DHALIA's POV
Wala nang bawian 'to.
May malaking plot twist talaga ang tadhana. Sino ba ang mag-aakalang ikakasal ako sa pinaka-perpektong lalaking nakilala ko? Kahit may sablay sa ugali, hindi ko maitatangging nakakatunaw ang titig ni Sir Henri—matipuno, mayaman, at tila isang prinsipe sa mundo ng mga elite.
'Kalmahan mo lang, Dhalia.’
Bumuntong-hininga ako bago lumabas ng fitting room. Tinitigan ko ang sarili ko sa malaking salamin. Himala at may igaganda pa pala ako!
Suot ko ang isang flowy na puting bestida, bumagay ito sa katawan ko na parang idinisenyo talaga para sa akin. Pinagtiisan ko rin ang isang pares ng stilettos kahit hindi ako sanay. Ang buhok ko’y may malalambot na kulot, at natural lang ang koloreteng inilagay sa mukha ko. Nagmukha tuloy akong manyika—masyadong puro, halos inosente. Para bang isang babaeng ikakasal na walang muwang sa mundo.
Napayuko ako habang lumalabas mula sa fitting room, kinakabahan sa magiging reaksyon ni Sir Henri.
Ngunit nang tumambad siya sa paningin ko, nagbago ang ekspresyon niya. Mula sa pagiging seryoso at halatang naiinip, lumambot ang kanyang mukha. Para siyang nakakita ng isang bagay na hindi niya inasahang makikita.Napahinto ako sa kinatatayuan ko. Tiningnan ko siya, at mas lalong lumakas ang kabog ng puso ko.
‘Totoo ba ‘to? Talagang humahanga siya?’
“Maganda ba, Sir?” nahihiya kong tanong habang kinakalmot ang batok. Hindi ko alam kung paano ipapakita na kinakabahan ako sa reaksyon niya.
Napatingin ang dalawang saleslady na umalalay sa akin at agad silang nagbigay ng papuri.
“Sobrang ganda mo, ma’am.”
“Bagay na bagay po kayo ni Sir Henri! Match made in heaven talaga kayo.”
“Naku, ako lang ang suwerte,” mahina kong pagtutol, habang pasimpleng sinulyapan si Henri.
Pero nagulat ako nang marinig ko siyang magsalita. “Sobrang ganda mo talaga, Dhalia.”
Parang biglang naging mabigat ang katawan ko. Parang gusto kong umatras at itago ang sarili ko. Nahihiya ako. Hindi ko alam kung paano ko dapat iproseso ang sinabi niya.
Pagkatapos ng fitting at makeover, hindi ko inaasahan ang susunod na mangyayari. Dinala ako ni Henri sa kanilang bahay—o mas tamang sabihin, sa kanilang mala-palasyong mansyon.
At dito ko lang napagtanto ang isang bagay.
Hindi lang basta mayaman si Sir Henri. Sobrang yaman niya na parang ibang mundo ang kinabibilangan niya.
Malalaki ang chandeliers, sobrang linis ng paligid, at kahit saan ako lumingon ay may mamahaling palamuti. Pakiramdam ko, isang maling galaw ko lang ay baka mabasag ko ang isang bagay na mas mahal pa sa buong buhay ko.
Pero ang mas nakakatakot? Ang harapin ang kanyang pamilya.
“Relax,” bulong ni Henri habang naglalakad kami sa hallway. “Huwag kang matakot.”
“H-hindi naman ako takot Sir Henri…” bulong ko pabalik. “Pero parang gusto kong mag-back out—”
“Henri, Dhalia. Henri. Magiging asawa mo na ako, huwag mo akong tawaging ‘sir' at huwag kang magback-out,’” pagputol niya sa sinabi ko.
Kahit naiilang, sumunod ako.
“Sige po, si—Henri.”
Napangiti siya. “Wala nang bawian, Dhalia. Malaki ang tiwala ko sa’yo.”
Pagpasok namin sa isang malawak na sala, agad akong sinalubong ng isang magandang babae, mukhang nasa late fifties na siya pero halatang inalagaan ang sarili. Sa tingin ko, ito ang ina ni Henri.“Oh, Henri!” malambing ang boses niya. “Ikaw na naman at ang iyong mga sorpresa.”
Napatingin siya sa akin, at may bahagyang pagtataka sa kanyang mga mata bago ito napalitan ng interes.
“Mom, this is Dhalia,” pagpapakilala ni Henri. “She’s my fiancée.”
Saglit na tumahimik ang paligid.
Pero bago pa man makapagsalita ang ina niya, isang malalim na boses ang pumutol sa katahimikan.
“Ano’ng kalokohan ‘to, Henri?”
Lahat kami napalingon.
At doon ko nakita ang isang matikas na lalaking may presensiyang parang kayang punuin ang buong kwarto.
Siya ang ama ni Henri.
At halata sa mukha niya ang hindi pagsang-ayon sa sinabi ng anak niya.
At parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang mapansin kong hindi lang siya ang naroon.
May kasama siyang isang babae. Isang napakagandang babae.
Si Irina Lim.
Ang babaeng dapat sanang pakakasalan ni Sir Henri para sa kasunduan ng kanilang mga pamilya.
Sobrang engrande ng cocktail dress niya—may malalaking diyamante sa leeg at tenga. Ang mahaba at bagsak na blonde niyang buhok ay perpektong bumagay sa kutis niyang porselana. Matangkad, makinis, at sobrang seksi.
Samantalang ako?
Malayong-malayo sa kanya.
At lalo akong nanghina nang marinig ko ang sinabi ng ama ni Sir Henri.
“Henri, alam mong hindi ko matatanggap ang isang tulad niya.”
Ramdam ko ang init sa pisngi ko, at kahit anong gawin ko, hindi ko mapigilan ang kaba.
Napatingin ako sa boss ko.
At sa sandaling iyon, hindi ko alam kung may dapat ba akong ipaglalaban…
O isa lang akong babae na nadala sa isang ilusyon ng fairy tale na kailanman ay hindi magiging akin.
DHALIA's POVNormal lang naman siguro ang magtampo, ‘di ba?Simula kahapon ay hindi ko na pinansin si Henri. Alam kong hindi makatuwiran ang dahilan ko—na dala lang ng selos at mga negatibong iniisip—pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Naiinis ako. Mas nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko naman dapat maramdaman ito, pero hindi ko mapigilan.Natapos ko ang buong araw na hindi siya kinibo. Alam kong napansin niya ito, pero hindi niya ako pinilit magsalita. Pinili niyang bigyan ako ng espasyo, na sa isang banda ay nagpapasalamat ako, pero sa kabilang banda ay lalong nakadagdag sa inis ko. Hindi niya man lang ba susubukang suyuin ako?Sa halip na manatili sa condo, umuwi ako sa bahay namin ni Nanay. “Nay,” mahina kong tawag nang makita siyang abala sa kusina.Lumabas siya mula sa pagluluto, at agad na kumislap ang kanyang mga mata nang makita ako. “Anak, Diyos ko, bakit ngayon ka lang?” “Naku, Nay, wala pang isang linggo simula nang umuwi ako galing Bali, ang OA mo naman,”
DHALIA's POVNaiilang kong sinusubo ang kanin at adobo sa harap ko. Sino ba naman ang hindi maiilang kung may isang lalaking perpekto sa paningin ng lahat ang walang sawang nakatitig sa bawat galaw mo? At hindi lang basta lalaki—si Henri Garciaz, ang supladpng CEO na nagkataong asawa ko.Samahan mo pa ng iilang tukso mula sa mga kasama kong walang pakundangang nanunukat ng bawat reaksyon ko.“Uyyy, nagpapa-cute kumain ang kaibigan namin,” tukso ni Rea, sabay nguso sa katabi kong tila wala nang ibang iniisip kundi ang pagmasdan ako.Ramdam ko ang init sa pisngi ko habang tinutukso nila. Tumikhim ako, hindi magpapatalo, at unti-unting humilig kay Henri. Lalong lumakas ang kilig sa paligid, pero hindi ako nagpadaig. Pagkadikit ko sa kanya, agad akong bumulong.“Henri, tigilan mo ang pagtitig sa akin. Nakakailang.”Pero hindi ko inaasahan ang sagot niya. Sa halip na umiwas, mas lalo pa siyang lumapit.“I can't help it. Parang minamagnet ata ako sa mahika ng pagkatao mo, asawa ko,” bulong n
DHALIA’s POV Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas sa opisina ni Henri. Jusko, kung ganito ba naman siya araw-araw, baka mahimatay ako. Napaka-flirt. Para bang ang goal niya sa araw-araw ay paasahin ako at wasakin ang natitirang katinuan ko. Naglalakad ako patungo sa cafeteria nang biglang sumulpot si Rea kasama ang mga ka-team niya sa HR, sina Jane at Hannah. “Hoy, Mrs. Garciaz, anong ginagawa mo rito?" bungad ni Rea, may kasama pang nanunuksong tingin. Kahit kating-kati akong pilosopohin siya, pinili kong ngumiti. “Nagutom kasi ako, Rea," sagot ko nang mahina. “Ay, bet! Feel ko talaga, buntis ka!" Napalingon si Rea kina Jane at Hannah. “’Di ba, girls? Tingnan niyo, sobrang blooming ng bagong nadiligan!" Halos mas malala pa ata ang bibig nito kaysa kay Henri. Napatawa ako nang mapakla. “Ikaw talaga, Rea. Parang hindi naman ah, stress nga ako, eh," sabi ko, kahit ang totoo ay hindi ko rin maintindihan kung bakit parang ang ganda ng aura ko ngayon. Pero agad nama
HENRI’s POVDamn. Hindi talaga ako nakapagpigil at nagseselos na naman ako. Nanganganib na talaga ako. Sobrang nabihag ako ni Dhalia. Pagkatapos ng kabaliwang ginawa ko sa kanya kanina ay pinanood ko lang siyang abalang inaayos ang schedule ko. Kunot pa ang noo niya habang nagta-type sa laptop. Alam kong hindi niya nagustuhan ang ideyang kunin si Irina bilang modelo sa bagong clothing design ng kumpanya. Pero wala akong magawa. Sa totoo lang, plano ito ng ama ko. At ayaw ko na siyang kontrahin. Hindi naman maikakaila na nangunguna si Irina sa larangan ng modeling. “May meeting ka pala bukas kasama ang marketing team at si Irina?" maya't maya’y tanong ni Dhalia, halatang inis. Napangiti ako sa napansin. Amoy selos. Hindi lang sinasabi. Nagkibit ako ng balikat. “Yes, baby, kailangan. Next week na ang pag-launch ng bagong design natin." Calling her baby is such a tease. Alam kong naiilang siya pero halatang gustong-gusto niya ang tawag na ‘baby.’ Napanguso siya at hindi
DHALIA’s POV “He…Henri,” daing ko nang bigla niya akong hatakin at ipaupo sa kandungan niya. Napakapit ako sa kanyang balikat, ramdam ang init ng katawan niya sa akin. Kakaalis pa lang ni Ralph sa opisina, ngunit parang gusto ni Henri na burahin ang presensya nito sa pamamagitan ng bawat galaw niya. Hinila niya ako papalapit, ipinaikot ang mga daliri sa buhok ko, at marahan akong inangkin ng kanyang yakap. Masuyong hinagod ng labi niya ang gilid ng aking leeg, at hindi ko napigilang makiliti. "Henri…anong gagawin mo?" pilit kong iniiwas ang katawan ko, ngunit mas lalong lumakas ang kapit niya. “Dhalia… baby… hmmmm… nagseselos ako,” mahina at nakakakilabot niyang bulong sa tainga ko, kasabay ng pagdampi ng maiinit niyang halik sa aking balat. Ramdam ko ang kaba, ngunit higit doon, ang matinding kiliti na gumapang sa buo kong katawan. Ganito pala ang pakiramdam ng isang lalaking baliw na baliw sa ‘yo? Ramdam ko ang pag-angkin niya, ang pag-aari, at ang pagnanasa. “Baliw
DHALIA’s POV Naiilang man, ay b****o rin ako kay Ralph. “K-Kumusta ka, Ralph?” magalang kong tanong, pilit na hindi pinapansin ang titig niyang parang may ibang ibig sabihin. Napansin ko naman sa gilid ang umiirap na si Irina, halatang naiinis sa muling pagkikita namin ni Ralph. Ngumiti si Ralph at kasabay no’n ang pag-upo sa sofa, relaks na relaks habang nakatingin sa ‘kin. “Okay lang ako, Dhalia, pero ngayon ay sobrang okay dahil nakita ulit kita.” Kung kalmado ang pagbigkas niya sa mga salitang iyon, ay siya namang kaba ang dulot nito sa ‘kin. Hindi ko maisip kung bakit niya kailangang sabihin ‘yon, gayong alam naman niyang may asawa na ako—at kaibigan pa niya si Henri. Napa-iling ako nang bahagya, sabay tikhim. “Mabuti kung gano’n, Ralph.” Napatawa naman si Irina, tawang may halong panunuya. “Ohhhhh, saucy. Alam kaya ‘to ng EX ko?” malakas ang pagkakabigkas niya sa salitang “ex,” halatang gustong mang-asar. Narinig ko ang mahinang tawa ni Ralph bago ito bumaling