Share

Chapter 26

XXVI

KITANG-KITA ni Astrid kung paano nagulat ang donya pagkakita sa kaniya. Halos lumuwa ang mata nito at bahagyang umawang ang mga labi at pagkaraan ng ilang sandali ay napalitan ang ekspresyon nito ng pagkamuhi at tila nakakita ng isang basura sa harap niya dahil sa ekspresyon nito ay halatang diring-diri.

Nilagpasan siya nito at mabilis na pumasok sa loob at nagtungo sa sala. Agad itong pumunta sa harap ni Davin at hinarangan ang telebisyon. Nameywang ito at itinuro siya.

"Anong ginagawa ng babaeng yan dito Davin?!" galit na sigaw nito. "At yan," turo nito kay Debbie, "Sino ang batang yan?"

Agad siyang lumapit sa anak at niyakap ito samantalang si Davin naman ay tumayo upang pakalmahin ang kaniyang ina.

"Siya si Debbie, Ma. Anak ko." Malumanay na sagot nito.

Halos tumirik ang mata nito sa galit at tinapunan silang mag-ina ng nakamamatay na tingin. Nagpumiglas ito sa hawak ni Davin at naglakad sa harap nila. Sinapo nito ang sentido at marahang hinilot. Tyaka ito humarap sa kanila.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status