PATULOY ang pag-agos ng luha mula sa kanyang mga mata. “Huwag please! Tumigil ka na! Huwag!” pagmamakaawa niya rito.
Ngunit kahit na anong pakiusap niya ay parang hindi nito naririnig. Ang mga labi at kamay nito ay mas naging agresibo pa lalo. Paulit-ulit siya nitong hinalikan, sa kanyang leeg, sa likod ng kanyang tenga hanggang sa kanyang mga balikat.
Patuloy siyang nagmakaawa dito at sinubukang itulak ito palayo sa kaniya ngunit halos maubusan na siya ng lakas sa pagpupumiglas at doon niya lang naisip na wala talaga siyang magagawa. Puno ng takot ang kanyang puso, hindi niya tuloy maiwasang hindi magsisi sa naging desisyon niya. Wala siyang aasahan, hindi siya nito titigilan. Napapikit siya ng mariin. “Tulong! Tulungan ninyo ako!” malakas na sigaw niya na para bang may makakarinig sa kaniya. “Huwag please… huwag…” nanginig ang kanyang mga labi sa labis na takot.
Maging ang kanyang katawan ay ang-umpisa na ring manginig, pero dahil nga mukhang lasing ito ay hindi nito pinapansin ang pagtutol niya ng paulit-ulit. Wala itong ibang nasa isip kundi ang tawagin ang babaeng nagngangalang Lily. hindi niya alam kung sino ito at kung ano ang papel nito sa buhay nito ngunit dahil sa mga galaw nito ay tiyak na isang babae itong mahalaga para kay Keizer.
Ilang sandali pa ay agad siyang napapikit ng mahigpit at napakapit ng mahigpit sa likod nito dahil pakiramdam niya ay para bang hiniwa ang ibabang parte ng katawan niya. “A-aray… masakit…” reklamo niya ngunit wala lang itong sagot at nagpatuloy sa ginagawa.
Tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata kasabay ng pagbaon ng mga kuko niya sa likod nito. Ang napakatagal niyang ininingatan sa buhay niya ay nawala lang ng isang iglap na hindi man lang siyang nakapanlaban. Bakit? Bakit sa dinami-dami ng lalaki ay ito pa talaga?
Alam niya na noong mga oras na iyon ay wala ng silbi pa ang pagpupumiglas niya. Ang tanging magagawa na lang niya ay pumikit ng mariin habang hinahayaan itong angkinin siya. Wala siyang ibang gusto kundi ang mabilis na matapos na ang pangyayaring iyon.
Habang umuulos ito ay pasakit ng pasakit sa pakiramdam niya. Napakagat na lang siya sa kanyang mga labi habang pabaon ng pabaon ang kanyang mga kuko sa likod nito dahil sa kirot na nararamdaman niya at alam niya na mag-iiwan iyon ng marka pero wala siyang pakialam. Pakiramdam pa niya ay may kung anong nakabara sa kanyang lalamunan ng mga oras na iyon. Habang inaangkin siya nito ay wala itong ibang tinawag kundi si Lily. matinding galit ang umahon sa dibdib niya ng wala sa oras.
Ang pagtawag nito sa ibang babae ay para bang kutsilyo na paulit-ulit tumatarak sa kanyang puso. Kahit na wala siyang nararamdaman para dito ay hindi niya maiwasang masaktan. Anong karapatan nito na tawagin ang ibang babae habang inaangkin siya nito? Tama ba na gawin nito iyon?
Kahit na ano pang galit ang naramdaman niya ay tiniiis na lang niya ang lahat at inisip na malapit naman na itong matapos, kaya lang ay hanggang sa matapos ito ay pangalan pa rin ni Lily ang tinatawag nito. Halos ipikit na niya ang kanyang mga mata dahil naubusan na siya ng lakas sa magkahalong pagod at sakit. Wala na siyang lakas pa. Nanaig ang sakit sa pagitan ng kanyang mga hita. Akala pa naman niya kapag ibinigay niya ang kanyang pagka-birhen sa magiging asawa niya ay magiging masaya siya ngunit poot lang ang tanging naramdaman niya dahil hindi niya naman mahal ang pinag-alayan niya ito katulad ng pangarap niya kundi isang estranghero. Ilang sandali pa ay dahan-dahan na siyang nakatulog.
~~~~
SIKAT ng araw ang gumising kay Bella ngunit halos ayaw niyang imulat ang kanyang mga mata. Ang kanyang pakiramdam ay para siyang sinisilaban at ramdam na ramdam niya rin ang pananakit ng kanyang katawan. Hindi siya komportable at mas ipinikit pa ng mariin ang kanyang mga mata, wala siyang lakas na imulat ang kanyang mga mata at pakiramdam niya rin ay tuyong-tuyo ang bibig at lalamunan niya.
Ilang sandali pa ay bigla niyang naramdaman ang malamig na kamay sa kanyang noo kasunod nito ay ang mahinang pagpunas sa kanyang mga kamay ng paulit-ulit maging sa kanyang noo. May naririnig siyang mahihinang boses ngunit halos hindi niya iyon maintindihan, sobrang sakit din ng kanyang ulo na para bang umiikot ang paligid niya.
Hindi niya alam kung gaano pa katagal ang lumipas bago niya tuluyang naramdaman na guminhawa ng kaunti ang pakiramdam niya. Ang talukap ng kanyang mga mata ay hindi na ganun kabigat pa kaya dahan-dahan niya itong iminulat at nakita niya ang isang malamig na mukha habang nakakunot ang noo at nakatingin sa kaniya na halos ikagulantang niya a muntik na rin siyang mapatalon.
“Humiga ka lang diyan!” mabilis na sabi nito nang makita na mukhang babangon siya. Dahan-dahan diyang napahawak sa kanyang ulo dahil pakiramdam niya ay para itong hinahati dahil sa sobrang sakit. Nang iikot niya ang kanyang paningin sa silid ay hindi iyon pamilyar sa kanya kaya wala siya sa sariling napatanong.
“Nasaan ako?” paos na tanong niya at ramdam na ramdam niya ang tuyo niyang lalamunan.
Ilang sandali pa ay nagulat na lang siya nang marinig niya ang isang tinig. “Salamat naman at gising na si ma’am.” sabi ng isang tinig.
Ma’am? Napatanong siya sa kanyang isip ng wala sa oras. Dahil dito ay bigla niyang naalala ang mga nangyari kagabi. Matapos ang nangyari kagabi sa pagitan nila ni Keizer ay nakatayo ito sa harapan niya na parang walang nangyari at ni wala man lang bahid ng pagsisisi sa mukha nito. Wala ba itong maalala?
Hindi niya maiwasang hindi sumama ang loob niya bigla at mag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay sising-sisi siya sa padalos-dalos na desisyon niya. Pagkatapos siyang iwanan ng kanyang ex-boyfriend ay basta na lang siyang pumayag na magpakasal sa isang estranghero. Ni hindi man lang niya alam kung ano ang personalidad nito o ang background nito.
Pumikit siya at ayaw niyang magsalita.
…
HINDI mapigilan ni Bella na manginig dahil sa narinig. Ilang sandali pa ay maingat niyang nilingon si Keizer. Halata s amukha nito ang pagod. Tiyak na napakarami nitong ginawa at inasikaso ngunit sa halip na magpahinga ay sinundo pa siya niti. Bakit hindi na lang kasi ito nag-utos ng tauhan nito?Nang makarating sila sa kotse ay agad nitong binitawan ang kamay niya. Sumakay ito sa kotse kung kaya ay dali-dali rin namang siyang sumakay sa kotse. Nang makasakay ay hindi niya pa rin maiwasang hindi mapatingin sa mukha nito.Sa puntong iyon ay bigla na lang siyang nilingon ni Keizer kaya dali-dali naman niyang iniiwas ang kanyang mga mata. Sa totoo lang ay nag-aalala siya, ilang beses siyang binastos ng kapatid niya at hindi niya maiwasang magtanong sa isip niya kung hindi ba ito galit.Pinaandar nito ang sasakyan at pagkatapos ay mahinang nagtanong. “Kumain ka na ba?” tanong nito sa knaiya.Mabilis na umiling si Bella. Napabuntong hininga si Keizer at muling nagsalita. “May kailangang as
ANG mga mata nito ay nag-aapoy sa matinding galit. “Sa tingin mo anong nangyayari sa akin huh? Sino ka sa tingin mo para magdesisyon ng pabigla-bigla huh? Sino ang nagbigay sayo ng lakas ng loob para gawin iyon huh?” nagtatagis ang mga bagang na tanong nito sa kaniya.Ang boses nito ay nakakatakot kaya mas lalo pa siyang nanginig sa takot. Hindi niya tuloy alam kung paano niya sasagutin ang kanyang kapatid. Takot na takot siya at dahil doon ay agad na bumagsak ang luha sa kanyang mga mata. Sa totoo lang ay mali naman talaga ang ginawa niya at padalos dalos nga talaga ngunit matanda na siya. 21 years old na siya at masasabing nasa tamang pag-iisip na siya at alam na niya ang ginagawa niya.Nang makita nitong luhaan na ang kanyang mukha ay agad na lumambot ang mukha nito ng kaunti at bahagya nitong niluwagan ang pagkakahawak nito sa kamay niya ngunit nananatiling hawak nito iyon at hindi binitawan. Ilang sandali pa ay itinaas nito ang kamay at pinunasan ang luha na dumulas sa pisngi niy
SA buong buhay ni Bella ay parang iyon ang pagkain na napakahirap lunukin. Sa hapag kasi ay hindi pa rin nagbabago ang kapaligiran, napakalamig pa rin. Ang mga mata ng kanyang kapatid ay nanatiling malamig habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Keizer, lalong lalo na kapag tumitingin ito kay Keizer. Hindi niya alam kung napapansin ba nito ang titig ng kapatid at ipinagsasawalang bahala lang iyon ngunit kalmado pa rin naman ito kahit papano. Walang mababakas na anumang ekspresyon sa mukha nito ngunit ang mga galaw nito ay napaka magalang sa harap ng kanyang ina at kapatid.Sa totoo lang ay naiipit siya sa pagitan ng dalawa at hindi niya rin maiwasang hindi manginig sa takot. Nag-aalala pa rin siya at wala siyang ibang iniisip kundi matapos na kaagad ang lahat at bumilis ang takbo ng oras. Ilang sandali pa ay nag-umpisa nang pag-usapan ni Keizer at ng kanyang ina ang tungkol sa kasal at paminsan minsan ay sumasabat ang kanyang Kuya na katulad ng sabi nito kanina ay hindi ito papayag na
ISANG matamis na ngiti ang biglang gumuhit sa labi ni Paul nang makita niya ang kanyang nakababatang kapatid. Hindi niya sinagot ang tanong nang kanyang ina at nang makita niya ang isang bagong mukha sa loob ng pamamahay nila ay dali-daling nabura ang ngiti sa labi niya. Agad na nagsalubong ang mga kilay niya.Ang lalaking naroon ay malayong malayo sa itsura ni Patrick. Isa pa, sa unang tingin niya pa lang noon sa Patrick na iyon ay wala ng magandang gagawin kahit na ano pang magandang ipakita nito sa kaniya ay hindi niya maiwasang hindi magalit dito. Palagi niyang gustong paghiwalayin ang mga ito noon pero ang lalaking nasa harap niya ay mukhang hindi katulad nito. Bukod na nga sa gwapo ito ay mukha rin itong kagalang-galang at nasisiguro niya na kahit sinong babae ang makakita rito ay magkakagusto. “Sino siya?” malamig na tanong niya at tiningnan si Bella na nasa harapan niya.Sunod sunod na napalunok si Bella nang makita niya ang galit sa mga mata ng kanyang Kuya. hindi niya maiwa
TINITIGAN ni Annete ang larawan ni Bella at ng lalaking mapapangasawa daw nito. Mula sa larawan hanggang sa personal ay masasabi niyang gwapo ito. Ang kamay nito ay napakalambot na para bang wala itong ginagawang napakahirap sa buhay. Binasa niya ang marriage certificate at doon niya nakita na halos magte-trenta na pala ito at halos ilang taon din ang taon nito kay BElla. Hindi niya maiwasang hindi magtanong sa kanyang isip, hindi ba ang boyfriend noon ni Bella ay si Patrick? Bakit ngayon ay iba na ang pinakikilala nito sa kaniya? Nasaan na si Patrick? Anong nangyari sa kanilang dalawa? Napakaraming tanong ang nabuo sa isip ni Annete ng mga oras na iyon ngunit hindi niya magawang magtanong kay Bella ng diretso.Samantala, maingat naman na tiningnan ni Bella ang mukha ng kanyang ina at parang sasabog ang dibdib niya. Binasa niya ang kanyang labi at nilingon si KEizer. Wala siyang alam na sabihin sa kanyang ina, napakagat siya sa kanyang labi at pilit na nag-iisip kung ano ang dapat niy
PAGBABA niya ay ang inis na mukha nito ang bumungad sa kaniya. “Napakatagal mo!” inis na bulalas nito sa kaniya.Ang mga mata nito ay malamig na nakatingin sa kaniya at dahil doon ay hindi na lang niya maiwasang hindi mapasimangot. Wala man lang itong kalambig-lambing sa kaniya. Kahit na hindi naman sana sila tunay na magkasintahan ay pwede naman sana itong maging mabait sa kaniya hindi ba? Nakuha na nila ang marriage certificate nila at magpapakasal na sila at kahit na sa papel lang iyon at kasunduan ay magpapakasal pa rin sila kaya niya rin maiwasang hindi mainis.Padabog siyang bumaba, halos ayaw na niyang umuwi sa bahay nila kasama ito ngunit wala siyang magagawa dahil alam niya na mas magagalit lang ito sa kaniya kapag nagmatigas pa siya rito. Sinuyod niya ito ng tingin at nakasuot ito ng mamahaling suit at mukhang kagalang-galang. Sa unang tingin pa lang ay malalaman mo nang galing ito sa isang prominenteng pamilya at kapag nakita naman siguro ito ng kanyang ina at Kuya ay hindi