Lumipas na ang dalawang araw ngunit wala pa ring malay si Megan. Tila ngayon pa lamang siya nakapagpahinga ng maayos, matapos ang mahabang panahon ng pisikal at emosyonal na pagpapahirap. Sa wakas ay natahimik ang kanyang katawan, ngunit ang katahimikang ito ay nagbabadya rin ng kaba.
"Hindi pa rin ba siya nagigising?" bungad ni Alyana, ang pinsang buo ni Lucien, habang dahan-dahang pumasok sa silid. Suot pa rin niya ang kanyang uniporme mula sa ospital, dala-dala ang pag-aalalang hindi kayang itago sa kanyang mukha. "Hindi pa rin," sagot ni Lucien, hindi inaalis ang tingin kay Megan. Nanatili siyang nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang malamig na kamay ng dalaga. "Ano sa tingin mo ang nangyayari sa kanya? Dapat ko na ba siyang isugod sa ospital?" Hindi sanay si Lucien sa ganitong takot. Sanay siyang magdesisyon, sanay siyang kontrolado ang sitwasyon. Pero ngayon, sa bawat minuto ng katahimikan ni Megan, para siyang sinasakal ng kawalang magawa. Ang dating malakas na babae, na hindi hinahayaan ang takot at galit na sumira sa kaniya sa halip ay nakangiti niyang tinatanggap ang lahat ng sakit. Samantalang ngayon ay tila isang basag na laruan na ni hindi man lang umiimik o kumikibo. Lumapit si Alyana, hinipo ang noo ng dalaga at hinawakan ang pulsuhan nito. “Stable naman ang tibok ng puso niya. Normal ang temperatura. Walang sugat o lagnat. Pero ang emotional trauma... ibang usapan 'yon. Minsan kapag sobra ang sakit sa puso, sinasara ng isip ang lahat para protektahan ang sarili.” Tahimik lang si Lucien. Binaba niya ang kanyang ulo at bahagyang pinisil ang kamay ni Megan. “Kung alam ko lang na ganito ang pinagdadaanan mo… sana noon pa lang, hinila na kita palayo sa lahat ng iyon.” Hindi siya tumugon pa. Sa halip, pinagmamasdan lamang niya ang payapang mukha ni Megan, na sa kabila ng katahimikan ay tila may kinakalaban. Sa panaginip ni Megan... Mainit. Madilim. Mabigat ang paligid. "Bangon ka na, h4yop ka!" Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Tumilapon siya sa sahig, ang balat ng tuhod ay kumiskis sa semento. Tumulo ang dvgo, pero wala siyang lakas para umiyak. Parang normal na lang ang sakit, tulad ng bawat araw sa mundong iyon. “Megan!” sigaw ng boses ng kaniyang ina, galit na galit. “Ang tamad-tamad mo! Ni hindi mo malinis 'tong bahay? Sa tingin mo kakain ka nang libre dito?” Gumulong ang tiyan niya sa gutom, pero hindi siya nagsalita. Alam niyang bawat salitang isusumbat ay may kapalit na pananakit. Yumuko siya, pilit inipon ang mga basag na pinggan sa sahig habang nanginginig ang kanyang kamay. “Anong tingin mo sa sarili mo? Prinsesa?” Tumawa ang ina niya, mapait. “Sa totoo lang, gusto ko na sanang ipamigay ka noon pa. Wala kang kwenta!” Kinagat ni Megan ang labi niya, pilit pinipigilan ang luhang gusto nang kumawala. Hindi dahil sa sakit ng katawan—kundi sa sakit ng mga salitang paulit-ulit na bumabasag sa puso niya. “Okay lang ‘to..Hindi naman masakit..” bulong niya sa gitna ng panaginip. “Ayos lang ako…Hindi masakit…kaya ko to…” Nakulong Siya sa bangungot na walang makakatinig. Balik sa kasalukuyan… Napansin ni Lucien ang biglaang pagpisil ng daliri ni Megan sa kamay niya. “Megan?” mabilis na tanong niya, napabangon siya mula sa pagkakaupo. “Mukhang gumagalaw siya,” Usisa ni Alyana, nilapitan ulit ang noo ni Megan. “Lucien, baka may bangungot siya.” Kinagat ni Lucien ang labi niya. “Megan… naririnig mo ba ako? Nandito lang ako. Ligtas ka na. Wala ka na sa poder ng—” Pero bago pa siya matapos ay biglang napapiglas si Megan, tila takot na takot. Napaupo siya nang bigla, hinahabol ang hininga. “HUWAG! Huwag niyo na po akong saktan Gagawin ko lahat… Gagawin ko!” sigaw niya, pawis na pawis, ang mga mata’y basang-basa ng luha. Agad siyang niyakap ni Lucien, mahigpit, marahan, puno ng pag-unawa. “Shh… tapos na ‘yon, Megan. Tapos na. Wala na sila. Hindi ka na nila masasaktan saktan, hindi ako papayag na may manakit sayo.” Patuloy lang sa pag-iyak si Megan, halos mabali ang litid sa paghinga. Nanginginig ang kanyang mga kamay, tila hindi matanggap ang bigat ng panaginip na halos ramdam niya sa buong pagkatao niya. Niyakap siya ni Alyana mula sa likod, hawak ang ulo ni Megan na parang isang batang nawalan ng tahanan. “Ligtas ka na… Ligtas ka na, Megan. Hindi mo na kailangang lumaban mag-isa.” Makalipas ang ilang minuto ay unti-unti ring humupa ang panginginig ni Megan. Naramdaman niya ang init ng braso ni Lucien, ang kabog ng puso nito habang yakap siya. Isang kabog na parang nagsasabing “Nandito lang ako. Hindi ka na nag-iisa.” Tahimik ang buong kwarto. Tanging ang marahang paghinga ni Megan ang maririnig, habang nakasubsob ang mukha niya sa dibdib ni Lucien. Wala na siyang lakas para magsalita, wala siyang lakas para intindihin pa ang posisyon ng kanilang katawan, ngunit ang mga luha ay patuloy pa ring bumabagsak, tahimik ngunit puno ng bigat na matagal nang kinikimkim. “Patawad ho…” mahina niyang bulong, halos hindi marinig. “..Hindi ko ho alam kung paano maging okay… Hindi ko ho alam kung kaya ko.” Sa unang pag kakataon Nasabi rin niya iyon. Nasabi niya rin na hindi niya na kaya, at sa oras na ito walang masakit na bagay ang tumama sa kaniya, kundi ang marahan pag haplos ni Lucien ang buhok niya. “Hindi mo kailangang magpanggap na okay. Nandito ako… Kung hindi mo kayang humakbang ng mabilis tutulungan kitang dahan dahanin iyon.” “Bakit mo ‘to ginagawa?” tanong ni Megan, bahagyang tumingala. “Hindi mo naman ako kilala…” Sa unang pag kakataon nasabi niya rin iyon, sa mahinang boses Tinitigan siya ni Lucien, banayad ngunit buo ang kanyang tinig. “Alam ko kung gaano masakit ang masaktan. At alam ko kung gaano kasakit maranasan na walang kahit isa ang naniniwala sa’yo.” Napapikit si Megan, at sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, pinili niyang maniwala. Hindi pa tapos ang sugat. Hindi pa tuyo ang luha. Pero may mga bisig na yumakap. May tinig na marahang nagpakalma sa bagyo. At sa gitna ng dilim ng bangungot, may liwanag na dahan-dahang sumisilip.Kakaiba ang dulot ng init ng yakap ni Lucien, na animoy pinoprotektahan siya. Animoy ayaw siya nitong maagaw ng iba, at masaktan. Nakakapanibago. Nakakatakot. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero ramdam niyang may malalim na dahilan ang yakap na iyon. Hindi ito bastos, hindi mapang-angkin. Sa halip, para itong alon ng damdaming pinilit ikulong ni Lucien sa matagal na panahon at ngayo’y kusa nang bumubulwak. Habang tumatagal ang pagkakayakap nito, lalo lang siyang natutulala. Napasinghap siya nang maramdaman niyang dahan-dahang gumuhit ang mga daliri nito ang kanyang likod, hindi para takutin o paiyakin siya, kundi para aluin. Para bang sinasabi nitong, “Narito lang ako. Salamat, at hinayaan mo akong hagkan ka.” Napalunok si Megan. Hindi niya alam kung anong gagawin ng mga kamay niya. Nasa kandungan lang niya ito, nakatiklop, nanginginig. Gusto niyang itulak ito, o kaya’y tumayo. Pero sa bawat segundo ng paglalapit nila, mas lalo siyang natatali sa kakaibang init na hatid ng bin
Tahimik. Walang ibang maririnig kundi ang mahinang ugong ng aircon at ang tiktak ng orasan sa pader. Ngunit para kay Megan, ang pinakamatunog sa lahat ay ang mabilis na tibok ng puso niya. Parang gusto nitong kumawala mula sa kanyang dibdib sa sobrang kaba. Hindi siya makagalaw. Naka-upo siya sa gilid ng kama, habang si Lucien ay dahan-dahang isiniksik ang sarili sa katawan niya at niyakap. Mahigpit ngunit marahan siya nitong niyakap, walang puwersa, walang panggigipit. Isang yakap na tila ba nangungusap, na pagod ito, na kailangan lang nito ng katahimikan, ng pahinga, at ng isang taong hindi manghuhusga, at handang damaya siya sa mga ganitong pag kakataon. Ramdam ni Megan ang mainit na hininga ng lalaki sa kanyang batok. Magsasalita sana siya, ngunit parang natuyuan ng laway ang kanyang lalamunan. Wala siyang lakas. Lahat ng lakas niya kanina ay naubos na sa paglalaba, paglilinis, at pag-aayos. At ngayon… nauubos na naman siya sa kakaibang emosyon na pilit niyang nilalabanan.
Matapos maligo at mag ayos ay mabilis na nag linis si Megan sa silid ni Lucien, winalisan niya ito, minop, pinunasan ang lamesa, upuan, shelves, libro, bintana, at ang iba pang bagay roon, pinagpag niya rin ang malaking kama nito at pinalitan ng kobre ang kama, pinalitang ng punda ang mga unan, ang mga kurtina ng malaking bintana, inilagay niya na rin sa laundry room ang mga nasa laundry basket ng binata saka siya saglit na nahiga sa kama dahil sa pagod. Nagisijg na lang siya ng makaradam ng malambot na bagay sa kanyang labi. Mabilis siyang bumangon mula sa pag kakahiga at agad na inilibot ang tingin, dumako iyon sa pintuan ng kwarto kung saan mukhang kapapasok lang nang nakatayong si Lucien.Natatarantang tumayo siya at inayos ang nagusot na kobre ng kama. "Nako pasensya na ho naka tulog ako rito sa kwarto niyo, hindi ko ho sinasadya, lahat ho gagawin ko huwag niyo lamang ho akong parusahan." Kinakabahang aniya ni Megan habang patuloy na pinaplansa ang kama gamit ang kanyang kamay up
hindi siya nagrereklamo. Hindi siya umiyak sa harapan ng mga ito kahit na pinagtatawanan nila siya at kahit na gusto nang bumagsak ng mga luha niya. Hindi siya pu-pwedeng umiyak o sumumangot, wala siyang karapatang magalit, kailangan niyang ngumiti, kailangan palaging may ngiti sa kanyang labi. Kahit na masakit ang pwetan, mga gasgas, at basang-basa si Megan pinilit niyang tumayo at muling sinimulan ang pag lilinis ang sahig na basang-basa, matapos ay naglalampaso ng hagdan, matapos iyon ay saka pa lamang siya naka alis sa lugar na iyon. Pag pasok na pag pasok niya sa janitors room, kung saan nila inilalagay ang mga gamit pang linis ay saka palamang niya inilabas ang luhang kanina pa niya pinipigil."Ti-tig-nan *sob* m-o Me-gan o-oh a-ang du-dumi-du-mi *sob* mo-mo n-a, *sob* hin-hi-ndi ka ka-kasi na-g i-ing-at e-eh. *sob." Sa bawat salitang lumalabas sakaniyang bibig ay kasunod ng mga hindi mapigil na pag hikbi, marahan niyang hinaplos ang kaiyang dibdib na nag sisimula nanamang mana
Tahimik ang mga araw na lumipas sa loob ng malaking bahay. Simula nang maging abala si Lucien ilang gabi na ang nakalilipas, tila mas lumamig pa ang paligid. Wala siyang alam kung bakit bigla na lang itong hindi nagpapakita. Pero hindi iyon tinanong ni Megan. Wala siyang karapatang magtanong. Isa lang siyang tagalinis. Isa lang siyang binili upang utusan hangang sa malaman daw ni Lucien kung karapat-dapat ba siya sa isang bagay na hindi rin naman niya alam kung ano.Araw-araw, tinatanggap niya ang schedule na iniiwan ni Manang Nelda sa ibabaw ng mesa sa kusina. Maayos na nakasulat sa papel, may petsa, may oras, may mga tungkuling kailangan niyang gampanan. Maaga siyang gumigising para matapos ang lahat bago magtanghali, dahil hindi niya alam kung kailan darating si Lucien. Minsan madaling-araw, minsan gabi, minsan hindi talaga siya dumarating. May usap-usapan ang mga katulong na baka raw may nobya na ang kanilang amo kaya raw hindi na madalas napaparito, baka raw doon na sa bahay ng b
Sa bawat hakbang ni Lucien palayo, parang kasabay din niyon ang unti-unting pagbalik ng hangin sa baga ni Megan. Hindi siya napagalitan. Isa iyong tagumpay sa kanya. Medyo oa man pero napakalaking halaga na niyon sa kanya. Dahil sa mundo na kinalakihan niya, ang isang araw na walang sigaw, walang pananakit, ay isa nang himala. Hindi niya alam kung ano ang tingin sa kanya ni Lucien. Malamang wala. Isa lamang siyang bahagi ng utos, isang kagamitan sa mansyon na binili nang Señorito. Hindi niya makalimutan ang malamig na tingin nito noong araw ng auction. Habang ang ibang mayayaman ay tumatawa at namimili na parang nasa palengke ng tao, si Lucien ay tahimik lamang. Na nakatayo, seryoso, wala siyang emosyon. Hanggang sa iangat nito ang kamay at ipako ang halagang hindi na nasundan ng iba.Pagkatapos niyon, hindi na siya muling tinapunan ng tingin. At simula noon, tinanggap na ni Megan ang kanyang bagong kapalaran, isang malaking bahay na tahimik pero puno ng malamig na anino. Parang bawat