LOGINMula simula hanggang dulo, walang kapangyarihan si Tessa na lumaban, katulad ng kanilang naglalahong pagmamahal sa isa’t isa.
Tiningnan niya si Liam na may pagkamuhi sa kanyang mga mata. Binitiwan siya ni Liam at umismid ito, “Gusto mong mapalapit kay Atty. Velasquez? Do you really think that you have the ability to satisfy him? Everyone knows that he has a high standards, at hindi siya basta-basta na lang nakikipagrelasyon sa kung kani-kaninong babae—lalo na sa mga kagaya mo. Alam mo ba na sa tuwing hinahalikan kita para kang istatuwa sa sobrang tigas? Ni-hindi ka nga marunong humalik, Tessa! Kakayanin mo kaya kung huhubaran ka ng isang lalaki?” Dahil sa mga masasakit na salita na sinabi ni Liam, hindi na ito magawang tingnan ni Tessa. Napalunok si Tessa, “Problema ko na ‘yon, wala kang pakialam! Buhay ko ‘to!” bakas sa tono ng boses ni Tessa ang galit. Tinitigan siya ni Liam. “O baka naman hindi mo lang ako makalimutan, at sinasadya mong lapitan si Atty. Velasquez para pagselosin ako... tama ako, ‘di ba? Tessa, stop this shit! Do you think I care?” Biglang nandiri si Tessa at matapang siyang tumingala, nakipagtitigan siya kay Liam, “Masyado kang mayabang! Ang taas-taas ng tingin mo sa sarili mo! Bakit, sino ka ba sa inaakala mo? Kung hindi mo inakusahan ang papa ko, hindi ako magiging ganito ka desperado. Sa tingin mo ba may pakialam din ako na ikakasal ka na sa kapatid ni Atty. Velasquez? Wala! Itatak mo ‘yan sa utak mo! Wala na akong pakialam sa’yo!” Nilalabanan niya ang mga titig sa kanya ni Liam. Ayaw niyang maging mahina sa harap nito. Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Liam. “Hindi ako naniniwala. Pag-isipan mo ulit ang offer ko sa’yo, at hindi ko na papakialaman ang papa mo.” Mapanuyang ngiti at binuksan na ni Liam ang pinto at umalis. Nanghina ang mga binti ni Tessa, isinandal niya ang kanyang ulo sa dingding, unti-unting dumaloy ang mga luha sa mga sulok ng kanyang mga mata at ikinuyom niya ang kanyang mga kamao. “Ang sama-sama mo, Liam. Nagsisisi akong pinapasok kita sa buhay ko!” aniya sa kanyang sarili. After four years of relationship, she did so much for him, but in return she was betrayed by him. Ngayon lamang naunawaan ni Tessa na si Liam ay nakipagrelasyon lamang sa kanya upang paglaruan siya, at kailanman hindi nito naisip na pakasalan siya. Habang siya, palagi niyang iniisip ang kanilang kasal na hanggang sa kanyang imahinasyon lang pala. Tinawanan ni Tessa ang kanyang sarili na may mga luha sa kanyang mga mata. “Ang tanga mo, Tessa! Ang tanga-tanga mo!” sabi niya sa kanyang sarili. “Tessa.” Narinig niya ang boses ni Ruffa na papalapit sa banyo. Pinahid ni Tessa ang kanyang mga luha gamit ang likod ng kanyang kamay at inayos niya ang kanyang sarili, pagkatapos natigilan siya nang makita niyang nakasunod sa likuran ni Ruffa ang asawa nito at si Zander. “Uhm... Is it okay if we enter here? This is a ladies comfort room,” hindi mapakaling saad ni Brent. Dali-dali siyang nilapitan ni Ruffa at kaagad na sinuri nito ang kanyang buong katawan. “Nasaan na si Liam? May ginawa ba siya sa’yo? Sabihin mo sa’kin at kakasuhan natin ang lalaking ‘yon!” galit na saad ni Ruffa. Hindi nakasagot si Tessa, diretso siyang tumingin sa mga mata ni Ruffa, mabuti na lamang at nakuha rin nito kaagad ang kanyang ibig sabihin kaya kumalma na ito. “Uhm... biglang umulan, k-kaya hindi muna tayo makakapaglaro. Ayan nga oh, nagpalit na silang dalawa ng damit,” pag-iiba ni Ruffa ng usapan, at tinuro pa nito sina Brent at Zander. Tumango-tango naman si Tessa, iniiwasan niyang tumingin sa mga nangungusap na mga mata ni Zander. “Gano’n ba? Kung gano’n... pwede na ba akong umuwi?” tanong ni Tessa. “Oo, pwede na. Let’s make an appointment next time, Atty. Velasquez. Is that okay with you?” tanong ni Brent habang papalabas ang mga ito ng banyo. “Sure, masaya naman kayong kasama,” agad na tugon ni Zander. Nang makalabas na sina Tessa at Ruffa, agad na nilapitan ni Ruffa ang kanyang asawa at kinurot nito nang mahina ang braso ni Brent. “Uhm... if it’s okay with you, how about you give Tessa a ride? May kailangan pa kasi kaming puntahan ng asawa ko, kaya hindi namin siya maisasabay,” pagpapalusot ni Brent. Ngumiti ng malapad si Ruffa habang nakatitig siya kay Zander. Napatingin naman si Zander kay Tessa. Una nitong napansin ang pamumula ng mga mata ni Tessa, at may hinala siya na kagagaling lang nito sa pag-iyak. “Sure, no problem. Wala na rin naman akong gagawin ngayon,” sagot nito. Nakahinga nang maluwag si Ruffa at nakipag-apir pa ito ng mabilis at walang tunog sa kanyang asawa. Nagpaalam na si Zander sa mag-asawa at nauna na itong maglakad. “Bye. Mauna na ako sa inyo. Maraming salamat.” Kinawayan pa ni Tessa ang mag-asawa at kumaway din ang mga ito pabalik. Habang naghihintay si Tessa dahil kinuha pa ni Zander ang kotse nito sa may parking lot area, biglang lumakas ang hangin kasabay ng pagkulog at pagkidlat. Maya-maya lang ay nakita na ni Tessa ang kotse ni Zander. Walang payong si Tessa, at wala rin siyang lakas ng loob na sabihan si Zander na lumabas ng kotse nito para sunduin siya, kaya sinuong na lamang niya ang ulan. Medyo hindi mapakali si Tessa pagkapasok niya sa loob ng kotse ni Zander, nag-aalala siya na baka magalit sa kanya si Zander dahil basa na ang kanyang damit. Sinulyapan lang siya saglit nito bago nito pinaandar ang kotse. Sa may bundok sila naglaro ng golf. Umikot ang kotse ng ilang beses bago sila nakarating sa paanan ng bundok. Naka-on din ang aircon ng kotse, kaya mas lalong nanginig si Tessa. Namutla na rin ang kanyang mga labi. Itinigil ni Zander ang kotse nang umilaw ng pula ang traffic lights. Muli niyang sinulyapan si Tessa bago niya tinanggal ang kanyang suot na makapal na jacket at ibinigay niya ito kay Tessa, “Suotin mo ‘yan.” Pagkatapos, tumingin si Zander sa may labas ng bintana ng kotse. “Salamat,” mahinang saad ni Tessa. She felt much warmer after putting on his jacket, but Zander forgot to turn off the aircon. Nahihiya rin siyang sabihin dito na patayin na lamang nito ang aircon dahil malamig na rin naman ang hangin. Ngunit, hindi naman niya ito kotse, nakikisabay lang naman siya rito pauwi. Mas lalong lumakas ang ulan, at traffic na rin sa daan. Kumuha si Zander ng isang pakete ng sigarilyo mula sa locker, humithit at sinindihan niya ito. Dahan-dahan niyang hinihipan ang usok. “Ilang taon naging kayo ni Liam?” biglang tanong nito sa kanya. Natigilan sandali si Tessa. Napalunok siya bago niya sinagot ang tanong nito sa kanya, “Four years.” Bahagyang nagulat si Zander sa sinagot niya. “How many times have you slept together?” Si Tessa naman ang nagulat sa tinanong sa kanya ni Zander.Hindi naglakas-loob si Carl na tumanggi kay Zander. Bagama’t magkaedad lamang sila ni Zander, hindi maikakaila ang agwat ng kanilang kakayahan. Si Zander ay isa sa pinakatanyag na abogado sa bansa—matatag ang presensiya, kalmado ang kilos, at taglay ang uri ng kumpiyansang nakakatakot sa sinumang kaharap. Isang titig lang mula sa kanya ay sapat na upang manahimik ang lahat. Bago siya lumabas, kumindat muna si Carl kay Tessa. “Hihintayin kita sa kotse,” aniya, tila magaan ang tono ngunit may bahid ng babala sa pagitan ng mga salita. Ngumiti si Tessa, pilit at banayad, ngunit ramdam niya ang matinding kabog ng kanyang dibdib. Pagkaalis ni Carl, napansin ng isa sa mga opisyal ang tensyon sa paligid, kaya umalis na muna ito at umakyat sa taas. At sa isang iglap, naiwan sina Tessa at Zander sa loob ng silid. Tahimik at mabigat ang hanging dumadagundong sa kanyang dibdib. Si Zander ay nakaupo pa rin, nakayuko habang pinapaikot ang sigarilyong hindi pa sinisindihan sa pagitan ng k
Pagkarinig sa tanong ni Zara, tila biglang humigpit ang hangin sa paligid. Ang dating magaan na pag-uusap ay napalitan ng nakakabinging katahimikan. Ramdam ni Tessa ang biglang paglingon ng lahat sa kanya; nag-init ang kanyang pisngi sa hiya, habang pilit niyang pinanatili ang kalmado niyang mukha.Bago pa man makasagot si Liam na halatang pinipigilan ang kanyang inis, isang mahinang tawa ang umalingawngaw. Si Carl iyon, nakasandal sa upuan. “Tessa is my friend, kaya syempre kilala siya ni Liam, ‘di ba, bro? Pero Zara… huwag kang mag-alala. Si Liam, loyal na loyal ‘yan sa’yo!” may bahid na biro sa tinig habang sinabing may halong kaseryosohan.Habang binibitawan niya ang mga salitang iyon, sumulyap siya kay Liam, at sa sulyap na iyon, mas malinaw pa sa anumang salita ang kanyang panunukso. Biglang dumilim ang mukha ni Liam. Walang sabi-sabing hinawakan niya sa braso si Zara at mahigpit na inakay palayo habang tuwid ang likod at malamig ang mga mata nito.“What is wrong with you?” Dini
Sa mga sumunod na araw, naging abala si Tessa sa pag-aasikaso ng kaso ng kanyang ama.Nakilala na rin niya si Atty. Arthur Madrid, isang batikang abogado na kilala sa pagiging mahinahon ngunit matalas mag-isip. Ilang beses pa lang silang nagkikita, pero agad nitong naunawaan ang takbo ng kaso at kung paano ito lalapitan.Sa maluwang at maliwanag na opisina, sinuri ni Arthur ang mga dokumentong inihanda ni Tessa. Pagkatapos ay ngumiti ito ng magaan.“Since you were introduced by Zander, I'll give you the bottom line. To be optimistic, the sentence could be reduced to two years.”Bahagyang napayuko si Tessa. Magkahalong ginhawa at pangamba ang naramdaman niya. Dalawang taon—maikli, ngunit hindi pa rin gaanong madali.Nakaupo nang kampante si Atty. Madrid, nakasandal at nakahalukipkip, bago muling ngumiti: “Zander has already asked me for help, but why doesn't he take on this case himself? Kung siya mismo ang hahawak ng kaso, malaki ang posibilidad na tuluyang maabsuwelto ang ‘yong ama.”
Sa wakas, nagpakita rin ng kaunting kababaang-loob si Zander. Maingat niyang itinuwid ang laylayan ng palda ni Tessa at tinangkang ibutones iyon para sa kanya.“A-ako na,” mahina ngunit nanginginig na sabi ni Tessa.Sinubukan niyang isara ang maliit na butones—kasinglaki lamang ng isang butil ng bigas, ngunit dumudulas ito sa pagitan ng kanyang mga daliri. Sa huli, si Zander na rin ang nagkusa. Maingat nitong isinara ang butones, at pagkatapos ay muli itong humingi ng tawad sa kanya.Bilang kabayaran sa abalang dinulot niya, tinawagan mismo ni Zander si Atty. Arthur Madrid upang ipaliwanag ang kalagayan ng ama ni Tessa.Hinahangaan ni Arthur Madrid si Zander bilang kanyang nakababatang kasamahan, kaya’t hindi na siya nagdalawang-isip nang pakiusapan ito ni Zander. Kaagad siyang pumayag at itinakda ang araw ng pagkikita nila Tessa upang talakayin ang kaso ng ama nito.Matapos ang ilang minutong pakikipag-usap, ibinaba ni Zander ang telepono. Umupo siya sa likod ng kanyang mesa, nagsind
Pagmulat ng mga mata ni Tessa, naramdaman niyang nakasandal pala siya sa balikat ni Zander. Mahigpit ang pagkakahawak ng malaking kamay nito sa kanyang baywang—hindi masakit, ngunit sapat para maramdaman niya ang init at bigat ng presensiya ng lalaki.Bahagya siyang huminga nang malalim, naamoy ang halimuyak ng aftershave at banayad na amoy ng mamahaling pabango—isang samyo ng kahoy, malinis at pamilyar. Para bang ang bawat hinga niya ay unti-unting dinadala sa mundong tanging si Zander lang ang laman.Tahimik ang infusion room, maliban sa mahinang boses ng lalaki habang may kausap sa telepono. Mababa at matatag ang tono nito, halatang may bigat ang pinag-uusapan.Kahit alam niyang hindi dapat tumanggap ng tawag sa loob ng silid, walang sinumang naglakas-loob na sumita. Ang mga pasyente at nurse sa paligid ay napapatingin sa kanya, tila nahihipnotismo ng presensiya ni Zander—ang tikas, ang boses, ang aura nitong kay hirap tablan.Matapos ang tawag, ibinaba ng lalaki ang telepono at na
Pag-uwi ni Tessa, nadatnan niyang nagsisindi ng insenso ang kanyang Tiya Cora sa altar. Pagkakita nito sa kanya, sumilay agad ang pag-asa sa mga mata ng matanda—tila umaasang may magandang balita itong iuuwi.Ngunit nang makita ang maputlang mukha ni Tessa at ang marahang pag-iling nito, agad din na nawala ang ngiti sa labi ni Tiya Cora. Saglit siyang napapikit, tila pinipigilan ang sarili na magalit o magsalita ng masakit. Sa huli, pinili niyang lunukin ang inis.“Basang-basa ang damit mo,” mahinahong sabi ni Tiya Cora. “Maligo ka muna at magpalit ng damit. Baka magkasakit ka pa niyan.” dagdag pa nito.Tumango lang si Tessa, halos walang boses.Pagkatapos niyang maligo at uminom ng gamot, ramdam pa rin niya ang ginaw sa katawan. Nang lumipas ang ilang oras, nagsimula na rin siyang makaramdam ng pagkahilo—at bago pa man niya namalayan, nilalagnat na pala siya.Pagsapit ng alas-dose ng hatinggabi, nag-ring ang kanyang cellphone. Si Ruffa iyon, sabik na sabik malaman ang totoong nangyar







