LOGIN"There’s a crumb on your lip." mahinang sabi nito, bahagyang nakangiti. Nanigas si Melissa. Parang sabay-sabay na sumabog ang lahat ng sensasyon sa loob niya, ang init ng haplos, ang lapit ng mukha nito at ang mga titig nito na tila tumatagos sa kanya. Masyado itong malapit. Masyadong… delikado. Pinasya niyang umiwas at bahagyang umatras sa kinauupuan. “I—I can handle that,” mabilis niyang sabi, halatang naguguluhan. Agad niyang kinuha ang napkin at pinunasan ang sariling labi, saka nagkunwaring abala sa pagkain. Ngunit hindi niya maitago ang bahagyang panginginig ng kanyang kamay. Tahimik lang si Blane, pinagmamasdan ang bawat galaw niya. Alam nito. Alam nito ang epekto nito sa kanya. At tila hindi iyon aksidente. Mas lalong bumigat ang hangin sa pagitan nila. Sinubukan niyang ibalik sa normal ang lahat. “Kumain ka na,” sabi niya, pilit na nagpakanormal. “Baka lumamig na ang pagkain.” Ngunit hindi agad kumilos si Blane. Sa halip, sumandal ito nang bahagya sa upu
Nang magsalita si Blane, tila tumigil sandali ang mundo ni Melissa. “Then let me help you get your revenge, Melissa.” Saglit siyang natigilan. May kung anong bumigat sa dibdib niya, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa kakaibang gaan na matagal na niyang hindi naramdaman. Ngunit mabilis din niya iyong pinigil. Bahagya siyang umiling at umatras ng kalahating hakbang. “No… it’s okay,” mahinahon niyang sagot, pilit pinapanatiling matatag ang tinig. “I can handle it.” Bahagyang kumunot ang noo ng binata, tila hindi inaasahan ang pagtanggi niya. “Hindi dahil ayaw ko,” dagdag niya, iniiwas ang tingin. “Ayoko lang na maabala ka… at ayokong masanay.” Noong una, malinaw ang plano niya, gagamitin niya si Blane para maghiganti. Walang emosyon. Walang komplikasyon na namamagitan sa kanila. Lahat ay kontrolado niya. Ngunit hindi niya inaasahan na ang sarili niyang damdamin ang unang tatraydor sa kanya. Hindi niya napansin kung kailan nagsimulang magbago ang lahat kung kailan nagi
“He is?” kunot-noong tanong ni Axel, bahagyang nakatitig sa lalaking nasa likuran ni Melissa. Saglit na natigilan si Melissa. Paano nito hindi nakilala si Blane Han? Ngunit agad din niyang naunawaan. Hindi naman kasi kailanman nagkaroon ng pagkakataon sina Axel at Bianca na makalapit sa mga Han brothers. Sa bawat business gathering na dinaluhan nila, palagi silang nasa malayo, mga tagamasid lamang. Walang lakas ng loob na sumalubong sa presensya ng magkakapatid, lalo na kay Blane Han. Ang lalaking kilala sa mundo ng negosyo bilang malamig, dominante, at walang awa. At ngayon, nakasuot ito ng simpleng itim na jacket at sumbrero, halos hindi makilala. Malayo sa karaniwan nitong anyo na naka-coat and tie, perpekto at walang kapintasan. Ngunit kahit ganoon, hindi pa rin nito maitago ang lakas ng kanyang presensya. “Ahh, he is—” sisimulan pa lang sana ni Melissa ang pagpapakilala nang may marinig silang malakas na tinig. “Darling! Ano pa bang ginagawa mo diyan? Male-late na t
Wala nang pagdadalawang-isip, sumabay sina Melissa at Blane sa agos ng mga taong nag-uunahang makalabas. Nakisiksik sila sa mga nagkakagulong katawan, pilit na umiiwas na mapansin ng mga bantay na ngayon ay abala sa pag-aawat. Ramdam ni Melissa ang mabilis na tibok ng kanyang puso habang hinahatak siya ni Blane. Sinubukan niyang huwag ng lumingon pa, hindi sila tumigil sa pagtakbo hanggang sa marating nila ang pintuan. At sa wakas ay nakalabas sila ng casino. Sinalubong sila ng malamig na hangin ng gabi, alas sais na pala, magkahawak pa rin ang mga kamay nila ni Blane habang naglakad patungo sa sasakyan nito. Binuksan ng binata ang pinto para sa kanya, at agad siyang pumasok. Sumunod ito sa driver's seat at walang pag-aatubiling binuhay ang makina at pinaandar ang sasakyan. Nilisan nila ang lugar, nakahinga siya ng maluwag ng matiyak na malayo na sila sa mapanganib na lugar na iyon. Tahimik ang loob ng sasakyan habang tinatahak nila ang kalsada. Tanging ang tunog ng makina
“P-please…” halos pabulong na ungol ni Olivia, namumutla ang mukha nito sa takot. Nanatili sa puwesto niya si Melissa habang hawak siya sa kamay ni Blane, pinagpatuloy nila ang lihim na pakikinig. “S-sandali! Hindi pa ako tapos!” mabilis nitong dagdag, pilit kinokontrol ang takot sa boses. “Wala akong dalang pera… pero may dala akong katumbas—o higit pa sa utang ko!” Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Bahagyang gumalaw ang lalaking nakatalikod. Itinaas nito ng bahagya ang kamay, tila isang senyas. Agad na ibinaba ng lalaki ang baril na nakatutok kay Olivia, subalit nanatili itong malapit sa matandang babae. Parang isang paalala na isang maling salita lang nito at matatapos ang lahat. “Oh?” usisa ng lalaki, tila ba na-curious. “What is it? What did you bring me?” Nanginginig ang kamay ni Olivia habang binubuksan ang bag. Mabagal nitong inilabas ang isang folder. Nanlaki ang mga mata ni Melissa. Ang folder na iyon na naglalaman ng mga pekeng dokumento. “Heto…” ani Oliv
“This place is dangerous,” mababa ngunit mariing sabi ni Blane. “I can’t let you go there.” Nangunot ang noo ni Melissa. Pakiwari niya hindi lang iyon simpleng babala, tila ba may personal na karanasan ang binata sa lugar na iyon. Umiling siya. “No,” matatag niyang sagot. “Gusto kong malaman kung anong gagawin niya sa mga dokumento. Kailangan ko siyang mahuli sa akto.” giit niya. “But—” Hindi na nito natuloy ang sasabihin nang makita sa mga mata niya ang determinasyon, na matibay ang desisyon niya. Ilang segundo ring natahimik si Blane bago ito napabuntong-hininga. Alam nitong hindi siya nito mapipigilan. “Fine,” saad nito sa huli, mabigat ang tono. “But stay close to me. Kahit anong mangyari, huwag kang lalayo.” Tahimik siyang tumango, pero bago bumaba walang imik nitong hinubad ang suot na suit, saka inabot mula sa likod ng sasakyan ang isang itim na jacket at isinuot iyon. Sunod nitong inabot ang isang itim na sumbrero at marahang sinaklob sa ulo. Bahagyang natigila
Hindi agad kinuha ni Olivia ang folder. Sa halip, tinitigan muna siya nito—parang sinusukat kung hindi niya ito niloloko. "This is original land deeds. Pwede mong tingnan para malaman mong tunay ang dokumento." sabi ni Melissa. Saka lang nito marahang kinuha ang folder sa kanya pagkuwa'y binu
Sa loob ng opisina ni Blane—bumalot ang katahimikan. Nakaupo si Melissa sa tapat ng mesa, hawak ang bag na tila mas bumigat dahil sa laman nitong responsibilidad. Iyon ang araw ng deadline. Kaharap niya si Attorney Calix Cabrera, maayos ang postura at seryoso ang mukha. Sa likod ng mesa, nak
“What do you-” hindi na naituloy pa ni Blane ang sasabihin ng lumapit ang ilang empleyado ng restaurant, ang mga ito ay may mga dalang tray na puno ng mga masasarap na pagkain. “Your food is ready, Mr. Han,” sabi ng babaeng crew manager, ang ngiti nito ay propesyonal at magalang. Isa-isang ini
Napatda si Melissa sa sinabi ni Blane, napakaraming tanong ang bumaha sa kanyang isip. Pumapayag ba talaga ito na maging third party? Paano na ang reputasyon nito? Sa dinami-daming babae na nakapalibot sa binata, napunta lang ito sa isang babaeng may asawa? Worth it ba siya para tulungan nito? Ma







