Share

CHAPTER 33

"MANANG nasa an si Law?" Tanong ni Maxine sa katulong ni Law ng pagbuksan siya nito ng gate. Kanina pa kasi siya nagdo-doorbell at walang nagbubukas sa kaniya.

"Nasa loob po si Sir Law, ma'am."

"Puwede ba akong pumasok?"

Gaya ng maluwag na pag tanggap sa kaniya ng mga maids ni Law noon ay ganun pa rin siya nito tinggap.

"Oo naman ho. Pasok po kayo."

Nilakihan nito ang pagkakabukas ng gate at pinapasok siya. Nang makarating siya sa sala, tamang-tama naman na kabababa lang ni Lenzi sa hagdanan mula sa ikalawang palapag. Nang magtama ang mga mata nila, tumikwas pataas ang kilay nito at ngumisi na parang nang-uuyam.

"Maiwan ko na ho kayo, ma'am." Paalam nito.

"Marami pa kasi akong gagawin."

"Sige po, Manang." Aniya.

Nang makaalis si na ito, umakyat siya sa hagdan, wala siyang balak na pansinin si Lenzi pero wala talaga itong balak na padaanin siya ng walang gulo dahil hinawakan pa siya nito sa braso para patigilan siya.

"At saan ka pupunta?" Mataray nitong tanong.

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status