"Natutuwa akong makitang magkasundo na kayong dalawa. Sana ay palagi kayong ganito. Mababawasan na rin ang iniisip na problema ng anak ko." saad ni Sandra na mommy ni Jayden ng lapitan niya sina Ishie at Berry."Hello Tita Sandra, kanina pa po ba kayo riyan?" tanong ni Ishie na bineso-beso muna ang ina ni Jayden na kunware ay hindi alam na paparating ang ginang."Kadarating ko lang ng marinig ko ang pinag- usapan ninyo. I'm glad na magkaibigan na kayong dalawa. Sang ayon ako sa naging pananaw mo Ishie alang-alang sa magiging anak mo, na apo ko." natutuwang turan ni Sandra.Malawak ang ngiting nagpasalamat si Ishie."Kumusta ka na Berry? naikwento sa akin ng asawa ko na marami ka raw pinagdaanang hindi maganda nitong nakaraang mga araw. Pasensya ka na at hindi kita nadamayan at marami akong naging trabaho. Ngayon na lang lumuwag ang schedule ko." saad na pangungumusta naman ng ina ni Jayden sa nobya ng anak matapos yakapin ng mahigpit."Maayos na po ako Tita Sandra, palagi naman po sa
Isang linggo ang mabilis na lumipas at naging abala si Berry sa pag aalaga kay Patricia dahil dalawang araw na rin na nasa ospital si Lanie dahil sa naaksidente itong nadulas sa loob ng banyo at malala ang pagkakabagsak ng balakang nito at na sprain pa ang isang paa.Si Ishie naman ay pinag iingat ng doktor dahil mahina raw ang kapit ng baby sa tiyan niya. Ibinilin din ng doktor na wag muna itong maglalabas ng bahay dahil baka matagtag siya. Ngunit may pagkamatigas talaga ang ulo ni Ishie at hindi nakikinig sa payo ng ibang tao sa kanya.Isang araw na naglalaro sina Berry at Patricia sa sala ng lumapit sa kanila si Ishie dahil naboboring daw ito sa loob ng kwarto. Pinanood ni Ishie si Berry at ang bata na masayang naglalaro ng bahay-bahayan. Inaya si Ishie ng bata na makipaglaro ngunit hindi pinansin ni Ishie at inabala ang sarili niya sa pagpindot sa cellphone nito."Ishie, gusto mong sumali sa amin ni Pat?" tanong ni Berry dahil natameme ang bata dahil sa parang walang narinig na pa
Nang tumigil na sa pag iyak si Berry ay binalikan niya si Patricia sa kwarto ng nakapikit at nakatakip ang dalawang kamay sa dalawang tenga niya dahil madadaanan at madadaanan niya ang kwarto ni Ishie. Ayaw niyang maramdaman siya ng dalawa dahil baka mapurnada ang gagawin niyang paglayas. Mabilis niyang kinuha ang malaking bag niya na laman ang mga luma niyang damit na ibinalik sa kanya ni Jayden. Kumuha pa siya sa cabinet niya ng ilang pares ng underwear at ipinasok niya rin ang isang pares ng running shoes, ilang short pants at ilang shirt. Dinampot niya ang wallet niya na may lamang ilang daan at ilang libong piso na ibinigay ni Jayden sa kanya noon para daw sa emergency at ang litrato ng kanyang ina kasama ng mga dokumento niya at diary ng umampon sa kanya.Desidido na si Berry na layasan na si Jayden dahil sa maling pag aakala niyang niloko at pinapaasa lang talaga siya ng lalaki dahil sa kanyang nakita kanina. Minahal talaga niya si Jayden kaya nga kahit na anong marinig niya n
Nakasama na nga ni Anne si Berry sa bahay ng amo niyang si Senyora Amara. Nang pumayag ang ginang at naawa sa dalaga dahil na rin sa pakiusap ni Anne.Kanina matapos ang ginang na makapangumpisal sa pari ay nilapitan nilang dalawa ang ginang at ipinakilala ni Anne si Berry. Sinabi ni Anne sa amo niya na kakilala niya si Berry noon pa at naghahanap ng mapapasukang trabaho si Berry kahit bilang katulong dahil naglayas ito sa kanila.Gumawa ng kwento si Anne na sinakyan naman ni Berry na kahit may kaunting pagsisinungaling sa sinabi ni Anne ay mas marami pa rin ang katotohanan. Ang mali lang naman sa sinabi ni Anne ay lumayas siya sa malupit niyang tiyahin at mga pinsan. Siguro ay dahil doon ay naawa sa kanya ang senyora kaya pumayag itong isama na siya. Dahil sa sapat naman na ang kasambahay ng ginang ay hindi na raw siya makukuha nito bilang bagong kasambahay sa bahay nito. Ipinaalala ni Anne sa amo niya na naghahanap ng maid ang nakatira sa tapat ng bahay ng senyora na kakilala naman
Umakyat si Jqyden sa itaas at pilit na pina-aalis si Ishie sa bahay niya. Inaawat siya ng babae na tigilan na ang ginagawa niya kahit na natatakot na rin sa galit ni Jayden.Nag iiyak si Jayden sa galit na nararamdaman kay Ishie at sa katangahan niya na rin dahil nagtiwala pa rin siya kay Ishie, kaya naman siya nagawang layasan ni Berry. Aalis na sana si Jayden para hanapin si Berry ng habulin siya ni Ishie sa hagdan."Jayden pakiusap, wag mo na siyang habulin pa. Ako na lang ang mahalin mo. Magkaka-anak naman na tayong dalawa, kami na lang ng baby natin ang isipin mo, please Jayden. Mahal kita, give me a chance na maipadama ko iyon sa 'yo Jayden. Ako na lang, Jayden, ako na lang. Pangako na kahit anong mangyari hindi ako bibitaw sa iyo." pagmamakaawa ni Ishie na hindi pinakinggan ni Jayden."Umalis ka diyan Ishie, wag mo akong harangan. Hahanapin ko si Berry, hahanapin ko ang babaeng mahal ko." pasigaw na utos ni Jayden sa babae na ayaw namang tumigil sa pagharang sa kanya.Iniiling
Nang mailipat na si Ishie sa isang private room sa ospital ay hindi na pinapasok pa sina Jayden at pinaalis na ng mommy ni Ishie si Jayden at hindi na hinayaang makalapit ang lalaki sa kanilang anak. Sinabi rin ng ama ni Ishie sa kanila na ngayong nakunan ang kanilang anak ay pinuputol na rin ang koneksyon nila sa pamilya Curtis.Nagkatingin sina Jayden, Sandra at Jasper at lahat sila ay walang nasabi. Hindi na sila nagbigay ng komento pa dahil ayaw nilang palalain pa ang sitwasyon at yun ay pabor naman sa kanila.Lihim pa nga na nagpapasalamat ang mag asawa sa ginagawa ng mga magulang ni Ishie. Wala naman kaseng alam talaga ang parents ni Ishie sa kagagahang ginawa ng kanilang anak at hindi na nila balak pang ipaalam iyon sa mga magulang ng babae.Humingi pa rin ng tawad si Jayden sa mga magulang ni Ishie at hindi naman na siya nagpumilit pang makita si Ishie ng paalisin siya ng ina ng babae.Isinabay nila Sandra at Jasper ang anak nilang si Jayden pauwi ng bahay. At ipinadrive na la
Kinabukasan ng umaga ay pinakain muna ni Senyora Amara si Berry sa bahay nito bago sinamahan ang dalaga sa katapat na bahay."Kinakabahan ka ba?" tanong ni Senyora Amara kay Berry."Opo Senyora, unang beses ko po kaseng mamasukan bilang kasambahay, kaya siguro ako kinakabahan." maagap na sagot ni Berry na nasa likuran ng ginang."Huwag kang mag alala. Mabait naman si Don Alejandro, sa tagal ko na siyang kapitbahay dito ay wala naman akong nababalitaan na nanakit ng katulong si Mr. Fontanilla. Kaya lang naghahanap ng bagong katulong ay dahil nabalitaan kong nakipagtanan daw ang dati niyang katulong sa security guard ng subdivision. Sa laki ng bahay ni Mr. Fontanilla ay kulang ang dalawang kasambahay talaga." pahayag ng amo ni Anne."Oo Berry, mabait naman daw yang si Don Alejandro ang sabi sa amin ni Aling Nilda na kusinera dito." sabat naman ni Anne."Teka bakit kasama ka dito, di ba sinabi ko na sa labas ka na lang maghintay.""Eh Senyora ayaw bitiwan ni Berry ang kamay ko oh!" sagot
Nagsimulang ipahanap ni Jayden si Berry sa probinsiya ng dalaga. Ginamit niya ang mga koneksyon niya na alam niyang makakatulong sa kanya sa madaling paghahanap kay Berry doon.Nag request din si Jayden sa owner ng subdivison na makita ang record ng cctv kahapon simula ng oras na nakalabas ng gate si Berry. Nakita niyang sumakay ng taxi ang dalaga at kinuha niya ang plate number ng taxi.Tinawagan niya si Julius dahil maraming kakilala si Julius sa Land Trans Office. Humingi siya ng tulong sa kaibigan na malaman kung sino ang may ari ng taxi at makuha ang address.Dahil sa nagtataka si Julius sa kanya ay hindi siya tinigilan sa pag uusisa nito. Kaya pinapunta niya na lang sa bahay niya si Julius at nagpasundo. Habang nasa byahe sila papunta sa address ng may ari ng taxi na ibinigay ng kaibigan ni Julius ay nagkukwento naman si Jayden."Nakakabilib din ang Berry mo, malakas din ang loob kahit wala siyang mapupuntahan at kakilala sa labas ay lumayas pa rin sa poder mo. Yung ganoong klas