NAIWANG nakatayo si Keizer doon at mahigpit na nakakunot ang noo. Mukhang napasobra nga yata siya dahil nakalimutan niya na ilang taon pa lang ang babaeng iyon. Inaamin niya na naging marahas ang mga binitawan niyang salita at ni hindi man lang pinag-isipan ang mga iyon bago niya ito sabihin. Nang maalala niya ang namumula nitong mga mata habang hilam ng luha ay bigla siyang nakaramdam ng matinding guilt. Isa pa ang nangyari kagabi sa pagitan nila. Napahilot na lang siya ng wala sa oras sa kanyang sentido at napamura ng ilang ulit sa isip niya.
Dali-dali siyang lumabas upang habulin ito. Nakita niya ito sa harapan ng bahay sa may garden at nakasalampak sa damuhan habang umiiyak. Habang papalapit ay kitang- kita niya kung paano yumugyog ang balikat nito dahil sa matinding pag-iyak. Mas lalo pa tuloy siyang nakonsensya dahil sa mga sinabi niya.
Binagalan niya ang kanyang paglalakad. Hindi niya maalala kung gaano na nga ba katagal ang lumipas noong huli siyang nanuyo ng isang babae? Napakuyom na lang ang kanyang mga kamay at dahan-dahang naglakad hanggang sa makarating siya sa harapan nito.
MULA sa gilid ng kanyang mga mata ay kitang-kita ni Bella na papalapit sa kaniya si Keizer ngunit mas lalo lang bumagsak ang kanyang mga luha. Ayaw niya itong pansinin dahil napakasama nitong tao! Napakawalang puso nito sobra!
Hindi niya ito pinansin kahit na tumigil na ito sa harapan niya, wala siyang pakialam ngunit ilang minuto ang lumipas ay sinigawan na naman siya nito. “Tumigil ka na sa kaiiyak mo! Para kang bata!” inis na usal nito.
Napakuyom ang kanyang mga kamay at dali-daling tumayo pagkatapos ay sinamaan niya ito ng tingin. “Ano pati na ba pag-iyak ko ay ipagbabawal mo na rin huh? Wala na ba akong kalayaan na gawin ang gusto ko ngayon? Isa pa, ayoko na! Gusto ko ng umuwi at ayoko na dito! Hindi tayo pwedeng magsama sa iisang bubong lalo pa at napakasama mo ayaw kong makasama ka!” tuloy tuloy na sabi niya. Nakalimutan niya sandali ang takot na nararamdaman niya kaya niya nagawang sabihin ang mga bagay na iniisip niya lang kanina.
Umihip ang malamig na hangin sa kanila at kitang kita niya kung paano nagdilim ang mukha ni Keizer dahil sa mga sinabi niya. “Sa tingin mo ba ay laro lang ang pagpayag mo na magpakasal sa akin huh? Sa tingin mo ba ay ganun ganun lang bawiin ang lahat? Ayusin mo nga yang sarili mo. pumasok ka doon at kumain ka.” malamig at walang emosyong sabi nito sa kaniya.
Ilang sandali pa ay doon lang napagtanto ni Bella kung gaano nga kaseryoso ang sinabi niya at napakagat labi na lang siya. Tahimik siyang umiyak at hindi naglakas ng loob na humikbi sa harapan nito. Pinilit niya rin ang sarili na huwag nang umiyak pero patuloy pa rin talaga ang pagtulo ng mga luha niya.
“Pumasok ka na doon at kumain ka!” muling sigaw nito sa kaniya. Gustong sumagot ni Bella at ngunit pinili na lang niya na huwag na ring magsalita pa para matapos na ang pagtatalo nila. Isa pa ay naramdaman niya na medyo malamig ang simoy ng hangin at baka magkasakit pa siya kaya pumasok na lang siya sa loob ng tahimik habang nagpupunas ng luha niya.
ISANG mahabang buntong hininga ang pinakawalan ni Keizer habang nakasunod ng tingin kay Bella. Ilang sandali pa ay sumunod na rin siya na pumasok sa loob ng bahay. Hindi niya alam kung paano nga ba niya dapat pakitunguhan ito ngunit kung hindi naman niya ito tatakutin at sisigawan ay hindi siya nito papakinggan.
Habang naglalakad ay muli niyang naalala ang sinabi nito kanina. Sa katunayan, walang ibang gusto ang kanyang lolo kundi ang magka apo an sa tuhod kay Bella. Naalala niya pa ang mga salita nito kahapon, pero kahit na sa ganun ay hindi niya rin naman ito gusto katulad din ng sabi nito kanina at kaya wala sana silang magiging problema kaya lang ay paano niya susundin at pagbibigyan ng hiling ng kanyang lolo kung sakali man?
~~~
NANG mahiga si Bella sa kama ay hindi niya maiwasang hindi makahinga ng maluwag. Mabuti na lang at si Keizer mismo ang nagsabi na sa guest room siya matulog dahil kung mananatili siya sa iisang kwarto na kasama ito ay baka hindi siya makatulog dahil sa takot na maulit ang unang gabi niya roon.
Kahita na aksidente lang iyon ay parehas nilang ayaw ang nangyari kaya iisipin na lang niya na walang nangyari sa pagitan nila noong gabing iyon. Iisipin na laniya niya na isa lamang isang panaginip iyon. Napahikab siya at napapikit hanggang sa hindi niya namamalayan ay nakatulog na pala siya.
KINABUKASAN, ipinagising siya nito kay Manang Luring dahil kailangan daw nilang pumunta sa mansyon kung saan nakatira ang lolo nito. Idagdag pa na naroon din ang iba nitong kapamilya na naghihintay sa pagdating niya para lubusan siyang makilala. Sa totoo lang ay hindi niya maiwasang makaramdam ng matinding kaba.
Kahit na minsan pa lang niyang nakita ang matanda ay hindi pa rin siya mapakali lalo pa at nang mga oras na iyon ay pupunta siya doon bilang magiging asawa na ng apo nito.
Nang makasakay sila sa kotse ay palala lang ng palala ang kabang nararamdaman ni Bella kaya dali-dali niyang nilingon si Keizer. “Parang sumakit bigla ang ulo ko, pwede bang hindi na lang ako magpunta?”
Walang emosyon ang mukha nito nang lingunin siya nito. “Pwede ba, tigilan mo ako sa kaartehan mo.” malamig na sabi nito at pinaandar na ang kotse. Mukhang wala na nga talaga siyang magagawa kundi ang harapin ang pamilya nito.
Napasmangot na lang siya at tumanaw sa labas ng bintana. Wala talaga siyang aasahan sa lalaking ito kahit kailan. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan niya para pakalmahin ang sarili niya dahil sa totoo lang ay wala naman pa talaga sa balak niya ang magpakasal. Ni hindi pa nga siya tapos sa kanyang pag-aaral, pero alam niya na kahit ano pang gawin niya ay hindi na niya iyon matatakasan pa. Ang lalo pang ikinababahala niya ay tiyak na ang pamilya nito ay puro mga mayayayaman at paano na lang siya? Hindi kaya siya mapahiya?
…
TINITIGAN ni Annete ang larawan ni Bella at ng lalaking mapapangasawa daw nito. Mula sa larawan hanggang sa personal ay masasabi niyang gwapo ito. Ang kamay nito ay napakalambot na para bang wala itong ginagawang napakahirap sa buhay. Binasa niya ang marriage certificate at doon niya nakita na halos magte-trenta na pala ito at halos ilang taon din ang taon nito kay BElla. Hindi niya maiwasang hindi magtanong sa kanyang isip, hindi ba ang boyfriend noon ni Bella ay si Patrick? Bakit ngayon ay iba na ang pinakikilala nito sa kaniya? Nasaan na si Patrick? Anong nangyari sa kanilang dalawa? Napakaraming tanong ang nabuo sa isip ni Annete ng mga oras na iyon ngunit hindi niya magawang magtanong kay Bella ng diretso.Samantala, maingat naman na tiningnan ni Bella ang mukha ng kanyang ina at parang sasabog ang dibdib niya. Binasa niya ang kanyang labi at nilingon si KEizer. Wala siyang alam na sabihin sa kanyang ina, napakagat siya sa kanyang labi at pilit na nag-iisip kung ano ang dapat niy
PAGBABA niya ay ang inis na mukha nito ang bumungad sa kaniya. “Napakatagal mo!” inis na bulalas nito sa kaniya.Ang mga mata nito ay malamig na nakatingin sa kaniya at dahil doon ay hindi na lang niya maiwasang hindi mapasimangot. Wala man lang itong kalambig-lambing sa kaniya. Kahit na hindi naman sana sila tunay na magkasintahan ay pwede naman sana itong maging mabait sa kaniya hindi ba? Nakuha na nila ang marriage certificate nila at magpapakasal na sila at kahit na sa papel lang iyon at kasunduan ay magpapakasal pa rin sila kaya niya rin maiwasang hindi mainis.Padabog siyang bumaba, halos ayaw na niyang umuwi sa bahay nila kasama ito ngunit wala siyang magagawa dahil alam niya na mas magagalit lang ito sa kaniya kapag nagmatigas pa siya rito. Sinuyod niya ito ng tingin at nakasuot ito ng mamahaling suit at mukhang kagalang-galang. Sa unang tingin pa lang ay malalaman mo nang galing ito sa isang prominenteng pamilya at kapag nakita naman siguro ito ng kanyang ina at Kuya ay hindi
BIGLANG sumagot si Keizer sa lolo nito. “Ang sabi sa akin ni Bella ay ayaw niya pa raw ipaalam sa magulang niya.” sagot nito.Agad niyang nilingon ito na nanlalaki ang mga mata. Bakit siya ang itinuturo nito? Wala naman siyang sinasabing ganun. Ilang sandali pa ay biglang nagsalita ang lolo nito na halatang hindi nasiyahan sa sinabi ni Keizer. Nilingon siya nito. “Hija, alam mo naman na ang pinakamahalaga sa isang babae ay ang reputasyon niya. Nagsasama na kayo ni Keizer at naipasa niyo na ang mga requirements hindi ba? Tyaka isa pa, magseseminar kayo ngayon at pagkatapos ay makukuha na ninyo ang marriage certificate ninyo pagkatapos ay pwede na kayong pumili ng petsa ng kasal ninyo pagkatapos ay ayaw mo pang sabihin sa pamilya mo? Kung hindi mo kayang sabihin sa kanila ay hayaan mong ako ang magsabi sa kanila.” tuloy tuloy na sabi nito sa kaniya na ikinapanlaki ng kanyang mga mata.Sunod sunod ang naging paglunok niya sa labis na kaba. Baka mamaya ay magtungo nga ito bigla sa bahay n
NAPAKA tahimik ng paligid at nakakailang sobra hanggang sa tuluyan nang nagsalita ang pinaka bunsong kapatid ni Keizer. “Kuya grabe ang bilis ng pangyayari ah at may bride ka na kaagad.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay nilingon siya nito. “Hindi ko akalain na pumayag kang magpakasal sa Kuya ko ng agad agad, uso pa pala ngayon ang ganun. Tyaka balita ko ay nag-aaral ka pa diba? Ano na ulit ang course mo? Nursing?” tanong nito sa kaniya ngunit puno ng panunuya ang mga mata nito.Hindi siya sumagot at nanatili lang na tahimik. Ilang sandali pa ay marahan itong natawa habang nakatingin sa kaniya. “Ilang taon ka na? 21? Super bata pa ah.” sabi pa nitong muli.Isang nahihiyang ngiti ang ipinaskil lang ni Bella sa kanyang labi. Ang lahat ng sinabi nito ng mga oras na iyon ay totoo at ni isa sa mga iyon ay hindi niya pa nasabi man lang kay Keizer kaya paano nalaman ng kapatid nito ang tungkol sa kaniya? Mukhang pina-imbestigahan siya ng mga ito. Hindi niya tuloy maiwasang hindi mainis da
NAHILA siya mula sa kanyang pag-iisip nang marinig niya ang tinig nito. “Wala kang dapat ipag-alala. Basta samahan mo lang ako.” sabi nito sa kaniya.Hindi siya tumingin dito ngunit mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya na sinulyapan siya nito at kahit papano sa sinabi nitong iyon ay medyo kumalma rin ng kaunti ang pakiramdam niya. Isa pa, naisip niya bakit nga ba naman ito kakabahan sana e mga kamag-anak nito ang kikitain nila? Malamang wala naman sigurong mangyayaring masama hindi ba?Ngumuso siya. “Sinong nagsabi sayo na nang-aalala ako? Hindi ko lang alam kung paano ako haharap sa kanila.” pag-amin niya, nahihiya siya. Hindi niya rin alam kung paano makisalamuha sa mga taong mayaman kagaya nito.Hindi siya nito sinagot. Sa halip ay nag-focus na lang sa pagmamaneho pero hindi niya alam kung ilang beses siyang nagpakawala ng buntong hininga.Hindi na lang din siya umimik hanggang sa tuluyan nang pumasok ang kotse ni Keizer sa isang napakataas na gate at pagpasok pa lang n
NAIWANG nakatayo si Keizer doon at mahigpit na nakakunot ang noo. Mukhang napasobra nga yata siya dahil nakalimutan niya na ilang taon pa lang ang babaeng iyon. Inaamin niya na naging marahas ang mga binitawan niyang salita at ni hindi man lang pinag-isipan ang mga iyon bago niya ito sabihin. Nang maalala niya ang namumula nitong mga mata habang hilam ng luha ay bigla siyang nakaramdam ng matinding guilt. Isa pa ang nangyari kagabi sa pagitan nila. Napahilot na lang siya ng wala sa oras sa kanyang sentido at napamura ng ilang ulit sa isip niya.Dali-dali siyang lumabas upang habulin ito. Nakita niya ito sa harapan ng bahay sa may garden at nakasalampak sa damuhan habang umiiyak. Habang papalapit ay kitang- kita niya kung paano yumugyog ang balikat nito dahil sa matinding pag-iyak. Mas lalo pa tuloy siyang nakonsensya dahil sa mga sinabi niya.Binagalan niya ang kanyang paglalakad. Hindi niya maalala kung gaano na nga ba katagal ang lumipas noong huli siyang nanuyo ng isang babae? Napa