Henri’s POV
Tahimik kong minaneho ang sasakyan, panaka-nakang sinusulyapan ang natutulog na si Dhalia.
Kanina pa kami nasa biyahe pauwi, pero hindi nagtagal, napansin kong unti-unting bumigay si Dhalia sa antok. Nakapikit siya ngayon, mahina ang paghinga, at bahagyang nakalaylay ang ulo niya sa gilid ng bintana.
Kanina ay todo tanggi pa itong magpahatid pero paano ko siya pababayaan? Sobrang ganda niya ngayong gabi. At wala akong balak hayaang may ibang makakita sa kanya nang ganito.
Napahigpit ang hawak ko sa manibela habang iniiwasang titigan siya nang matagal. Walang kaalam-alam si Dhalia kung paano niya ako tinutukso kahit wala siyang ginagawa.
Nang huminto ako sa stoplight, bumalik ang atensyon ko sa kanya. Hindi ko napigilang pagmasdan ang mukha niya.
Maliit ang bilugan niyang mukha, may mapupulang pisngi at natural na pouty lips na parang laging nang-aakit. Hindi siya tisay, hindi rin morena—isang perpektong timpla sa pagitan. Ang mahahaba niyang pilikmata ay bahagyang nakalilis dahil sa mascara, lalong pinatingkad ang inosente ngunit maamong anyo niya.
Lalo akong nag-init nang bigla siyang gumalaw, napalipat ang mukha niya sa direksyon ko, at bahagyang bumuka ang malalambot niyang labi.
“Hmmmm…"
Muntik ko nang mabitawan ang manibela sa pag-daing niyang iyon.
Damn.
Napakagat ako sa loob ng pisngi ko habang pilit na iniwasang pag-isipan iyon ng mas malalim.
Mas lalo pang lumalim ang paghinga niya, bumukas at pumikit muli ang kanyang bibig, na para bang naghahanap ng init sa panaginip niya.
Napamura ako nang mahina.
‘Damn, Dhalia.’
Kung alam lang niya kung anong epekto niya sa akin ngayon, baka sinampal na niya ako.
Pinilit kong ibaling ang tingin sa daan, pilit na hinahamon ang sariling pigilan ang tukso. Pero sa loob-loob ko, gusto kong hawakan ang makinis niyang pisngi. Gusto kong madama ang init ng balat niya, ang kalambutan ng labi niyang kanina pa ako inaakit nang hindi niya alam.
Hininga ko’y bumigat, kaya napilitang mag-focus sa pagmamaneho.
Ilang minuto pa, gumalaw si Dhalia at unti-unting iminulat ang mga mata.
"Malapit na tayo, Sir?" mahina niyang tanong, bahagyang inaantok pa.
Napailing ako sa tawag niya sa akin.
"Isang ‘Sir’ pa at hahalikan talaga kita."
Napadilat siya sa gulat, napaawang ang labi, at tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. Napapikit ako sandali para pigilan ang tawa.
Napansin ko namang tila nag-iisip siya, saka bumuntong-hininga. "Hindi kasi… parang ang awkward lang kung tatawagin kitang Henri. Baka may masabi ang ibang empleyado. Pero kapag sa harap ng pamilya mo, Henri na lang itatawag ko sa ‘yo, Sir Henri."
Palihim akong napangiti. Kahit sa simpleng bagay na ito, iniisip niya pa rin ang tamang etiketa sa trabaho.
Pagkarating namin sa bahay nila, agad siyang bumaba at binuksan ang gate. Huminga ako nang malalim bago sumunod sa kanya.
"Pasok po muna kayo, Sir. Pasensya na kung medyo makalat," aniya habang pinapasok ako sa loob.
Pinagmasdan ko ang paligid. Simple ang bahay. Hindi naman makalat, malinis nga at maaliwalas. Napansin ko ang isang lumang picture frame sa lamesa, isang larawan ni Dhalia noong mas bata pa siya. Kahit noon pa, likas na ang kagandahan niya.
"Sandali lang po, kukuha lang ako ng tubig," paalam niya habang patuloy na inaayos ang mga gamit sa mesa.
Pero bago siya makalayo, isang mahina at bahagyang nangangatal na boses ang narinig namin.
"Dhalia?"
Napalingon kami pareho.
Isang matandang babae ang nakatayo sa may pintuan ng isang silid. Payat siya, may bakas ng sakit sa kanyang mukha, pero ang mga mata niya ay punong-puno ng pagmamahal habang nakatingin sa anak niya.
"Nay!" mabilis na lumapit si Dhalia sa ina at inalalayan ito. "Bakit po kayo bumangon? Dapat ay nagpapahinga kayo."
Napangiti ako habang pinapanood siya. Kitang-kita sa kilos niya kung paano niya inuuna ang ina niya bago ang sarili. Wala siyang pakialam kahit pagod sa trabaho.
"Iho, pasensya ka na kung ganito lang ang bahay namin," mahina ngunit magalang na sabi ng ina ni Dhalia nang mapansin ang presensya ko.
Umiling ako. "Wala pong problema."
Muling tumingin sa akin ang ginang, pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa, bago nagtanong, “Ikaw ba ang amo ng anak ko, iho?”
"Opo," mahinahong sagot ko.
Muling bumaling ang ginang sa anak niya at hinawakan ang kamay nito at napangiti. "Dhalia, anak, hindi mo naman sinabing hindi lang pala ubod ng bait ang amo mo, ubod din pala ito ng kakisigan.”
"Nay naman!" Nahihiyang napatawa si Dhalia bago siya nagbaling sa akin, halatang hindi sigurado kung paano ako titingnan.
Hindi ko napigilang mapangiti. "Salamat po sa papuri," sagot ko naman, hindi na idinagdag ang totoong iniisip ko na mas bagay iyon kay Dhalia, hindi sa akin.
Napailing na lang si Dhalia at marahang hinaplos ang kamay ng ina. "Huwag na po kayong mag-isip ng ganyan, Nay. Wala pong problema sa akin ang lahat ng ginagawa ko.”
Isang matamis na ngiti ang bumakas sa labi ng ginang bago nito hinawakan ang pisngi ng anak. "Napakabuti mo talagang bata..."
"Nay, halika na po sa kwarto," mahinahong paanyaya ni Dhalia, tila gusto nang magpahinga ang kanyang ina. "Kailangan niyo na pong magpahinga."
Bago tuluyang isama ng anak sa loob, bahagyang lumingon ang ginang sa akin, may bahagyang ngiti sa labi.
Habang pinagmamasdan ko silang pumasok sa kwarto, hindi ko maiwasang mapaisip. Huminga ako nang malalim, saka tinawag muli ang mag-ina. Napatingin naman sila sa akin, halatang nagtataka.
Ganitong klaseng pamilya ang gusto kong protektahan—simple at puno ng pagmamahalan.
At sa sandaling iyon, mas lalo akong nakumbinsi. Tama ang desisyon kong siya ang piliin.
Huminga ako nang malalim bago lumapit sa kanila.
Napatingin sa akin ang ina ni Dhalia, tila nagtatanong kung bakit.
Pinagmasdan ko siya nang diretso, saka marahang nagsalita.
"Hindi lang po ako boss ni Dhalia… Narito po ako upang hingin ang basbas ninyo."
Huminga ako nang malalim, siniguradong malinaw at taos-puso ang bawat salita.
"Ako po si Henri Yanno Garciaz…" Saglit akong tumigil, tinitiyak na ramdam nila ang sinseridad ko.
"...at hinihiling ko po ang inyong pahintulot na pakasalan ang anak ninyo."
DHALIA's POVNormal lang naman siguro ang magtampo, ‘di ba?Simula kahapon ay hindi ko na pinansin si Henri. Alam kong hindi makatuwiran ang dahilan ko—na dala lang ng selos at mga negatibong iniisip—pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Naiinis ako. Mas nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko naman dapat maramdaman ito, pero hindi ko mapigilan.Natapos ko ang buong araw na hindi siya kinibo. Alam kong napansin niya ito, pero hindi niya ako pinilit magsalita. Pinili niyang bigyan ako ng espasyo, na sa isang banda ay nagpapasalamat ako, pero sa kabilang banda ay lalong nakadagdag sa inis ko. Hindi niya man lang ba susubukang suyuin ako?Sa halip na manatili sa condo, umuwi ako sa bahay namin ni Nanay. “Nay,” mahina kong tawag nang makita siyang abala sa kusina.Lumabas siya mula sa pagluluto, at agad na kumislap ang kanyang mga mata nang makita ako. “Anak, Diyos ko, bakit ngayon ka lang?” “Naku, Nay, wala pang isang linggo simula nang umuwi ako galing Bali, ang OA mo naman,”
DHALIA's POVNaiilang kong sinusubo ang kanin at adobo sa harap ko. Sino ba naman ang hindi maiilang kung may isang lalaking perpekto sa paningin ng lahat ang walang sawang nakatitig sa bawat galaw mo? At hindi lang basta lalaki—si Henri Garciaz, ang supladpng CEO na nagkataong asawa ko.Samahan mo pa ng iilang tukso mula sa mga kasama kong walang pakundangang nanunukat ng bawat reaksyon ko.“Uyyy, nagpapa-cute kumain ang kaibigan namin,” tukso ni Rea, sabay nguso sa katabi kong tila wala nang ibang iniisip kundi ang pagmasdan ako.Ramdam ko ang init sa pisngi ko habang tinutukso nila. Tumikhim ako, hindi magpapatalo, at unti-unting humilig kay Henri. Lalong lumakas ang kilig sa paligid, pero hindi ako nagpadaig. Pagkadikit ko sa kanya, agad akong bumulong.“Henri, tigilan mo ang pagtitig sa akin. Nakakailang.”Pero hindi ko inaasahan ang sagot niya. Sa halip na umiwas, mas lalo pa siyang lumapit.“I can't help it. Parang minamagnet ata ako sa mahika ng pagkatao mo, asawa ko,” bulong n
DHALIA’s POV Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas sa opisina ni Henri. Jusko, kung ganito ba naman siya araw-araw, baka mahimatay ako. Napaka-flirt. Para bang ang goal niya sa araw-araw ay paasahin ako at wasakin ang natitirang katinuan ko. Naglalakad ako patungo sa cafeteria nang biglang sumulpot si Rea kasama ang mga ka-team niya sa HR, sina Jane at Hannah. “Hoy, Mrs. Garciaz, anong ginagawa mo rito?" bungad ni Rea, may kasama pang nanunuksong tingin. Kahit kating-kati akong pilosopohin siya, pinili kong ngumiti. “Nagutom kasi ako, Rea," sagot ko nang mahina. “Ay, bet! Feel ko talaga, buntis ka!" Napalingon si Rea kina Jane at Hannah. “’Di ba, girls? Tingnan niyo, sobrang blooming ng bagong nadiligan!" Halos mas malala pa ata ang bibig nito kaysa kay Henri. Napatawa ako nang mapakla. “Ikaw talaga, Rea. Parang hindi naman ah, stress nga ako, eh," sabi ko, kahit ang totoo ay hindi ko rin maintindihan kung bakit parang ang ganda ng aura ko ngayon. Pero agad nama
HENRI’s POVDamn. Hindi talaga ako nakapagpigil at nagseselos na naman ako. Nanganganib na talaga ako. Sobrang nabihag ako ni Dhalia. Pagkatapos ng kabaliwang ginawa ko sa kanya kanina ay pinanood ko lang siyang abalang inaayos ang schedule ko. Kunot pa ang noo niya habang nagta-type sa laptop. Alam kong hindi niya nagustuhan ang ideyang kunin si Irina bilang modelo sa bagong clothing design ng kumpanya. Pero wala akong magawa. Sa totoo lang, plano ito ng ama ko. At ayaw ko na siyang kontrahin. Hindi naman maikakaila na nangunguna si Irina sa larangan ng modeling. “May meeting ka pala bukas kasama ang marketing team at si Irina?" maya't maya’y tanong ni Dhalia, halatang inis. Napangiti ako sa napansin. Amoy selos. Hindi lang sinasabi. Nagkibit ako ng balikat. “Yes, baby, kailangan. Next week na ang pag-launch ng bagong design natin." Calling her baby is such a tease. Alam kong naiilang siya pero halatang gustong-gusto niya ang tawag na ‘baby.’ Napanguso siya at hindi
DHALIA’s POV “He…Henri,” daing ko nang bigla niya akong hatakin at ipaupo sa kandungan niya. Napakapit ako sa kanyang balikat, ramdam ang init ng katawan niya sa akin. Kakaalis pa lang ni Ralph sa opisina, ngunit parang gusto ni Henri na burahin ang presensya nito sa pamamagitan ng bawat galaw niya. Hinila niya ako papalapit, ipinaikot ang mga daliri sa buhok ko, at marahan akong inangkin ng kanyang yakap. Masuyong hinagod ng labi niya ang gilid ng aking leeg, at hindi ko napigilang makiliti. "Henri…anong gagawin mo?" pilit kong iniiwas ang katawan ko, ngunit mas lalong lumakas ang kapit niya. “Dhalia… baby… hmmmm… nagseselos ako,” mahina at nakakakilabot niyang bulong sa tainga ko, kasabay ng pagdampi ng maiinit niyang halik sa aking balat. Ramdam ko ang kaba, ngunit higit doon, ang matinding kiliti na gumapang sa buo kong katawan. Ganito pala ang pakiramdam ng isang lalaking baliw na baliw sa ‘yo? Ramdam ko ang pag-angkin niya, ang pag-aari, at ang pagnanasa. “Baliw
DHALIA’s POV Naiilang man, ay b****o rin ako kay Ralph. “K-Kumusta ka, Ralph?” magalang kong tanong, pilit na hindi pinapansin ang titig niyang parang may ibang ibig sabihin. Napansin ko naman sa gilid ang umiirap na si Irina, halatang naiinis sa muling pagkikita namin ni Ralph. Ngumiti si Ralph at kasabay no’n ang pag-upo sa sofa, relaks na relaks habang nakatingin sa ‘kin. “Okay lang ako, Dhalia, pero ngayon ay sobrang okay dahil nakita ulit kita.” Kung kalmado ang pagbigkas niya sa mga salitang iyon, ay siya namang kaba ang dulot nito sa ‘kin. Hindi ko maisip kung bakit niya kailangang sabihin ‘yon, gayong alam naman niyang may asawa na ako—at kaibigan pa niya si Henri. Napa-iling ako nang bahagya, sabay tikhim. “Mabuti kung gano’n, Ralph.” Napatawa naman si Irina, tawang may halong panunuya. “Ohhhhh, saucy. Alam kaya ‘to ng EX ko?” malakas ang pagkakabigkas niya sa salitang “ex,” halatang gustong mang-asar. Narinig ko ang mahinang tawa ni Ralph bago ito bumaling