Share

Chapter 6

Author: eleb_heart
last update Last Updated: 2025-06-06 07:10:31

NAHILA siya mula sa kanyang pag-iisip nang marinig niya ang tinig nito. “Wala kang dapat ipag-alala. Basta samahan mo lang ako.” sabi nito sa kaniya.

Hindi siya tumingin dito ngunit mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya na sinulyapan siya nito at kahit papano sa sinabi nitong iyon ay medyo kumalma rin ng kaunti ang pakiramdam niya. Isa pa, naisip niya bakit nga ba naman ito kakabahan sana e mga kamag-anak nito ang kikitain nila? Malamang wala naman sigurong mangyayaring masama hindi ba?

Ngumuso siya. “Sinong nagsabi sayo na nang-aalala ako? Hindi ko lang alam kung paano ako haharap sa kanila.” pag-amin niya, nahihiya siya. Hindi niya rin alam kung paano makisalamuha sa mga taong mayaman kagaya nito.

Hindi siya nito sinagot. Sa halip ay nag-focus na lang sa pagmamaneho pero hindi niya alam kung ilang beses siyang nagpakawala ng buntong hininga.

Hindi na lang din siya umimik hanggang sa tuluyan nang pumasok ang kotse ni Keizer sa isang napakataas na gate at pagpasok pa lang nila doon ay napansin na niya kaagad ang karangyaan ng mansyon. Nang tumigil mismo sa harap ng driveway ang kotse ay may isang matandang lalaki ang lumapit sa kanila at piangbuksan sila ng pinto. “Maligayang pagdating sa mansyon ng mga Villafuente ma’am.” bati nito sa kaniya nang nakangiti at medyo nahiya siya ng bahagya. Ito kasi ang unang beses na may nagbukas sa kaniya ng pinto katulad nito. “Naghihintay na po sila sa loob.” dagdag pa nito.

Agad na silang bumaba ni Keizer at pagkatapos ay ibinigay nito ang susi sa lalaki bago siya binalingan. “Sumunod ka sa akin.” sabi nito at nauna nang naglakad sa kaniya.

Sumunod naman siya kaagad dito na sobra pa ring kinakabahan ng mga oras na iyon at hindi niya maiwasang hindi mainis kay Keizer ng mga oras na iyon dahil ni hindi man lang nito hinawakan ang kamay niya para sabay silang pumasok sa loob. Kahit naman kasunduan lang ang pagpapakasal nila ay hindi ba dapat na maging sweet pa rin sila? Hindi niya tuloy maiwasang hindi kabahan pa lalo.

Idagdag pa na napakabilis nitong maglakad, palibhasa ay napaka lalaki ng mga hakbang na ginagawa nito kaya halos tumakbo na siya para lang makasabay rito. Hindi ba nito alam na hindi sila magkapareho ng size ng binti?

Ilang sandali pa ay tuluyan na silang nakapasok sa loob ng bahay. Nakaupo ang mga ito sa hapag kainan at ang lahat ng mga mata ay napunta sa kaniya dahilan para kabahan siya ng sobra. Halos manginig ang katawan niya. Sobrang ilang na ilang siya. Hindi niya rin kayang salubungin ang mata ng mga ito kaya yumuko na lang siya.

Ang pagtawa ng matanda ang bumasag sa nakakabinging katahimikan. Napilitan tuloy siyang mag-angat ng kanyang ulo at bahagyang nagpaskil ng isang mahinang ngiti sa kaniyag labi. Matamis itong ngumiti sa kaniya. “Sa wakas dumating na rin dito ang mapapangasawa ng apo ko. Halika hija, talagang pinalipas pa ng apo ko ang isang araw bago ka niya dalhin dito.” sabi nito na may pilyang ngiti at sinulyapan si Keizer.

Hindi naman nag-react si Keizer sa pang aasar ng lolo at nananatiling malamig pa rin ang ekspresyon nito. “Lolo, ayaw mo na ba akong makita sa mga susunod pang mga araw?” tanong ni KEizer sa lolo nito at napatawa lang ito ng marahan.

“Ikaw naman apo ko, masyadong mainit yang ulo mo.” sagot naman ng matanda na nakangiti pa rin ngunit alam niya na kung magpapatuloy pa iyon ay baka mag-away na ang mga ito.

Umupo silang dalawa ni Keizer sa harap ng hapag. “Mukhang hindi naman niya gusto tayong makita dahil talagang nagpalipas pa ng ilang araw para pumunta rito at magpakilala?” 

Isang tinig ang biglang dumating at nang lingunin niya ito ay galing iyon sa babaeng nasa tapat niya mismo. Ang mukha nito ay nananatili pa ring maganda na halos wala pang gaanong kulubot. Ang mga mata nito ay nakatingin sa kaniya na puno ng pang-aalipusta.

Nawala ang ngiti sa labi ng matanda nang lingunin nito ang nagsalitang babae. “Pwede bang manahimik ka na lang? Kung wala ka namang magandang sasabihin ay mas mainam pa na umakyat ka sa taas dahil wala namang may gusto na narito ka!” mabangis na sabi ng matanda rito.

Nang marinig ito ng babae ay agad na namutla ang mukha nito at mahigpit na ikinuyom ang kanyang mga kamay at halatang halata sa mukha nito na galit na galit ito. Sa mga oras naan na iyon ay hindi naman din nakatiis ang isang babae na nasa tabi rin nito na kung titingnan ay halos kasing edad o mas bata lang ng kaunti kay KEizer. Tumingin ito sa kaniya na puno ng galit ang mga mata at pagkatapos ibinalik ang paningin sa matanda bago nagpaskil ng isang pilit na ngiti sa labi nito.

“Lolo, paano niyo naman nagagawang sabihin yang mga yan kay Mommy samantalang kung tutuusin ay nagmamalasakit lang naman siya kay Kuya.” mahinang sabi nito.

Sa halip na mawala ang galit ng matanda ay mas nagalit lang ito lalo at pagkatapos ay sinamaan din ito ng tingin. “Pwede ba, isama mo yang ina mo at umalis kayo ngayon din dito sa harap ko. Minsan lang akong maging masaya pero pinipilit niyo lang akong galitin!” galit na bulalas nito.

Sa pagkakataong iyon ay doon naman na sumingit ang isa pang lalaki na sa tantiya niya ay nasa fifties  na. Ngumiti ito sa matanda. “Pa, huwag ka ng magalit. Hindi tama ang araw na ito para magalit ka.” sabi nito at pagkatapos ay nilingon ang dalawang babae pa. “Mas mainam na tumahimik na lang kayong dalawa para hindi na magalit pa si Papa.” sabi niya sa mga ito.

Hindi maiwasang mapatitig ni BElla sa lalaking nagsalita. Hindi niya tuloy maiwasang magtaka at magtanong sa kanyang isip kung magkakaano-ano ang mga ito o isa bang pamilya ang mga ito. Ang paligid ay biglang napuno ng kakaibang katahimikan ng wala sa oras.

Nilingon niya si Keizer ng mga oras na iyon dahil hindi na siya mapakali pa. Nagulat na lang siya nang bigla na lang abutin nito ang kanyang kamay at mabilis na tumingin sa mga kasama nila sa mesa. “Ito nga pala ang Daddy ko, si Tita at kapatid ko na pangalawa si Hetty at ang bunso ay si Andrea.” pagpapakilala nito sa mga nakaupo sa mesang kasama nila.

Dali-dali niyang binati ang mga ito isa-isa kaya lang ay hindi siya nakatanggap ng tugon na inaasahan niya dahil malamig lang siyang tiningnan ng mga ito. Iisa lang ang nakikita niya sa mga mata ng mga ito kundi poot at paninibugho. Hindi niya tuloy alan kung namamalikata lang ba siya o ano kaya muli niyang nilingon si Keizer ngunit hindi siya nito tiningnan. Napalunok na lamang siya at hindi alam kung ano ang gagawin at sasabihin niya sa mga ito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BACHELOR SERIES#3: KEIZER VILLAFUENTE   Chapter 14

    HINDI mapigilan ni Bella na manginig dahil sa narinig. Ilang sandali pa ay maingat niyang nilingon si Keizer. Halata s amukha nito ang pagod. Tiyak na napakarami nitong ginawa at inasikaso ngunit sa halip na magpahinga ay sinundo pa siya niti. Bakit hindi na lang kasi ito nag-utos ng tauhan nito?Nang makarating sila sa kotse ay agad nitong binitawan ang kamay niya. Sumakay ito sa kotse kung kaya ay dali-dali rin namang siyang sumakay sa kotse. Nang makasakay ay hindi niya pa rin maiwasang hindi mapatingin sa mukha nito.Sa puntong iyon ay bigla na lang siyang nilingon ni Keizer kaya dali-dali naman niyang iniiwas ang kanyang mga mata. Sa totoo lang ay nag-aalala siya, ilang beses siyang binastos ng kapatid niya at hindi niya maiwasang magtanong sa isip niya kung hindi ba ito galit.Pinaandar nito ang sasakyan at pagkatapos ay mahinang nagtanong. “Kumain ka na ba?” tanong nito sa knaiya.Mabilis na umiling si Bella. Napabuntong hininga si Keizer at muling nagsalita. “May kailangang as

  • BACHELOR SERIES#3: KEIZER VILLAFUENTE   Chapter 13

    ANG mga mata nito ay nag-aapoy sa matinding galit. “Sa tingin mo anong nangyayari sa akin huh? Sino ka sa tingin mo para magdesisyon ng pabigla-bigla huh? Sino ang nagbigay sayo ng lakas ng loob para gawin iyon huh?” nagtatagis ang mga bagang na tanong nito sa kaniya.Ang boses nito ay nakakatakot kaya mas lalo pa siyang nanginig sa takot. Hindi niya tuloy alam kung paano niya sasagutin ang kanyang kapatid. Takot na takot siya at dahil doon ay agad na bumagsak ang luha sa kanyang mga mata. Sa totoo lang ay mali naman talaga ang ginawa niya at padalos dalos nga talaga ngunit matanda na siya. 21 years old na siya at masasabing nasa tamang pag-iisip na siya at alam na niya ang ginagawa niya.Nang makita nitong luhaan na ang kanyang mukha ay agad na lumambot ang mukha nito ng kaunti at bahagya nitong niluwagan ang pagkakahawak nito sa kamay niya ngunit nananatiling hawak nito iyon at hindi binitawan. Ilang sandali pa ay itinaas nito ang kamay at pinunasan ang luha na dumulas sa pisngi niy

  • BACHELOR SERIES#3: KEIZER VILLAFUENTE   Chapter 12

    SA buong buhay ni Bella ay parang iyon ang pagkain na napakahirap lunukin. Sa hapag kasi ay hindi pa rin nagbabago ang kapaligiran, napakalamig pa rin. Ang mga mata ng kanyang kapatid ay nanatiling malamig habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Keizer, lalong lalo na kapag tumitingin ito kay Keizer. Hindi niya alam kung napapansin ba nito ang titig ng kapatid at ipinagsasawalang bahala lang iyon ngunit kalmado pa rin naman ito kahit papano. Walang mababakas na anumang ekspresyon sa mukha nito ngunit ang mga galaw nito ay napaka magalang sa harap ng kanyang ina at kapatid.Sa totoo lang ay naiipit siya sa pagitan ng dalawa at hindi niya rin maiwasang hindi manginig sa takot. Nag-aalala pa rin siya at wala siyang ibang iniisip kundi matapos na kaagad ang lahat at bumilis ang takbo ng oras. Ilang sandali pa ay nag-umpisa nang pag-usapan ni Keizer at ng kanyang ina ang tungkol sa kasal at paminsan minsan ay sumasabat ang kanyang Kuya na katulad ng sabi nito kanina ay hindi ito papayag na

  • BACHELOR SERIES#3: KEIZER VILLAFUENTE   Chapter 11

    ISANG matamis na ngiti ang biglang gumuhit sa labi ni Paul nang makita niya ang kanyang nakababatang kapatid. Hindi niya sinagot ang tanong nang kanyang ina at nang makita niya ang isang bagong mukha sa loob ng pamamahay nila ay dali-daling nabura ang ngiti sa labi niya. Agad na nagsalubong ang mga kilay niya.Ang lalaking naroon ay malayong malayo sa itsura ni Patrick. Isa pa, sa unang tingin niya pa lang noon sa Patrick na iyon ay wala ng magandang gagawin kahit na ano pang magandang ipakita nito sa kaniya ay hindi niya maiwasang hindi magalit dito. Palagi niyang gustong paghiwalayin ang mga ito noon pero ang lalaking nasa harap niya ay mukhang hindi katulad nito. Bukod na nga sa gwapo ito ay mukha rin itong kagalang-galang at nasisiguro niya na kahit sinong babae ang makakita rito ay magkakagusto. “Sino siya?” malamig na tanong niya at tiningnan si Bella na nasa harapan niya.Sunod sunod na napalunok si Bella nang makita niya ang galit sa mga mata ng kanyang Kuya. hindi niya maiwa

  • BACHELOR SERIES#3: KEIZER VILLAFUENTE   Chapter 10

    TINITIGAN ni Annete ang larawan ni Bella at ng lalaking mapapangasawa daw nito. Mula sa larawan hanggang sa personal ay masasabi niyang gwapo ito. Ang kamay nito ay napakalambot na para bang wala itong ginagawang napakahirap sa buhay. Binasa niya ang marriage certificate at doon niya nakita na halos magte-trenta na pala ito at halos ilang taon din ang taon nito kay BElla. Hindi niya maiwasang hindi magtanong sa kanyang isip, hindi ba ang boyfriend noon ni Bella ay si Patrick? Bakit ngayon ay iba na ang pinakikilala nito sa kaniya? Nasaan na si Patrick? Anong nangyari sa kanilang dalawa? Napakaraming tanong ang nabuo sa isip ni Annete ng mga oras na iyon ngunit hindi niya magawang magtanong kay Bella ng diretso.Samantala, maingat naman na tiningnan ni Bella ang mukha ng kanyang ina at parang sasabog ang dibdib niya. Binasa niya ang kanyang labi at nilingon si KEizer. Wala siyang alam na sabihin sa kanyang ina, napakagat siya sa kanyang labi at pilit na nag-iisip kung ano ang dapat niy

  • BACHELOR SERIES#3: KEIZER VILLAFUENTE   Chapter 9

    PAGBABA niya ay ang inis na mukha nito ang bumungad sa kaniya. “Napakatagal mo!” inis na bulalas nito sa kaniya.Ang mga mata nito ay malamig na nakatingin sa kaniya at dahil doon ay hindi na lang niya maiwasang hindi mapasimangot. Wala man lang itong kalambig-lambing sa kaniya. Kahit na hindi naman sana sila tunay na magkasintahan ay pwede naman sana itong maging mabait sa kaniya hindi ba? Nakuha na nila ang marriage certificate nila at magpapakasal na sila at kahit na sa papel lang iyon at kasunduan ay magpapakasal pa rin sila kaya niya rin maiwasang hindi mainis.Padabog siyang bumaba, halos ayaw na niyang umuwi sa bahay nila kasama ito ngunit wala siyang magagawa dahil alam niya na mas magagalit lang ito sa kaniya kapag nagmatigas pa siya rito. Sinuyod niya ito ng tingin at nakasuot ito ng mamahaling suit at mukhang kagalang-galang. Sa unang tingin pa lang ay malalaman mo nang galing ito sa isang prominenteng pamilya at kapag nakita naman siguro ito ng kanyang ina at Kuya ay hindi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status