MasukThank you so much po sa pagbabasa!
Kahit itanggi pa ni Argus pero ang katotohanan ay lahat sila'y may malalim na pagmamahal kay Yelena. Lumaki itong kasama nila at nasusundan ang bawat yugto ng buhay nito. Kung paano sila nito napatawa noon. Ito ang naging gamot sa kanilang lungkot. Ganoon din ang papel nito sa piling ni Morgan noong hindi pa kasal ang dalawa. Maaring iyon ang gustong ipaglaban ng lalaki. Nasa third floor ang private suite ni Madam Myrna pero hindi na naghintay pa si Argus ng elevator. Mabilis siyang bumaba sa fire exit stairs at dumiretso sa monitoring room.Ang gwardyang nakabantay roon ay hindi magkandaugaga sa pagsalubong sa kaniya. Banaag sa mukha ang takot at halos hindi na gumana ang utak dahil biglang nadapa sa sahig."Boss Argus, ano po ang atin?"Itinuro ni Brian sa nguso ang monitor screen. "I-play mo 'yung CCTV footage from half an hour ago mula sa entrance ng inpatient building."Mabilis na tumalima ang gwardya at nagmadaling hinanap ang footage.Madilim ang mukhang nakapako sa screen an
"Grandma, bakit si Argus tinulungan n'yo pero ako lagi ninyong binabara? Inaamin kong nagkamali ako noon pero handa akong magbago at mahal ko si Yelena," may hinanakit sa tono ni Morgan.Pero imbis na makuha ang simpatiya ng lola niya, lalo lamang dumilim ang mukha nito."Ano'ng gusto mong mangyari? Kailan ka ba titigil, kapag nakita mong napahamak na siya? Binigyan ka na ng mahabang panahon para patunayan ang sarili mo pero sinayang mo lang.""Paano n'yo po nasasabing ipapahamak ko siya? Gusto ko lang po bumawi sa kaniya.""Huli na ang lahat, Morgan. Guguluhin mo lang ang isip ni Yelena. Hindi makakatulong sa kaniya ang gagawin mo. Kung buhay lang ang lolo mo, baka nasinturon ka na."Ilang saglit ding nawalan ng kibo si Morgan. Sa kaniyang paghinga ay sumasabay ang huni ng ibon at kaluskos ng dahon."Noong bata ka, kapag pinapagalitan kita, ganyan din ang tingin mo. Parang ang buong mundo may kasalanan sa'yo.""Minsan na niya akong pinili, grandma. Gusto ko lang ulit na-""Pinili ka
Nasa ilalim ng kontrol ni Morgan ang angkan ng mga Cuntis at sinumang lalabag sa batas na ipinatutupad niya ay may kaukulang parusa na nag-aabang. Alam iyan ng mga empleyado at tauhan nila. Inisip niya kung sino sa staff sa mansion ang naglakas-loob na makipagsabwatan kay Argus para lasunin ang kaniyang lola.Kilala siyang matalino at di pa nabibigo sa lahat ng business deal na pinasok niya. Pero sa pagkakataong iyon ay wala siyang magawa kundi ang tumiklop. Naintindihan niya kung ano ang habol ni Argus, madalas ay hindi ito direktang nagsasalita, bagkus ay idinadaan nito sa trusted na close-in bodyguards gaya nina Rolly at Brian. Sandali lang siyang natigil ng ilang segundo bago lumakad papunta sa safe, kinuha ang antidote, at inihagis iyon kay Argus. "Alam ba ni Yelena na lalaking hinahangaan niya dahil sa dangal at paninindigan ay walang awa kahit sa matanda at may kapansanan?"Sinipat ni Argus ang bote at malamig na tumugon. "Wala ka ring pinagkaiba. Kilala mo naman ako. I ran th
"Jeremy, mag-draft ka na ng annulment papers para sa amin ng iyong ama," pahayag ni Nathasia. "Nat, pag-uusapan natin ito. Normal lang sa bata ang magkamali. Bigyan natin siya ng isa pang pagkakataon," pagsusumamo ni Vic."Bigyan ng isa pang pagkakataon? Hindi pa ba sapat ang pagsisinungaling mo? Pinalaki ko ang anak mo sa ibang babae nang hindi ko alam? Dumaa sa legal process lahat, kaysa sinabi mo na lang sana noon pa na anak mo siya! Ang malala, siya ang naging dahilan kaya nawala sa akin ng mahabang panahon ang bunso ko!"Nalaglag ang mga balikat ni Vic. "I'm sorry, gusto ko lang protektahan ang damdamin mo. Aksidente ang namagitan sa amin ng ina ni Vettyna. Ikaw ang mahal ko, alam mo iyan.""No, Vic. Hindi ko alam kung ano'ng klaseng pagmamahal mayroon ka para sa akin. Tama na ito sa ngayon. may charity ball pa mamaya. Jeremy, ibalik mo na ako sa kwarto ko at wala munang iistorbo sa akin."Pinangko na lamang ni Jeremy ang ina. Bago umalis ay binalingan ng binata ang ama. "I have
Araw ng charity gala. Maagang gumising si Nathasia. Pagkatapos maligo ay inayusan siya personal maid habang nakaalalay ang kaniyang nurse. Pumasok naman doon si Jeremy dala ang kaniyang gatas."Mom, dumating na si Light, dala niya ang resulta ng paternity test ni Vettyna. Naroon sila sa kwarto ni Martha," abiso ng binata."Pumunta na tayo roon pagkatapos ko rito.""Sabi ni Martha, sa study room na lang tayo maghintay."Tumango si Nathasi at huminga ng malalim. Bumundol ang kaba sa dibdib ng ginang. Malakas kasi ang kutob niyang anak ni Vic sa labas ang babaeng iyon.The entire living room is too queit when they went down. Martha and Light were there already. Pagpasok nila'y humabol din si Mark."Light?" Bumaling si Nathasia sa manugang.Marahang tumango si Martha, indikasyon na maaring sabihin na ni Light ang resulta."Positive po, Mom. Si Dad ang ama ni Vettyna," sagot ng lalaki.Although they suspected already, they still lingered on that slim possibility that the idea is not true.
Nabalot ng pagdududa si Yelena, naghintay na sasagot pa ang ka-chat niya sa phone pero tahimik na iyon. Umahon siya sa couch at akmang lalapitan si Argus para sabihin ang tungkol sa chat. Pero tumunog ang cellphone. Tawag galing kay Jeremy. Hinamig niya ang sarili at kalmadong sumagot. "Kuya?" "Kumusta ka na?" Bakas ang pag-aalala sa tono ng kapatid niya. "Bukas na ang charity ball, makakadalo ka ba?" Hindi agad nakaimik si Yelena. Halos nakalimutan niya ang tungkol sa charity ball. Pero bukas din lalabas ang resulta ng analysis ng kaniyang team. "Kuya, bukas kasi lalabas ang resulta ng analysis at gagawa pa ako ng antidote. It requires ample time," sagot niyang medyo nag-hesitate. Alam niyang nilo-look forward ng mommy nila ang charity ball at gusto nitong naroon siya. "I understand, don't worry pwede ka namang humabol. Just tell me and I will pick you up, okay?" "Thank you, Kuya, please tell Mom I will find sometime to visit her." "Sasabihin ko, mag-iingat ka riyan at alagaan
Maaga pa at kagigising lamang ni Nova nang tumunog ang cellphone niya. Sinipat niya iyon habang humihikab. Tila broken-hearted ang antok niyang nag-alsa balutan paalis sa kaniyang sistema nang makitang si Madam Eleanor ang tumatawag."Pumunta ka sa lumang commercial house," may antagonismo sa boses
Nagsara ang pinto at nasadlak doon si Yelena, kasunod ang pagsalakay ng mapusok na halik ni Argus sa mga labi niya. Sinubukan pa niyang itulak ang lalaki pero napako ang sa may ulunan niya ang kaniyang kamay habang kaliwa niyang palad ay nakadiin sa dibdib nito. Dama niya ang yumayanig na tibok ng p
Sinubukan pang pigilan ni Morgan si Yelena na inakay ni Mark palabas ng villa pero pinigilan na ito ni Lito. Ang mga bantay ay hindi na rin nakialam matapos bigyan ng babala ng dalawang lalaki. Kung tutuusin ay parehas din namang kilala sa business arena ang pamilya nina Mark at Lito. Mas umangat ng
Tipsy na si Morgan sa nainom na whiskey pero ayaw pa rin magpahinga ng utak niya. Kada sulok ng kaniyang ulo ay umaalingawngaw ang sinabi ni Lito. In love si Argus kay Yelena? Ganoon din ba ang asawa niya? Kaya ayaw na nitong bumalik sa kaniya? May sekretong affair ang dalawa? No. Hindi siguro matat







