Share

Kabanata 02

Penulis: blackbunny
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-20 18:19:27

Pagpasok ni Tessa sa loob ng bahay nila, nakita niya ang kanyang Tiya Cora na nakaupo sa sofa at tila tulala ito. Pula ang mga mata nito, na para bang kagagaling lang nito sa pag-iyak.

Inilibot ni Tessa ang kanyang tingin sa buong paligid, at hindi niya maiwasang magtanong, “Ano ang nangyari Tiya Cora? Nasaan si Papa?”

Ang kanyang Tiya Cora ay ang pangalawang asawa ng kanyang ama.

Nang marinig nito ang kanyang tanong, hindi nito napigilang ang sarili na magmura.

“Talagang walang utang na loob iyang si Liam! Ang lupit-lupit niya!” galit na sigaw ng kanyang tiya. “Noong mga nakaraang taon, noong lugmok na lugmok ang pamilya Torres, nanatili ka sa tabi niya at hindi mo siya kailanman iniwan. Tapos ngayong nakabawi na siya, hindi lang ikaw ang kinawawa niya, gusto pa niyang ipakulong ang tatay mo. Nasa detention center ngayon ang tatay mo, Tessa.” dagdag pa nito na ikinagulat ni Tessa.

“Tessa, matagal ko nang sinasabi sa iyo na hindi si Liam ang para sa’yo, pero ayaw mong makinig sa aking bata ka,” patuloy siyang pinagsasabihan ng kanyang Tiya Cora.

Hindi makagalaw si Tessa, pinoproseso pa rin ng kanyang utak ang mga nangyari.

“Huwag kang mag-alala, Tiya Cora... s-susubukan kong kausapin s-si Liam,” aniya.

Dinial niya ang numero ni Liam at kaagad din naman nitong sinagot ang kanyang tawag, saka pinindot ni Tessa ang loud speaker button upang marinig din ng kanyang tiya ang mga sasabihin ni Liam sa kanya.

Sinubukang pakalmahin ni Tessa ang kanyang sarili. “Liam, naghiwalay na tayo. Nakikiusap ako sa’yo, huwag mo nang idamay ang papa ko,” diretsahang sabi niya.

Ngumisi si Liam sa kabilang linya. “Mananagot ang dapat na managot, Tessa. May ginawang kasalanan ang papa mo, at dapat siyang ikulong.”

“Liam, please... nakikiusap ako sa’yo. Palayain mo na ang papa ko,” pagmamakaawa niya rito.

“Sure, madali naman akong kausap—alam mo ‘yan. May isa pang paraan, depende kung papayag ka, Tessa,” sabi nito sa kanya.

“A-ano iyon?” kinakabahan na tanong niya rito.

“Susundin mo ang lahat ng sasabihin ko sa loob ng limang taon, at palalayain ko si Tito Roy... at kapag hindi ka sumunod sa akin... alam mo na kung ano ang mangyayari sa papa mo,” dugtong pa nito.

Natigilan si Tessa. Hindi niya inaasahan na magiging ganoon kawalanghiya si Liam. Gusto pa rin siyang angkinin nito kahit wala na silang relasyon.

"Liam Torres, you really make me sick! Sumusobra ka na. Hindi pa rin ba sapat sa’yo na niloko at sinaktan mo ako?!” Nanginginig na sa galit si Tessa.

“Bakit, sino ba ako, Tessa? Hindi ba matagal mo na akong kilala?” tanong nito sa kanya.

Nagngangalit ang mga ngipin ni Tessa dahil sa galit. “Hindi ako susunod sa’yo, tandaan mo ‘yan! Itatak mo iyan sa maliit mong utak!” sigaw ni Tessa kay Liam mula sa kabilang linya.

Narinig niyang tumawa si Liam, “Kung gano’n, maghanda ka nang kumuha ng abogado para kay Tito Roy! Tessa, huwag mo akong sisihin dahil pinapili na kita. Ang ganitong kalaking halaga ng pera ay magreresulta sa hindi bababa sa sampung taon sa kulungan. Dalawin mo na lamang ang iyong ama sa kulungan.”

Ngumisi si Tessa, “Kukuha ako ng pinakamagaling na abogado rito sa pinas!” mariin niyang sabi.

“Si Zander Velasquez ba ang tinutukoy mo?” Kalmadong ngumiti si Liam, “Tessa, nakalimutan mo na ba na siya ang magiging bayaw ko? Tutulungan ka kaya niya sa kaso ng ama mo?” Tinawanan siya nito.

Nakaramdam ng lamig si Tessa mula ulo hanggang sa kanyang mga paa.

“Hihintayin kong magmakaawa ka sa akin, Tessa,” mahinang sinabi ni Liam.

Pagkababa pa lang ni Tessa ng telepono, malakas na nagmura ang kanyang Tiya Cora, “Putangina talaga ang lalaki na ‘yan!” Nilapitan ni Tessa ang kanyang tiya at pagkatapos hinagod niya ang likod nito upang pakalmahin ito. “Sino ba siya sa inaakala niya?! Kahit na mapahamak ang pamilya natin, hindi namin hahayaang sirain ka niya,” dagdag pa na sabi ng kanyang tiya. Napabuntong-hininga naman si Tessa.

Nagsimulang umiyak ang kanyang Tiya Cora habang nagsasalita ito: “Ang abogadong ‘yon na si Zander Velasquez ay bayaw ng walang utang na loob na lalaking ‘yon. Paano natin siya mapapapayag na tulungan tayo sa kaso ng papa mo? Tessa, mag-isip ka ng paraan.”

Ibinaba ni Tessa ang kanyang tingin. Pagkatapos ng ilang sandali, “Nakilala ko na si Atty. Zander Velasquez, tiya. Susubukan ko na kausapin siya,” mahinang sabi ni Tessa.

Naamoy ng kanyang tiya na amoy alak siya at nakita nito ang panlalaking jacket na suot niya, kaya pinapasok na siya nito sa kanyang kuwarto para makapagpahinga.

Kinabukasan din ay maagang gumising si Tessa, susubukan niyang kausapin si Zander. Hindi rin naging madali para sa kanya na makita si Zander.

Sa lobby ng TOP Law Firm, sinubukan ni Tessa na magtanong sa receptionist: “I’m sorry, ma’am, pero hindi ko po kayo maaaring papasukin nang walang appointment.”

Pinagsisihan ni Tessa na hindi niya tinanggap ang business card na binigay sa kanya ni Zander kagabi.

“Kung magpapa-appointment ako ngayon, kailan ko makikita si Mr. Velasquez?” tanong niya sa babae.

“It will take at least two weeks po, ma’am,” sabi nito sa kanya pagkatapos nitong i-check.

Hindi maiwasan ni Tessa na makaramdam ng kaunting pagkabalisa.

Maya-maya lang ay bumukas ang pinto ng elevator at lumabas ang isang lalaki at isang babae. Ang lalaking lumabas ay si Zander, nakasuot ito ng klasikong itim at puting suit, na mukhang maayos at eleganteng tingnan. The woman is a hot lady in her early 30s.

Nakita ni Zander si Tessa pagkalabas pa lang niya ng elevator, ngunit umakto siya na parang hindi niya ito kilala at inihatid muna niya ang kanyang kliyente palabas.

Nakipagkamay siya sa babae para magpaalam. Ang boses ng babae ay kaakit-akit at charming.

“Thank you so much, Atty. Velasquez. Kung hindi ikaw ang nilapitan ko, baka hindi ako nagkaroon ng maayos na divorce at share ng mga property. Napakakuripot ng lalaking iyon pagdating sa akin, simula noong makahanap siya ng bago niyang lolokohin,” sabi nito sa kanya.

Ngumiti si Zander, “Ginagawa ko lamang po ang trabaho ko.”

“Atty. Velasquez, gusto mo bang uminom mamayang gabi?” tanong nito kay Zander.

Dumapo ang tingin ni Tessa sa magandang babae, at karamihan sa mga lalaki ay hindi siya matatanggihan.

Zander is not an ordinary man. Tumingin siya sa kanyang relo. “Pasensya na, may date kasi ako mamayang gabi,” magalang niyang tinanggihan ang babae.

Tumango ang babae at lumabas na ito, pagkatapos sumakay ng kanyang kotse at umalis.

Sinadya ni Zander na huminto sa may front desk.

Tumingin siya kay Tessa, “Did you changed your mind?”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Attorney Zander Velasquez Excessively Adores Me   Kabanata 05

    Mula simula hanggang dulo, walang kapangyarihan si Tessa na lumaban, katulad ng kanilang naglalahong pagmamahal sa isa’t isa.Tiningnan niya si Liam na may pagkamuhi sa kanyang mga mata.Binitiwan siya ni Liam at umismid ito, “Gusto mong mapalapit kay Atty. Velasquez? Do you really think that you have the ability to satisfy him? Everyone knows that he has a high standards, at hindi siya basta-basta na lang nakikipagrelasyon sa kung kani-kaninong babae—lalo na sa mga kagaya mo. Alam mo ba na sa tuwing hinahalikan kita para kang istatuwa sa sobrang tigas? Ni-hindi ka nga marunong humalik, Tessa! Kakayanin mo kaya kung huhubaran ka ng isang lalaki?”Dahil sa mga masasakit na salita na sinabi ni Liam, hindi na ito magawang tingnan ni Tessa.Napalunok si Tessa, “Problema ko na ‘yon, wala kang pakialam! Buhay ko ‘to!” bakas sa tono ng boses ni Tessa ang galit.Tinitigan siya ni Liam. “O baka naman hindi mo lang ako makalimutan, at sinasadya mong lapitan si Atty. Velasquez para pagselosin ak

  • Attorney Zander Velasquez Excessively Adores Me   Kabanata 04

    Nagkatinginan naman sina Ruffa at Brent, saka sinabayan ni Brent ang trip ni Zander. “Her name is Tessa Morales, kaklase siya noon ng asawa ko sa kolehiyo. Isa rin siyang talented piano teacher.”Bahagyang tumawa si Zander. “Ahh... ikaw pala si Teacher Tessa. Nice to meet you, Teacher Tessa.” Inilahad pa ni Zander ang kanyang kamay sa harapan ni Tessa.Walang nagawa si Tessa kundi ang makipagkamay na lamang kay Zander kahit hindi niya gusto ang trip ng lalaki.“Nice to meet you rin, Atty. Zander.” Pilit na ngumiti si Tessa.Napangiti si Zander nang maramdaman nito ang malambot na kamay ni Tessa. “Teacher Tessa, let’s play golf?” tanong nito sa kanya bago nito bitawan ang kanyang kamay.Naglakad si Zander patungo sa court, na para bang hindi niya papayagan na tumanggi sa kanya si Tessa. Walang nagawa si Tessa kundi ang sumunod na lang.Sa likuran ni Zander, naroon si Liam na may hawak na golf club na madilim ang anyo ng mukha nito.“Ang totoo... hindi ako marunong maglaro ng golf,” pag

  • Attorney Zander Velasquez Excessively Adores Me   Kabanata 03

    Napakurap-kurap si Tessa bago niya itinaas ang paper bag na hawak niya. “N-nandito ako para isauli sa’yo ang jacket mo, salamat.” Kinuha ni Zander mula sa kanyang kamay ang hawak niyang paper bag.“Okay... wala ka ng ibang sasabihin sa’kin?” bahagyang nadismaya si Zander.Tumango naman kaagad si Tessa dahil sa kaba.Tinalikuran na siya ni Zander at dumiretso na ito patungo sa may elevator.Natawa naman ang dalawang receptionist nang pinalo ni Tessa ang kanyang noo at pagkatapos sinundan nito si Zander. “Atty Velasquez, gusto ko sanang itanong—” hindi na itinuloy ni Tessa ang kanyang sasabihin nang bumukas ang pinto ng elevator at pumasok na si Zander sa loob. Pumasok din si Tessa sa loob at tumabi pa siya kay Zander.Saglit na sinulyapan ni Zander si Tessa. Inayos niya ang kanyang damit sa harap ng salamin.“Hindi ko kukunin ang kaso mo ng tatay mo.” Agad na napatingin si Tessa kay Zander nang magsalita ito. Napalunok naman si Tessa, saka napayuko.Mukhang alam na nito ang tungkol sa

  • Attorney Zander Velasquez Excessively Adores Me   Kabanata 02

    Pagpasok ni Tessa sa loob ng bahay nila, nakita niya ang kanyang Tiya Cora na nakaupo sa sofa at tila tulala ito. Pula ang mga mata nito, na para bang kagagaling lang nito sa pag-iyak.Inilibot ni Tessa ang kanyang tingin sa buong paligid, at hindi niya maiwasang magtanong, “Ano ang nangyari Tiya Cora? Nasaan si Papa?”Ang kanyang Tiya Cora ay ang pangalawang asawa ng kanyang ama.Nang marinig nito ang kanyang tanong, hindi nito napigilang ang sarili na magmura.“Talagang walang utang na loob iyang si Liam! Ang lupit-lupit niya!” galit na sigaw ng kanyang tiya. “Noong mga nakaraang taon, noong lugmok na lugmok ang pamilya Torres, nanatili ka sa tabi niya at hindi mo siya kailanman iniwan. Tapos ngayong nakabawi na siya, hindi lang ikaw ang kinawawa niya, gusto pa niyang ipakulong ang tatay mo. Nasa detention center ngayon ang tatay mo, Tessa.” dagdag pa nito na ikinagulat ni Tessa.“Tessa, matagal ko nang sinasabi sa iyo na hindi si Liam ang para sa’yo, pero ayaw mong makinig sa aking

  • Attorney Zander Velasquez Excessively Adores Me   Kabanata 01

    Sa gabi ng engagement party ni Liam, naglasing si Tessa sa bar.Napagkamalan niya ang isang lalaki na ito ay si Liam at agad niyang niyakap ang isang napakaguwapong lalaki sa isang madilim na pasilyo, hinalikan niya ito nang may buong pagmamahal.Pagkatapos ng kanilang halikan, parehas silang nakahinga nang maluwag. Tiningnan ng guwapong lalaki ang babae na hawak ng kanyang mga bisig. “Are you sure about this?” malalim at seksi ang tono ng boses na tanong nito sa kanya.Biglang natauhan si Tessa at nakilala niya ang lalaking nasa kanyang harapan ngayon. Ito ay si Zander Velasquez, ang nangungunang abogado ng bansa na may hindi mabilang na mga ari-arian sa ilalim ng pangalan nito, at ito ay isang tunay na urban elite. Magiging bayaw din nito si Liam Torres na ex-boyfriend ni Tessa.Napaatras si Tessa at kumunot naman ang noo ni Zander.Saglit na napaisip si Tessa, “Kung kaya ni Liam na mag-cheat sa’kin... kaya ko rin naman siyang palitan at makipaghalikan sa kung kani-kaninong lalaki!”

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status