman niyang nakasandal pala siya sa balikat ni Zander. Mahigpit ang pagkakahawak ng malaking kamay nito sa kanyang baywang—hindi masakit, ngunit sapat para maramdaman niya ang init at bigat ng presensiya ng lalaki.Bahagya siyang huminga nang malalim, naamoy ang halimuyak ng aftershave at banayad na amoy ng mamahaling pabango—isang samyo ng kahoy, malinis at pamilyar. Para bang ang bawat hinga niya ay unti-unting dinadala sa mundong tanging si Zander lang ang laman.Tahimik ang infusion room, maliban sa mahinang boses ng lalaki habang may kausap sa telepono. Mababa at matatag ang tono nito, halatang may bigat ang pinag-uusapan.Kahit alam niyang hindi dapat tumanggap ng tawag sa loob ng silid, walang sinumang naglakas-loob na sumita. Ang mga pasyente at nurse sa paligid ay napapatingin sa kanya, tila nahihipnotismo ng presensiya ni Zander—ang tikas, ang boses, ang aura nitong kay hirap tablan.Matapos ang tawag, ibinaba ng lalaki ang telepono at na
Pag-uwi ni Tessa, nadatnan niyang nagsisindi ng insenso ang kanyang Tiya Cora sa altar. Pagkakita nito sa kanya, sumilay agad ang pag-asa sa mga mata ng matanda—tila umaasang may magandang balita itong iuuwi.Ngunit nang makita ang maputlang mukha ni Tessa at ang marahang pag-iling nito, agad din na nawala ang ngiti sa labi ni Tiya Cora. Saglit siyang napapikit, tila pinipigilan ang sarili na magalit o magsalita ng masakit. Sa huli, pinili niyang lunukin ang inis.“Basang-basa ang damit mo,” mahinahong sabi ni Tiya Cora. “Maligo ka muna at magpalit ng damit. Baka magkasakit ka pa niyan.” dagdag pa nito.Tumango lang si Tessa, halos walang boses.Pagkatapos niyang maligo at uminom ng gamot, ramdam pa rin niya ang ginaw sa katawan. Nang lumipas ang ilang oras, nagsimula na rin siyang makaramdam ng pagkahilo—at bago pa man niya namalayan, nilalagnat na pala siya.Pagsapit ng alas-dose ng hatinggabi, nag-ring ang kanyang cellphone. Si Ruffa iyon, sabik na sabik malaman ang totoong nangyar







