"Mama!" sigaw ng batang lalaki habang tumatakbo , papalapit ito kay Angela. Malawak ang pagkakangiti nito, habang nakadipa ito, tanda ng sabik na pagyakap sa bagong dating. Para bang sadya talagang inaabangan ang pagdating n'ya, dahil paghinto pa lang ng sinasakyang tricycle, ay sabik na sabik na itong lumapit doon kasunod si lola Ading.
Kadarating lang nya galing sa pinapasukang trabaho sa kabayanan. Nagtatrabaho s'ya bilang isang cashier sa isang bagong bukas na mall doon. At sa tulong na rin ng kanyang matalik na kaibigan, kung kaya s'ya madaling nakakuha ng trabaho.
Nagsisimula rin s'yang mag - ipon upang magamit na pang bayad ng matutuluyan na malapit lang sa pinapasukang mall, gayundin sa kanyang eskwelahan. Medyo nahihirapan din kasi s'ya sa halos araw araw na pag uwi sa kanila, pagkatapos ng kanyang klase at trabaho.
Kailangan n'yang lumipat sa kabayanan, upang higit na makapag concentrate sa kanyang mga subject, lalo na at nalalapit na ang kanilang finals. Nagtatrabaho s'ya sa umaga hanggang ala una ng hapon. At pumapasok sa klase, sa ikatlo ng hapon hanggang ika walo ng gabi. Hindi naman n'ya problema ang pag uwi sa gabi, dahil nand'yan naman si mang Mario na kapitbahay lang naman nila, na isa ring tricycle driver. Ito na ang nagsisilbing taga hatid sundo sa kanya. At tiwala naman na s'ya dito.
Pumapasok s'ya sa isang pribadong unibersidad sa kanilang bayan. Sa kasalukuyan, nasa ikatlong antas na s'ya sa kursong Bussiness Administration, major in management. At dahil likas na rin naman sa kanya ang pagiging matalino, hindi s'ya nahirapan na makakuha ng scholarship, na s'yang malaking katulungan na rin sa kanya. Mas pinagbutihan pa n'ya lalo, dahil sa mga mahal n'yang patuloy na nagsisilbing lakas n'ya, at walang sawang nagmamahal sa kanya.
Hindi s'ya nawalan ng pag - asa, at nanatiling positibo sa lahat ng bagay. Sa dami man ng pagsubok na dumating sa buhay n'ya, nanatili s'yang nananalig sa diyos , na lahat ng iyon ay matatapos rin.
Nagtatrabaho at nag aaral, kasabay din ang tungkulin n'ya bilang ulirang ina at apo. Maaga man niyang naranasan ang hirap ng pagiging single mom. Hindi naman n'ya iyon inalintana. Para sa kanya, walang makakapantay sa sayang nararamdaman n'ya ngayon bilang isang batang ina. Mapait man ang naging karanasan, mas naging daan naman iyon, upang mas lalo s'yang maging matibay.
Si Vince ang kanyang anak, na naging bunga ng isang masalimuot niyang kahapon. Malambing ito at bibo. Sa murang isipan nito, halos aware na ito sa mga nakapaligid sa kanya. Tatlong taon na ang kanyang anak sa susunod na buwan. Kaya naman doble ang ginagawa n'yang pagtitipid, upang mabigyan n'ya ng kahit kaunting kasiyahan ang pinakamamahal n'yang kayamanan.
Gusto niyang maranasan nito, ang mga bagay na hindi n'ya naranasan sa buhay n'ya. Wala man itong matatawag na ama, hindi naman sila nagkulang ng kanyang lola Ading sa pagpapalaki dito bilang isang ulirang bata. Masaya man s'ya ngayon, ngunit sa kaibuturan nang kanyang puso, parang palagi pa ring may kulang.
Marahil, dahil na rin sa masakit isipin, na wala s'yang nakagisnang mga magulang, at tanging si lola Ading lang ang siyang bumuhay, at nagtaguyod sa kanya hanggang sa ngayon. Hindi rin naman s'ya nito tunay na kadugo, pero ni minsan hindi iyon ipinaramdam sa kanya ng matanda. Para dito, higit pa s'ya sa tunay na kadugo . Itinuring siyang tunay na anak at apo, at inaruga ng may buong pagmamahal. Napalaki s'ya nitong may takot sa diyos, at respeto sa iba.
Ngayon, para sa kanya resposibilidad n'yang gantihan ang lahat ng mga bagay na ginawa nito para sa kanya, at sa anak niya. Mga bagay na dala- dala na niya hanggang sa huli.
" Mama!"
"Mama!"
Tuwang sambit nito at mabilis na kumunyapit sa kanya, ibinaba n'ya ang mga dala- dalang pinamili na nasa isang plastik, na para sa pagsasaluhan nila sa pananghalian. Lumuhod s'ya upang magpantay ang mga mukha nila ng kanyang munting anghel. Agad nitong pinulupot ang maliliit na bisig sa leeg ng ina, at masuyong kinintalan ng matunog na halik sa pisngi si Angela.
Sabik na sabik namang ikinulong sa kanyang mga bisig ang munting bata. Kahit na nga araw -araw naman silang nagkikita sa bahay. Nand'on pa rin ang pananabik sa isa't isa.
"Kumusta ang baby ko, hindi ba naman naging pasaway sa lola, today?" malambing kong tugon, sabay pupog ng nanggigigil na halik dito, na ikinahagikgik ng bata dahil sa kiliting -kiliti na ito.
" Naku naman apo, napakabait ngang iwanan iyang anak mong 'yan." tuwang sambit naman ng sumusunod na abwela. " Hindi nga makulit, pero ang gusto maki- adaday sa lahat ng makitang ginagawa sa bahay. Ang hilig makitulad sa ginagawa apo. Manang mana talaga sa iyo, malambing na , mabait pa. " nakatawang saad ng lola. Lumapit na rin ito sa mag- ina, na nasa may tarangkahan pa. Akmang dadamputin na nito ang supot na ibinaba n'ya kanina upang ipasok sa silid, pero pinigil naman ni Angela.
" Ako na 'ho d'yan, lola. Medyo may kabigatan din po iyan. " awat na saad ng babae. At tumayo na rin, hinawakan ang maliit na braso ng bata at tumayo. Dinampot n'ya ang mga pinamiling pagkain at ibinaba, saka iginiya papasok ang bata.
"Mama... ano pong pasalubong ko?" nakangiting tanong ng bata. Nag pa puppy eyes pa ito sa harap n'ya, na nakahalukipkip ang maliliit na mga braso. Sanay na sanay na s'ya dito, kaya hindi p'wedeng walang dala na para sa kanya. Dahil siguradong maghahanap pa rin ito. Mabait naman ang anak n'ya. Madaling masabihan kung wala. Pero s'yempre, hindi naman p'wede, 'di ba? Pinangako ko na nga na lahat ibibigay n'ya dito, hangga't kaya. Ipararanas n'ya dito ang mga bagay na hindi n'ya noon nagawa .
"Hmmnnn..." kunwari nag iisip na sabi n'ya.
"Si mama naman, 'eh." medyo nanulis ang nguso ng bata, at sinabayan pa ng papadyak.
Natatawa namang nilingon n'ya ito, habang papasok sila ng bahay. Inilapag n'ya ang mga dala dalahan sa isang maliit na lamesita na nasa salas. pagkababa ng mga dala n'ya muli niya itong nilingon at ngumiti.
" Pu- pwede ba naman na wala para sa maliit na batang 'yan?" marahan siyang yumukod dito, at marahan n'yang pinisil ang maliit nitong baba. Binuksan niya ang plastik, at inilabas ang isa pang supot doon, na may lamang tila masarap na pagkain sa loob. Nanlaki ang mga mata ng bata at saka napatalon- talon na sumisigaw, habang ang isang maliit na braso ay tila sumusuntok pa sa ere.
"Wow!" bulalas nito. Sabay lapit nang mabilis sa ina. Takam na takam ang mga matang nakatingin sa pagkaing inilabas n'ya. Fried chicken at cheese burger ang dala n'ya, with matching orange juice . Para iyon sa maglola. Sadyang in take out n'ya iyon sa jollibee kanina. Paborito kasi ito ng bata.
Linggo ngayon, at kapag ganitong araw walang pasok sa trabaho at sa school si Angela.. Ginugugol n'ya ang buong araw sa bahay, kasama ang anak. Lagi silang lumalabas upang mamasyal pag ganitong araw, at dinadala sa bayan ang anak at lola. Pero may gagawin s'yang review para sa nalalapit na final's, kaya pinili muna niyang sa bahay muna manatili. Saglit lang s'yang namili kanina ng ihahanda nila, para sa kanilang pananghalian. Maya- maya naman, mga bandang ten o'clock, aatend sila ng sama sama sa sunday mass. Maaga sila magsimba tuwing lumalabas ng linggo. Kaya lang inagahan n'ya nagtungo sa bayan kanina upang bumili. Since hindi naman sila naka schedule mamasyal ngayon, kaya late na lang silang aatend ng misa sa kanilang baryo. Tatlong beses naman sila magmisa. Umaga, tanghali at hapon.
" Kainin n'yo na muna ito, ha?" ani Angela habang inilalagay sa plato ang mga pagkain. Para naman talaga ito sa maglola. "Ihahanda ko lang at lulutuin ang para sa pananghalian natin, para bago tayo mamaya um- attend ng misa, tapos na ang pagkain." dagdag pa n'ya, at nilingon ang bata at ang lola na parehong naka upo at nakatingin sa kanya, habang nagsasalin ng biniling pagkain sa plato.
" Opo." mabilis namang tugon ng bata sabay tayo, at nagtungo sa kusina upang maghugas ng kamay.
" Hay naku! apo. Ibigay mo na lang yan sa bata. Panigurado, busog abot n'yan mamaya. Baka hindi na rin makakain ng pananghalian 'yan mamaya." natatawang saad pa ng lola.
" Para talaga sa inyong dalawa iyan, lola. Kaya sabay na po kayo kumain nito." wika n'ya, habang inilalabas ang sauce.
Ng matapos at akmang tumayo s'ya. Siya namang pagbalik ng bata, galing sa paghuhugas ng kamay.
" Mama, salo na po tayo nila lola".
" Sige na 'nak, kayo na muna ni lola ang kumain n'yan. Para naman sa inyo 'yan, 'wag ninyo ako alalahanin. Busog pa naman ako. Tatapusin ko lang lutuin itong pinamili kong pagkain natin, para sa pananghalian mamaya." aniya.
Tumayo na ito at iniwan ang mag- apo sa salas, at tinungo ang kusina. Mabilis n'yang inihanda ang mga lulutuin. Sumulyap s'ya sa orasang nakasabit sa dingding, at alas nueve beinte pa lamang naman. May oras pa s'ya makapagluto, bago maghanda sa pagdalo sa pananghaliang misa.
Mabilis ang mga kilos niya na inihanda lahat ng sangkap. Bumili s'ya kanina ng isang kilo ng karne ng baboy, at tocino, para naman sa anak, dahil isa ito sa mga gustong pagkain ng anak niya. Hahatiin na lamang n'ya ang karne, para may mai- adobo s'ya, at ang iba naman ay gagawin niyang pansahog sa pinakbet. Nakita kasi n'ya sa ibabaw ng mesa ang sari -saring gulay, na marahil inani ng lola kanina sa likod bahay, habang wala s'ya. Iyon ang isa sa pinagkukunan nila ng pandagdag sa kanilang gastusin, bukod pa sa nakatitipid sila sa gastos ng ulam sa pang araw- araw nila.
Dahil busy sa ginagawang pagluluto, hindi tuloy n'ya napansin na tapos na ang maglola sa pagkain. Pumasok ang mga ito sa kusina, at tutulong sana sa kanya sa paghuhugas ng mga pinagkainan.
" H'wag na po 'la. Iwan n'yo na lamang po muna d'yan, at mamaya na pag dating natin. Maghanda na lamang po kayo, at patapos naman na rin po ako dito." wika niya, at ilang saglit pa nga natapos rin ang kanyang niluluto. Itinabi na muna n'ya ang mga ginamit sa lababo, at kinuha ang bata upang mapaliguan at bihisan. Matapos s'ya naman ang nagbihis.
K'warenta 'y singko minuto bago mag alas onse ,ng lisanin nila ang bahay at masayang nagtungo sa simbahan. Nakaugalian na nila ito simula pa man ng bata s'ya. Kahit ano pa man ang kanilang ginagawa, naglalaan pa rin sila ng oras para gawin ito. At higit na nararamdaman ang presens'ya ng diyos, sa mga bagay na kanilang ginagawa sa araw - araw. Alam n'yang kasama nila ito palagi. At ito ang isa sa nais n'yang ipamulat sa kanyang anak. Ang maging malapit sa ating maykapal.
Isang oras din ang itinagal ng misa bago natapos. Agad na tumayo ang kanyang anak, at lumapit sa mga nakatatanda na naroon, upang magmano, tanda ng paggalang, gayundin sa paring naghanda ng ganap.
"God bless you, anak." nakangiting sabi ng pari. " Napakabait mo namang bata, nawa'y gabayan ka ng ating poon hanggang matupad mo lahat ng yong minimithi sa buhay. At tunay na mapalad ang iyong mga magulang, na biniyayaan ng isang tulad mo, na mabait at magalang." dagdag pa ng pari.
Nakangiti ang maglola ng lumapit sa dalawa. Narinig din nila ang sinabi nito sa bata. Siya man ay nagmano din dito.
" Napakaswerte mo, Angel. Mabait at bibo ang anak mo." wika nito na hindi nawawala ang ngiti, at bahagyang tumango sa kanila tanda ng pagbati .
"Salamat po, padre." nakangiting tugon naman n'ya. At kinalong na ang anak. Nakangiti naman ang kanyang lola na nakamasid rin sa kanila. Kilala rin sila nito, sapagkat ito ang madalas ma assign sa kanilang lugar. Matapos iyon nagpaalam na rin sila.
"Tutuloy na po kami, padre." pamamaalam n'ya.
"Sige, ingat kayo." ani padre.
*******
Nang maka uwi, nananghalian ang tatlo habang masayang naku- kwentuhan. Sa ganitong mga araw lang nila ito nagagawa, dahil buong isang linggo s'ya pumapasok sa trabaho at eskwelahan.
Nang mapagod yata ang kanyang anak, nakatulog din ito. Sinamantala naman n'ya ang pagkakataon, upang buklatin ang kanyang mga ire- review. Isang linggo nalang, finals na nila. At isang taon na lang ang kanyang bubunuin at matatapos na rin s'ya.
Taimtim siyang umusal ng pasasalamat, at ipinag patuloy ang ginagawang pag re- review.
Matapos ang ilang buwan ng pag papagaling ng binata na si Norman ay higit pang nag karoon ng mahabang pag kakataon ang mag- ama upang mag ka- kilala at magka bonding sila. Agad itong humingi ng patawad sa dalaga sa mga maling nagawa nito na tanggap naman na nya. Nang masigurong magaling at muling malakas na ang kanyang katawan ay pormal na hiningi nito ang kamay ng dalaga sa kanyang mga magulang. Masaya naman ang lahat para sa kanila. Natagpuan rin nila ang isa't isa at muling nai- tama ang mga bawat pag- kakamali. Isa sa unang naging pinaka- masaya ay ang anak nyang si Vince, ng pormal nilang sabihin sa bata na si Norman ang tunay nitong ama. At alam nyang hindi sya nag kamali sa kanyang naging desisyon. Hindi mag kamayaw sa sobrang saya ang kanyang anak. At naisip nyang hindi nga sya
Dahil sa mga nalaman ni Angela ay tila unti- unting nag bago ang pananaw nya sa kung bakit nagawa iyon sa kanya ng binata. Kaya naman mas pinili nyang unawain ng husto ang mga nangyari noon at maging sa kanilang kasalukuyan. Hindi rin naman siguro masama kung mag papatuloy na lang sya sa kung ano ang nasa sa kanila ngayon kesa ang patuloy na mabuhay sa kanyang naka raan. Mahal nya ang kanyang anak, kaya naman nais pa rin nyang maging masaya ito. At alam nyang lubos ang magiging kasiyahan nito kung malalaman nito kung sino ang kanyang ama na pina niwalaan na nitong nasa heaven na. Hini- hintay na lang nila ang muling magising ang binata upang personal nya na maipa kilala sa kanyang munting si Vince. Alam nyang hindi na sya mahihirapan pang pag paliwanagan ang kanyang anak dahil malapit na rin naman ito sa binata matapos n
Nagulat naman si Angela sa ginawang pag amin sa kanya ng ginang matapos nitong malaman ang ginawa ng anak nito sa kanya. Hindi nya tuloy maiwasan ang mapa luha sa ipina kita nitong concern sa kanya at sa kanyang anak. Ngayon rin nya nalaman na maging sa binata ay labag rin sa loob nito ang nagawang pag kaka- mali na iyon. Parang muling may humiwa sa puso nya sa mga mapapait na ala- alang iyon. Takot, pangamba, pagka- wasak at kawalang pag- asa ang mga tanging naramdaman nya noon na sa tuwing maa- alala iyon ay agad na nag hahatid lang sa kanya ng sakit. Ngayon na nasa harapan na nya ang taong gumawa noon sa kanya at kasalukuyan ring nakaratay matapos na magawang iligtas ang anak nya, tila hindi na nya kayang sumbatan pa ito. Naramdaman na lang nya ang muling pag- patak ng luha sa kanyang mga mata at wala sa loob na napa- yakap sa ginang na n
Nasa bungad pa lang ng hospital building sina Angela ay hindi na mapigil ang malakas at mabilis na pag kabog ng kanyang dibdib. Hindi nya magawa na mapigil ang kanyang damdamin sa kanyang bagong pakiramdam. Bakit ba tila may nara- ramdaman syang concern ngayon para sa binatang si Norman? Na kung tu- tuusin ay ang tao ring kanyang lubos na pilit ibina- baon na sa limot. Bakit mas nangingibabaw yata ngayon ang pag nanais nya na makita rin ito at alamin kung ano na nga ba ang kalagayan nito. Hindi nga ba at ang kanya lang naman na anak na si Vince ang tanging may gusto na makita ito at madalaw?, ngunit bakit maging sya ay may ganoon na rin yatang pakiramdam para rito?, kasabay naman nito ay ang puso nya na may lihim na yatang pag- tangi sa binata, na pilit pa rin nyang itina- tanggi sa kanyang sarili. Tila unti- unti ng nahu- hulog ang loob nya rito.
"Si Norman!" mahina lang ang pag kaka- bigkas nya sa mga salitang iyon ngunit malinaw pa ring umabot sa pandinig ng kanyang kaibigang si Karen na nasa kabilang linya. "Ano?" gulat na bulalas nito na hindi maka paniwala. Ilang saglit pa muna itong na- tahimik sa kabilang linya na tila hindi siguro alam ang tamang nais na sabihin, o marahil ay nagulat rin ng husto at hindi rin ma proses ng isip nitong isipin ng ganoon lang kadali ang kanyang mga sinabi. "T- totoo ba iyan? Sigurado ka ba na talagang sya nga ang ang..." hindi niyo magawang ituloy- tuloy ang nais sabihin dahil alam nyang masakit iyon para sa kanyang kaibigan. "Oo, sya nga, at talagang nagulat rin ako. Hindi ko tuloy ngayon alam kung paano ko sya haharapin ngayon matapos nito. Parang hindi pa kaya ng puso ko. Nasabi ko na lang sa sarili ko, na si
Mabilis na nai- sugod sa pinaka- malapit na hospital ng Nueva Ecija ang binata na si Norman habang wala itong malay. Wala namang humpay sa pag- iyak nito ang batang si Vince habang lulan sila ng kanilang sasakyan pa- balik ng maynila. Bakas rin sa braso nito ang ilang mga pasa na dala ng mahigpit na pag kaka- kapit rito ng babaeng si Nora matapos na mapansing may mga pulis sa kanilang paligid. "Nasaktan ka ba, anak?" masuyong tanong ni Angela sa anak. Masuyo nya itong yakap habang hina- haplos ang mga braso nito na may bakas pa ng pasa. "Konti lang naman po ito, mama. Pero paano na po si tito Norman? Ano na po ang mangyayari a kanya?" tanong ng bata na bahagya pang tumingala sa kanya. Namu- mula at bahagyang nama- maga pa ang mga mata nito na dala ng labis- labis na pag- iyak, at bahagya pang humi- hikbi.&