FAZER LOGINCHAPTER 43 Hindi alam ni Javier kung paano lalabas ng studio niya gayong kumpulan ang mga tao sa labas nito, sinisilip ang dingding gawa sa salamin kung may tao habang tila ba kinakalampag ang pinto para lumabas ang nasa loob. Hindi niya dinig ang mga pinag-uusapan ng mga nasa labas ngunit sa buka ng mga bibig nito, kita niya ang galit at mga sigaw na alam niya kung para saan at para kanino. “ Ang daming tao sa labas, Sir. Paano po tayo makalalabas niyan? “ tanong ng staff ni Javier, bakas ang takot habang nakasilip sa estante na pinagtataguan niya. “ Para silang mga nag r-rally. Tumawag na kaya tayo ng pulis? “ Hindi sumagot si Javier na nahihirapang mag isip sa kung ano ang gagawin niya lalo’t kailangan niya ring lumabas ngayon para hanapin at kausapin ang dalawang staff niya na umalis. Mainit ang mga mata ng tao sa photo studio niya pero hindi niya inasahan na dudumugin siya ngayon. “ Sir, paano tayo niyan? “ Mangiyakngiyak na tanong ng staff kay Javier. “ Nakakatakot pong luma
CHAPTER 42 ANONYMUS CONFESSIONS22hr ago[ Itago niyo na lang po ako sa pangalang Mae. 20 years old, graduating students. Ilang gabi na akong hindi makatulog nang maayos dahil sa isang karanasan na hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. Isa akong freelance model, paraket-raket para may pangbili sa mga pangangailangan ko at may pang-tuition sa pag-aaral ko. Madalang lang magkaroon ng opportunity sa carrer na tinatahak ko kaya kapag mayroong kumatok, kinu-kuha ko agad ang pagkakataon para magkaroon ng raket at siyempre ng pera. Aaminin ko, mukha talaga akong pera kaya kahit maliit ang ibayad, okay lang saakin. Pero nabago ang pananaw ko dahil sa nangyari saakin isang linggo ang nakalilipas. May nagpakilala saaking isang photographer na pangalanan na lang natin siyang si Mr.J. Siguro mga nasa 30’s siya kung pagbabasehan ang hitsura. Mataas siyang lalaki, maputi ang balat at mayroong mga matang kulay tsokolate. Akala ko noong una, isa lang siya sa mga pangkaraniwang photographer n
CHAPTER 41 Maingat na binalik ni Anna sa puwesto kung saan niya kinuha ang kahina-hinalang bagay na nakita niya bago tumalikod at bumalik sa lamesa upang buksan ang mga pagkaing dinala ni Javier para sa kaniya. Naupo siya sa silya at tahimik na kumain, subalit ang utak niya’y napuno ng mga katanungang tila ba mga patak ng kandilang pumapaso sa kaniya. May hidden camera sa loob ng kuwarto nila at hindi alam ni Anna kung paano niya ipo-proseso ang katotohanang may nanonood at nakikinig sa mga galaw at pag-uusap nila ni Javier sa loob ng ilang buwang pananatili sa poder ng pamilya nito. Tila ba bumabaliktad ang sikmura niya sa nalaman at nahihirapan siyang lunukin ang laman ng kaniyang bibig kaya agad siyang tumayo para lumayo sa pagkain. Lumabas siya ng kuwarto upang ikalma ang sarili. Saglit siyang natulala sa kawalan hanggang sa bumaba siya ng hagdan upang tumungo sa kusina at kumuha ng tubig na maiinom. “ P*ta...” Mahinang napamura si Anna habang nanginginig ang kamay niyang nags
CHAPTER 40 Mariing napalunok si Jessie, pinakiramdaman ang mga tao sa paligid nila na may kaniya-kaniyang mundo. Hindi niya inasahan na siya ang tatanungin ni Anna patungkol sa isa sa pinakamalalang isyu sa pamilya nila na matagal ng kinalimutan ngunit naungkat na naman dahil sa sinu-suspetsang pagkakapareho ng pangyayari sa kasalukuyan. “ Narinig ko kagabi iyong mga naging pagtatalo sa baba...” ani Anna nang makita ang pagdadalawang isip ni Jessie. “ Hindi naman kita pipilitin mag-kuwento kung hindi ka komportable. Gusto ko lang maliwanagan sa mga narinig ko kahapon. “ Mariing lumunok si Jessie at naiilang na tumingin kay Anna. “ A-Ano-ano ba iyong mga narinig mo kahapon? “ “ Iyong tungkol sa nangyari na noon, naulit na naman ngayon...” Nakaramdam nang matinding bigat sa dibdib si Anna sa ideya na paano kung totoo ang mga suspetsa ni Javier sa pagkamatay ng anak nila. “ At iyong tungkol sa nakatatanda niyong kapatid kung bakit mas pinili nitong manirahan sa malayo kahit okay na
CHAPTER 39 Kapansin-pansin ang katahimikan sa buong bahay nang bumaba sina Javier at Anna mula sa kanilang kuwarto. Alas nuebe nang umaga, kadalasan ay sumasalubong na sa kanila ang kasambahay na si Vee na abala sa pagwawalis, ngunit nakabibinging katahimikan ngayon ang bumabalot sa salas na animo’y sila lang ang tao sa buong bahay. Patay ang mga ilaw at nakasardo din ang mga blinds sa bawat bintana. “ Kuya? ” mula sa likuran ng dalawa, nagsalita si Jessie na kalalabas lang din halos sa kuwarto. Hindi maipinta ang ekspresyon nito sa mukha habang nagdadalawang isip sa kung anong sasabihin sa dalawa. “ Ngayon...ngayon lang ba kayo bababa? “ Tumango si Javier. “ Aalis din kami kaagad. Babalik kaming clinic. “ Napalabi si Jessie at tumango-tango bago ibaling ang lingon kay Anna. “ Ate Anna, I’m sorry about what happened. Hindi ko sure kung paano kita ma-c-comfort, pero kung kailangan mo ng makakausap or makakasama, nandito lang ako... “ Napayuko si Anna, iniwasan ang tingin ni Jessi
CHAPTER 38 “ What’s the commotion here? “ tanong ni Sasha nang maabutan ang pagtitipon-tipon sa kusina ng mga tao sa bahay. Lahat ay hindi maipinta ang mga hitsura, kabaliktaran sa abot-taingang ngiti na mayroon sa labi ni Sasha. “ Anyone? “ “ M-Ma'am Sasha, wala naman po. May ano lang...may tinatanong lang po si sir Javier tungkol sa ano...sa gatas po na iniinom ni Anna.” si Vee ang nagsalita, umaasang mapababa ang tensyon na mayroon sa kusina kung siya ang magpapaliwanang ngunit hindi pa man siya tapos sa pagsasalita ay humakbang na si Javier palapit sa ina na unti-unting nawala ang aliwalas sa mukha nang makita ang madilim na ekspresyon ng anak. Kinuha ni Javier ang kahon ng gatas na hawak ng ama upang iabot ito sa ina. “ Drink it. “ Gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Sasha sabay baba ng tingin sa hawak ni Javier. “ Why do I need to drink it? “ “ Para malaman mo iyong sagot sa tanong mo, “ sambit ni Javier dahilan para lalong malito ang ekspresyog nakaukit kay Sasha. “ Serio
CHAPTER 14 Kumawala ang malalim na buntong hininga kay Javier matapos mabasa ang mensahe ni Anna na ma-l-late ito dahil may kailangan asikasuhin sandali bago sila umalis patungong probinsya. Nakahinga siya nag maluwag ngunit naroon pa rin iyong pag-iisip niya para mamaya sa pagharap niya sa pamily
CHAPTER 13 “ Magpapakasal na kayo next month? “ Gulat na tanong ni Estrella kay Anna na abot langit ang ngiti ngayon sa harap niya. “ Ang bilis, ha? Nag propose na si Javier kanina? “ “Hmm, pero wala nga lang singsing pa kasi biglaan din kagaya ng pagbigla ko sa kaniya tungkol sa pagiging buntis
CHAPTER 12 Trenta minutos na ang nakalilipas ngunit hindi pa rin magawang umalis ni Anna sa loob ng isang convenience store na halos isang kanto lang ang layo sa studio ni Javier. Nakakadalawa na siyang balik sa counter upang bumili ng siopao dahil ginugutom siya sa kaba at pagkakabisado ng mga l
CHAPTER 11 “ Anna? Kumusta? Napatakan mo na ba? “ tanong ni Estrella sa labas ng banyo, kinakatok ang kabadong si Anna na nasa loob ng isang cubicle, hawak ang dalawang pregnancy test na binili nila sa drugstore. Kasalukuyan silang nasa loob ng isang Mall para kumpirmahin ang isang bagay. Parehong







