Share

CHAPTER 09

Penulis: janeebee
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-27 19:00:03

CHAPTER 09

Nanginginig ang mga kamay ni Anna habang nakatayo sa gilid ng kalsada, nag aabang ng jeep na sasakyan niya pauwi subalit ni isa sa mga jeep na dumaan ay puno o ‘di kaya naman ay ibang ruta ang dadaanan. Pinagpapawisan siya nang malamig, kumakabog ang kaniyang dibdib na sinamahan ng paninikip. Hindi niya alam kung alin sa emosyon niya ang ilalabas.

“ Anna, sandali lang! “ rinig ni Anna mula sa likuran ngunit hindi na siya nag abalang lumingon nang sa wakas ay huminto na iyong jeep na hinihintay niya. Malalaking hakbang ang kaniyang ginawa para pumunta sa pintuan ng jeep ngunit bago pa siya makahakpang papasok, isang matanda ang napansin niya sa gilid niya, naghihintay na pumasok siya upang makapasok na rin ito sa loob at makaupo.

“ Isa na lang ang kasya. Ibigay mo na sa matanda, hija! “ Hiyaw ng jeepney driver kay Anna na nahihiyang humakbang paatras upang ibigay sa matanda ang bakanteng upuan sa loob ng jeep.

“ S-Sasabit na lang po ako, Kuya! “ ani Anna habang hinihinta
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
janeebee
Updated na. Salamat po!
goodnovel comment avatar
Crisdan♥️B
update pls
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 40

    CHAPTER 40 Mariing napalunok si Jessie, pinakiramdaman ang mga tao sa paligid nila na may kaniya-kaniyang mundo. Hindi niya inasahan na siya ang tatanungin ni Anna patungkol sa isa sa pinakamalalang isyu sa pamilya nila na matagal ng kinalimutan ngunit naungkat na naman dahil sa sinu-suspetsang pagkakapareho ng pangyayari sa kasalukuyan. “ Narinig ko kagabi iyong mga naging pagtatalo sa baba...” ani Anna nang makita ang pagdadalawang isip ni Jessie. “ Hindi naman kita pipilitin mag-kuwento kung hindi ka komportable. Gusto ko lang maliwanagan sa mga narinig ko kahapon. “ Mariing lumunok si Jessie at naiilang na tumingin kay Anna. “ A-Ano-ano ba iyong mga narinig mo kahapon? “ “ Iyong tungkol sa nangyari na noon, naulit na naman ngayon...” Nakaramdam nang matinding bigat sa dibdib si Anna sa ideya na paano kung totoo ang mga suspetsa ni Javier sa pagkamatay ng anak nila. “ At iyong tungkol sa nakatatanda niyong kapatid kung bakit mas pinili nitong manirahan sa malayo kahit okay na

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 39

    CHAPTER 39 Kapansin-pansin ang katahimikan sa buong bahay nang bumaba sina Javier at Anna mula sa kanilang kuwarto. Alas nuebe nang umaga, kadalasan ay sumasalubong na sa kanila ang kasambahay na si Vee na abala sa pagwawalis, ngunit nakabibinging katahimikan ngayon ang bumabalot sa salas na animo’y sila lang ang tao sa buong bahay. Patay ang mga ilaw at nakasardo din ang mga blinds sa bawat bintana. “ Kuya? ” mula sa likuran ng dalawa, nagsalita si Jessie na kalalabas lang din halos sa kuwarto. Hindi maipinta ang ekspresyon nito sa mukha habang nagdadalawang isip sa kung anong sasabihin sa dalawa. “ Ngayon...ngayon lang ba kayo bababa? “ Tumango si Javier. “ Aalis din kami kaagad. Babalik kaming clinic. “ Napalabi si Jessie at tumango-tango bago ibaling ang lingon kay Anna. “ Ate Anna, I’m sorry about what happened. Hindi ko sure kung paano kita ma-c-comfort, pero kung kailangan mo ng makakausap or makakasama, nandito lang ako... “ Napayuko si Anna, iniwasan ang tingin ni Jessi

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 38

    CHAPTER 38 “ What’s the commotion here? “ tanong ni Sasha nang maabutan ang pagtitipon-tipon sa kusina ng mga tao sa bahay. Lahat ay hindi maipinta ang mga hitsura, kabaliktaran sa abot-taingang ngiti na mayroon sa labi ni Sasha. “ Anyone? “ “ M-Ma'am Sasha, wala naman po. May ano lang...may tinatanong lang po si sir Javier tungkol sa ano...sa gatas po na iniinom ni Anna.” si Vee ang nagsalita, umaasang mapababa ang tensyon na mayroon sa kusina kung siya ang magpapaliwanang ngunit hindi pa man siya tapos sa pagsasalita ay humakbang na si Javier palapit sa ina na unti-unting nawala ang aliwalas sa mukha nang makita ang madilim na ekspresyon ng anak. Kinuha ni Javier ang kahon ng gatas na hawak ng ama upang iabot ito sa ina. “ Drink it. “ Gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Sasha sabay baba ng tingin sa hawak ni Javier. “ Why do I need to drink it? “ “ Para malaman mo iyong sagot sa tanong mo, “ sambit ni Javier dahilan para lalong malito ang ekspresyog nakaukit kay Sasha. “ Serio

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 37

    CHAPTER 37 “ Javier, please...” Pumagitna si Estrella sa pagitan ni Javier at Anna upang putulin ang anumang tensyon na nabubuo sa pagitan ng dalawa. “ Huminahon ka sa pagtatanong. Hindi ito ang tamang oras para mag-away kayong dalawa. “ “ Hindi ko naman siya inaaway, Estrella. Tinatanong ko lang naman kung anong klaseng gatas ang iniinom niya. “ Marahang paliwanag ni Javier bago muling ibaling ang tingin kay Anna. “ Pero since hindi niya alam, dapat ba akong mapanatag sa sagot na ‘yon? Paano kung may ingredients pala iyon na hindi pala maganda sa bata? “ Umiling si Anna, naluluha ang mga matang inangat ang tingin kay Javier. “ Naririnig mo ba ang sarili mo, Javier? Ilang taon na si ate Vee na nag t-rabaho sainyo hindi ba? Tatlo kayong magkakapatid na dumaan sa kaniya. Siya nag-alaga sainyo noong mga bata pa kayo, kaya bakit naman niya ako paiinumin ng gatas kung alam niyang makakasama iyon sa bata? “ “ Anna, baka nakakalimutan mo kung nasaan tayo nakatira? “ sagot ni Javier ra

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 36

    CHAPTER 36 “ I’m sorry to say this, pero...” Itinigil ng Doktora ang ginagawa sa tiyan ni Anna at maungkot ang mga matang pinukol sa dalawa.“...wala na pong heartbeat ang baby niyo, Mommy. “ Bumalot ang katahimikan sa buong kuwarto nang bigkasin ng Doktora ang mga katagang taliwas sa inaasahang marinig ng dalawa. Nanigas si Javier sa kinatatayuan niya, tila nalaglag ang puso sa narinig niya, habang tila nakalimutan naman ni Anna ang huminga dahilan para mag panic siya. “ D-Doc, a-ano hong ibig niyong sabihin na walang heartbeat? ” Nanlalamig ang katawan ni Anna na naupo mula sa pagkakahiga niya, nanginginig ang kamay na hinawakan ang braso ng Doktora. “ Paano pong walang heartbeat? Hindi ho kaya sira lang itong gamit niyo? Baka po may diperensya? Ulitin niyo nga po pag-scan, please. “ “ Mommy, sandali lang, kumalma muna ho kayo...” Pakiusap ng Doktora nang maramdaman ang higpit ng hawak ni Anna sa braso niya. Tumingin ito kay Javier upang pakiusapan na tulungan siya subalit nakat

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 35

    CHAPTER 35 “ I love you...” ang mga katagang hindi mawala-wala sa isip ni Anna. Paulit-ulit, tipong kada hinga ay nag e-echo sa utak niya ang boses ni Javier habang binibigkas ang mga salitang ngayon lamang niya narinig mula sa lalaki. Idinilat niya ang mata, humingang malalim bago dahan-dahang umikot ng kama paharap kay Javier na mahimbing nang natutulog sa tabi niya. Tumingin siya sa orasang nakasabit sa pader, mag a-alauna na nang madaling araw at hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Marahil dahil sa dami ng tumatakbo sa isip niya patungkol sa kasal na gaganapin na sa susunod na linggo at sa katotohanang inihayag sa kaniya ng magiging asawa. “ Mahal mo talaga ako? “ Pabulong na tanong ni Anna, tahimik na pinagmamasdan ang natutulog na si Javier. Wala sa sarili siyang napangiti nang makaramdam ng paru-paro sa kaniyang tiyan, animo’y kinikiliti siya upang tumawa. “ Hindi nga? Mahal mo ‘ko? “ Hindi alam ni Anna kung anong oras na siyang nakatulog dahil sa daming tumatakbo sa isip

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status