Share

Chapter 4

Author: eleb_heart
last update Last Updated: 2025-06-03 15:01:39

KINAGABIHAN ay sinadya niya talagang antayin si Keizer. Naupo siya sa sofa na nasa loob lang din ng silid habang hinihintay niya ito. Wala siyang ibang gusto ng mga oras na iyon kundi ang makausap ito. Napakarami nilang dapat pag-usapan.

Hindi nagtagal ay bumakas ang pinto at pumasok ito. Bakas sa mukha nito ang matinding pagod. Hinubad nito ang suot nitong suit at niluwagan ang kurbata. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito at ni hindi man lang siya nito nilingon. Ibinagsak nito ang sarili sa katabi niyang sofa at ipinikit ang mga mata.

Sandali siyang natigilan at mas lalo pang nainis dahil sa inasal nito na para bang hindi siya nito nakita. Ni hindi man lang siya nito binati. Dahil dito ay hindi niya napigilan ang sarili at sinipa ang paa nito. Dahil sa ginawa niya ay dali-dali itong nagmulat ng mga mata at tumingin sa kaniya.

Sandali siyang natigilan ngunit sa huli ay naglakas loob pa rin siyang nagsalita. “May kailangan akong sabihin sayo.” agad na sabi niya.

Nakita niya kung paano kumunot ang noo nito at may malamig na tanong nagtanong. “Ano yun?”

Ang kawalan ng emosyon ng mukha nito at malalamig na mga mata habang nakatingin sa kaniya ay halos magpaiyak na sa kaniya. Ganito ba talaga ang itsura nito kapag galing ito sa trabaho? Bakit kung tingnan siya nito ay para bang siya pa ang may nagawang kasalanan dito.

“Gusto kong ipagpatuloy ang dati kong buhay.” agad na sagot niya.

Nakita niya ang pagtalim ng mga mata nito dahilan para hindi niya maiwasang hindi mapalunok ng wala sa oras. Pero sa ngalan ng kanyang kalayaan ay kailangan niyang sabihin ang mga bagay na iyon dito. “Alam ko na may mahal kang iba at dahil sa lolo mo kaya hindi mo siya makasama hindi ba? Pero kapag nakuha mo na ang marriage certificate ay pwede bang magkanya kanya na tayo? Pwede mo nang balikan ang girlfriend mo nun at pagkatapos ay lilipat ako ng bahay. Pag-usapan na lang din natin ang paghihiwalay natin kahit pagkatapos ng isang taon. Okay lang ba sayo?” tuloy-tuloy na sabi niya rito.

Sa isip-isip niya kasi ay baka tutol ang lolo nito sa pag-iibigan nila ng girlfriend nito. Hindi ba napakaganda ng alok niya? Paniguradong papayag ito sa sinabi niya. Tiningnan niya ito na puno ng kumpiyansa ang kanyang mga mata ngunit ang mukha nito ay nanatiling madilim at walang emosyon na nakatingin sa kaniya.

Nagtagis ang mga bagang nito. “Bukas na bukas ay pupunta tayong dalawa kay lolo. Ayoko nang marinig pa ang mga sasabihin mong katulad niyan.” malamig na sabi nito at pagkatapos ay tumayo bago naglakad palabas.

Nakakabinging katahimikan ang namayani pagkatapos nitong lumabas, wala siyang nagawa kundi ang mapakuyom na lang ang mga kamay dahil sa labis na galit. Hindi siya lumabas ng silid kahit na paulit-ulit siyang tinawag ni Manang Luring para kumain.

HUMINGA ng malalim si Keizer bago tumayo at bumalik sa silid. Tapos na siyang kumain ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin bumababa si Bella para kumain kaya wala siyang choice kung hindi bumalik sa kwarto. Padabog niyang binuksan ang pinto at sinamaan ito ng tingin. “Bumangon ka diyan at kumain ka doon!” inis na sabi niya.

Nagulat naman si Bella sa tinig nito at pagkatapos ay hindi makapaniwalang napatingin dito. Napalunok siya. Hindi siya sanay na may sumisigaw sa kaniya ng ganun. Dali-dali siyang tumayo sa may kama. Ang mga mata nito ay matalim na nakatingin sa kaniya. “Simula ngayon ay sa guest room ka na matutulog. Maliwanag ba?” walang emosyong tanong nito sa kaniya.

Ang mga mata nito ay malalamig na nakatingin sa kaniya. “Aksidente lang ang nangyari kagabi sa pagitan natin at simula ngayon ay hindi na kita hahawakan pa.” sabi nito sa kaniya.

Hindi makapaniwalang napatingin si Bella rito, puno ng pagkalito ang mga mata. Iyon lang ba ang dahilan nito kaya bumalik ito doon? Para sabihin sa kaniya ang mga salitang iyon?

Napakuyom ang mga kamay ni Bella ng wala sa oras dahil sa matinding inis niya. “Sa tingin mo ba ay gusto ko pang matulog sa tabi mo huh? Isa pa, yan lang ba ang mga sasabihin mo sa akin? Hindi ka man lang ba hihingi ng tawad sa ginawa mo?” nanlalaki ang mga mata niyang tanong dito na may halong galit.

Ang mga malalamig na mga mata ni Keizer ay biglang tumingin sa kaniya na para bang anumang oras ay handa siya nitong lapain at nakaramdam siya kaagad ng bahagyang panganib. Ilang sandali pa ay bigla itong humakbang patungo sa harapan niya at hinawakan nito ang baba niya. “Hindi ba at pumayag ka na magpakasal sa akin at kahit na sabihin mang hindi pa tayo naikakasal ay asawa na kita kaya natural lang ang pangyayaring iyon dahil tungkulin mo iyon bilang asawa ko, naiintindihan mo ba?” malamig na tanong nito sa kaniya.

Halos mapalunok siya ng sunod-sunod ng mga oras na iyon dahil medyo humigpit ang hawak nito sa kanyang baba. Idagdag pa na halos wala siyang makitang pagsisisi at paghingi ng tawad sa mga mata nito. Napakuyom na lamang siya ng kanyang mga kamay at pagkatapos ay napakagat labi ng mariin at halos hindi na magawang magsalita pa.

“Bukas na bukas ay pupunta tayo sa mansyon kung saan nakatira si lolo at gusto lang kitang balaan na mag-iingat ka sa mga bagay na sasabihin mo sa kaniya, naiintindihan mo ba?” muling sabi nito sa kaniya habang malamig pa rin ang mga matang nakatingin sa kaniya. Hindi niya magawang ibuka ang kanyang bibig upang magsalita.

“Tyaka ininom mo ba yung pinaiinom ko sayo huh?” 

Dahil sa malamig na mga salita ni Keizer sa kaniya ay hindi niya namamalayang mapaluha. Hindi niya maiwasang hindi isipin kung ano nga bang klaseng tao ang pinakasalan niya. Kahit na hindi siya nito mahal ay dapat na hindi siya nito ganito tratuhin na para bang isang tauhan lang nito.

Kahit na natatakot siya ay nagawa niyang itaas ang sulok ng labi niya at sa pagkakataon ding iyon ay nagawa niyang ibuka ang bibig niya. “Bakit? Dahil natatakot ka ba na mabuntis ako huh? Pagkatapos mong gawin iyon sa akin huh! Kung ganyan lang din naman pala ang uugaliin mo ay mas maganda pa na huwag na tayong magpakasal at higit sa lahat e ikaw na lang ang mag-isang humarap sa lolo mo bukas!” sigaw niya rito at pagkatapos ay mabilis na tumalikod at tumakbo palabas habang umiiyak.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BACHELOR SERIES#3: KEIZER VILLAFUENTE   Chapter 14

    HINDI mapigilan ni Bella na manginig dahil sa narinig. Ilang sandali pa ay maingat niyang nilingon si Keizer. Halata s amukha nito ang pagod. Tiyak na napakarami nitong ginawa at inasikaso ngunit sa halip na magpahinga ay sinundo pa siya niti. Bakit hindi na lang kasi ito nag-utos ng tauhan nito?Nang makarating sila sa kotse ay agad nitong binitawan ang kamay niya. Sumakay ito sa kotse kung kaya ay dali-dali rin namang siyang sumakay sa kotse. Nang makasakay ay hindi niya pa rin maiwasang hindi mapatingin sa mukha nito.Sa puntong iyon ay bigla na lang siyang nilingon ni Keizer kaya dali-dali naman niyang iniiwas ang kanyang mga mata. Sa totoo lang ay nag-aalala siya, ilang beses siyang binastos ng kapatid niya at hindi niya maiwasang magtanong sa isip niya kung hindi ba ito galit.Pinaandar nito ang sasakyan at pagkatapos ay mahinang nagtanong. “Kumain ka na ba?” tanong nito sa knaiya.Mabilis na umiling si Bella. Napabuntong hininga si Keizer at muling nagsalita. “May kailangang as

  • BACHELOR SERIES#3: KEIZER VILLAFUENTE   Chapter 13

    ANG mga mata nito ay nag-aapoy sa matinding galit. “Sa tingin mo anong nangyayari sa akin huh? Sino ka sa tingin mo para magdesisyon ng pabigla-bigla huh? Sino ang nagbigay sayo ng lakas ng loob para gawin iyon huh?” nagtatagis ang mga bagang na tanong nito sa kaniya.Ang boses nito ay nakakatakot kaya mas lalo pa siyang nanginig sa takot. Hindi niya tuloy alam kung paano niya sasagutin ang kanyang kapatid. Takot na takot siya at dahil doon ay agad na bumagsak ang luha sa kanyang mga mata. Sa totoo lang ay mali naman talaga ang ginawa niya at padalos dalos nga talaga ngunit matanda na siya. 21 years old na siya at masasabing nasa tamang pag-iisip na siya at alam na niya ang ginagawa niya.Nang makita nitong luhaan na ang kanyang mukha ay agad na lumambot ang mukha nito ng kaunti at bahagya nitong niluwagan ang pagkakahawak nito sa kamay niya ngunit nananatiling hawak nito iyon at hindi binitawan. Ilang sandali pa ay itinaas nito ang kamay at pinunasan ang luha na dumulas sa pisngi niy

  • BACHELOR SERIES#3: KEIZER VILLAFUENTE   Chapter 12

    SA buong buhay ni Bella ay parang iyon ang pagkain na napakahirap lunukin. Sa hapag kasi ay hindi pa rin nagbabago ang kapaligiran, napakalamig pa rin. Ang mga mata ng kanyang kapatid ay nanatiling malamig habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Keizer, lalong lalo na kapag tumitingin ito kay Keizer. Hindi niya alam kung napapansin ba nito ang titig ng kapatid at ipinagsasawalang bahala lang iyon ngunit kalmado pa rin naman ito kahit papano. Walang mababakas na anumang ekspresyon sa mukha nito ngunit ang mga galaw nito ay napaka magalang sa harap ng kanyang ina at kapatid.Sa totoo lang ay naiipit siya sa pagitan ng dalawa at hindi niya rin maiwasang hindi manginig sa takot. Nag-aalala pa rin siya at wala siyang ibang iniisip kundi matapos na kaagad ang lahat at bumilis ang takbo ng oras. Ilang sandali pa ay nag-umpisa nang pag-usapan ni Keizer at ng kanyang ina ang tungkol sa kasal at paminsan minsan ay sumasabat ang kanyang Kuya na katulad ng sabi nito kanina ay hindi ito papayag na

  • BACHELOR SERIES#3: KEIZER VILLAFUENTE   Chapter 11

    ISANG matamis na ngiti ang biglang gumuhit sa labi ni Paul nang makita niya ang kanyang nakababatang kapatid. Hindi niya sinagot ang tanong nang kanyang ina at nang makita niya ang isang bagong mukha sa loob ng pamamahay nila ay dali-daling nabura ang ngiti sa labi niya. Agad na nagsalubong ang mga kilay niya.Ang lalaking naroon ay malayong malayo sa itsura ni Patrick. Isa pa, sa unang tingin niya pa lang noon sa Patrick na iyon ay wala ng magandang gagawin kahit na ano pang magandang ipakita nito sa kaniya ay hindi niya maiwasang hindi magalit dito. Palagi niyang gustong paghiwalayin ang mga ito noon pero ang lalaking nasa harap niya ay mukhang hindi katulad nito. Bukod na nga sa gwapo ito ay mukha rin itong kagalang-galang at nasisiguro niya na kahit sinong babae ang makakita rito ay magkakagusto. “Sino siya?” malamig na tanong niya at tiningnan si Bella na nasa harapan niya.Sunod sunod na napalunok si Bella nang makita niya ang galit sa mga mata ng kanyang Kuya. hindi niya maiwa

  • BACHELOR SERIES#3: KEIZER VILLAFUENTE   Chapter 10

    TINITIGAN ni Annete ang larawan ni Bella at ng lalaking mapapangasawa daw nito. Mula sa larawan hanggang sa personal ay masasabi niyang gwapo ito. Ang kamay nito ay napakalambot na para bang wala itong ginagawang napakahirap sa buhay. Binasa niya ang marriage certificate at doon niya nakita na halos magte-trenta na pala ito at halos ilang taon din ang taon nito kay BElla. Hindi niya maiwasang hindi magtanong sa kanyang isip, hindi ba ang boyfriend noon ni Bella ay si Patrick? Bakit ngayon ay iba na ang pinakikilala nito sa kaniya? Nasaan na si Patrick? Anong nangyari sa kanilang dalawa? Napakaraming tanong ang nabuo sa isip ni Annete ng mga oras na iyon ngunit hindi niya magawang magtanong kay Bella ng diretso.Samantala, maingat naman na tiningnan ni Bella ang mukha ng kanyang ina at parang sasabog ang dibdib niya. Binasa niya ang kanyang labi at nilingon si KEizer. Wala siyang alam na sabihin sa kanyang ina, napakagat siya sa kanyang labi at pilit na nag-iisip kung ano ang dapat niy

  • BACHELOR SERIES#3: KEIZER VILLAFUENTE   Chapter 9

    PAGBABA niya ay ang inis na mukha nito ang bumungad sa kaniya. “Napakatagal mo!” inis na bulalas nito sa kaniya.Ang mga mata nito ay malamig na nakatingin sa kaniya at dahil doon ay hindi na lang niya maiwasang hindi mapasimangot. Wala man lang itong kalambig-lambing sa kaniya. Kahit na hindi naman sana sila tunay na magkasintahan ay pwede naman sana itong maging mabait sa kaniya hindi ba? Nakuha na nila ang marriage certificate nila at magpapakasal na sila at kahit na sa papel lang iyon at kasunduan ay magpapakasal pa rin sila kaya niya rin maiwasang hindi mainis.Padabog siyang bumaba, halos ayaw na niyang umuwi sa bahay nila kasama ito ngunit wala siyang magagawa dahil alam niya na mas magagalit lang ito sa kaniya kapag nagmatigas pa siya rito. Sinuyod niya ito ng tingin at nakasuot ito ng mamahaling suit at mukhang kagalang-galang. Sa unang tingin pa lang ay malalaman mo nang galing ito sa isang prominenteng pamilya at kapag nakita naman siguro ito ng kanyang ina at Kuya ay hindi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status