Share

KABANATA 5

Author: Jessica Adams
last update Last Updated: 2025-11-19 12:16:57

Sa narinig na prangkang sinabi ni Dave ay nabitin sa ere ang mug ng kape na hawag ni Jade. Pagkatapos, nagtatanong ang mga mata niyang pinakatitigan ang lalaki.

“A-Anong sinabi mo? Trabaho ba kamo?” tanong niya rito.

Tumango ang lalaki. “Madali lang, I mean, gusto ko sana na magpanggap ka bilang girlfriend ko,” ang walang gatol na sabi ni Dave.

Sa narinig ay kamuntik nang mabilaukan ang dalaga. “Ano? Teka nga, bakla ka ano?” hindi niya napigilang matawa sa pagkakaisip ng unang posibleng dahilan ni Dave na pumasok sa isipan niya.

“Ah, don’t call me that, okay?” anito sa nagbabantang tinig.

Nangingiting ipinagpatuloy ni Jade ang pagkain. At nang manatili siyang tahimik ay noon pa lang muling nagsalita si Dave.

“It’s because of my mother. Gusto niya akong ipakasal sa babaeng hindi ko naman gusto. I know I can stop her kung sakaling may maipakilala akong girlfriend sa kanya,” anito.

“Akala ko noon sa mga TV series lang nangyayari ang ganyan, pati pala in real life,” ang isinagot niya sa halip saka muling humigop ng kape.

“Look, alam ko kailangan mo ng pera, at kung pera lang marami ako nun, just name your price,” si Dave sa tono na parang desperado na at hindi malaman ni Jade kung saan nanggaling iyon.

Natitigilang napatitig si Jade sa tonong na iyon ng lalaki. “Ang sakit mo namang magsalita. Alam ko marami kang pera, mayaman ka nga di ba? Pero hindi naman porke kailangan ko ng trabaho ay sasabihan mo na ako ng ‘just name your price’. Eh wala ka naman palang ipinagkaiba dun sa halimaw na nambastos sakin kagabi eh!” aniya sa matigas na tono saka pinukulan ng dismayadong titig si Dave.

“I’m sorry, desperado na kasi ako. Hindi ko sinadya na ma-offend kita. Pero sana lang pumayag ka. I find you interesting kung iyon ang itatanong mo na bakit ikaw? May mga katangian ka na alam kong magiging convincing para sa mother ko kung bakit kita nagustuhan. Saka isa pa, may contract tayo, hindi ako gagawa nang kahit anong labag sa kontrata,” paniniyak pa nito.

Sandaling nag-isip si Jade.

Kung tatanggapin niya ang alok ni Dave, hindi na niya kailangang maghanap pa ng trabaho agad-agad. Pero depende iyon kung hanggang kailan siya magpi-pretend bilang nobya nito. Bukod pa doon, sa panahon ngayon, mahirap maghanap ng trabaho. Kaya siguro ang mas praktikal na kilos ay ang tanggapin nalang ang alok ni Dave lalo na at sinabi nitong may kontrata naman pala sila.

“G-Gaano katagal ba akong magpapanggap na girlfriend mo kung sakali?” tanong niya nang mahimasmasan.

“Tatlong buwan, iyon, okay na siguro iyon para mapapaniwala ko siya. Anyway, palalabasin ko naman sa kanya na matagal na tayo,” anito.

“Okay, basta walang mangyayari sa atin, isama mo iyon sa kontrata. Bawal ang kiss at, you know, hanggang holding hands lang, at kailangan kapag nasa harapan lang niya tayo magpapanggap,maliwanag ba?” tanong niya.

Amuse ang titig na ipinukol sa kanya ng lalaki. “Bakit hindi ka pa ba nagkakaboyfriend kaya ayaw mo nang may kiss?” tanong nito sa kanya.

Mabilis na pinamulahan doon si Jade. “Alam mo ikaw, may pagka salbahe rin iyang bunganga mo eh. Wala ka nang pakealam doon,” aniyang nagsasalubong ang mga kilay.

Umangat ang sulok ng labi ni Dave at iyon ang timing na nakita niya. “Iyan ang isa sa mga nagustuhan ko sa iyo, ang pagiging palaban mo. I wonder kung ganyan ka rin sa---,”

“Hey!” maagap niyang saway.

“Sorry,” ani Dave bagaman hindi ito nakangiti ay bakas parin sa mga mata nito ang matinding amusement para sa kanya. “Ganito talaga ako, kaya masanay ka na, tatlong buwan lang naman. Anyway may isang importante bagay pala akong gustong sabihin sa iyo, itatanong ko lang kung gusto mong ipasama ko iyon,” anito.

“What is it?” tanong niya.

“You better make sure you will not fall in love with me,” anitong sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.

Umikot ang mga mata ni Jade sa narinig. “Madali lang iyon kaya huwag kang mag-alala,” sagot niya sa tono na may katiyakan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BILLIONAIRE'S CONTRACT GIRLFRIEND (FILIPINO)   KABANATA 128

    KAHIT totoong nilamon na talaga siya ng tuluyan ng nainom niyang alak ay hindi pa rin nakaligtas sa paningin ni Jade ang pagtaas-baba ng dibdib ni Dave dahil sa kanyang ginawa.Pagkatapos niyang padaanan ng hintuturo niya ang mga labi nito ay ibinaba naman niya sa malapad at matipuno nitong dibdib ang kanyang mga haplos. This time gamit na niya ang dalawa niyang mga kamay.“You’re killing me,” nasa tono ng pananalita ni Dave ang matinding temtasyon at nagustuhan iyon ng dalaga.“Yeah? So why don’t you do the first move?” she asked him seductively.Noon umangat ang sulok ng labi ni Dave at pagkatapos ay inilapit ang baso nitong may laman na alak at sinaid iyon.“Nope,” anito sa tono na nanunukso bagaman nakangiti.Sa puntong iyon ay nakaramdam ng matinding challenge si Jade hindi lang dahil sa tono ng pananalita ng binata kundi pati na rin sa nakikita niyang damdamin sa mga mata nito.Ala

  • BILLIONAIRE'S CONTRACT GIRLFRIEND (FILIPINO)   KABANATA 127

    MATAGAL na napatitig si Jade sa mukha ni Dave dahil sa sinabi nitong iyon.So, hindi pa nga talaga niya lubusang kilala ang lalaki dahil marami pa siyang hindi nalalaman tungkol rito.“Kaya umalis si Papa nang mamatay si Danilo, kasi labis niyang dinamdam ang nangyari. Ang totoo kasi masyadong malapit si Papa sa kapatid kong iyon. Kasi ang palaging sinasabi sa akin ni Mama noong bata pa ako, ang nanay ni Danilo ang talagang mahal ng tatay namin,” paliwanag ni Dave sa kanya.“Ibig sabihin ba noon pinagseselosan ng mother mo si Danilo?” paglilinaw niyang tanong.Nagkibit ng mga balikat nito si Dave saka nagsalita.“Maybe, kasi kung hindi, bakit naman ganoon ang trato niya sa kapatid ko? Bakit palagi siyang galit kay Danilo kahit kung tutuusin ay sinubukan naman ng brother ko na mapalapit sa kanya?”Nagbuntong hininga si Jade dahil sa kanyang narinig.“Mahirap talaga kapag hindi buo ang pagmamaha

  • BILLIONAIRE'S CONTRACT GIRLFRIEND (FILIPINO)   KABANATA 126

    “WHAT do you mean long story? Ano ba talagang nangyari Dave?” tanong ulit niya saka naupo sa tabi ng binata.Noon malungkot siyang nilingon ng binata.“Hindi ko alam kung anong gagawin ko, ang lahat ng nangyari sa ating dalawa at ang lahat ng nakaraan, hindi ko alam,” sagot sa kanya ni Dave.Mula nang makilala niya si Dave ay ngayon pa lamang niya ito nakita sa ganitong anyo. Parang hopeless at nanghihina. Parang nawala ang tigas sa itsura nito, dahilan kaya hindi niya napigilan ang matinding pagkahabag na naramdaman niya para sa binata.“Sabihin mo sa akin, makikinig ako,” aniyang hinawakan ang kamay ng binata pagkatapos.Nakita niyang kumibot ang mga labi ni Dave. Pero bago pa man ito nakapagsalita ay nakita na niya ang pag-agos ng mga luha ng binata. This time ay hindi na siya nagdalawang isip. She pulled the young man saka ito mahigpit na niyakap.“It’s okay,” aniya.Ilang sand

  • BILLIONAIRE'S CONTRACT GIRLFRIEND (FILIPINO)   KABANATA 125

    NANG araw ring iyon ay naunang pinuntahan ni Dave si Jude para kausapin ito. Sa simula ay tunay nga namang nagdalawang isip siyang gawin iyon dahil baka magalit ito pero nagkamali siya.Katulad kasi ni Jade ay likas na mabait ang lalaki at naunawaan nito ang lahat ng ipinaliwanag niya.Mula sa ginawa niyang pag-amin sa dito sa lahat ng sinabi sa kanya ni Atty. Vergara.“Hindi ko naisip na kapatid mo si sir Danilo although magkapareho kayo kayo ng apelyido. Inisip ko kasi na baka nagkataon lang. Maliit nga ang mundo katulad ng sinasabi nila,” komento pa ni Jude.They way on their way para kausapin ang kanyang ina. Gusto kasi niya na nakaharap si Jude oras na sabihin niya kay Olivia ang tungkol sa lahat ng nalamang niya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya makapaniwala na nagawang itago ng mother niya ang lahat ng tungkol sa kanyang nalaman.“Yeah, small world. And personally, gusto kong humingi ng tawad. Sa pagsisimula ng mul

  • BILLIONAIRE'S CONTRACT GIRLFRIEND (FILIPINO)   KABANATA 124

    “…after all, you didn't know me before, just think that I am one of the many women who have gone through your life that you can replace anytime…”Ang mga salitang iyon ang ngayon ay paulit-ulit na tila ba sirang plakang nagpi-play sa pandinig ni Dave.Kinabukasan iyon at hindi na rin naman siya umuwi. Nag-stay siya sa kanyang penthouse dahil pakiramdam niya dito siya makakapag-isip ng mas magandang solusyon sa kanyang problema.Kahit anong gawin niya wala siyang maramdamang hinanakit kay Jade. Siguro dahil alam niya ang totoo. Dahil alam niya kung gaano siya nito kamahal.Ang totoo nagagalit siya sa sarili niya pero lalong higit sa kanyang ina. Kung hindi dahil sa panghihimasok nito ay hindi mangyayari sa kanya at kay Jade ang ganito.Kung tutuusin pwede niyang puntahan si Olivia at pagsalitaan ng hindi magaganda. Pero sa abot ng kaniyang makakaya ay pinipigilan niya iyon. Dahil alam niya at nakatitiyak siya na or

  • BILLIONAIRE'S CONTRACT GIRLFRIEND (FILIPINO)   KABANATA 123

    NARINIG ni Jade ang sinabing iyon ng binata at agad na ay na-overwhelm ng matinding kaligayahan ang kanyang puso. Pero gaano mang katindi ang kagustuhan niyang sagutin si Dave ng isang sweet yes ay hindi niya magawa.Hinayaan nalang niyang angkinin si Dave.Sa ganoong paraan man lang sana ay magawa niyang maiparamdam dito ang katotohanan ng kanyang nararamdaman. Ang tunay na nasa puso niya.Minabuti niyang mag-pretend na hindi niya naririnig ang sinasabi ng binata dahil hindi rin niya ito kayang i-reject.*****MATAGAL nang tulog si Dave nang mula sa mahigpit nitong pagkakayakap sa kanya ay pinagsikan ni Jade ang makawala.Alam niyang hindi ito ang huli dahil sigurado siyang gagawa si Dave ng paraan para maulit ito.Sa puntong iyon ay hindi napigilan ni Jade ang matawa ng mahina kasabay ng muling pagpatak ng kanyang luha. Para lang pagsisihan ang hindi niya pagpipigil dahil iyon ang gumising sa binata.“Hey,” ang na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status