author-banner
Serendipity
Serendipity
Author

Novels by Serendipity

THE LAWYER'S GUILTY PLEASURE

THE LAWYER'S GUILTY PLEASURE

"Limang taon na tayong kasal, pero kahit kailan hindi mo ako minahal! " “Wala sa kontrata ‘yon, Sofia.” Malamig na sagot ni Eduardo Nang ipagtanggol ng sikat na abogado na si Eduardo Almira ang kaso ng ina ni Sofia, kapalit nito ay kasal, isang kasunduan na tatagal lamang ng limang taon. Pero paano kung sa limang taong iyon, natutunan niyang mahalin ang lalaking hindi kailanman tumingin sa kanya bilang asawa? Hanggang sa isang umaga, natuklasan niyang hindi lang puso niya ang nakatali sa kasinungalingan—pati ang batang tinatawag niyang anak ay anak pala ng babaeng tunay na minamahal ng asawa niya. Ngayon, habang papalapit ang pagtatapos ng kontrata, kailangan niyang pumili: manatili sa lalaking hindi kanya, o bitawan ang tanging lalaking minahal niya. Pero paano kung sa oras na handa na siyang umalis… doon naman siya gustong habulin ni Eduardo?
Read
Chapter: Kabanata 5
Habang iniinom ang alak sa kaniyang baso ay nakarinig siya nang pagdating ng isang kotse, ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng bahay at pinuntahan niya kung sino ‘yon, si Eduardo ‘yon, walang ekspresyon ang mukhan nakatingin sa kaniya bago nagtanong.“Nasaan si Kale?” “Nasa kuwarto niya, nakatulog kaiiyak kanina.”Hindi na tumugon pa ang lalaki sa kaniya, dumeretso lang to sa taas na para bang walang nangyari ng gabing ‘yon, walang paghingi ng tawad o paliwanag. Ilang sandali pa ay bumaba na ito karga si Kale.“Dadalhin ko na si Kale sa mommy niya, ayokong magka anxiety at depression si Felize sa kaiisip at pag-aalala sa anak namin, maigi na rin ‘yong magkasarilinan silang mag-ina, sige na mauna na kami, tatawag na lang ako.”Hindi man lang hinintay ni Edaurdo na makasagot si Sofia sa kaniya, umalis na lang basta. Mapait na ngumiti si Sofia habang hawak ang basong may lamang alak at nakatingin sa bawat sulod ng mansion. Napakalaki ng bahay, pero tahimik at walang buhay dahil mag-
Last Updated: 2025-10-22
Chapter: Kabanata 4
Nagulat si Sofia sa kaniyang narinig, parang biglang tumigil sandali ang mundo niya. Ibig sabihin, sa loob ng limang taon, niloko at nagsinungaling si Eduardo sa kaniya na namatay sa aksidente ang mga magulang ni Kale. Na estatuwa siya sa kaniyang kintatayuan at ‘di makapaniwala sa kaniyang nalaman, at dahil doon ay tuluyan ng gumuho at nawala ang katiting na pag-asa na mamahalin siya pabalik ni Eduardo at maging totoo na ang pagsasama nila pero hindi, dahil kasal lang sila pero buo na ang pamilya ni Eduardo, bagay na di niya mabigay.Kusang dumaloy ang luha sa mga mata niya habang tinutulak si Luciana paalis ng mansion, si Kale naman ay panay ang iyak at sigaw habang tinatawag siya.“Mama! ‘Wag kang umalis! ‘Wag mong paalisin ang mama ko lola! Gusto ko sa mama ko!” umiiyak na sabi nito.“Anak pakiusap tahan na, hindi ka dapat umiyak, nandito ako oh, ako ang totoong mommy mo!” Ani ni Felise kay Kale.“Ayoko sa’yo, hindi kita mommy dahil may mama na ako!” tinulak ni Kale si Felize at t
Last Updated: 2025-10-22
Chapter: Kabanata 3
Masakit pa rin ang puson niya kaya’t huminto na muna siya sa isang malapit na pharmacy para bumili ng pain reliever, at nang nasa botika na siya imbis na gamot lang bibilhin niya ay napabili na rin siya ng pregnancy test, gumagamit naman siya ng pills pero may panahon kasi na nakaliligtaan niya kaya maigi ng makasiguro. Sa kabilang banda ay nag-aalala rin siya kung sakali dahil kapag sakaling buntis siya ay hindi rin niya ito mabibigyan ng buong pamilya dahil tiyak niyang kapag nakalaya na ang mama niya, magpa-file na petition for annulment si Eduardo gaya ng nasa kontrata nila at nalulungkot siya para rito.Alam niyang wala siyang karapatang makaramdam ng lungkot dahil simula pa lang ay alam niyang darating ang pagkakataon na ‘yon, na iiwan din siya ng lalaking sa unang beses pa lang nang makita niya ito ay minahal na siya, pero wala na siyang magagawa kung sakali man at pabor na rin ‘yon para sa kaiya dahil hindi na rin niya dadalhin pa ang bigat na nararamdaman niya araw-araw dahil
Last Updated: 2025-10-22
Chapter: Kabanata 2
“Wala kang pera and you don’t anything to pay me back, and alam mo ba’ng mahirap lusutan ang kaso ng mama mo? Parricide is a serious crime and life imprisonment ang parusa riyan since wala namang death penalty sa’tin.”Hindi nag absorb agad sa utak ni Sofia ang mga sinasabi ni Eduardo sa kaniya, she’s been stunned on the man in front of him. The tall and broad-shoulder, he has the kind of posture that commands a room without a word. His features are sharp and defined — a strong jawline, high cheekbones, and eyes of deep hazel that shift between piercing intensity, surprising warmth in private moments. His dark hair, always neatly combed back, shows the first subtle strands of silver at the temples, adding to his air of authority and maturity.“Hey miss, naririnig mo ba ang mga sinasabi ko? Hindi mo yata sini-seryoso ang mga sinasabi ko eh, if you don’t want to cooperate, then I should leave, may meeting pa ako.”“Sandali lang po, ‘wag po muna kayong umalis. Tulungan niyo po ang nanay
Last Updated: 2025-10-22
Chapter: Kabanata 1
Malamig ang simoy ng hangin, at marahan itong dumadampi sa makinis at maputing balat ni Sofia habang hawak ang baso na may lamang red wine at nasa terrace ng Casa de Altamira. Mula roon ay tanaw niya ang ibang pamilya na nasa kabilang kalye na nagkakasiyahan habang sinasalubong ang bagong taon, napakalayo nila pero abot hanggang mansion ang ingay ng kanilang pagsasaya pati na rin kulay ng mga fireworks nila. While her, only have one meal na in order pa niya sa favorite niyang restaurant online na ilang oras nang ‘di niya nagagalaw.Napaka-ingay sa labas dahil sa selebrasyon habang siya ay nag-iisa sa napakalaking mansyon, lahat ng katiwala nila ay nasa tatlong bakasyon at ang asawa niyang si Eduardo at ‘di niya alam kung nasaan, pero batid niya kung sino ang kasama nito. Limang taon na silang kasal, pero sa limang taon na ‘yon ay siya lang ang may pagmamahal, pagmamahal na alam niyang kailan man ay ‘di masusuklian ni Eduardo. Habang umiinom ng wine sa kaniyang baso ay sunod-
Last Updated: 2025-10-22
BETWEEN LUST AND REVENGE: Seducing my Trillionaire Husband

BETWEEN LUST AND REVENGE: Seducing my Trillionaire Husband

"Sign those damn divorce papers, Blaire. I want you out of my life as soon as possible!" Nagising si Blaire sa ospital na walang alaala sa nakalipas na anim na taon. At sa harap niya, si Ryker Montefalcon, ang pinakamayaman, pinaka-cold at pinaka-hot na CEO sa bansa. Ang mas masakit pa ay dala nito ang divorce papers, habang ang isang batang mahina at puno ng pasa ay tawag sa kanya ng “Mommy.” Sa mata ng lahat, isa siyang traydor na asawa at masamang ina. Ang anak niyang lalaki, puno ng galit at ayaw siyang makita. Ang anak niyang babae, takot na takot na maiwan. At si Ryker, galit, sugatan, at handang burahin siya sa buhay nito. Naguguluhan man ay hindi papayag si Blaire na malaman ang katotohanan sa likod ng mga misteryo. Hindi siya maniniwalang gano’n ang pagkatao niya. Kaya kahit gaano kasakit, kahit gaano kainit ang galit ni Ryker, sa halik na puno ng poot, sa yakap na may halong tukso ay gagawin niya ang lahat para muling makuha ang puso nito. Sa pagitan ng galit, paghihiganti, at pagnanasa… handa bang magpatalo si Blaire sa apoy ng isang lalaking kaya siyang wasakin pero siya rin ang tanging lalaking gusto niyang mahalin muli?
Read
Chapter: Kabanata 9 - Pagmamakaawa
“Dok, kamusta po ang anak ko? Ayos na po ba siya? Pwede na ba namin makita ang anak namin?” Sunod-sunod ang tanong ni Blaire nang makitang lumabas ang doktor mula sa operating room. Nabagok kasi ang ulo ni Nica kaya isinalang siya sa isang minor surgery dahil dito.Kaagad na lumapit si Blaire, sa likod niya ay nakatayo si Ryker. Tahimik lang ito at naghihintay ng isasagot ng doktor. Mas lalong lumakas ang kaba sa dibdib ni Blaire nang makita ang malungkot na reaksyon ng doktor, ayaw man niyang isipin pero malakas ang kutob niyang masama ang hatid nitong balita sa kanila. “Your daughter is stable now, Mrs. Montefalcon. That is, for now…”Kumunot ang noo ni Ryker. “What do you mean, Doc? I thought you said she’s stable now?” Hindi na napigilan ni Ryker na tanungin ang doktor. “Your daughter has cancer, Mr. Montefalcon. I hate to break this to you but she only has a few more months to leave.” Malungkot na tugon ng doktor. Halos malawan ng lakas si Blaire nang marinig ang sinabi ng d
Last Updated: 2025-10-01
Chapter: Kabanata 8 - Nica's Declining Health
“Why? What’s with that face?” Walang ganang tanong ni Ryker kay Blaire. Pumasok ito sa silid nila at dumiretso sa CR. Paglabas nito ay nakaligo na ito at mukhang aalis na naman dahil nagbihis ito ng pang-opisina. “Saan ka natulog kagabi, Ryker?” Mahinahong tanong ni Blaire. “Why are you asking? Ano ba ang pakialam mo sa mga ginagawa ko? Nakalimutan mo yata, mahal kong asawa na ikaw mismo ay ayaw na pinapakialaman kung saan mo gustong pumunta.” Kalmado ang boses ni Ryker pero may bahid iyon ng pagkairita. Natigagal si Blaire sa sagot nito. Pero imbes na masaktan ay umusbong ang galit sa puso niya. Galit na may halong pagkamuhi. She’s been trying to be good, pero mas lalo lamang lumalala ang away nila. “Alam mo, gusto ko talaga na maayos natin itong problema natin, e. Pero mukhang hindi ka interesado! Mas mabuti sana kung tinuloy na lang iyong divorce natin!” Hindi mapigilan ni Blaire na singhalan ang asawa. Galit na bumaling si Ryker sa kanya. Mabilis ang mga hakbang nito at hina
Last Updated: 2025-09-10
Chapter: Kabanata 7 - Ryker's Old Flame
SACNTUM, a VIP, membership-only sex club. It’s a club only for the elite. Ang mga membro ng club na ito pili lamang, kung hindi ka mayaman at makapangyarihan ay hinding-hindi ka mapapabilang sa club na ito. “Damn! Montefalcon is here!” Masayang hiyaw ng mga kaibigan ni Ryker nang makita siya nitong papasok sa sex club. He’s been a member in this club since he was eighteen dahil sa isang bet na natalo siya. He actually doesn’t like this club pero kaibigan niya ang may-ari kaya nagpupupunta pa rin siya paminsan-minsan.“I texted him yesterday. Told him if he’s not coming tonight, I’ll leak some of his butt-naked pics in college. Hindi ko alam oobra pala iyon kay Montefalcon!” Malakas na nagtawanan ang mga kaibigan niya sa sinabi ni Eros, ang may-ari ng club. Napailing na lamang si Ryker, pero napangiti na rin dahil sa mga ugali nito. Ang alam ng buong mundo si Ryker Montefalcon ay isang halimaw pagdating sa negosyo. He’s cruel and ruthless when it comes to business, but most people d
Last Updated: 2025-09-09
Chapter: Kabanata 6 - Postpones Divorce
“Mommy, iiwan mo na po ba kami ni daddy at kuya?” Biglang nagsalita si Nica sa gitna ng titigan nila ni Ryker. Napalunok si Blaire nang ibaling niya ang kanyang tingin sa anak. For a six-year-old kid, Nica is incredibly small and thin. Pilit na ngumiti si Blaire sa anak. Paano niya ba ipapaliwanag dito na aalis na siya dahil maghihiwalay na talaga sila ni Ryker? She can’t afford to break Nica’s heart, and she can’t even fight for her family. She was trapped. “Nica, mas mabuti pa magpahinga ka muna, okay?” Aniya sa anak. Nica pouted her pale lips, mas yumakap pa ito sa manika.“Takot ako matulog mommy, baka kasi paggising ko wala ka na.” Umiling ito, bakas sa mukha ang lungkot, “ayoko po mangyari iyon kaya hindi po ako matutulog mommy.” Sasagot na sana si Blaire sa anak nang biglang nagsalita si Ryker. “Nica, baby, you need to rest. Don’t worry about mommy, she’s not going to leave you.” Mabilis na napabaling si Blaire kay Ryker, napuno ng pagtatanong ang kanyang isip, bakas sa
Last Updated: 2025-09-08
Chapter: Kabanata 5 - Nica is Sick
“Hindi ba’t hiwalay ka kayo ng asawa mo?” Tanong ni Samuel kay Blaire. Naikuyom ni Ryker ang kamao. Hinihintay talaga ng taong ito na maghiwalay sila ng asawa niya. Para ano? Para magamit niya ng husto si Blaire? Kung noon ay nagwawala na kaagad ang asawa niya kapag pinagbantaan niya ang buhay ng Samuel na ito, ngayon ay ito pa ang naunang sumampal sa lalaki. He looked at his wife. Tahimik lang kalmado na ito sa isang gilid habang yakap nito si Nica. Hinahaplos nito ang buhok ng bata na hindi naman nito ginagawa noon.“Umalis na tayo. Kailangan ni Nica magpahinga. She’s exhausted and weak,” wika ni Blaire. Akmang tatalikod na si Blaire nang magsalita si Selene. “You can’t do that! Kung gusto mong umalis, iwan mo si Nica dito dahil kailangan pa siya ng anak ko. Alam mo naman na ito lang ang pag-asa para mabuhay ang anak ko. At kailangan ni Samuel ng tagapgmana. It’s our only shot.” Bakas sa boses ni Selene ang pagkabahala. Gustong matawa ni Blaire. “Ano ba ang pakialam ko sa pam
Last Updated: 2025-09-04
Chapter: Kabanata 4 - Bone Marrow Transplant
Hindi na nag-aksaya ng panahon si Blaire, kaagad siyang sumugod sa hospital nang malaman niya ang kinaroroonan ng anak. Parang pinunit ang puso niya nang makita ang anak na nakaupo sa isang silid, yakap-yakap nito ang paboritong manika. Napakunot ang noo niya nang makita ang babaeng kausap nito. Kilala niya ang babaeng iyon, si Selene. Ito ang ina ng anak ni Samuel na si Enzo. “Tita Selene, kapag ba ibibigay ko ang bone marrow ko ay hindi na kami iiwan ng mommy?” Nakatingala si Nica sa babae, ang mga mata nito ay puno ng pag-asa. “Oo, naman. Basta magpapakabait ka at tutulongan mo ang kuya Enzo mo ay matutuwa ang mommy mo. Kaya gawin mo lahat ng sasabihin ko ha? Sigurado ako na iyon ang gusto ng mama mo, Nica.” Masayang tumango si Nica sa babae. “Opo! Gagawin ko po iyan para matuwa ang mommy at hindi niya kami iiwan!” Masayang saad ni Nica. Nagtagis ang mga bagang ni Blaire sa narinig. Sino ba ang nagsasabi na pwede maging donor ng bone marrow ang isang anim na taong gulang na b
Last Updated: 2025-09-04
You may also like
Wanting You So Bad...
Wanting You So Bad...
Romance · Gael Aragon
8.3K views
Perfectly Fake Marriage
Perfectly Fake Marriage
Romance · astralence
8.3K views
TBD #2: Femme Fatale
TBD #2: Femme Fatale
Romance · NicaPantasia
8.3K views
MY MILITARY CRUSH
MY MILITARY CRUSH
Romance · Zion's Pen
8.3K views
Dela Vega's Child
Dela Vega's Child
Romance · Real Life Dreams
8.3K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status