Kinabukasan, magaan ang pakiramdam ni Megan nang magising. Parang ito na yata ang unang beses sa napakahabang panahon na hindi siya nagising dahil sa masakit na sampal, tadyak at suntok, ngyon ay parang may kakaibang kapayapaan ang bumalot sa kanya parang may humaplos sa kanyang kaluluwa habang siya’y natutulog.
Mabilis siyang bumangon. Maayos niyang tiniklop ang kumot, inayos ang mga unan, at pagkatapos ay dumiretso sa banyo upang maligo. Habang ang malamig na tubig ay bumubuhos sa kanyang katawan, dama niya ang unti-unting paghilom ng kanyang mga sugat. Hindi lang mga sugat sa balat kundi pati na rin ang mga lamat sa kanyang damdamin. Paglabas niya mula sa banyo ay dumiretso siya sa walk-in closet. Hindi pa rin siya sanay sa lawak nito, mas malaki pa sa kwartong tinirhan nila ng kanyang ina sa lumang apartment. Habang pumipili ng damit, napatingin siya sa salamin. Doon niya napansing ang mga pasa sa kanyang katawan ay halos wala na. Ang mga galos sa braso ay mapupusyaw na, at ang kulay ng kanyang balat ay unti-unti nang bumabalik sa dating sigla. Napangiti siya. Ngunit isang alaala ang dumalaw sa kaniyang isipan. ..Ang mga palad ng kanyang ina, mabilis at marahas na bumabagsak sa kanyang pisngi. Ang boses nitong puno ng galit. "Walang kwenta! Lagi ka na lang pabigat!".. Napasinghap si Megan at mabilis na napailing. Pinilit niyang itigil ang pagbabalik-tanaw. Hindi niya gustong simulan ang araw sa sakit. Ngunit sa kabila ng lahat ng ginawa ng kanyang ina, hindi niya magawang magalit. Hindi siya kayang kamuhian ang babaeng nagluwal sa kanya. Bagkus, parang lalo pa siyang nauuhaw sa pagmamahal nito, kahit hindi niya iyon kailanman natikman. Naputol ang kanyang pag-iisip nang marinig niya ang mahinang katok sa pintuan ng kanyang silid. *Tok.* *Tok.* Mabilis siyang nagsuot ng simpleng puting bestida at tinuyo ng tuwalya ang kanyang basang buhok. Pagkatapos ay binuksan niya ang pinto. "Señorita, pasensya na po sa abala, ngunit pinapatawag na po kayo ni Señorito sa hapag. Nakahanda na po ang almusal," magalang na sabi ng isang dalagang kasambahay. Napahinto sa paghinga si Megan. Noon lang niya naisip ni minsan sa buong buhay niya ay walang nag-aya sa kanya para kumain ng almusal. Lalong wala ring naghanda nito para sa kanya. "Ah... oo. Salamat," mahina niyang sagot. "Dito po tayo, Señorita," tugon ng dalaga. Mukhang mas bago ito kaysa kay Manang Nelda, may suot na itim at puting uniporme at mahigpit ang pagkakapusod na buhok. Habang naglalakad sila sa pasilyo, hindi mapigilan ni Megan na ilibot ang kanyang paningin. Napakalawak ng mansyon. Ang mga sahig ay yari sa mamahaling marmol na may gintong linya sa gilid. Ang bawat dingding ay may mamahaling painting, mga klasikal na obra na hindi mo makikita sa karaniwang tahanan. Ang mga chandelier ay tila alon ng kristal na nagliliwanag sa buong koridor. Pagbaba nila sa hagdang yari sa pulidong kahoy na may ginto at itim na railing, ramdam ni Megan ang pagiging maliit sa gitna ng lahat. Sa dulo ng hagdan ay may dalawang marmol na estatwang leon, animo'y nagbabantay sa kayamanan ng bahay. Pagdating sa hapag-kainan, mas lalo siyang namangha. Isang mahabang lamesa na tila pang-royalty ang bumungad sa kanya. Nasa gitna nito ang isang mahabang salamin na tray kung saan nakalagay ang sari-saring pagkain, may bacon, at itlog, piniritong danggit, tinapay na may kasamang homemade jam, mga sariwang prutas na parang bagong pitas mula sa hardin, at usok na lumulutang mula sa pinakuluang tsokolate. Amoy pa lang ay nakakabusog na. Sa dulo ng mesa, nakaupo si Lucien. Naka-itim itong long sleeve na bukas ang unang dalawang butones, at tila ba kagigising lang ngunit maayos pa rin ang postura. Nakasandal siya sa sandalan ng upuan, nakapikit ang isang mata habang iniikot-ikot ang tasa ng kape sa kamay. Paglingon niya sa pagdating ni Megan, biglang bumalik ang malamig na anyo sa kanyang mukha. Wala na ang pagkaalalang nakita niya noong ilang araw na nawalan ng malay si Megan. Wala ring ngiti. Wala ring pagbati. Tahimik lang. “Umupo ka,” malamig niyang utos. Umupo naman agad si Megan sa kabilang dulo ng mesa. Hindi niya alam kung dapat ba siyang ngumiti o manahimik. Pero pinili niyang magpakumbaba at ngumiti pa rin. “Ayos ka na siguro ngayon at pwede nang mag trabaho. Si Manang Nelda ang magsasabi sa’yo ng schedule mo para sa linggong ito,” dagdag pa ni Lucien habang hindi parin tumitingin sa kanya. "Okay ho,"Mahinang sagot ni Megan, pilit na binubuo ang kanyang ngiti kahit may bahid ng kaba. Matapos iyon ay wala nang nag salita. Ang tanging maririnig na lamang nila ay ang tunog ng kubyertos na sumasalpok sa porselanang plato, at ang tunog ng kape habang tinutungga ito ni Lucien. Mula sa kabilang dulo ng lamesa, lihim na tinitigan ni Megan ang binata. Kakaiba ang presensya nito, parang laging may kasamang bagyo, kahit tahimik lang. Hindi niya mawari kung anong klaseng lalake si Lucien. Kahapon lang, para itong nag-alala sa kanya. Ngayon, para siyang estranghero ulit. Pero sa halip na matakot o mainis, napangiti siya. Hindi niya maintindihan kung bakit. Siguro dahil sa loob ng katahimikan at lamig ng pagtrato ng binata, may nararamdaman siyang seguridad. Hindi niya alam kung bakit, pero sa gitna ng lahat ng ito, tila ba... hindi na siya nag-iisa. Ito na ang bagong simula ng buhay niya.Kakaiba ang dulot ng init ng yakap ni Lucien, na animoy pinoprotektahan siya. Animoy ayaw siya nitong maagaw ng iba, at masaktan. Nakakapanibago. Nakakatakot. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero ramdam niyang may malalim na dahilan ang yakap na iyon. Hindi ito bastos, hindi mapang-angkin. Sa halip, para itong alon ng damdaming pinilit ikulong ni Lucien sa matagal na panahon at ngayo’y kusa nang bumubulwak. Habang tumatagal ang pagkakayakap nito, lalo lang siyang natutulala. Napasinghap siya nang maramdaman niyang dahan-dahang gumuhit ang mga daliri nito ang kanyang likod, hindi para takutin o paiyakin siya, kundi para aluin. Para bang sinasabi nitong, “Narito lang ako. Salamat, at hinayaan mo akong hagkan ka.” Napalunok si Megan. Hindi niya alam kung anong gagawin ng mga kamay niya. Nasa kandungan lang niya ito, nakatiklop, nanginginig. Gusto niyang itulak ito, o kaya’y tumayo. Pero sa bawat segundo ng paglalapit nila, mas lalo siyang natatali sa kakaibang init na hatid ng bin
Tahimik. Walang ibang maririnig kundi ang mahinang ugong ng aircon at ang tiktak ng orasan sa pader. Ngunit para kay Megan, ang pinakamatunog sa lahat ay ang mabilis na tibok ng puso niya. Parang gusto nitong kumawala mula sa kanyang dibdib sa sobrang kaba. Hindi siya makagalaw. Naka-upo siya sa gilid ng kama, habang si Lucien ay dahan-dahang isiniksik ang sarili sa katawan niya at niyakap. Mahigpit ngunit marahan siya nitong niyakap, walang puwersa, walang panggigipit. Isang yakap na tila ba nangungusap, na pagod ito, na kailangan lang nito ng katahimikan, ng pahinga, at ng isang taong hindi manghuhusga, at handang damaya siya sa mga ganitong pag kakataon. Ramdam ni Megan ang mainit na hininga ng lalaki sa kanyang batok. Magsasalita sana siya, ngunit parang natuyuan ng laway ang kanyang lalamunan. Wala siyang lakas. Lahat ng lakas niya kanina ay naubos na sa paglalaba, paglilinis, at pag-aayos. At ngayon… nauubos na naman siya sa kakaibang emosyon na pilit niyang nilalabanan.
Matapos maligo at mag ayos ay mabilis na nag linis si Megan sa silid ni Lucien, winalisan niya ito, minop, pinunasan ang lamesa, upuan, shelves, libro, bintana, at ang iba pang bagay roon, pinagpag niya rin ang malaking kama nito at pinalitan ng kobre ang kama, pinalitang ng punda ang mga unan, ang mga kurtina ng malaking bintana, inilagay niya na rin sa laundry room ang mga nasa laundry basket ng binata saka siya saglit na nahiga sa kama dahil sa pagod. Nagisijg na lang siya ng makaradam ng malambot na bagay sa kanyang labi. Mabilis siyang bumangon mula sa pag kakahiga at agad na inilibot ang tingin, dumako iyon sa pintuan ng kwarto kung saan mukhang kapapasok lang nang nakatayong si Lucien.Natatarantang tumayo siya at inayos ang nagusot na kobre ng kama. "Nako pasensya na ho naka tulog ako rito sa kwarto niyo, hindi ko ho sinasadya, lahat ho gagawin ko huwag niyo lamang ho akong parusahan." Kinakabahang aniya ni Megan habang patuloy na pinaplansa ang kama gamit ang kanyang kamay up
hindi siya nagrereklamo. Hindi siya umiyak sa harapan ng mga ito kahit na pinagtatawanan nila siya at kahit na gusto nang bumagsak ng mga luha niya. Hindi siya pu-pwedeng umiyak o sumumangot, wala siyang karapatang magalit, kailangan niyang ngumiti, kailangan palaging may ngiti sa kanyang labi. Kahit na masakit ang pwetan, mga gasgas, at basang-basa si Megan pinilit niyang tumayo at muling sinimulan ang pag lilinis ang sahig na basang-basa, matapos ay naglalampaso ng hagdan, matapos iyon ay saka pa lamang siya naka alis sa lugar na iyon. Pag pasok na pag pasok niya sa janitors room, kung saan nila inilalagay ang mga gamit pang linis ay saka palamang niya inilabas ang luhang kanina pa niya pinipigil."Ti-tig-nan *sob* m-o Me-gan o-oh a-ang du-dumi-du-mi *sob* mo-mo n-a, *sob* hin-hi-ndi ka ka-kasi na-g i-ing-at e-eh. *sob." Sa bawat salitang lumalabas sakaniyang bibig ay kasunod ng mga hindi mapigil na pag hikbi, marahan niyang hinaplos ang kaiyang dibdib na nag sisimula nanamang mana
Tahimik ang mga araw na lumipas sa loob ng malaking bahay. Simula nang maging abala si Lucien ilang gabi na ang nakalilipas, tila mas lumamig pa ang paligid. Wala siyang alam kung bakit bigla na lang itong hindi nagpapakita. Pero hindi iyon tinanong ni Megan. Wala siyang karapatang magtanong. Isa lang siyang tagalinis. Isa lang siyang binili upang utusan hangang sa malaman daw ni Lucien kung karapat-dapat ba siya sa isang bagay na hindi rin naman niya alam kung ano.Araw-araw, tinatanggap niya ang schedule na iniiwan ni Manang Nelda sa ibabaw ng mesa sa kusina. Maayos na nakasulat sa papel, may petsa, may oras, may mga tungkuling kailangan niyang gampanan. Maaga siyang gumigising para matapos ang lahat bago magtanghali, dahil hindi niya alam kung kailan darating si Lucien. Minsan madaling-araw, minsan gabi, minsan hindi talaga siya dumarating. May usap-usapan ang mga katulong na baka raw may nobya na ang kanilang amo kaya raw hindi na madalas napaparito, baka raw doon na sa bahay ng b
Sa bawat hakbang ni Lucien palayo, parang kasabay din niyon ang unti-unting pagbalik ng hangin sa baga ni Megan. Hindi siya napagalitan. Isa iyong tagumpay sa kanya. Medyo oa man pero napakalaking halaga na niyon sa kanya. Dahil sa mundo na kinalakihan niya, ang isang araw na walang sigaw, walang pananakit, ay isa nang himala. Hindi niya alam kung ano ang tingin sa kanya ni Lucien. Malamang wala. Isa lamang siyang bahagi ng utos, isang kagamitan sa mansyon na binili nang Señorito. Hindi niya makalimutan ang malamig na tingin nito noong araw ng auction. Habang ang ibang mayayaman ay tumatawa at namimili na parang nasa palengke ng tao, si Lucien ay tahimik lamang. Na nakatayo, seryoso, wala siyang emosyon. Hanggang sa iangat nito ang kamay at ipako ang halagang hindi na nasundan ng iba.Pagkatapos niyon, hindi na siya muling tinapunan ng tingin. At simula noon, tinanggap na ni Megan ang kanyang bagong kapalaran, isang malaking bahay na tahimik pero puno ng malamig na anino. Parang bawat