LOGIN“OH, mabuti naman at nagkita tayo ngayon,” si Olivia iyon, ang ina ni Dave na dumulog sa mesa nang umagang iyon at kumakain na siya ng agahan bago pumasok sa trabaho.
Noon siya tumayo saka hinalikan sa pisngi ang kanyang ina. “Sorry Ma, masyado lang akong busy sa business,” sagot niyang ipinagpatuloy ang pagkain.
“Nakikita ko nga, kaya nga siguro nakakalimutan mo na ang obligasyon mo kay Yvette,” anito habang hinahalo ang kape na isinalin ng katulong sa tasa nito.
Isang mabigat na buntong hininga lang ang isinagot ni Dave sa sinabing iyon ng Mama niya.
Kabisado naman na kasi niya ang halos lahat ng dialogue ng kanyang ina at alam na niya kung saan papunta ang usapan na iyon. Alam rin niya na hindi siya mananalo sa discussion rito kaya hindi nalang siya nakikipagtalo.
“Gusto kong maaga kang umuwi mamayang gabi. Iimbitahan ko siya dito for dinner. Para naman magkaroon kayo ng medyo mas mahabang time together,” ani Olivia saka dinala sa bibig nito ang tasa ng kape at humigop.
“Busy ako Ma, at isa pa, may date kami ng girlfriend ko,” aniyang kusang napangiti sa pagkakasambit niya sa huling sinabi.
Hindi iyon dahil sa kung ano pa mang kadahilan. Iyon ay dahil sa katotohanan na kapag naiisip niya si Jade ay hindi talaga niya mapigilan ang makaramdam ng amusement kahit wala naman ito sa harapan.
Aliw na aliw siya sa dalaga. Iyon ay kahit pa sabihing medyo malaki ang age gap nilang dalawa. Mabait kasi ito at napaka-humble. Malaking bagay rin sa kanya ang pagiging mahiyain nito at higit sa lahat ang napakaganda at halos perpektong mukha nito sa paningin niya.
Sa puntong iyon ay mabilis na natigilan ang binata.
Kahit minsan sa buong buhay niya ay wala pa siyang tiningnan na perpektong babae maliban kay Jade. Alam niya na walang perpektong tao dahil lahat may kahinaan. Pero sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay perpekto ang tingin niya kay Jade. Dahil para sa kanya, ito ang tipo ng babae na kapag naging kanya ay wala na siyang hahanapin pa.
Agad na natigilan si Dave sa naisip niyang iyon. Hindi pa siya na in love kahit minsan pero kung anu-ano na ang naiisip niya. Parang hindi normal.
“Girlfriend? At saan mo naman napulot ang babaeng ito?” tanong ng kanyang ina sa tono na may halong sarkasmo.
“Ma, matagal na kami ni Jade, halos isang taon na. Kaya please lang, tigilan na ninyo ang pagpupumilit ninyo na gustuhin ko si Yvette dahil hindi iyon mangyayari,” sagot niya sa tono na nagpapaliwanag.
Nakita niyang tumaas ang isang kilay ni Olivia. Halatang hindi ito kumbinsido sa sinabi niya at iyon na nga rin ang inasahan niya. “Really? Pero kahit pa, papupuntahin ko dito si Yvette mamaya kaya umuwi ka nang maaga,” giit niya.
Doon tuluyang naubos ang pasensya ni Dave. “Ma! Please, stop controlling my life! Sinabi ko naman sa inyo hindi ba? May date kami mamaya ng girlfriend ko kaya hindi ako pwede sa sinasabi ninyo. At isa pa, hayaan na ninyo si Yvette na makahanap ng lalaking gugusto talaga sa kanya, hindi iyon pinipilit ninyo siyang ipagusto sa akin at siya naman mukhang paniwalang-paniwala sa lahat ng sinasabi ninyo,” nagsasalubong ang mga kilay niyang sabi.
Parang walang anuman na sinimulan ni Olivia ang pagkain. “No more arguments,” ang maikli nitong sabi.
“Okay, basta sinabi ko na sa inyo na hindi ako uuwi, mag-dinner kayong dalawa ng babaeng iyon,” aniya sa mababang tono saka na tumayo at umalis.
Narinig niya ang magkakasunod na pagtawag sa kanya ni Olivia pero hindi niya ito nilingon. Palagi itong ganito kahit pa noong mga bata pa lamang sila ng kuya niyang si Danilo. At ang ugaling ito rin ng kanyang ina ang dahilan kung bakit nagkasiraan ito ang at kanilang ama na mas piniling ipa-annul ang kasal nila at nanirahan nalang sa America.
Hindi niya maintindihan si Olivia sa maraming pagkakataon. Pero dahil ina niya ito ay pilit parin niya itong inuunawa. Subalit ang ipakasal siya nito sa isang babaeng hindi naman niya mahal ay labas na sa usapan, at iyon ang kahit kailan ay hindi niya mapapayagan.
*****
TANGHALI nang dumating sa Head Office ng A1 Supermarket si Yvette na labis niyang ikinagulat.
Ang A1 Supermarket ay isang chains of supermarket na pagmamay-ari ng kanilang pamilya kung saan siya ngayon ang nakaupo bilang President at CEO. Mayroon itong 1200 outlets store sa buong Pilipinas.
“Hello, handsome,” ang nang-aakit na bati sa kanya ni Yvette nang makapasok ito sa loob ng kanyang opisina.
Sandali lang niyang sinulyapan ang babae at pagkatapos ay ibinalik narin niya ang kanyang pansin sa binabasang papel na isa lang sa maraming papeles na nangangailangan nang kanyang pirma para sa araw na iyon.
“Sinabi sa akin ng mother mo na hindi ka raw makakapunta mamaya hapunan kasi may date kayo ng girlfriend mo? So she told me na samahan ka nalang for lunch. What do you think? Saan mo gustong kumain?” tanong nito sa kanya sa karaniwan na nitong malamyos at mapang-akit na tono.
“And what made you think na sasama akong mag-lunch sa iyo?”
Parang walang anuman na naupo sa silyang nasa harapan ng kanyang mesa si Yvette saka sa hindi nagbabagong tono ay nagsalita ito.
“Lunch lang naman iyon. At saka hindi mo naman kailangang ipaalam sa kanya ang tungkol doon, hindi ba? What she doesn’t know won’t hurt her,” pagpapatuloy ni Yvette.
“Actually, I changed my mind,” noon inis na sinimulang iligpit ni Dave ang mga gamit niya sa mesa saka inilagay ang lahat ng iyon sa loob ng kanyang messenger bag.
Noon niya nakitang tumayo si Yvette saka naiinsultong nagsalita. “Nakakapikon ka na ah, bakit ba hindi mo ako magustuhan? Ano bang wala sa akin ang nakita mo sa sinasabi mong girlfriend mo?” galit nitong tanong.
Pero sa halip na sagutin ang tanong na iyon ay minabuti niyang manahimik nalang. Bitbit ang bag niya pati ang kanyang telepono ay naglakad siya palabas ng opisina.
“Linette, kapag may naghanap sa akin pakisabi wala ako, and also, wala naman na akong naka-schedule na meeting hindi ba?” tanong ni Dave sa kanyang sekretarya na sandaling sinulyapan si Yvette na nakatayo na noon sa likuran niya bago ibinalik ang paningin sa kanya.
“Wala naman na po, sir,” anito.
“Good, kasi aalis na ako,” pagkasabi noon ay binigyan niya ng dismayadong sulyap si Yvette na nang mga sandaling iyon ay natitigilang naiwan sa harapan ng mesa ni Linette.
Isang sikat na modelo ng beauty soap si Yvette. At gustong-gusto ito ng kaniyang ina para sa kanya. Wala naman siyang makitang espesyal na dahilan para maging ganoon ka-pabor si Olivia rito maliban nalang sa katotohanan na madali nitong napapasunod ang dalaga. Katulad nalang ng ginawa nito ngayon.
Isang tawag lang ng Mama niya, isang salita lang nito kay Yvette ay parang hindi na makandatuto ang huli para makasunod at hindi niya iyon gusto.
Mabuti pa si Jade, kahit simple lang ito at lumaki sa simpleng pamumuhay ay may prinsipyo at paninindigan. At ganoon ang gusto niya sa babae.
Sa mundo niya, hindi na bago ang mga babaeng katulad ni Yvette. Maganda, sexy, sopistikada, in other words common na. Palagi niyang nakikita at nakakasalamuha. Kaya siguro ganoon nalang ang pagkamangha niya nang makilala niya si Jade. Dahil kakaiba ito kaya ito nag-stand out sa paningin niya.
“Sir, saan po tayo?” salubong sa kanya ni Dario ang kanyang personal na driver.
“Umuwi ka nalang muna at magpahinga,” aniyang dinukot ang pinaka niya sa likuran ng kanyang pantalon saka inabutan ng five hundred ang lalaki, pamasahe at para sa pananghalian nito. “Kumain ka narin,” aniya rito.
“Naku sir, sobra po ito,” wika ni Dario sa kanya.
Umiling siya. “Okay lang, itabi mo na ang sukli,” aniyang tinanggap ang susi ng sasakyan mula rito saka tinapik ang balikat ng lalaki.
“Sige po sir, kung magkakaroon ng problema tawagan nalang ninyo ako,” pahabol pa nito sa kanya na sinenyasan lang niya ng thumbs up.
Ang original na plano ay pupuntahan siya ni Attorney Vergara sa opisina niya para sa pinagawa niyang kontrata nila ni Jade. Pero dahil nga sa biglaang pagdating ni Yvette ay naisipan niyang sadyain nalang ng personal ang opisina ng abogado at pagkatapos ay puntahan na nang direkta si Jade pagkatapos.
KAHIT totoong nilamon na talaga siya ng tuluyan ng nainom niyang alak ay hindi pa rin nakaligtas sa paningin ni Jade ang pagtaas-baba ng dibdib ni Dave dahil sa kanyang ginawa.Pagkatapos niyang padaanan ng hintuturo niya ang mga labi nito ay ibinaba naman niya sa malapad at matipuno nitong dibdib ang kanyang mga haplos. This time gamit na niya ang dalawa niyang mga kamay.“You’re killing me,” nasa tono ng pananalita ni Dave ang matinding temtasyon at nagustuhan iyon ng dalaga.“Yeah? So why don’t you do the first move?” she asked him seductively.Noon umangat ang sulok ng labi ni Dave at pagkatapos ay inilapit ang baso nitong may laman na alak at sinaid iyon.“Nope,” anito sa tono na nanunukso bagaman nakangiti.Sa puntong iyon ay nakaramdam ng matinding challenge si Jade hindi lang dahil sa tono ng pananalita ng binata kundi pati na rin sa nakikita niyang damdamin sa mga mata nito.Ala
MATAGAL na napatitig si Jade sa mukha ni Dave dahil sa sinabi nitong iyon.So, hindi pa nga talaga niya lubusang kilala ang lalaki dahil marami pa siyang hindi nalalaman tungkol rito.“Kaya umalis si Papa nang mamatay si Danilo, kasi labis niyang dinamdam ang nangyari. Ang totoo kasi masyadong malapit si Papa sa kapatid kong iyon. Kasi ang palaging sinasabi sa akin ni Mama noong bata pa ako, ang nanay ni Danilo ang talagang mahal ng tatay namin,” paliwanag ni Dave sa kanya.“Ibig sabihin ba noon pinagseselosan ng mother mo si Danilo?” paglilinaw niyang tanong.Nagkibit ng mga balikat nito si Dave saka nagsalita.“Maybe, kasi kung hindi, bakit naman ganoon ang trato niya sa kapatid ko? Bakit palagi siyang galit kay Danilo kahit kung tutuusin ay sinubukan naman ng brother ko na mapalapit sa kanya?”Nagbuntong hininga si Jade dahil sa kanyang narinig.“Mahirap talaga kapag hindi buo ang pagmamaha
“WHAT do you mean long story? Ano ba talagang nangyari Dave?” tanong ulit niya saka naupo sa tabi ng binata.Noon malungkot siyang nilingon ng binata.“Hindi ko alam kung anong gagawin ko, ang lahat ng nangyari sa ating dalawa at ang lahat ng nakaraan, hindi ko alam,” sagot sa kanya ni Dave.Mula nang makilala niya si Dave ay ngayon pa lamang niya ito nakita sa ganitong anyo. Parang hopeless at nanghihina. Parang nawala ang tigas sa itsura nito, dahilan kaya hindi niya napigilan ang matinding pagkahabag na naramdaman niya para sa binata.“Sabihin mo sa akin, makikinig ako,” aniyang hinawakan ang kamay ng binata pagkatapos.Nakita niyang kumibot ang mga labi ni Dave. Pero bago pa man ito nakapagsalita ay nakita na niya ang pag-agos ng mga luha ng binata. This time ay hindi na siya nagdalawang isip. She pulled the young man saka ito mahigpit na niyakap.“It’s okay,” aniya.Ilang sand
NANG araw ring iyon ay naunang pinuntahan ni Dave si Jude para kausapin ito. Sa simula ay tunay nga namang nagdalawang isip siyang gawin iyon dahil baka magalit ito pero nagkamali siya.Katulad kasi ni Jade ay likas na mabait ang lalaki at naunawaan nito ang lahat ng ipinaliwanag niya.Mula sa ginawa niyang pag-amin sa dito sa lahat ng sinabi sa kanya ni Atty. Vergara.“Hindi ko naisip na kapatid mo si sir Danilo although magkapareho kayo kayo ng apelyido. Inisip ko kasi na baka nagkataon lang. Maliit nga ang mundo katulad ng sinasabi nila,” komento pa ni Jude.They way on their way para kausapin ang kanyang ina. Gusto kasi niya na nakaharap si Jude oras na sabihin niya kay Olivia ang tungkol sa lahat ng nalamang niya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya makapaniwala na nagawang itago ng mother niya ang lahat ng tungkol sa kanyang nalaman.“Yeah, small world. And personally, gusto kong humingi ng tawad. Sa pagsisimula ng mul
“…after all, you didn't know me before, just think that I am one of the many women who have gone through your life that you can replace anytime…”Ang mga salitang iyon ang ngayon ay paulit-ulit na tila ba sirang plakang nagpi-play sa pandinig ni Dave.Kinabukasan iyon at hindi na rin naman siya umuwi. Nag-stay siya sa kanyang penthouse dahil pakiramdam niya dito siya makakapag-isip ng mas magandang solusyon sa kanyang problema.Kahit anong gawin niya wala siyang maramdamang hinanakit kay Jade. Siguro dahil alam niya ang totoo. Dahil alam niya kung gaano siya nito kamahal.Ang totoo nagagalit siya sa sarili niya pero lalong higit sa kanyang ina. Kung hindi dahil sa panghihimasok nito ay hindi mangyayari sa kanya at kay Jade ang ganito.Kung tutuusin pwede niyang puntahan si Olivia at pagsalitaan ng hindi magaganda. Pero sa abot ng kaniyang makakaya ay pinipigilan niya iyon. Dahil alam niya at nakatitiyak siya na or
NARINIG ni Jade ang sinabing iyon ng binata at agad na ay na-overwhelm ng matinding kaligayahan ang kanyang puso. Pero gaano mang katindi ang kagustuhan niyang sagutin si Dave ng isang sweet yes ay hindi niya magawa.Hinayaan nalang niyang angkinin si Dave.Sa ganoong paraan man lang sana ay magawa niyang maiparamdam dito ang katotohanan ng kanyang nararamdaman. Ang tunay na nasa puso niya.Minabuti niyang mag-pretend na hindi niya naririnig ang sinasabi ng binata dahil hindi rin niya ito kayang i-reject.*****MATAGAL nang tulog si Dave nang mula sa mahigpit nitong pagkakayakap sa kanya ay pinagsikan ni Jade ang makawala.Alam niyang hindi ito ang huli dahil sigurado siyang gagawa si Dave ng paraan para maulit ito.Sa puntong iyon ay hindi napigilan ni Jade ang matawa ng mahina kasabay ng muling pagpatak ng kanyang luha. Para lang pagsisihan ang hindi niya pagpipigil dahil iyon ang gumising sa binata.“Hey,” ang na







