Share

Chapter 10

Auteur: eleb_heart
last update Dernière mise à jour: 2025-06-06 17:00:22

TINITIGAN ni Annete ang larawan ni Bella at ng lalaking mapapangasawa daw nito. Mula sa larawan hanggang sa personal ay masasabi niyang gwapo ito. Ang kamay nito ay napakalambot na para bang wala itong ginagawang napakahirap sa buhay. Binasa niya ang marriage certificate at doon niya nakita na halos magte-trenta na pala ito at halos ilang taon din ang taon nito kay BElla. Hindi niya maiwasang hindi magtanong sa kanyang isip, hindi ba ang boyfriend noon ni Bella ay si Patrick? Bakit ngayon ay iba na ang pinakikilala nito sa kaniya? Nasaan na si Patrick? Anong nangyari sa kanilang dalawa? Napakaraming tanong ang nabuo sa isip ni Annete ng mga oras na iyon ngunit hindi niya magawang magtanong kay Bella ng diretso.

Samantala, maingat naman na tiningnan ni Bella ang mukha ng kanyang ina at parang sasabog ang dibdib niya. Binasa niya ang kanyang labi at nilingon si KEizer. Wala siyang alam na sabihin sa kanyang ina, napakagat siya sa kanyang labi at pilit na nag-iisip kung ano ang dapat niy
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Latest chapter

  • BACHELOR SERIES#3: KEIZER VILLAFUENTE   Chapter 10

    TINITIGAN ni Annete ang larawan ni Bella at ng lalaking mapapangasawa daw nito. Mula sa larawan hanggang sa personal ay masasabi niyang gwapo ito. Ang kamay nito ay napakalambot na para bang wala itong ginagawang napakahirap sa buhay. Binasa niya ang marriage certificate at doon niya nakita na halos magte-trenta na pala ito at halos ilang taon din ang taon nito kay BElla. Hindi niya maiwasang hindi magtanong sa kanyang isip, hindi ba ang boyfriend noon ni Bella ay si Patrick? Bakit ngayon ay iba na ang pinakikilala nito sa kaniya? Nasaan na si Patrick? Anong nangyari sa kanilang dalawa? Napakaraming tanong ang nabuo sa isip ni Annete ng mga oras na iyon ngunit hindi niya magawang magtanong kay Bella ng diretso.Samantala, maingat naman na tiningnan ni Bella ang mukha ng kanyang ina at parang sasabog ang dibdib niya. Binasa niya ang kanyang labi at nilingon si KEizer. Wala siyang alam na sabihin sa kanyang ina, napakagat siya sa kanyang labi at pilit na nag-iisip kung ano ang dapat niy

  • BACHELOR SERIES#3: KEIZER VILLAFUENTE   Chapter 9

    PAGBABA niya ay ang inis na mukha nito ang bumungad sa kaniya. “Napakatagal mo!” inis na bulalas nito sa kaniya.Ang mga mata nito ay malamig na nakatingin sa kaniya at dahil doon ay hindi na lang niya maiwasang hindi mapasimangot. Wala man lang itong kalambig-lambing sa kaniya. Kahit na hindi naman sana sila tunay na magkasintahan ay pwede naman sana itong maging mabait sa kaniya hindi ba? Nakuha na nila ang marriage certificate nila at magpapakasal na sila at kahit na sa papel lang iyon at kasunduan ay magpapakasal pa rin sila kaya niya rin maiwasang hindi mainis.Padabog siyang bumaba, halos ayaw na niyang umuwi sa bahay nila kasama ito ngunit wala siyang magagawa dahil alam niya na mas magagalit lang ito sa kaniya kapag nagmatigas pa siya rito. Sinuyod niya ito ng tingin at nakasuot ito ng mamahaling suit at mukhang kagalang-galang. Sa unang tingin pa lang ay malalaman mo nang galing ito sa isang prominenteng pamilya at kapag nakita naman siguro ito ng kanyang ina at Kuya ay hindi

  • BACHELOR SERIES#3: KEIZER VILLAFUENTE   Chapter 8

    BIGLANG sumagot si Keizer sa lolo nito. “Ang sabi sa akin ni Bella ay ayaw niya pa raw ipaalam sa magulang niya.” sagot nito.Agad niyang nilingon ito na nanlalaki ang mga mata. Bakit siya ang itinuturo nito? Wala naman siyang sinasabing ganun. Ilang sandali pa ay biglang nagsalita ang lolo nito na halatang hindi nasiyahan sa sinabi ni Keizer. Nilingon siya nito. “Hija, alam mo naman na ang pinakamahalaga sa isang babae ay ang reputasyon niya. Nagsasama na kayo ni Keizer at naipasa niyo na ang mga requirements hindi ba? Tyaka isa pa, magseseminar kayo ngayon at pagkatapos ay makukuha na ninyo ang marriage certificate ninyo pagkatapos ay pwede na kayong pumili ng petsa ng kasal ninyo pagkatapos ay ayaw mo pang sabihin sa pamilya mo? Kung hindi mo kayang sabihin sa kanila ay hayaan mong ako ang magsabi sa kanila.” tuloy tuloy na sabi nito sa kaniya na ikinapanlaki ng kanyang mga mata.Sunod sunod ang naging paglunok niya sa labis na kaba. Baka mamaya ay magtungo nga ito bigla sa bahay n

  • BACHELOR SERIES#3: KEIZER VILLAFUENTE   Chapter 7

    NAPAKA tahimik ng paligid at nakakailang sobra hanggang sa tuluyan nang nagsalita ang pinaka bunsong kapatid ni Keizer. “Kuya grabe ang bilis ng pangyayari ah at may bride ka na kaagad.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay nilingon siya nito. “Hindi ko akalain na pumayag kang magpakasal sa Kuya ko ng agad agad, uso pa pala ngayon ang ganun. Tyaka balita ko ay nag-aaral ka pa diba? Ano na ulit ang course mo? Nursing?” tanong nito sa kaniya ngunit puno ng panunuya ang mga mata nito.Hindi siya sumagot at nanatili lang na tahimik. Ilang sandali pa ay marahan itong natawa habang nakatingin sa kaniya. “Ilang taon ka na? 21? Super bata pa ah.” sabi pa nitong muli.Isang nahihiyang ngiti ang ipinaskil lang ni Bella sa kanyang labi. Ang lahat ng sinabi nito ng mga oras na iyon ay totoo at ni isa sa mga iyon ay hindi niya pa nasabi man lang kay Keizer kaya paano nalaman ng kapatid nito ang tungkol sa kaniya? Mukhang pina-imbestigahan siya ng mga ito. Hindi niya tuloy maiwasang hindi mainis da

  • BACHELOR SERIES#3: KEIZER VILLAFUENTE   Chapter 6

    NAHILA siya mula sa kanyang pag-iisip nang marinig niya ang tinig nito. “Wala kang dapat ipag-alala. Basta samahan mo lang ako.” sabi nito sa kaniya.Hindi siya tumingin dito ngunit mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya na sinulyapan siya nito at kahit papano sa sinabi nitong iyon ay medyo kumalma rin ng kaunti ang pakiramdam niya. Isa pa, naisip niya bakit nga ba naman ito kakabahan sana e mga kamag-anak nito ang kikitain nila? Malamang wala naman sigurong mangyayaring masama hindi ba?Ngumuso siya. “Sinong nagsabi sayo na nang-aalala ako? Hindi ko lang alam kung paano ako haharap sa kanila.” pag-amin niya, nahihiya siya. Hindi niya rin alam kung paano makisalamuha sa mga taong mayaman kagaya nito.Hindi siya nito sinagot. Sa halip ay nag-focus na lang sa pagmamaneho pero hindi niya alam kung ilang beses siyang nagpakawala ng buntong hininga.Hindi na lang din siya umimik hanggang sa tuluyan nang pumasok ang kotse ni Keizer sa isang napakataas na gate at pagpasok pa lang n

  • BACHELOR SERIES#3: KEIZER VILLAFUENTE   Chapter 5

    NAIWANG nakatayo si Keizer doon at mahigpit na nakakunot ang noo. Mukhang napasobra nga yata siya dahil nakalimutan niya na ilang taon pa lang ang babaeng iyon. Inaamin niya na naging marahas ang mga binitawan niyang salita at ni hindi man lang pinag-isipan ang mga iyon bago niya ito sabihin. Nang maalala niya ang namumula nitong mga mata habang hilam ng luha ay bigla siyang nakaramdam ng matinding guilt. Isa pa ang nangyari kagabi sa pagitan nila. Napahilot na lang siya ng wala sa oras sa kanyang sentido at napamura ng ilang ulit sa isip niya.Dali-dali siyang lumabas upang habulin ito. Nakita niya ito sa harapan ng bahay sa may garden at nakasalampak sa damuhan habang umiiyak. Habang papalapit ay kitang- kita niya kung paano yumugyog ang balikat nito dahil sa matinding pag-iyak. Mas lalo pa tuloy siyang nakonsensya dahil sa mga sinabi niya.Binagalan niya ang kanyang paglalakad. Hindi niya maalala kung gaano na nga ba katagal ang lumipas noong huli siyang nanuyo ng isang babae? Napa

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status