Share

KABANATA 6

Author: Jessica Adams
last update Last Updated: 2025-11-19 12:20:01

“WOW, sobrang sweet naman. Alam mo kung hindi lang kita best friend maiingit ako sa iyo. Pero in fairness sa halimaw na manager mo ah, walang pakundangan kung makasisante eh samantalang ikaw na nga itong na-harass tapos ganun pa ang naging ending nang lahat? Ang unfair lang,” si Sheril iyon saka magkakasunod na umiling habang nasa tono ang matinding pagkadismaya.

Tumango siya bilang pagsang-ayon sa sinabing iyon ni Sheril. “Pero wala tayong magagawa, siya ang nakaupo kaya pwede niyang gawin iyon. Kahit unfair,” sagot niya. “But anyway may alok naman sa akin na trabaho si Dave kaya hindi ako magugutom,” pagkuwan ay minabuti niyang sabihin upang mabura ang galit sa tono ni Sheril.

“Talaga? Siya iyon tumulong sa iyo di ba? Iyong nag-save sa iyo dun sa harasser mo?”

“Oo. Baka bukas dalhin na niya dito ang contract namin,” sagot niya. “At isa pa, ang laki ng sweldo eh, one hundred thousand sa isang buwan,” kwento pa niya.

Noon namilog ng husto ang mga mata ni Sheril. “Wow, anong trabaho ba iyan at bakit ganyan kalaki ang pasahod?”

Hindi napigilan ni Jade ang matawa ng mahina dahil sa nakita niyang reaksyon ng kaibigan niya. “Madali lang actully, magpapanggap lang ako bilang girlfriend niya for three months,” ang walang gatol niyang sagot.

“Ano?Tama ba ang narinig kong sinabi mo?” iyon ang gulat na gulat na tanong sa kanya ni Sheril na namimilog parin ang mga mata habang titig na titig sa kanya.

“Ayusin mo ang ang reaksyon mo,” aniyang natawa ng mahina saka naiiling na ibinalik ang paningin sa kalsada na kanilang nilalakaran.

Matalik na kaibigan niya si Sheril

Siya, si Sheril at ang kuya niya na si Jude ang magkakasama habang sila ay lumalaki.

Nagkahiwalay lang silang dalawa ni Sheril nang mag-college silang pareho dahil magkaibang unibersidad ang pinasukan nila.

“Pero seryoso ka ba sa sinabi mo? As in? May ganoon palang nangyayari sa tunay na buhay? Akala ko noon sa mga palabas lang ang mga gayan,” anito pang hindi parin nagbabago ang tono ng pananalita nito na hindi makapaniwala.

“Ganyan rin ang sinabi ko sa kanya. Ang sabi niya gusto raw kasi siyang ipakasal ng nanay niya sa babaeng hindi niya mahal. Hindi ba ang sisimple ng problema nang mga mayayaman? Para ganoon lang gagastusan niya ng malaki?” aniyang itinulak pabukas ang gate at pagkatapos ay dinukot sa bulsa ng suot niyang pantalon ang susi ng inuupahan niyang apartment.

Galing sila noon ni Sheril sa ice cream house na malapit sa bahay nila. Nabanggit kasi niya rito na natanggal siya sa trabaho kaya ganoon nalang ang pag-aalala nito at madali siyang pinuntahan.

Isa iyon sa mga ugali ni Sheril na gustong-gusto niya. Labis ito kung mag-alala sa kanya. Palibhasa ay only child rin ito kaya ganoon nalang kung ituring siya habang siya naman ay sabik sa kapatid na babae.

“Pumayag ka naman na hindi ba?” tanong nitong naupo sa sofa na malapit sa pinto nang makapasok sila.

Tumango siya. “Kailangan ko ng pera. Alam mo naman na sa ngayon hindi ko alam kung anong uunahin ko. Kung iyon bang kaso ng kapatid ko o ang pag-aaral ko para sa future ko, o kung ang pag-iipon para sa negosyo?” pagsasabi niya ng totoo saka nagbuntong hininga at malungkot na nagyuko ng ulo.

“Hey, huwag ka nang malungkot. Ang totoo niyan hindi ko pa naman talagang nasasabi sa iyo ang gusto kong sabihin. At isa ito sa mga dahilan kung bakit naisipan kitang puntahan at I-meet,” wika ni Sheril sa mas pinasigla nitong tinig.

Nagkibit lang ng mga balikat niya si Jade saka na tumayo. “Gusto mo ba ng kape?” tanong niya.

Noon niya nakita ang nahahabag na titig na ipinukol sa kanya ng kaibigan niya. “Sige,” sagot nito.

Kabisado na kasi siya ni Sheril. Ganoon siya kapag mayroon siyang pinagdaraanang problema. At para sa katulad niyang nawalan ng trabaho at kinailangang kumapit sa patalim para magkaroon lang ng ikabubuhay, ay normal na ang maging malungkot.

“May opening sa café, baka gusto mo?” tanong ni Sheril nang mailapag niya sa centertable ang dalawang tasa ng mainit na kape.

“Crew?” tanong niya.

Tumango si Sheril. “Gusto mo ba? Kasi kung sakali, kahit siguro huwag mo nang tanggapin iyon alok sa iyo? Parang wala akong tiwala sa lalaking iyon, ano na nga ulit ang pangalan niya?” tanong pa ng kaibigan niya saka kinuha ang cellphone sa loob ng sling bag nito.

“Dave, David Del Carmen,” sagot niyang dinampot ang tasa ng kape saka humigop.

Sandaling tumahimik si Sheril at hinarap ang telepono nito. Alam na ni Jade kung ano ang pinagkakaabalahan ng kaibigan niya at hindi nga siya nangkamali.

Mabilis na tinakpan ni Sheril ang bibig nito gamit ang sarili nitong kamay saka nagpakawala ng mahina pero kinikilig na tili.

“Oh my goodness, ang gwapo!” compliment pa nito. “Siya ito hindi ba?” tanong ni Sheril sa kanya saka ipinakita ang gwapong lalaking nasa screen ngayon  ng cellphone nito.

Ilang sandaling tinitigan ni Jade ang lalaking sa screen ng cellphone ni Sheril na ipinakikita nito. Ang I*******m account ni Dave ang pinuntirya ng bestfriend niya kung saan makikita ang sandamukal at umuulan na kagwapuhan ng lalaki na may kasama pang pa-abs.

“Diyos ko, parang gusto kong magkape nalang habang buhay sa ganda ng abs ng lalaking ito. Hay! So yummy as in yumminess!” pagpapatuloy ni Sheril habang ini-stalk ang I* account ni Dave.

Natawa ng mahina si Jade sa nakita niyang reaskyon ng matalik na kaibigan niya. “Hoy baka ma-like mo ang mga pictures niyan kaka-stalk mo sa kanya ah!” saway pa niya rito saka muling humigop ng kape.

Sa sinabi niyang iyon ay agad na inihinto ni Sheril ang ginagawa saka hinarap narin ang kape nito. “Okay, ano bang problema at bigla ay parang may prayer meeting dahil nagpakape ka na naman?” tanong sa kanya ng kaibigan.

“Wala lang, parang hindi mo alam ang mga problema ko kung magtanong ka,” aniya.

“Pero bakit nga hindi ka nalang sa café namin magtrabaho? Tapos huwag mo nang tanggapin yung alok nung lalaking yun. Alam mo medyo alanganin kasi ako sa kanya, kasi mayaman eh, baka paglaruan ka lang nun at masaktan ka,” sa tono ng pananalita ni Sheril ay mabilis na nabakas ni Sheril ang matinding pag-aalala. At iyon rin ang nakita niya sa aura ng mukha ng kaibigan niya.

“Hindi naman forever ang pagpapanggap ko kaya huwag kang mag-alala. Pero mag-aapply parin ako sa café ninyo para after three months, after ng contract, may trabaho parin ako,” aniyang pinilit na gawing positibo ang tono ng kanyang pananalita.

Umikot ang mga mata ni Sheril sa sinabi niyang iyon. “Parang sure na sure ka na hindi ka ma-I-in love sa kanya kung magsalita ka ah. Sige nga, sabihin mo sa akin, gaano ka kasigurado na hindi ka mahuhulog sa charm ng lalaking iyan? Saka isa pa, ano bang assurance mo na hindi ka niya paglalaruan? Baka mamaya trap iyan ah,” hindi parin kumbinsido na sagot ng kaibigan niya.

“Ano bang trap na sinasabi mo?” tanong niya.

“Baka mamaya alam mo iyong mga napapanood natin sa TV na pinapaibig nila ang mga babae tapos iniiwan? Saka paano kung mabuntis ka niya? Tapos bigla kang iwan?” iyon ang magkakasunod na tanong ni Sheril.

“Hindi ko naman pahihintulutan na mangyari sa akin iyon. Saka sabi ko sa kanya ilagay niya sa kontrata namin na hanggang holding hands lang ang pwede. Pinag-usapan narin namin na sa harapan lang ng Mama niya kami magpapanggap kaya wala ka nang dapat na ipag-alala,” paniniyak pa niya.

Sa sinabi niyang iyon ay matagal muna siyang tinitigan ni Sheril bago ito nagbuntong hininga saka nagkibit ng mga balikat nito pagkatapos.

“Sige, pero gusto ko ipakilala mo ako sa lalaking iyan ah. Para naman alam ko kung sino ang pwede kong hunting-in kapag umiiyak kana diyan ng balde balde,” tukso pa ni Sheril sa kanya.

Naiiling habang nangingiting humigop lang muna ng kape niya si Jade dahil doon. “Okay, no problem.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BILLIONAIRE'S CONTRACT GIRLFRIEND (FILIPINO)   KABANATA 128

    KAHIT totoong nilamon na talaga siya ng tuluyan ng nainom niyang alak ay hindi pa rin nakaligtas sa paningin ni Jade ang pagtaas-baba ng dibdib ni Dave dahil sa kanyang ginawa.Pagkatapos niyang padaanan ng hintuturo niya ang mga labi nito ay ibinaba naman niya sa malapad at matipuno nitong dibdib ang kanyang mga haplos. This time gamit na niya ang dalawa niyang mga kamay.“You’re killing me,” nasa tono ng pananalita ni Dave ang matinding temtasyon at nagustuhan iyon ng dalaga.“Yeah? So why don’t you do the first move?” she asked him seductively.Noon umangat ang sulok ng labi ni Dave at pagkatapos ay inilapit ang baso nitong may laman na alak at sinaid iyon.“Nope,” anito sa tono na nanunukso bagaman nakangiti.Sa puntong iyon ay nakaramdam ng matinding challenge si Jade hindi lang dahil sa tono ng pananalita ng binata kundi pati na rin sa nakikita niyang damdamin sa mga mata nito.Ala

  • BILLIONAIRE'S CONTRACT GIRLFRIEND (FILIPINO)   KABANATA 127

    MATAGAL na napatitig si Jade sa mukha ni Dave dahil sa sinabi nitong iyon.So, hindi pa nga talaga niya lubusang kilala ang lalaki dahil marami pa siyang hindi nalalaman tungkol rito.“Kaya umalis si Papa nang mamatay si Danilo, kasi labis niyang dinamdam ang nangyari. Ang totoo kasi masyadong malapit si Papa sa kapatid kong iyon. Kasi ang palaging sinasabi sa akin ni Mama noong bata pa ako, ang nanay ni Danilo ang talagang mahal ng tatay namin,” paliwanag ni Dave sa kanya.“Ibig sabihin ba noon pinagseselosan ng mother mo si Danilo?” paglilinaw niyang tanong.Nagkibit ng mga balikat nito si Dave saka nagsalita.“Maybe, kasi kung hindi, bakit naman ganoon ang trato niya sa kapatid ko? Bakit palagi siyang galit kay Danilo kahit kung tutuusin ay sinubukan naman ng brother ko na mapalapit sa kanya?”Nagbuntong hininga si Jade dahil sa kanyang narinig.“Mahirap talaga kapag hindi buo ang pagmamaha

  • BILLIONAIRE'S CONTRACT GIRLFRIEND (FILIPINO)   KABANATA 126

    “WHAT do you mean long story? Ano ba talagang nangyari Dave?” tanong ulit niya saka naupo sa tabi ng binata.Noon malungkot siyang nilingon ng binata.“Hindi ko alam kung anong gagawin ko, ang lahat ng nangyari sa ating dalawa at ang lahat ng nakaraan, hindi ko alam,” sagot sa kanya ni Dave.Mula nang makilala niya si Dave ay ngayon pa lamang niya ito nakita sa ganitong anyo. Parang hopeless at nanghihina. Parang nawala ang tigas sa itsura nito, dahilan kaya hindi niya napigilan ang matinding pagkahabag na naramdaman niya para sa binata.“Sabihin mo sa akin, makikinig ako,” aniyang hinawakan ang kamay ng binata pagkatapos.Nakita niyang kumibot ang mga labi ni Dave. Pero bago pa man ito nakapagsalita ay nakita na niya ang pag-agos ng mga luha ng binata. This time ay hindi na siya nagdalawang isip. She pulled the young man saka ito mahigpit na niyakap.“It’s okay,” aniya.Ilang sand

  • BILLIONAIRE'S CONTRACT GIRLFRIEND (FILIPINO)   KABANATA 125

    NANG araw ring iyon ay naunang pinuntahan ni Dave si Jude para kausapin ito. Sa simula ay tunay nga namang nagdalawang isip siyang gawin iyon dahil baka magalit ito pero nagkamali siya.Katulad kasi ni Jade ay likas na mabait ang lalaki at naunawaan nito ang lahat ng ipinaliwanag niya.Mula sa ginawa niyang pag-amin sa dito sa lahat ng sinabi sa kanya ni Atty. Vergara.“Hindi ko naisip na kapatid mo si sir Danilo although magkapareho kayo kayo ng apelyido. Inisip ko kasi na baka nagkataon lang. Maliit nga ang mundo katulad ng sinasabi nila,” komento pa ni Jude.They way on their way para kausapin ang kanyang ina. Gusto kasi niya na nakaharap si Jude oras na sabihin niya kay Olivia ang tungkol sa lahat ng nalamang niya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya makapaniwala na nagawang itago ng mother niya ang lahat ng tungkol sa kanyang nalaman.“Yeah, small world. And personally, gusto kong humingi ng tawad. Sa pagsisimula ng mul

  • BILLIONAIRE'S CONTRACT GIRLFRIEND (FILIPINO)   KABANATA 124

    “…after all, you didn't know me before, just think that I am one of the many women who have gone through your life that you can replace anytime…”Ang mga salitang iyon ang ngayon ay paulit-ulit na tila ba sirang plakang nagpi-play sa pandinig ni Dave.Kinabukasan iyon at hindi na rin naman siya umuwi. Nag-stay siya sa kanyang penthouse dahil pakiramdam niya dito siya makakapag-isip ng mas magandang solusyon sa kanyang problema.Kahit anong gawin niya wala siyang maramdamang hinanakit kay Jade. Siguro dahil alam niya ang totoo. Dahil alam niya kung gaano siya nito kamahal.Ang totoo nagagalit siya sa sarili niya pero lalong higit sa kanyang ina. Kung hindi dahil sa panghihimasok nito ay hindi mangyayari sa kanya at kay Jade ang ganito.Kung tutuusin pwede niyang puntahan si Olivia at pagsalitaan ng hindi magaganda. Pero sa abot ng kaniyang makakaya ay pinipigilan niya iyon. Dahil alam niya at nakatitiyak siya na or

  • BILLIONAIRE'S CONTRACT GIRLFRIEND (FILIPINO)   KABANATA 123

    NARINIG ni Jade ang sinabing iyon ng binata at agad na ay na-overwhelm ng matinding kaligayahan ang kanyang puso. Pero gaano mang katindi ang kagustuhan niyang sagutin si Dave ng isang sweet yes ay hindi niya magawa.Hinayaan nalang niyang angkinin si Dave.Sa ganoong paraan man lang sana ay magawa niyang maiparamdam dito ang katotohanan ng kanyang nararamdaman. Ang tunay na nasa puso niya.Minabuti niyang mag-pretend na hindi niya naririnig ang sinasabi ng binata dahil hindi rin niya ito kayang i-reject.*****MATAGAL nang tulog si Dave nang mula sa mahigpit nitong pagkakayakap sa kanya ay pinagsikan ni Jade ang makawala.Alam niyang hindi ito ang huli dahil sigurado siyang gagawa si Dave ng paraan para maulit ito.Sa puntong iyon ay hindi napigilan ni Jade ang matawa ng mahina kasabay ng muling pagpatak ng kanyang luha. Para lang pagsisihan ang hindi niya pagpipigil dahil iyon ang gumising sa binata.“Hey,” ang na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status