HINDI lubos akalain ni Bella na magiging ganun kabilis ang mga pangyayari at sa isang iglap ay sinama na siya kaagad sa bahay ng lalaking mapapangasawa niya. Sa padalos-dalos na desisyon niya ay nagkaroon na siya kaagad ng mapapangasawa. Sa harap ng lolo ng lalaki ay nangako siya na simula sa araw na iyon ay magiging asawa na siya ng apo nito at ang sabi nito ay itinuring na nila ang isat-isa na mag-asawa.
Nang nasa loob na siya ng sala ay parang doon pa lang nagsi-sink in sa utak niya ang lahat. Hindi niya akalain na dahil sa sama ng loob niya dahil sa kanyang ex-boyfriend ay nagpasa siya ng ilang mga kailangan para sa pagpapakasal. Habang nakatingin sa kanyang kamay kung saan nakasuot ang isang mamahaling engagement ring ay doon lang niya naisip na ang mga nangyari ay totoo nga talaga. Ikakasal na siya sa taong kakikilala niya lang. Hindi siya nangahas na kausapin ang lalaking mapapangasawa niya na kanina niya lang nakita. Sa halip ay dali-dali siyang umakyat sa pangalawang palapag kung saan ang magiging silid niya. Hindi na siya binigyan pa ng pagkakataon ng lolo nito na makaalis, binilhan siya nito ng mga damit at mga kailangan niya. Mabilis siyang dumiretso sa banyo para maligo. Hindi pa rin siya makapaniwala sa naging desisyon niya at napapaisip kung tama nga ba iyon? Pero kasi, siya mismo ang nagpresinta sa lolo ni Keizer na magpakasal sa apo nito para ipakita sa ex niya na hindi siya apektado sa pag-iwan nito at pagpili sa ibang babae na pakasalan. Pagkatapos niyang maligo ay doon niya lang napagtanto na dahil pala sa pagmamadali niyang pumasok sa may banyo ay hindi na niya nakuha pang kumuha ng maisusuot niyang damit. Habang ibinabalot ang sarili sa tuwalya ay agad na namula ang kanyang mukha. Paano ba naman kasi ay silang dalawa na lang ni Keizer ang naiwan doon at kahit na sabihin pang nalaman na niya ang pangalan nito ay nananatili pa rin itong estranghero sa kaniya. Ilang minuto siyang nag-alinlangan sa loob ng banyo. Hindi niya alam kung paano siya lalabas doon, mas hinigpitan na lang niya ang tuwalya na nakabalot sa kaniya at pagatapos ay binuksan ang pinto bago tinawag ito. “Keizer!” malakas niyang sigaw ngunit wala siyang narinig na tugon. Ilang beses niya itong tinawag ngunit walang sumagot. Hindi niya tuloy maiwasang hindi magtaka, umalis ba ito? Dahil doon ay nakapagdesisyon siya na lumabas na ng banyo ay agad niyang binuksan ang cabinet ngunit nakita niyang walang damit doon kahit isa kaya hindi niya naiwasang hindi mapakunot ang noo, nasaan na ang mga damit na sabi ay nakahanda na? O sa ibang silid siya pumasok? Hindi ba at ito ang sinabi nilang silid? Sunod-sunod na tanong niya sa kanyang isip at dahil nga wala siyang maisuot ay wala siyang pagpipilian kundi ang pumasok sa ibang silid. Paglabas niya ay nakita niya na may isa pang silid kaya dali-dali siyang lumapit dito at pinihit ang seradura ng pinto. Madilim ang silid at dahil nga hindi siya pamilyar sa silid na iyon ay hindi niya alam kung nasaan ang switch ng ilaw. Naglakad na lang siya kahit na wala siyang makita at nangapa na lang sa madilim na silid upang hanapin ang cabinet ngunit dahil sa madilim ang silid ay hindi niya napansin ang isang bagay na nakaharang pala sa kanyang harapan at natapilok. “Ahh!” sigaw niya sa matinding gulat kaya lang ay wala siyang naramdaman na sakit sa kanyang pagbagsak dahil ang binagsakan pala niya ay kama. Kaya lang ay nang ilipat niya ang kanyang kamay sa isang banda ay halos mapaso siya nang hindi na malambot na tela ang nahawakan niya kundi mainit na katawan! At sigurado siya na katawan iyon ng lalaki dahil bahagyang matigas iyon. Akmang babangon na sana siya at babawiin ang kanyang kamay nang bigla n alnag siyang hawakan nito at hilahin palapit dito at halos masubsob siya sa ibabaw nito. Hindi niya man makita kung sino iyon ay sigurado siya na si Keizer iyon dahil wala naman siyang ibang kasama kundi tanging ito lang. “Lily, huwag kang umalis dito ka lang!” pigil nito sa kaniya. Sandali siyang natigilan ngunit nagpumiglas siya at pilit na kumakawala rito kaya lang ay talagang mahigpit ang hawak nito sa kanyang mga braso at dahil doon ang tuwalya na nakabalot sa kaniya ay bigla na lang nahulog mula sa kanyang katawan kung saan ay agad na nanlaki ang kanyang mga mata. Agad na nag-init ang kanyang pisngi at nakaramdamam ng matinding kahihiyan. Malakas niyang itinulak ang lalaki ngunit wala itong silbi. Ano ba naman ang lakas niya sa lakas nito kung ipagkukumpara. Dahil sa lapit nila sa isat-isa ay naamoy niya ang amoy alak sa hininga nito na may halong mabangong amoy, siguro ay ang pabango nito at bigla na lang bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa matinding kaba. Mukhang hindi maganda ang sitwasyon niya! Kailangan niyang makaalis doon. Hindi na siya batang paslit pa para hindi malaman kung gaano kadelikado ang sitwasyon niya ng mga oras na iyon. At isa pa, ang pagkakabanggit nito ng pangalan na ibang babae kanina ay malinaw na may bahid ng kalungkutan. Hindi lang iyon, pinagkamalan siya nitong siya ang kung sino mang babaeng iyon. “Hindi ako si Lily. kaya bitawan mo na ako…” sabi niya rito at malapit nang bumagsak ang kanyang mga luha dahil sa matinding takot na nararamdaman niya ang mga oras na iyon. Nagpatuloy pa rin siya sa pagpupumiglas kaya lang ay mabilis siya nitong hiniga sa may kama at umibabaw sa kaniya. Ang dalawa nitong mga tuhod ay nakalagay sa magkabila niyang gilid kung saan wala siyang kawala. Sa ilang sandali pa ay bigla na lang siya nitong hinalikan. Hindi niya maiiwas ang kanyang ulo dahil hinawakan nito iyon. Inipon niya ang kanyang lakas at pilit na iwasan ang mga labi nito para hindi siya nito mahalikan ngunit talagang malakas ito at sa isang iglap ay nasakop na ng labi nito ang kanyang bibig. Napaluha na lang siya dahil sa kawalang magawa niya. Sa pagitan ng paghalik nito ay ilang mga salita ang binigkas nito. “Lily, huwag mo akong iwan…” nakikiusap na sabi nito. At ilang beses pa nitong tinawag ng paulit-ulit ang pangalan na Lily at ni hindi man lang nito napansin ang kanyang panlalaban. Ang mga kamay nito ay naglakbay sa buo niyang katawan maging ang labi nito ay naglakbay sa kanyang katawan kung saan ay walang pinalampas at iniwanan ng mga marka ang bawat daanan nito. …HINDI mapigilan ni Bella na manginig dahil sa narinig. Ilang sandali pa ay maingat niyang nilingon si Keizer. Halata s amukha nito ang pagod. Tiyak na napakarami nitong ginawa at inasikaso ngunit sa halip na magpahinga ay sinundo pa siya niti. Bakit hindi na lang kasi ito nag-utos ng tauhan nito?Nang makarating sila sa kotse ay agad nitong binitawan ang kamay niya. Sumakay ito sa kotse kung kaya ay dali-dali rin namang siyang sumakay sa kotse. Nang makasakay ay hindi niya pa rin maiwasang hindi mapatingin sa mukha nito.Sa puntong iyon ay bigla na lang siyang nilingon ni Keizer kaya dali-dali naman niyang iniiwas ang kanyang mga mata. Sa totoo lang ay nag-aalala siya, ilang beses siyang binastos ng kapatid niya at hindi niya maiwasang magtanong sa isip niya kung hindi ba ito galit.Pinaandar nito ang sasakyan at pagkatapos ay mahinang nagtanong. “Kumain ka na ba?” tanong nito sa knaiya.Mabilis na umiling si Bella. Napabuntong hininga si Keizer at muling nagsalita. “May kailangang as
ANG mga mata nito ay nag-aapoy sa matinding galit. “Sa tingin mo anong nangyayari sa akin huh? Sino ka sa tingin mo para magdesisyon ng pabigla-bigla huh? Sino ang nagbigay sayo ng lakas ng loob para gawin iyon huh?” nagtatagis ang mga bagang na tanong nito sa kaniya.Ang boses nito ay nakakatakot kaya mas lalo pa siyang nanginig sa takot. Hindi niya tuloy alam kung paano niya sasagutin ang kanyang kapatid. Takot na takot siya at dahil doon ay agad na bumagsak ang luha sa kanyang mga mata. Sa totoo lang ay mali naman talaga ang ginawa niya at padalos dalos nga talaga ngunit matanda na siya. 21 years old na siya at masasabing nasa tamang pag-iisip na siya at alam na niya ang ginagawa niya.Nang makita nitong luhaan na ang kanyang mukha ay agad na lumambot ang mukha nito ng kaunti at bahagya nitong niluwagan ang pagkakahawak nito sa kamay niya ngunit nananatiling hawak nito iyon at hindi binitawan. Ilang sandali pa ay itinaas nito ang kamay at pinunasan ang luha na dumulas sa pisngi niy
SA buong buhay ni Bella ay parang iyon ang pagkain na napakahirap lunukin. Sa hapag kasi ay hindi pa rin nagbabago ang kapaligiran, napakalamig pa rin. Ang mga mata ng kanyang kapatid ay nanatiling malamig habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Keizer, lalong lalo na kapag tumitingin ito kay Keizer. Hindi niya alam kung napapansin ba nito ang titig ng kapatid at ipinagsasawalang bahala lang iyon ngunit kalmado pa rin naman ito kahit papano. Walang mababakas na anumang ekspresyon sa mukha nito ngunit ang mga galaw nito ay napaka magalang sa harap ng kanyang ina at kapatid.Sa totoo lang ay naiipit siya sa pagitan ng dalawa at hindi niya rin maiwasang hindi manginig sa takot. Nag-aalala pa rin siya at wala siyang ibang iniisip kundi matapos na kaagad ang lahat at bumilis ang takbo ng oras. Ilang sandali pa ay nag-umpisa nang pag-usapan ni Keizer at ng kanyang ina ang tungkol sa kasal at paminsan minsan ay sumasabat ang kanyang Kuya na katulad ng sabi nito kanina ay hindi ito papayag na
ISANG matamis na ngiti ang biglang gumuhit sa labi ni Paul nang makita niya ang kanyang nakababatang kapatid. Hindi niya sinagot ang tanong nang kanyang ina at nang makita niya ang isang bagong mukha sa loob ng pamamahay nila ay dali-daling nabura ang ngiti sa labi niya. Agad na nagsalubong ang mga kilay niya.Ang lalaking naroon ay malayong malayo sa itsura ni Patrick. Isa pa, sa unang tingin niya pa lang noon sa Patrick na iyon ay wala ng magandang gagawin kahit na ano pang magandang ipakita nito sa kaniya ay hindi niya maiwasang hindi magalit dito. Palagi niyang gustong paghiwalayin ang mga ito noon pero ang lalaking nasa harap niya ay mukhang hindi katulad nito. Bukod na nga sa gwapo ito ay mukha rin itong kagalang-galang at nasisiguro niya na kahit sinong babae ang makakita rito ay magkakagusto. “Sino siya?” malamig na tanong niya at tiningnan si Bella na nasa harapan niya.Sunod sunod na napalunok si Bella nang makita niya ang galit sa mga mata ng kanyang Kuya. hindi niya maiwa
TINITIGAN ni Annete ang larawan ni Bella at ng lalaking mapapangasawa daw nito. Mula sa larawan hanggang sa personal ay masasabi niyang gwapo ito. Ang kamay nito ay napakalambot na para bang wala itong ginagawang napakahirap sa buhay. Binasa niya ang marriage certificate at doon niya nakita na halos magte-trenta na pala ito at halos ilang taon din ang taon nito kay BElla. Hindi niya maiwasang hindi magtanong sa kanyang isip, hindi ba ang boyfriend noon ni Bella ay si Patrick? Bakit ngayon ay iba na ang pinakikilala nito sa kaniya? Nasaan na si Patrick? Anong nangyari sa kanilang dalawa? Napakaraming tanong ang nabuo sa isip ni Annete ng mga oras na iyon ngunit hindi niya magawang magtanong kay Bella ng diretso.Samantala, maingat naman na tiningnan ni Bella ang mukha ng kanyang ina at parang sasabog ang dibdib niya. Binasa niya ang kanyang labi at nilingon si KEizer. Wala siyang alam na sabihin sa kanyang ina, napakagat siya sa kanyang labi at pilit na nag-iisip kung ano ang dapat niy
PAGBABA niya ay ang inis na mukha nito ang bumungad sa kaniya. “Napakatagal mo!” inis na bulalas nito sa kaniya.Ang mga mata nito ay malamig na nakatingin sa kaniya at dahil doon ay hindi na lang niya maiwasang hindi mapasimangot. Wala man lang itong kalambig-lambing sa kaniya. Kahit na hindi naman sana sila tunay na magkasintahan ay pwede naman sana itong maging mabait sa kaniya hindi ba? Nakuha na nila ang marriage certificate nila at magpapakasal na sila at kahit na sa papel lang iyon at kasunduan ay magpapakasal pa rin sila kaya niya rin maiwasang hindi mainis.Padabog siyang bumaba, halos ayaw na niyang umuwi sa bahay nila kasama ito ngunit wala siyang magagawa dahil alam niya na mas magagalit lang ito sa kaniya kapag nagmatigas pa siya rito. Sinuyod niya ito ng tingin at nakasuot ito ng mamahaling suit at mukhang kagalang-galang. Sa unang tingin pa lang ay malalaman mo nang galing ito sa isang prominenteng pamilya at kapag nakita naman siguro ito ng kanyang ina at Kuya ay hindi