Hello! Pasensya na po sa late update and YES, si Isabella Flores nga po ang tinutukoy dito ni Sebastian. Isa siya sa female lead sa isa kong novel na walang connection sa kuwento dito, pero na-miss ko si Isabella kaya pinabisita ko muna siya sandali dito sa kabilang mundo hehe.
CHAPTER 30 “ Puwede bang ipagpaliban niyo muna ang kasal na binabalak niyo? “ hindi alam ni Anna kung ano ang magiging reaksyon niya sa naring mula kay Sasha. “ P-Po? “ Kumawala ang pilit na tawa kay Anna upang matakpan ang tinatagong kaba. “ Puwede ko po bang malaman kung bakit, Ma’am Sasha? “ “ Sa tingin mo, bakit? “ tanong pabalik nito kaya lalong napuno ng katanungan ang isip ni Anna. Wala siyang nakikitang ibang rason kundi ang katotohanan na hindi siya nito gustong maging legal na manugang. “ Hindi ko po alam, Ma’am...” sagot na lamang ni Anna, nahihiyang ngumiti kay Sasha. “ S-Siguro po dahil ayaw niyo po? “ Kumawala ang mahinang tawa kay Sasha, tumalikod kay Anna upang maglakad-lakad sa gilid ng pool. “ Isang beses ka lang ikakasal, kaya bakit titipirin niyo iyong mga sarili niyo sa civil wedding? Hindi mo ba gustong ma-experience ang kasal kagaya kay Sebastian at doon sa dating kasamahan niyo? Iyong katulong din? “ Unti-unting bumaba ang labi ni Anna mula sa pagkakangi
CHAPTER 29 Namayani nang ilang segundong katahimikan ang buong kusina dahil sa biglaang pagtayo ni Javier mula sa pagkakaupo at sa pagkabasag ng baso na nasagi niya. Lahat ng mga mata ay nakatingin sa kaniya, nakaabang sa sunod na kilos na gagawin at sa paliwanag na sasabihin nang magsalita si Sasha. “ Manang Vee? “ Tawag nito sa kasambahay nila na nasa counter ng kusina. Agad namang lumapit si Vee sa dining table at lumapit kay Sasha na may ngiti pa rin sa labi habang nakatingin sa basag na baso sa sahig. “ Bakit po, Ma’am? “ “ May ginagawa ka pa ba? “ Nilipat ni Sasha ang tingin sa kasambahay saka itinuro ang mga nagkalat na piraso ng nabasag na baso. “ Pakilinis mamaya ‘to, okay? Baka mabubog pa tayo kapag nadaan sa gawi na ‘yan. Kumuha ka na rin ng isa pang baso. “ Agad namang sumunod si Vee na saglit sinipat ng tingin si Javier bago umalis sa dining area para kumuha ng walis at dustpan. Mariin namang napalunok ng laway si Anna sa nararamdamang tensyon sa mesa. Inangat ni
CHAPTER 28 Ala tres y medya nang hapon nang matapos sa pag-aayos ng mga gamit sina Anna at Javier. Ramdam ang pagod at gutom ng dalawa na pinili munang mahiga sa kama upang makapagpahinga. “ Sana this week, gumising na si Allan...” Buntong hiningang wika ni Anna, ibinaba ang cellphone matapos basahin ang mensahe mula sa ina tungkol sa kalagayan ng kapatid niya. Lumingon siya sa likuran at nakitang nakasandal sa headboard ng kama si Javier kaya lumapit siya rito upang sumandal sa balikat nito. “ Sakit sa ulo ang kapatid ko na ‘yon, pero mahal na mahal namin iyon. Humanda talaga siya saakin kapag nagising yan. “ Bahagyang natawa si Javier. “ Nandoon na iyong concern mo, pero dinagdagan mo pa ng pagbabanta. “ “ Eh kasi naman, eh...” Napabuga sa hangin si Anna. “ Masama ba akong ate kung mas naaaawa ako sa magulang ko kaysa sa kapatid ko? Hindi naman hahantong sa ganito ang lahat kung matino siya. Siya gumawa ng kalokohan pero kami ang nagdurusa. “ Piniling hindi sumagot ni Javier.
CHAPTER 27 Akala ni Anna, sanay na ang mga mata niyang makakita ng mga magagara at nag lalakihang bahay sa ilang taon niyang pagta-trabaho sa siyudad, ngunit hindi pa rin niya maiwasang mamangha nang makarating sa bahay na pagmamay-ari ni Sasha. May dalawang palapag ito at ang parking space ay tila kasing-laki lamang ng bahay nila sa probinsya. Dalawang sasakyan ang nakaparada doon--isang sedan at crossover. Ang railing ay gawa sa salamin na para bang nakakatakot nadampian ng kamay niya dahil baka mabasag. “ Sa picture ko lang nakikita dati bahay niyo. Ngayon nandito na ako...” wala sa sariling sambit ni Anna, tulala pa ring pinagmamasdan ang bahay na nasa harap niya. Kanina pa sila nakababa ng sasakyan, kasama ang dalawang maleta na dala-dala nila ni Javier. “ Saan mo nakita? “ tanong ni Javier, pinunasan ang pawis sa sentido niya habang nakaangat ang tingin sa ikalawang palapag ng bahay. Huling punta niya, wala na sa balkonahe ang mesa at silya na madalas niyang tambayan noong
CHAPTER 26 Tahimik na pinagmamasdan ni Javier si Anna na abalang nakikipag-usap sa tumawag sa cellphone nito, bahagya itong nakatalikod sa kaniya kaya hindi niya makita ang mukha ni Anna. Kung pagbabasehan ang galaw ng katawan, kita ang gaslaw sa kilos at ang paulit-ulit na pagtapik at pagkaskas ng kamay sa hita na nagpapakita ng ngasiwa. Hindi alam ni Javier kung sino ang kausap nito dahil cellphone number lang ang rumehistro sa screen noong makita niyang sinagot ito ni Anna. Sumandal si Javier sa silya nang ialis ang paningin kay Anna. Sa halos tatlong araw niyang nawala, hindi naalis sa isip niya si Anna. Nahirapan siyang i-proseso ang lahat ng mga kaganapan ngunit hindi sumagi sa kaniyang isipan na talikuran ang responsibilidad niya. Sa isla kung saan siya pumunta para sa isang trabaho, nakatulong rin ito sa kaniya para makapag-isip ng mga nararapat na solusyon at paraan para sa buhay na nag aabang sa kaniya pag-uwi. Mahina ang signal sa isla at minsan ay nawawala pa kaya an
CHAPTER 25 Malaking halaga ng pera ang kakailanganin ng pamilya ni Anna sa sitwasyong kinahaharap nila ngayon at lahat sila ay problemado kung saan kukuha ng mga panggastos lalo’t hindi nila alam kung kailan magkakamalay si Allan. Bawat araw sa ospital, libo ang kailangang ilabas upang maipagpatuloy ang buhay ng kapatid na nakikipaglaban sa kamatayan. “ Malapit na tayo, Anna. “ Nabalik sa realidad ang isip ni Anna nang marinig ang boses ni Javier sa tabi niya. Tumingin siya sa labas ng bintana ng bus at nakitang malapit na silang bumaba ng terminal. Humugot nang malalim na buntong hininga si Anna at napayakap sa sarili dahil sa lamig ng aircon na tumatagos sa loob ng balat niya. “ P-Parang hindi ko kayang humarap ngayon kina Nanay at Tatay. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila na wala na akong trabaho kung kailan kailangan namin ngayon ng pera para sa mga magiging bayarin sa ospital. “ Kinuha ni Javier ang kamay ni Anna at marahan itong pinisil-pisil. “ Huwag mo masy