DHALIA’s POV
Hindi ko mawari kung ano ang tunay na nararamdaman ko ngayon.
Dapat ba akong matuwa dahil ipinakilala ako ni Sir Henri sa pamilya niya? O magdalamhati sa malamig na pagtanggap ng kanyang ama? O mailang sa harap ng babaeng ubod ng elegante, si Irina, ang kanyang first love?
Kung ang kaba ay nakamamatay, baka nasa ilalim na ako ng lupa ngayon. Nanginginig ako sa nerbiyos, lalo na't ramdam ko ang mga matang matalim na sumusuri sa akin.
Napansin yata ito ni Sir Henri dahil agad niyang hinawakan ang hita ko at marahang pinisil. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko—hindi ko alam kung dahil sa kaba o sa init ng kanyang palad.“Alam ko ang ginagawa mo, Henri. Itigil mo 'yan ngayon."
Kalma ngunit puno ng awtoridad ang boses ni Sir Armando Garciaz, ang ama ni Sir Henri. Matalim ang tingin niya sa anak, saka bumaling sa akin na para bang sinusukat kung karapat-dapat ba ako.
“Pa, mahal ko ang fiancée ko. At siya lang ang pakakasalan ko,” sagot ni Sir Henri, walang bahid ng pag-aalinlangan sa boses niya. Kinuha niya ang kamay ko at pinisil ito, parang ipinaparamdam na hindi niya ako iiwan.
Napalunok ako. Alam kong akto lang ito para sa boss ko ngunit bakit pakiramdam ko… totoo? Napansin kong tinitigan ako ni Sir Henri kaya pilit akong ngumiti. ‘Tutulungan kita,’ sabi ng ngiti ko.Pero mukhang hindi kumbinsido si Sir Armando. Napailing ito at tinitigan ako nang mas matagal. “Huwag mo akong lokohin, Henri. Hindi kita pinalaki para maging financer ng isang babae. Alam ko ang estado ng babae mo, at hindi ko ‘yan matatanggap—”
“Pa!” Putol ni Sir Henri, halatang hindi nagustuhan ang sinabi ng ama. Ramdam ko ang tensiyon sa kamay niyang hawak ko.
Alam kong may punto si Sir Armando. Alam kong wala akong laban sa mundo ng mga Garciaz. Pero bakit mas nasasaktan ako sa panlalait niya?
“Huwag nga kayong mag-away sa harap ng pagkain," saway ni Ma’am Uldirica, ang ina ni Sir Henri. Mabait ito, ngunit may kung anong nakatagong pag-aalinlangan sa kanyang tono. Tumingin siya sa akin.
“Ikaw, Dhalia? Ano naman ang maibibigay mo sa anak ko?"
Napatingin si Sir Henri sa akin, para bang kinabahan siya sa isasagot ko.
Hindi ko alam kung ano ang tamang sagot, pero pinili kong maging totoo. “Totoo pong hindi ako mayaman, pero purong pagmamahal po ang maibibigay ko kay Henri. Hindi ko po siya iiwan kahit magulo pa ang mundo. Saksi ako kung paano siya magpakasubsob sa trabaho, kaya gusto ko pong alagaan at samahan siya, saan man siya dalhin ng buhay." Nagulat ako nang biglang dumampi ang labi ni Sir Henri sa pisngi ko. “Wala nang bawian, Dhalia," bulong niya, may halong panunukso.Para sa kanya, laro lang ang lahat ng ito. Pero para sa akin… totoo ang bawat salitang binitiwan ko.
Napansin kong napaikot ng mata si Irina sa kabilang dulo ng lamesa. Kasabay nito ay ang mahinang tawa niya. “Koleksiyon lang naman ni Yanno," bulong nito.
Napakagat ako ng labi. Alam kong hindi ako dapat maapektuhan, pero may kurot ang kanyang sinabi.
Naging tahimik ang hapunan, tanging tunog ng kutsara at plato ang maririnig. Ngunit hindi nagtagal ay muling binasag ni Sir Armando ang katahimikan.
“Henri, alam kong ayaw mong maikasal kay Irina, pero sana naman, naghanap ka ng mas maayos na babae.”
Naramdaman ko ang pagpigil ni Sir Henri sa hininga niya.
“Pa, please, desisyon ko ‘to. Hindi niyo rin hawak ang puso ko. Huwag niyo nang pigilan ang pagmamahalan namin ni Dhalia."
Nanlamig ang katawan ko. Nakakabilib kung gaano kakumbinsido si Sir Henri sa pagsasabi ng kasinungalingan.
Napailing si Sir Armando. “Kung hindi pa kita sinabihan tungkol dito, hindi ka mag-aanunsiyo ng ganyan-ganyan lang. At bakit siya pa? Wala namang silbi ang babaeng ‘yan. Wala siyang maitutulong sa buhay mo—”
“PA!” Sa pangalawang pagkakataon, sumigaw si Henri. Tumayo ito, ang mga ugat sa leeg niya ay lumabas sa sobrang galit.
Napasinghap ako.
“Ano? Totoo naman, Henri. Bakit ka nabulag sa babaeng ‘yan? Wala ‘yan kay Irina. Isa siyang malaking problema—”
“PA!”
Halos sumabog ang boses ni Sir Henri sa galit. “HUWAG MONG PAGSALITAAN NG GANYAN SI DHALIA! MAHAL KO SIYA, AT HINDI AKO GAGAYA SA ’YO NA NAGPAPADALA SA PERA! SOBRA KA NA!"
Kahit ako, nagulat sa intensity ng boses niya. Para bang hindi lang siya nagpapanggap. Para bang totoo ang galit niya para sa akin.
Tumayo siya, saka mahigpit na hinawakan ang kamay ko. “Tara na, Dhalia."
Napatingin ako sa kanilang lahat bago tuluyang sumunod kay Sir Henri. “Pasensya na po," mahina kong sabi bago niya ako tuluyang hinigit palabas.
Pagdating namin sa garahe, agad niya akong binitawan at humarap sa akin. Lambot ng mga tingin niya, malayo sa galit na ipinakita niya kanina.
“Look, pasensya ka na, Dhalia. Hindi ko alam na ganito na kahalang ang bituka ng ama ko. Okay ka lang ba?"
Tiningnan ko siya at pilit na ngumiti. “Naku, Sir Henri, huwag niyo po akong alalahanin. Sanay na—"
“Henri, Dhalia. Henri,” putol niya, na para bang naiinis na tinatawag ko pa rin siyang 'Sir'.
Bumitaw siya sa akin, saka may kinuha sa sasakyan. Nang bumalik siya, lumuhod siya sa harap ko.
Napaatras ako. “Ano ang ginagawa mo?"
Pero hindi siya sumagot. Sa halip, kinuha niya ang paa ko, ipinatong sa hita niya, saka dahan-dahang inalis ang aking stiletto.
Napasinghap ako nang maramdaman ang bahagyang hapdi ng paltos ko sa likod ng paa.
Mabilis niyang nilagyan ng band-aid ang sugat ko.
Nanatili akong nakatitig sa kanya, hindi makapaniwala sa ginagawa niya.
Nang magtaas siya ng tingin, may kung anong bumara sa lalamunan ko.
At doon ko lang napansin… na naiiyak na ako.
Napahikbi ako sa tuwa. “Tutulungan kita, Sir Henri… higit pa sa makakaya ko."
Nakangiti siyang umiling. “Henri nga, Dhalia. Henri."
DHALIA's POVNormal lang naman siguro ang magtampo, ‘di ba?Simula kahapon ay hindi ko na pinansin si Henri. Alam kong hindi makatuwiran ang dahilan ko—na dala lang ng selos at mga negatibong iniisip—pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Naiinis ako. Mas nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko naman dapat maramdaman ito, pero hindi ko mapigilan.Natapos ko ang buong araw na hindi siya kinibo. Alam kong napansin niya ito, pero hindi niya ako pinilit magsalita. Pinili niyang bigyan ako ng espasyo, na sa isang banda ay nagpapasalamat ako, pero sa kabilang banda ay lalong nakadagdag sa inis ko. Hindi niya man lang ba susubukang suyuin ako?Sa halip na manatili sa condo, umuwi ako sa bahay namin ni Nanay. “Nay,” mahina kong tawag nang makita siyang abala sa kusina.Lumabas siya mula sa pagluluto, at agad na kumislap ang kanyang mga mata nang makita ako. “Anak, Diyos ko, bakit ngayon ka lang?” “Naku, Nay, wala pang isang linggo simula nang umuwi ako galing Bali, ang OA mo naman,”
DHALIA's POVNaiilang kong sinusubo ang kanin at adobo sa harap ko. Sino ba naman ang hindi maiilang kung may isang lalaking perpekto sa paningin ng lahat ang walang sawang nakatitig sa bawat galaw mo? At hindi lang basta lalaki—si Henri Garciaz, ang supladpng CEO na nagkataong asawa ko.Samahan mo pa ng iilang tukso mula sa mga kasama kong walang pakundangang nanunukat ng bawat reaksyon ko.“Uyyy, nagpapa-cute kumain ang kaibigan namin,” tukso ni Rea, sabay nguso sa katabi kong tila wala nang ibang iniisip kundi ang pagmasdan ako.Ramdam ko ang init sa pisngi ko habang tinutukso nila. Tumikhim ako, hindi magpapatalo, at unti-unting humilig kay Henri. Lalong lumakas ang kilig sa paligid, pero hindi ako nagpadaig. Pagkadikit ko sa kanya, agad akong bumulong.“Henri, tigilan mo ang pagtitig sa akin. Nakakailang.”Pero hindi ko inaasahan ang sagot niya. Sa halip na umiwas, mas lalo pa siyang lumapit.“I can't help it. Parang minamagnet ata ako sa mahika ng pagkatao mo, asawa ko,” bulong n
DHALIA’s POV Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas sa opisina ni Henri. Jusko, kung ganito ba naman siya araw-araw, baka mahimatay ako. Napaka-flirt. Para bang ang goal niya sa araw-araw ay paasahin ako at wasakin ang natitirang katinuan ko. Naglalakad ako patungo sa cafeteria nang biglang sumulpot si Rea kasama ang mga ka-team niya sa HR, sina Jane at Hannah. “Hoy, Mrs. Garciaz, anong ginagawa mo rito?" bungad ni Rea, may kasama pang nanunuksong tingin. Kahit kating-kati akong pilosopohin siya, pinili kong ngumiti. “Nagutom kasi ako, Rea," sagot ko nang mahina. “Ay, bet! Feel ko talaga, buntis ka!" Napalingon si Rea kina Jane at Hannah. “’Di ba, girls? Tingnan niyo, sobrang blooming ng bagong nadiligan!" Halos mas malala pa ata ang bibig nito kaysa kay Henri. Napatawa ako nang mapakla. “Ikaw talaga, Rea. Parang hindi naman ah, stress nga ako, eh," sabi ko, kahit ang totoo ay hindi ko rin maintindihan kung bakit parang ang ganda ng aura ko ngayon. Pero agad nama
HENRI’s POVDamn. Hindi talaga ako nakapagpigil at nagseselos na naman ako. Nanganganib na talaga ako. Sobrang nabihag ako ni Dhalia. Pagkatapos ng kabaliwang ginawa ko sa kanya kanina ay pinanood ko lang siyang abalang inaayos ang schedule ko. Kunot pa ang noo niya habang nagta-type sa laptop. Alam kong hindi niya nagustuhan ang ideyang kunin si Irina bilang modelo sa bagong clothing design ng kumpanya. Pero wala akong magawa. Sa totoo lang, plano ito ng ama ko. At ayaw ko na siyang kontrahin. Hindi naman maikakaila na nangunguna si Irina sa larangan ng modeling. “May meeting ka pala bukas kasama ang marketing team at si Irina?" maya't maya’y tanong ni Dhalia, halatang inis. Napangiti ako sa napansin. Amoy selos. Hindi lang sinasabi. Nagkibit ako ng balikat. “Yes, baby, kailangan. Next week na ang pag-launch ng bagong design natin." Calling her baby is such a tease. Alam kong naiilang siya pero halatang gustong-gusto niya ang tawag na ‘baby.’ Napanguso siya at hindi
DHALIA’s POV “He…Henri,” daing ko nang bigla niya akong hatakin at ipaupo sa kandungan niya. Napakapit ako sa kanyang balikat, ramdam ang init ng katawan niya sa akin. Kakaalis pa lang ni Ralph sa opisina, ngunit parang gusto ni Henri na burahin ang presensya nito sa pamamagitan ng bawat galaw niya. Hinila niya ako papalapit, ipinaikot ang mga daliri sa buhok ko, at marahan akong inangkin ng kanyang yakap. Masuyong hinagod ng labi niya ang gilid ng aking leeg, at hindi ko napigilang makiliti. "Henri…anong gagawin mo?" pilit kong iniiwas ang katawan ko, ngunit mas lalong lumakas ang kapit niya. “Dhalia… baby… hmmmm… nagseselos ako,” mahina at nakakakilabot niyang bulong sa tainga ko, kasabay ng pagdampi ng maiinit niyang halik sa aking balat. Ramdam ko ang kaba, ngunit higit doon, ang matinding kiliti na gumapang sa buo kong katawan. Ganito pala ang pakiramdam ng isang lalaking baliw na baliw sa ‘yo? Ramdam ko ang pag-angkin niya, ang pag-aari, at ang pagnanasa. “Baliw
DHALIA’s POV Naiilang man, ay b****o rin ako kay Ralph. “K-Kumusta ka, Ralph?” magalang kong tanong, pilit na hindi pinapansin ang titig niyang parang may ibang ibig sabihin. Napansin ko naman sa gilid ang umiirap na si Irina, halatang naiinis sa muling pagkikita namin ni Ralph. Ngumiti si Ralph at kasabay no’n ang pag-upo sa sofa, relaks na relaks habang nakatingin sa ‘kin. “Okay lang ako, Dhalia, pero ngayon ay sobrang okay dahil nakita ulit kita.” Kung kalmado ang pagbigkas niya sa mga salitang iyon, ay siya namang kaba ang dulot nito sa ‘kin. Hindi ko maisip kung bakit niya kailangang sabihin ‘yon, gayong alam naman niyang may asawa na ako—at kaibigan pa niya si Henri. Napa-iling ako nang bahagya, sabay tikhim. “Mabuti kung gano’n, Ralph.” Napatawa naman si Irina, tawang may halong panunuya. “Ohhhhh, saucy. Alam kaya ‘to ng EX ko?” malakas ang pagkakabigkas niya sa salitang “ex,” halatang gustong mang-asar. Narinig ko ang mahinang tawa ni Ralph bago ito bumaling