Share

BOUGHT BY THE BILLIONAIRE
BOUGHT BY THE BILLIONAIRE
Author: Moonstone13

Chapter 1

"Berry, gumising ka na at ayusin mo na ang sarili mo. Malapit na tayong bumaba ng bus, narito na tayo sa Maynila," aning utos ng ginang sa kasama nitong dalaga.

Naalimpungatan naman ang babaeng tinawag nitong Berry, nakuha pa nitong magpungas ng mga mata bago itinango ang ulo nito sa harap ng ginang at ginising na rin ang kaibigan na katabi n'ya sa upuan.

"Ikaw din Marife, ayusin mo na rin ang mga gamit mo. Pagtigil ng bus ay maaari na tayong bumaba."

Pang-iistorbo ni Aling Cristy sa pagtulog ng dalawang magkaibigang narecruit niya sa probinsya ng Catanduanes.

Si Berry at Marife ay matalik na magkaibigan. Mga bata pa lang sila ay palagi na silang magkasama. Magkapitbahay lang kase sila sa bayan ng San Miguel na malayo sa pinakabayan ng Catanduanes.

Kung buhay pa rin ang kinalakihang ina at ama ni Berry, sigurado siyang hindi pa rin siya makakaalis sa kanilang lugar.

Maglilimang buwan pa lamang ng maulila s'ya sa mga taong inakala niyang mga tunay n'yang magulang.

Namatay ang nanay at tatay niya ng malunod ang mga ito sa pangingisda. Inabutan kase ang mag asawa ng malakas na bagyo sa gitna ng dagat, dahilan ng pagkakalunod ng mga ito.

Naiwang mag isa na lang sa buhay si Berry dahil wala naman siyang naging kapatid sa mga kinilala niyang magulang, kaya inaya siya ng kaibigang si Marife na mamasukang tindera sa bayan ng Virac, na malapit lang sa daungan ng ferry boat.

Ilang araw pa lamang silang nakakapagsimula sa trabaho ng makilala naman nila si Aling Cristy na naging costumer nila sa RTW ( Ready to wear ) shop. Ilang araw din silang binalik-balikan ng ginang sa trabaho nila bilang tindera ng mga damit upang kulitin silang sa maynila na lamang magtrabaho.

Si Berry ang nag-udyok kay Marife na sumama na sila sa Maynila kay Aling Cristy dahil may nais siyang hanaping tao roon. Ang nasa isip kase ni Berry ay pagkakataon na n'ya ang pag alok sa kanila ng ginang na makarating at makapagtrabaho na rin sa Maynila.

Naisip niyang mag ipon na muna ng pera at kapag kaya na n'ya ay hahanapin niya ang taong nang iwan sa kanya nung sanggol pa lamang s'ya sa bahay paanakan kung saan siya naampon ng inay at itay niya.

Nang mamatay ang mag asawang nagpalaki kay Berry ay may nadiskubre siya sa mga naiwang importanteng dokumento ng mga ito. Nabasa niya ang diary ng kanyang kinilalang ina at doon niya nalaman ang lihim ng mga ito sa kanya.

Na ampon lang pala s'ya ng mag asawa at sa una niyang birth certificate ay naroon ang pangalan ng tunay niyang ina, pero walang nakalagay na pangalan ng kanyang ama. Ang naroon ay N/A lang na ang ibig sabihin ay not applicable o hindi ipinalagay ng kanyang tunay na ina ang ngalan ng kanyang tunay na ama.

Gusto niyang malaman ang dahilan ng babaeng nagluwal sa kanya sa mundo kung bakit siya nito iniwan sa paanakan at malaman na rin ang buo niyang pagkatao.

Napapayag ni Berry si Marife na magtungo ng Maynila sa ibinigay nilang kondisyon kay Aling Cristy na pinayagan naman ng ginang, ang magkasama pa rin silang dalawa sa papasukang trabaho at hindi sila paghihiwalayin nito.

"Pasay na.., Pasay na!. Yung mga baba ng Pasay lang d'yan, pwede na kayong bumaba." sigaw ng kundoktor sa mga pasahero ng bus na kanilang sinakyan.

"Berry, Marife, bababa na tayo, bilisan ninyo!" turan ni Aling Cristy sa kanila.

"Sigre po / Opo Aling Cristy," sabay na sagot naman ng magkaibigan.

Naglakad sila ng ilang metro at pumara ng taxi ang ginang. Pinasakay muna sila ni Aling Cristy sa likurang upuan ng sasakyan at saka sumunod na pumasok sa loob ng taxi at sa tabi ng driver naupo. Kinausap ng ginang ang driver ng taxi at ibinigay ang address na kanilang pupuntahan.

Habang nasa byahe sila ay manghang-mangha ang magkaibigan sa kanilang nakikita. Unang beses silang nakakita ng mga malalaking gusali at naggagandahang tanawin na kanilang nadadaanan. Napansin din nila ang mga malalaking billboard dahil sa kilalang sikat na artista ang nakikita nilang model.

Pagkahinto ng sinasakyan nila ay agad silang bumaba sa taxi. Bitbit ang mga gamit nila ay nagkatinginan ang magkaibigan dahil napansin nila na magkakatabing night club ang naroon sa lugar. Awang ang bibig at nakakunot ang noong nagtanong si Marife sa babaeng nagrecruit sa kanila.

"Aling Cristy, ano pong ginagawa natin dito? Bakit po tayo narito? Ang sabi mo sa amin ni Berry ay ipapasok mo kaming saleslady sa tindahan ng kapatid mo," tanong ni Marife sa ginang.

"Ah, may dadaanan lang tayo rito saglit, nag chat kase kanina ang kaibigan ko at magbabayad daw ng utang sa akin. Malapit lang kase ang bahay ko rito kaya naman dito na ako nagpababa," ang sagot ni Aling Cristy kay Marife.

"Ah ganun po ba? dito na lang po kaya kami, maghihintay na lang kami dito ni Berry, Aling Cristy," wika ni Marife na nakakaramdam ng mali sa sitwasyon nila ni Berry kaya hinawakan niya ang kaibigan na alam niyang may pagkainosente minsan.

"Naku, mainit dito sa pwesto na ito! samahan n'yo na muna ako at hindi naman tayo magtatagal," wika naman ng ginang kay Marife.

"Oo nga Marife, ang init dito," saad naman ni Berry na inilabas ang kanyang puting panyo na ipinamunas sa kanyang pawis sa noo at leeg na ipinamaypay pa sa kanyang mukha.

Lumapit pa si Berry sa katapat na kotse at nanalamin doon at inayos ang buhok at suot niyang damit habang nakikipag-usap si Marife kay Aling Cristy. Hindi niya mapagdesisyunan kung itatali ba o ilulugay na lang ang kanyang buhok kaya natagalan siya sa harap ng sasakyan.

Natitigan naman ng mga mata ng isang lalaki ang mukha ni Berry dahil nasa loob ito ng kotse na nasa tapat lang ng dalaga. Kitang-kita nito kanina ang paglabas ng babae sa taxi at doon pa lang ay nagandahan na siya sa mukha ng babae kahit walang make up sa mukha. Natutuwa siya sa kilos nito na halatang probinsyanang-probinsyana at wala pang kamuwang-muwang talaga.

Inoobserbahan ng lalaki ang galaw ng tatlong babae na nasa harapan ng kanyang sasakyan at dahil tinted iyon, hindi makikita na may tao sa loob kaya malaya siyang pagmasdan ang dalagang nanalamin pa rin sa salamin ng kotse niya na inayos pa ang pagkakagusot ng laylayan ng damit sa mahabang paldang suot din ng dalaga.

Sapalagay niya ay bagong recruit ang dalawang babae ng ginang na kasama ng mga ito. Binuksan ni Jayden ang pinto ng kotse niya at palabas na sana siya ng sasakyan niya upang kausapin at magtanong sa babaeng kanina pa nanalamin sa kotse niya ng maglakad na ito papasok sa loob ng isang club na karay-karay ng ginang na hinahabol ng kasama nitong babae na narinig pa niyang binigkas nito pasigaw ang pangalan ng magandang babae na tinawag nitong Berry.

Napansin niya ang nahulog na puting panyo ng babae na gamit nito kanina na ipinamunas sa pawis nito, kaya nilapitan niya iyon at dinampot at napangiti siyang natitigan ang panyo, dahil may burda iyon. Nakasulat roon sa panyo ang narinig niyang pangalan ng magandang babae na nakakuha ng atensyon niya kanina.

"Jayden, let's go!" tawag pansin sa kanya ng kaibigan niya na nasa tapat na rin ng pinto ng kotse niya at pumasok din agad ito.

Napabuntong hininga si Jayden sa panghihinayang, ibinulsa na lang muna niya ang panyo dahil sa tinawag na siya ni Cyrus. Ang kaibigan na kanina pa niya hinihintay na lumabas sa isang establishment malapit sa pinagparkingan niya ng kotse, kaya siya naroroon sa lugar na iyon dahil may importanteng kinausap ang kaibigan niyang si Cyrus na nagpasama lang naman sa kanya.

Pagkalapit ni Jayden sa kotse niya ay sinulyapan niya pa muna ang club na pinasukan ng babae bago pumasok sa sasakyan at pinaandar na iyon paalis sa lugar ng tapikin ni Cyrus ang kanyang balikat.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
GIRLY DE TOMAS
yan mahirap akla mo mgandang trabho nag aantau sayo un pala iba
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status