AGAD na nagsalubong ang mga kilay ni Keizer dahil sa reaksyon ni Bella. Nagtagis ang kanyang mga bagang. Dahil ba sa nangyari sa pagitan nila kagabi? Isa pa, sa totoo lang ay hindi niya rin lubos akalain na nakipagtalik siya sa isang babae na halos hindi niya pa kilala ng husto at ang ikinagagalit niya pa lalo ay bakit magkahawig sila?
Binalingan niya si Manang Luring na nakatayo sa likod niya. “Pwede niyo po ba siyang ipagtimpla ng kape para mainitin ang sikmura niya?” magalang na utos niya rito at agad naman itong tumango sa kaniya.
Mabilis itong lumabas ng silid at agad siyang naglakad patungo sa kanyang drawer at kinuha ang isang banig ng gamot at pagkatapos ay ibinigay ito sa nakahiga pa ring si Bella. “Inumin mo yan!” utos niya rito.
Napamulat si Bella ng wala sa oras upang tingnan kung ano ang pinapainom nito sa kaniya. Hindi pa siya nakakasagot nang bigla na lang itong lumabas ng silid ng hindi na siya nililingon pa. Agad niyang kinuha ang ibinato nito sa kaniya at nang tiningnan niya ito ay agad niyang nabasa kung ano iyon. Pills. Contraceptive pills.
Hindi siya makapaniwalang napatingin sa nilabasan nitong pinto. Ito ba ang lalaking pakakasalan niya? Paano nito naaatim na gawin iyon sa kaniya? Ni hindi man lang ito humingi ng paumanhin sa kaniya dahil sa inasal nito kagabi. Kung tutuusin nga ay rape ang ginawa nito sa kaniya kagabi dahil labag sa kalooban niya!
Labis na pagsisisi ang naramdaman niya, kasalanan niya rin kung bakit niya nararanasan iyon. Muling nag-init ang sulok ng kanyang mga mata at malapit-lapit ng maiyak. Hindi niya lubos akalain na makakatagpo siya ng katulad nito.
Umupo siya mula sa kama at napansin niyang nakadamit na pala siya, hindi na siya nag-abala pang mag-isip kung sino ang nagsuot ng damit niya. Nagpunas siya ng kanyang mga luha at pagkatapos ay kinuha ang tubig na nakalagay sa baso at nakapatong sa bedside table at kumuha ng dalawang tableta at ininom ito.
Iisipin na lang niya na may sakit siya at kailangan niyang inumin ang mga tabletang iyon ng tuloy-tuloy at pagkatapos ay magpapanggap na lang siya na walang nangyari. Naglalakad na sila ng kasal at ang ilang mahahalagang requirements ay naipasa na nila kaya normal na lang sa pagitan nilang dalawa ang ganuong bagay hindi ba? Isa pa, hindi niya alam kung paano ito kakausapin tungkol sa bagay na iyon.
Sino ba ang dapat niyang sisisihin sa mga nangyari kundi siya rin naman? Kaya wala siyang magawa. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at pumasok ang tinawag nitong Manang Luring kanina. Marahil ay isa itong kasambahay sa bahay na iyon kung saan ay hindi lang kape ang dala nito kundi may dala din itong pagkain. May magiliw itong ngiti nang papalapit sa kaniya.
“Inutusan po ako ni sir Keizer na ipagluto kayo ng pagkain bukod sa kape.” sabi nito at maingat na inilapag ang tray na dala nito kung saan nakalagay ang mga pagkain sa mesa. Nang maibaba nito ang mga iyon ay tumingin ito sa kaniya. “Inaapoy ka ng lagnat kanina pang umaga, sana ay huwag na kayong magalit kay sir dahil nag-aalala lang siya sayo.” sabi nito at pilit na nagpapaliwanag sa kaniya sa ngalan ng amo nito.
Hindi niya na lang napigilan ang sariling mapangisi dahil sa sinabi nito. Ang lalaking iyon mag-aalala sa kaniya? Ano iyon, isang joke? Nag-aalala ba ito e samantalang contraceptive pills ang ibinungad nito sa kaniya. Mali ang iniisip ng matanda sa kaniya ngunit pinili na lang niyang manahimik at hindi magsalita.
Wala siyang ibang maramdaman kundi ang hinanakit at galit sa lalaking iyon. Ngunit ano pa ba ang magagawa niya ngayon? Tapos na. Hindi na niya maibabalik pa ang nawala sa kaniya. Isa pa, mawawala lang din naman talaga iyon sa hinaharap.
Wala na siyang nagawa pa kundi ang aliwin ang sarili niya hanggat maaari at pilit na pinipigilan ang kanyang sarili sa pag-iisip sa mga nangyari kagabi. Iisipin niya na lang na lasing din siya kagabi at basta-basta na lang naibigay ang pagkabirhen niya sa estrangherong lalaki.
Naglagay ng maliit na mesa ang matanda sa kanyang harapan para pagpatungan ng mga pagkain niya. Tahimik siyang kumain para kahit papano naman ay magkaroon ng lakas ang kanyang katawan lalo pa at nararamdaman niya na bahagya nga siyang nanlalambot.
Tahimik na nakatayo ang matanda sa tabi ng kama at pinanunuod siya sa pagkain hanggang sa muli itong nagsalita na para bang kanina pa nito pinag-iisipan kung magsasalita ba ito o hindi. “Siya nga po pala ma’am, may isang silid dito sa bahay na ipinagbabawal na pasukin at iyon ay ang huling silid sa pangalang palapag. Tyaka dahil nga may lagnat kayo kanina ay wala kayong ibang gagawin sa ngayon kundi ang magpahinga para makabawi ang katawan niyo ng mabilis.” sabi nito sa kaniya.
Napasimangot na lang si Bella sa kanyang narinig, ano naman ang nasa silid na iyon at hindi pwedeng pumasok? May kaugnayan ba iyon sa babaeng pinakamamahal nito?
Hindi niya rin tuloy maiwasang hindi magtanong sa kanyang isip kung tama lang ba na magpakasal sila ng ganun kabilis? Lalo pa at wala naman silang nararamdaman sa isat-isa at ito ay may mahal pang iba? Okay lang ba iyon? Normal lang ba ang ganun?
Sa huli ay nag-focus na lang siya sa kanyang pagkain, para hindi na siya mag-isip pa ng kung ano ano at pagkatapos niyang kumain ay wala siyang ibang ginawa kundi ang matulog maghapon katulad ng sinabi sa kaniya ni Manang Luring.
HINDI mapigilan ni Bella na manginig dahil sa narinig. Ilang sandali pa ay maingat niyang nilingon si Keizer. Halata s amukha nito ang pagod. Tiyak na napakarami nitong ginawa at inasikaso ngunit sa halip na magpahinga ay sinundo pa siya niti. Bakit hindi na lang kasi ito nag-utos ng tauhan nito?Nang makarating sila sa kotse ay agad nitong binitawan ang kamay niya. Sumakay ito sa kotse kung kaya ay dali-dali rin namang siyang sumakay sa kotse. Nang makasakay ay hindi niya pa rin maiwasang hindi mapatingin sa mukha nito.Sa puntong iyon ay bigla na lang siyang nilingon ni Keizer kaya dali-dali naman niyang iniiwas ang kanyang mga mata. Sa totoo lang ay nag-aalala siya, ilang beses siyang binastos ng kapatid niya at hindi niya maiwasang magtanong sa isip niya kung hindi ba ito galit.Pinaandar nito ang sasakyan at pagkatapos ay mahinang nagtanong. “Kumain ka na ba?” tanong nito sa knaiya.Mabilis na umiling si Bella. Napabuntong hininga si Keizer at muling nagsalita. “May kailangang as
ANG mga mata nito ay nag-aapoy sa matinding galit. “Sa tingin mo anong nangyayari sa akin huh? Sino ka sa tingin mo para magdesisyon ng pabigla-bigla huh? Sino ang nagbigay sayo ng lakas ng loob para gawin iyon huh?” nagtatagis ang mga bagang na tanong nito sa kaniya.Ang boses nito ay nakakatakot kaya mas lalo pa siyang nanginig sa takot. Hindi niya tuloy alam kung paano niya sasagutin ang kanyang kapatid. Takot na takot siya at dahil doon ay agad na bumagsak ang luha sa kanyang mga mata. Sa totoo lang ay mali naman talaga ang ginawa niya at padalos dalos nga talaga ngunit matanda na siya. 21 years old na siya at masasabing nasa tamang pag-iisip na siya at alam na niya ang ginagawa niya.Nang makita nitong luhaan na ang kanyang mukha ay agad na lumambot ang mukha nito ng kaunti at bahagya nitong niluwagan ang pagkakahawak nito sa kamay niya ngunit nananatiling hawak nito iyon at hindi binitawan. Ilang sandali pa ay itinaas nito ang kamay at pinunasan ang luha na dumulas sa pisngi niy
SA buong buhay ni Bella ay parang iyon ang pagkain na napakahirap lunukin. Sa hapag kasi ay hindi pa rin nagbabago ang kapaligiran, napakalamig pa rin. Ang mga mata ng kanyang kapatid ay nanatiling malamig habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Keizer, lalong lalo na kapag tumitingin ito kay Keizer. Hindi niya alam kung napapansin ba nito ang titig ng kapatid at ipinagsasawalang bahala lang iyon ngunit kalmado pa rin naman ito kahit papano. Walang mababakas na anumang ekspresyon sa mukha nito ngunit ang mga galaw nito ay napaka magalang sa harap ng kanyang ina at kapatid.Sa totoo lang ay naiipit siya sa pagitan ng dalawa at hindi niya rin maiwasang hindi manginig sa takot. Nag-aalala pa rin siya at wala siyang ibang iniisip kundi matapos na kaagad ang lahat at bumilis ang takbo ng oras. Ilang sandali pa ay nag-umpisa nang pag-usapan ni Keizer at ng kanyang ina ang tungkol sa kasal at paminsan minsan ay sumasabat ang kanyang Kuya na katulad ng sabi nito kanina ay hindi ito papayag na
ISANG matamis na ngiti ang biglang gumuhit sa labi ni Paul nang makita niya ang kanyang nakababatang kapatid. Hindi niya sinagot ang tanong nang kanyang ina at nang makita niya ang isang bagong mukha sa loob ng pamamahay nila ay dali-daling nabura ang ngiti sa labi niya. Agad na nagsalubong ang mga kilay niya.Ang lalaking naroon ay malayong malayo sa itsura ni Patrick. Isa pa, sa unang tingin niya pa lang noon sa Patrick na iyon ay wala ng magandang gagawin kahit na ano pang magandang ipakita nito sa kaniya ay hindi niya maiwasang hindi magalit dito. Palagi niyang gustong paghiwalayin ang mga ito noon pero ang lalaking nasa harap niya ay mukhang hindi katulad nito. Bukod na nga sa gwapo ito ay mukha rin itong kagalang-galang at nasisiguro niya na kahit sinong babae ang makakita rito ay magkakagusto. “Sino siya?” malamig na tanong niya at tiningnan si Bella na nasa harapan niya.Sunod sunod na napalunok si Bella nang makita niya ang galit sa mga mata ng kanyang Kuya. hindi niya maiwa
TINITIGAN ni Annete ang larawan ni Bella at ng lalaking mapapangasawa daw nito. Mula sa larawan hanggang sa personal ay masasabi niyang gwapo ito. Ang kamay nito ay napakalambot na para bang wala itong ginagawang napakahirap sa buhay. Binasa niya ang marriage certificate at doon niya nakita na halos magte-trenta na pala ito at halos ilang taon din ang taon nito kay BElla. Hindi niya maiwasang hindi magtanong sa kanyang isip, hindi ba ang boyfriend noon ni Bella ay si Patrick? Bakit ngayon ay iba na ang pinakikilala nito sa kaniya? Nasaan na si Patrick? Anong nangyari sa kanilang dalawa? Napakaraming tanong ang nabuo sa isip ni Annete ng mga oras na iyon ngunit hindi niya magawang magtanong kay Bella ng diretso.Samantala, maingat naman na tiningnan ni Bella ang mukha ng kanyang ina at parang sasabog ang dibdib niya. Binasa niya ang kanyang labi at nilingon si KEizer. Wala siyang alam na sabihin sa kanyang ina, napakagat siya sa kanyang labi at pilit na nag-iisip kung ano ang dapat niy
PAGBABA niya ay ang inis na mukha nito ang bumungad sa kaniya. “Napakatagal mo!” inis na bulalas nito sa kaniya.Ang mga mata nito ay malamig na nakatingin sa kaniya at dahil doon ay hindi na lang niya maiwasang hindi mapasimangot. Wala man lang itong kalambig-lambing sa kaniya. Kahit na hindi naman sana sila tunay na magkasintahan ay pwede naman sana itong maging mabait sa kaniya hindi ba? Nakuha na nila ang marriage certificate nila at magpapakasal na sila at kahit na sa papel lang iyon at kasunduan ay magpapakasal pa rin sila kaya niya rin maiwasang hindi mainis.Padabog siyang bumaba, halos ayaw na niyang umuwi sa bahay nila kasama ito ngunit wala siyang magagawa dahil alam niya na mas magagalit lang ito sa kaniya kapag nagmatigas pa siya rito. Sinuyod niya ito ng tingin at nakasuot ito ng mamahaling suit at mukhang kagalang-galang. Sa unang tingin pa lang ay malalaman mo nang galing ito sa isang prominenteng pamilya at kapag nakita naman siguro ito ng kanyang ina at Kuya ay hindi