“Mimi!”
Nilingon ni Caroline ang nagmamay-ari ng matinis na boses, at napangiti nang makita ang kambal niyang anak. Si Lottie, ang bunso niya ang tumawag sa kaniya. Napangiti siya pagkakita sa nakabusangot nitong mukha. Pinatay niya ang screen ng laptop at iniurong ang ergonomical chair para harapin ang mga anak.
Agad na yumapos ang mabilog na mga braso ni Lottie sa batok niya at kumandong sa mga hita niya. “Mimi, iaaway ako ni Tover,” pagsusumbong nito na ang tinutukoy ay ang kakambal nitong si Clover.
“And what Clover did to you?” tanong niya rito habang nakatingin sa panganay, na seryoso lang na naupo sa gilid ng kama niya, paharap sa kaniya.
“Nitatabi niya, buyoy yaw ako. I’m not buyoy, mimi, yayt?”
Matamis niyang nginitian ang anak habang pinapasadahan niya ng mga daliri ang mala-Goldilocks nitong buhok. “Natural lang ang pagiging bulol, baby. As you grow up, you will learn to speak properly. Right, Clover?” Baling niya sa anak na may tuwid na tuwid naman at maayos na nakataling buhok.
Tumango ito at inilapat ang maliliit nitong kamay sa magkabilang gilid ng kamang kinauupuan nito. “Sorry, Mima. I just teased Lottie because she mess my drawing.”
“Ginawa mo iyon, baby?”
Umusli ang kulay rosas nitong mga labi bago marahang tumango.
“And do you think it was good?”
Umiling ito.
“At ano ang dapat gawin?”
Tumingala ito sa kaniya at gusto niyang matawa dahil nagpapaawa na ang bilugan nitong mga mata. Pinigilan lang niya ang sarili upang ipaalam dito na seryoso siya at dapat alam nito ang kailangang gawin kapag nakagagawa ng kasalanan.
Nilingon nito ang nakatatandang kakambal, saglit na nakipagtitigan dito bago bumaba at lumapit dito. “Torry, Tover. Peate (peace) na tayo.” Yumakap ito kay Clover, pagkaraa’y humalik sa pisngi.
Hindi naman nagmatigas ang panganay na kambal, tumango ito at hinalikan din ang kapatid sa pisngi.
“At dahil bati na si Lottie at Clover, gagawa si Mommy ng?”
“Fench fies!” sagot ni Lottie na nagtaas pa ng dalawang braso.
“Burger!” sagot ni Clover.
It was Sunday, their cheat day for eating such foods. Iginiya niya ang kambal palabas ng silid niya. “Fix your toys, kids.”
“Yes, Mimi!”
Hinayaan niya ang mga anak na magligpit ng kalat sa sala. Tinungo niya ang kusina para gawan ang mga ito ng snacks.
Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang nangyari ang bangungot sa buhay niya. Parang kailan lang nang isilang niya ang kambal. Iyong anim na taong lumipas, parang kahapon lang.
Six months ang tiyan niya nang mangyari ang pang-e-eskandalo ng babaeng sumira sa buhay niya. At tulad ng inaasahan niya, naipaliwanag niya ang tungkol sa hindi natuloy na kasal niya kay Jordan, ngunit hindi ang pagbubuntis niya nang walang maipakilala kung sino ang ama.
Hindi naman siya tinanggal. Kusa na lang siyang nag-resign para umiwas sa panghuhusga. Hindi bali nang siya ang kutyain, pero hindi niya maaatim na pati ang mga inosenteng anghel sa sinapupunan niya ay idamay ng mga taong may makikitid na utak.
Nagpakalayo-layo siya. Mabuti na lang at may ipon siya. Hindi niya iyon nagalaw dahil ang usapan nila noon ni Jordan, ito ang gagastos sa kasal, at ang ipon niya, ilalaan nila para sa unang magiging anak nila.
Nangyari naman, hindi nga lang tulad ng mga plinano nila, dahil hindi na kasama sa buhay niya ang dating kasintahan.
Iniwan niya sa Cavite ang mapapait na alaala, at dala-dala ang bunga na bumago sa buhay niya. Sa Cebu siya napadpad at doon na rin niya iniluwal ang kambal. Wala siyang ibang katuwang, pero naging mabuti pa rin ang Diyos dahil binigyan siya ng mga bagong kaibigang hindi siya huhusgahan, at naging katu-katulong niya sa pag-aalaga sa mga anak.
Nakapasok siya sa isa ring private school. Hindi nga lang tulad sa Cavite na nursery ang ginagabayan niya, ngayon ay mga high school na. Mahirap ang naging adjustment, pero nagawa naman niya.
At nang magka-pandemic, naging online class ang learning system nila. Nasa bahay na lang kaya naging hands on mommy rin siya.
Six years and a half, at ilang buwan na lang mag-aanim na taon na ang kambal niya.
“Do you have a problem, Mima?” Isang araw ay tanong ni Clover na ipinagtaka niya.
“Yes. Why, baby?”
“You look struggling there, Mima,” aniya na inginuso ang lesson na inaaral niya upang ituro sa mga estudyante para sa linggong ito.
Mula sa pagkakatingin sa panganay na kambal, lumipat ang tingin niya sa librong binabasa. “Hmm, nagpa-practice lang si mima kung paano i-explain sa students itong i-le-lesson, anak.”
“Can I have a look, Mima?” Clover’s innocent round eyes begged Caroline.
Nakangiting tumango siya at iniusog ang librong binabasa palapit sa anak. Umayos ito ng tayo at umupo sa tabi niya ‘saka nag-umpisang magbasa. Magiliw niyang pinagmasdan ang likod nito. Clover and Charlotte are identical twins. Same round brown eyes, pointed nose, narrow lips. Mas chubby cheeks nga lang ang bunso, kulot din ang kulay mais nitong buhok, samantalang tuwid na tuwid naman ang sa panganay.
Isa rin sa kaibahan ng dalawa, si Clover, mahilig magbasa at mag-drawing. She learned how to read and draw when she was two, at matatas na ring magsalita at that age, pero ito ang mas tahimik at mas reserved. Charlotte loves to play. She loves anything that involves physical activities, at napakadaldal nito kahit pa baluktot ang dila.
Naalala pa nga niya ang sabi ng nagpaanak sa kaniya, mukhang magiging eskandalosa si Clover paglaki dahil grabe ang atungal nito nang lumabas sa kaniya, samantalang si Charlotte, lumabas nang tahimik. Inakala pa ngang wala na itong buhay dahil bukod sa sobrang liit nito nang lumabas sa kaniya, kaya nga Charlotte ang ipinangalan niya rito dahil sa liit nito, hindi rin ito agad umiyak. Kaya napilitan na ang midwife niya na tapikin nang malakas ang puwitan nito, tapos ingit lang ang ginawa. Sa mga sapantahang iyon noon, walang tumama, dahil taliwas ang mga sinabi nito sa naging ugali ng kambal habang lumalaki.
“You see, Mima? The difference between astronomer and astrologer is; ang astronomer po inaaral po nila ang mga position, galaw at katangian ng mga nasa kalawakan. Tulad po ng stars, solar system, and galaxies. Si astrologer naman po, inaaral po nila iyong movements and relative position po ng celestial bodies, tapos ini-interpret po nila kung paano iyon makakaapekto sa mga tao at sa mundo. Sila po iyong nag-create ng zodiac signs, and horoscopes…”
Napanganga na lang si Caroline sa mga sinasabi ng anak. Hindi niya akalain na ganoon na kalawak ang nalalaman nito dahil sa pagbabasa. Hindi niya pinipilit ang mga anak sa kung ano ang gusto niya, kundi, hinahayaan niya ang kambal na alamin kung ano ang gusto para sa sarili. Nandito lang siya para i-guide, alagaan at mahalin ang mga anak.
“Gusto mo na bang mag-school, anak?” tanong niya rito. Saglit lang siyang nilingon nito bago ibinalik ulit sa libro niya ang atensiyon.
“Masaya po ba sa school, Mima?”
Nangunot ang noo niya at bahagyang nag-isip. “Of course, sweety. You will meet new friends in school, and you will learn a lot.”
“But schools are noisy, Mima. I saw it in a movie.”
“Well, schools are noisy if there are no classes, like break time. But during classes, all classrooms are silent.”
“I don’t like noises, Mima. Achaka po, they might bully me.”
“And why would they bully you?”
“Because I don’t have a father? In a movie, I saw kids bullying one of the students just because she doesn’t have a mommy. I have mima, but I don’t have dida.”
Napanganga si Caroline. Ramdam niya ang pagguhit ng sakit sa dibdib sa sinabi ng anak. Clover may sounds like it was just normal and okay, but the fact that her eldest daughter knew what she was lacking…
May tumulong butil ng luha sa mga mata niya na mabilis niyang pinunasan. Niyakap niya ang anak mula sa likuran nito at masuyong hinalik-halikan ang ulo nito.
“Mima is always here for you. Poprotektahan kita sa lahat ng mambu-bully sa iyo.” This is what she was afraid of. Clover is a smart, nearly to a genius kid, observant din ito kaya mas madali nitong naiintindihan ang mga bagay-bagay. And she’s afraid knowing that despite of her ability, Clover prefers to be alone, far from the judgment of people. Mukhang iyon pa yata ang namana sa kaniya ng panganay na kambal
At hindi na niya napigilan ang emosyon. She doesn’t want to be weak in front of her daughter, but she was eaten up by her emotion. Mahigpit niyang niyapos ang anak at isinubsob ang mukha sa ulo nito at doon tahimik na umiyak.
“I’m sorry, anak. I’m really sorry kung wala akong maipakilalang dida sa inyo ni Charlotte.” Bumuntonghininga siya nang malalim para mapakalma ang sarili. Umalis siya sa pagkakasubsob sa ulo nito at saka pinunasan ang mga luha. “Palagi n’yo lang tatandaan na kahit wala ang dida ninyo, nandito lang palagi si mima, ha?”
Humarap sa kaniya si Clover na luhaan na rin ang mga mata, para na naman tuloy may kumurot sa puso niya na nagpakawala ulit sa mga luha niya. Tumango sa kaniya ang anak saka siya nito niyapos sa batok at sumubsob sa balikat niya.
“I wanted to be strong like you, Mima. Maybe I can ignore the bullies.”
Hinagod-hagod niya ang likod ng anak, at hinalik-halikan ang sentido nito. “You are strong, independent, little woman, sweety.”
Kinalma ulit niya ang sarili at hinintay na humupa rin sa tahimik na pag-iyak ng anak. Nang maramdamang tumahan na rin ito, inilayo niya ito sa balikat at pinunasan ang namamasang mukha.
“Let’s sleep na? Baka magising si Lottie, wala tayo sa tabi niya,” aya niya rito na tinanguan ng paslit.
Inayos lang niya ang mga gamit na nasa center table bago kinarga ang anak at idinaan muna sa lababo para hugasan ang mukha nito. Pagsampa niya kay Clover sa kama, kusa itong lumuhod at tahimik na nagdasal. Hinintay niyang matapos ito bago siya dumako sa kabilang side para halikan ang bunso, at bumalik sa side nito para ito naman ang halikan.
“Mima, can you sleep with us tonight?”
Matamis niya itong nginitian at tinanguan. Bumangon ulit ito at hinayaan siyang makasampa sa kama at makahiga sa gitna.
“Good night, sweety.”
“Good night, Mima.”
NANGUNOT ang noo ni Caroline nang mabasa ang pangalang nakarehistro sa telepono na dahilan ng pagva-vibrate niyon. Sa mahabang panahon, hindi na pumasok sa isip niya na isang araw may isa sa mga taong bahagi ng buhay niya ang magpaparamdam pa sa kaniya.“All right, may phone call akong dapat na sagutin. I will give you time to study the 8 Earth History. Magkakaroon tayo ng recitation after this call. Are we clear?”“Yes, Ma’am.”In-off niya ang camera ng laptop at nag-mute ng speaker. Bago dinampot ang cellphone na muli na namang nag-vibrate matapos nang ilang segundong pananahimik.“H-hello?” nag-aalangan niyang tanong.“C-Carol, si— si Tita Bridgitte mo ito.”“Napatawag po kayo?” may kaba nang pag-uusisa niya. Garalgal kasi ang boses ng nasa kabilang linya at halatang nagpipigil na lang na umiyak“A-ang papa mo. Your father Carlo is dying, hija. And he’s looking for you.”“Po? A-ano pong nangyari kay Papa? ‘Asaan siya, Tita?”“We are in the hospital. Please visit your father. He rea
Pumasok ang itim na pajero sa nakabukas na gate at huminto iyon sa harap ng dalawang palapag na bahay. Huling tuntong ni Caroline doon was years ago, seven or eight years old palang yata siya noon. Bakas pa ang karangyaan sa bahay na iyon noon. Buhay na buhay sa mga ilaw sa buong paligid. Namumukadkad ang mga tanim na halaman at mga bulaklak sa hardin. Malayo sa nakikita niya ngayon.Walang kabuhay-buhay at mukhang hindi na naaalagaan. May bahagi ng pader na nabibitak na ang puting pintura, at ang hardin, tuyot na ang ilang mga halaman. Ang lupa na berdeng-berde dati dahil sa bermuda grass, ngayon, nakatiwangwang na lupa na lang ang mas malaking bahagi, at ligaw na damo na lang ang sa iba pa.Hindi niya alam kung ano ang nangyari, dahil simula nang ipagtabuyan siya palabas sa bakuran na iyon, hindi na siya muling tumapak pa roon.“Anyaki nan hawt, mimi!” bulalas ni Lottie nandilat pa ang bilugan nitong mga mata habang iginagala ang paningin sa paligid. Pero mabilis itong nagtago sa l
“Papa… ni Bullet…” Humigpit ang yakap ni Clover sa batok ng lalaking nakatalungko sa harapan niya at saka humikbi-hikbi habang hinahagod nito ang likod ng paslit.“Are you lost, pretty?” tanong ng lalaki na tinangu-tanguan ni Clover.Humiwalay ang paslit sa pagkakayapos dito at pinunasan ang basa sa luhang mukha. “Nakita ko po kasi kayo kaya sinundan ko po kayo. Kayo po papa ni Bullet, ‘di ba?”Nangunot ang noo ng lalaki at pinakatitigan ang batang babae. “Oh, you are that kid in the airport. I see.”“Naaalala n’yo na po ako?” Kumikinang sa tuwa ang mga mata ni Clover, lalo na nang tumango ang lalaki.“And why did you follow me? If my bodyguards didn’t tell me a kid was looking for me, I would not notice you.”“I—” Napayuko si Clover nang walang maisagot.Hinaplos ng estranghero ang tuwid na buhok ng paslit. “Next time, don’t follow anyone even if you know them. Do you understand?” paalala nito habang nakasapo sa magkabilang pisngi ni Clover ang malalaki nitong kamay.“Opo. Hindi na p
“Are you all right, hija?” Nag-aalalang lumapit si Bridgitte kay Caroline nang magulat ito sa naging reaksiyon ng anak ng asawa.Panay ang singhap at buga ng hangin ni Caroline habang kunot na kunot ang noo. Nag-angat siya ng tingin sa madrasta. “W-wala naman na po tayong connection sa Pure Falls, ‘di ba?” tanong niya rito.“B-bakit? May problema ba? Binigyan ni Mr. Salcedo ng 5% share ang papa mo. At iyon ang bumubuhay sa amin ngayon. May problema ka ba sa kaniya? Kilala mo ba siya?”“W-wala, Tita.” Umiling-iling siya at pilit na nginitian ang madrasta. “Mabuti pa po, matulog na tayo.”Tumango si Bridgitte bago sabay nilang inakyat ang second floor kung nasaan ang mga silid. Nanghihina siyang napaupo sa kama nang makapasok sa kuwartong okupado niya. Kung may maliit na shares pa rin ang ama niya sa dati nitong kumpaniya, may posibilidad na magkita pa sila ng dating kasintahan, lalo na kung mananatiling nasa ganitong kondisyon ang ama. At hindi niya alam kung handa na ba siyang makahar
“ARE you done, Silver?” tanong niya nang makitang nakahilig na lang ang ulo ng paslit sa desk nito at nilalaro ang hawak na lapis. Binigyan niya ito ng seatwork after ng lunch break nila. And it’s been an hour now, wala pa rin itong ipinapasa sa kaniya.“Silver?”Tamad na nag-angat ng ulo ang paslit. Padabog nitong binuklat ang pad paper at padabog ding dinampot ang pencil. “Not yet, Miss,” sagot nito.Marahang nagbuga ng hangin si Caroline. It’s been a week since she started teaching Silver. Gumagawa naman ito, iyon nga lang laging delayed ang tapos ng per subject niya rito dahil hindi agad nito ginagawa. Hinahayaan na lang muna niya, dahil kung ganito pa ito sa kaniya, baka mas mag-tantrums lang ito kapag pinilit niya.Ibinalik niya ang atensiyon sa ginagawa nang makitang nag-uumpisa nang magsulat ang bata. Simple lang naman ang ipinapagawa niya rito ngayon; isulat sa buong papel ang buo nitong pangalan. Matalino naman kasi ito. Sa isang linggo niyang pagtuturo dito, nakita niyang m
“Ikaw pala si Bullet na palaging ikinukuwento sa akin ni Lottie at Clover,” ani Caroline matapos makausap ang kambal. Pinagmamasdan niya ang estudyanteng tahimik na kumakain ng snacks nito.“Ikaw pala ang mom nina Lottie at Clover,” sambit nito nang hindi tumutingin sa kaniya.Matamis ang ngiting tumango si Caroline. Tumabi siya sa kinauupuan ng paslit at hinagod ang ulo nito. “I’m glad you are friends with my daughters.”Nag-angat ng tingin sa kaniya si Silver. “Hindi ka po galit?” bagama’t blangko ang ekspresiyon ng mukha nito, para namang maiiyak ang boses ng paslit.“Bakit naman ako magagalit?”“Dahil bad ako?”“You are not bad, Bullet. You just don’t trust me, and I understand you.”Yumuko ulit si Bullet at dumampot ng fries ‘saka iyon isinubo. “Sorry, Miss,” mahina nitong sambit na nagpangiti kay Caroline.“Apology accepted. So, are we friends now?” masiglang tanong ni Caroline. Nilingon siya ni Bullet, tipid itong ngumiti at tumango. “So, you want to go to the park after this?”
SAKTONG ibinaba ni Caroline ang telepono, siya namang paglapit ni Bullet sa kaniya. He’s smiling ear to ear, dahilan para mapangiti rin siya.“Uuwi na po tayo, Miss?” tanong nito.Sinilip niya ang oras sa suot na wristwatch, 4:36 palang naman. Puwede pa itong maglaro kung gusto pa nito. Bahagya siyang yumukod, itinukod ang mga kamay sa hita at nakangiting tinitigan ang paslit.“Tumawag ang papa mo. Ang sabi niya, hindi raw siya makakauwi ngayon kaya…”“Kaya? Miss, ako lang po mag-isa sa house kapag hindi umuwi si Papa,” lumamlam ang mga matang protesta nito.“Kaya sabi niya, kung puwedeng doon ka muna sa amin matulog. Okay ba sa iyo ‘yon?”Nanlaki ang mga mata ni Bullet at sunod-sunod na tumango, ‘saka siya nito hinila patungo sa gate ng playground.“Nida, let’s go home. I need to prepare my things. I’m going to sleep at Miss Caroline’s house,” walang gatol nitong utos sa yaya nito mabilis na sumunod sa kanila.Inusisa siya ni Nida habang naglalakad. Hindi pa ito naniniwala at naiinti
“Fine. Pero hindi sa café o kung saan pa. We can talk in the conference room,” pagde-decide ni Caroline.Wala nang ibang choice na tumango na lamang si Jordan. Inilahad nito ang kanang palad paturo sa elevator. Tahimik na naglakad si Caroline at pumasok sa bumukas na elevator, kasunod ang dating nobyo.Nakatingin lang siya sa harapan niya, kaya nakikita niya sa repleksiyon nila sa metal na pinto ang pagsipat sa kaniya ni Jordan. Hindi niya alam kung may kabuluhan pa ba ang magiging usapan nila, gayong matagal na naman sila nitong hiwalay. Pero kung para dito, may dapat silang pag-usapan, mabuti nang pagbigyan na niya ito kaysa araw-araw siya nitong guluhin ngayong nagkrus na ulit ang landas nila.Huminto sa fifth floor ang metal cabin at bumukas ang pinto. Naunang lumabas si Jordan at hinintay siyang makalabas. Hinawakan siya nito sa kanang siko at inalalayan tulad ng nakagawian nito noon.“Please prepare two coffee for us,” utos nito sa sekretaryang sumalubong sa kanila nang makita s