Pagpasok nila Berry sa loob ng club na pinasukan nila ni Aling Cristy ay pinaupo muna silang dalawa ni Marife sa isang sulok habang kinakausap ng ginang ang isang babae na panay ang sulyap sa pwesto nilang magkaibigan.
"Berry, masama ang kutob ko rito. Kinakabahan talaga ako!" kabadong saad ni Marife sa kaibigan."Hindi naman siguro tayo ibebenta ni Aling Cristy dito? wag kang ganyan Fe, kase nakakaramdam na rin ako ng takot ng dahil sa sinasabi mo. Ngayon lang ako nagtiwala sa ibang tao, sana naman ay hindi niya tayo lokohin," pabulong na wika ni Berry kay Marife."Kung sakali man na tama ang kutob ko, wag kang lalayo sa akin ha! palagi ka lang sa tabi ko, okay?" bilin ni Marife kay Berry na tumango naman."Oo, Marife. Ayokong magkahiwalay tayong dalawa. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala ka sa tabi ko. Huwag mo kong iiwan ha!" pakiusap naman ng dalaga sa kaibigan na hinawakan siya nito sa kamay ng mahigpit.Muli nilang sinulyapan ang pwesto ni Aling Cristy na nakamasid pala sa kanilang dalawa. Nginitian sila at nilapitan ng ginang at inaya silang samahan itong magbanyo."Baka naiihi na kayong dalawa, pupunta ako ng banyo, samahan na ninyo ako," pag-aya ng ginang sa dalawa."Sige po Aling Cristy, kanina pa nga po ako naiihi. Fe, tara ihi na tayo," aning wikang pag-aaya na rin ni Berry na tinanguan ni Marife at sabay na silang tumayo at sumunod kay Aling Cristy patungong banyo.Magkakasabay silang pumasok sa loob ng banyo at pinauna na silang dalawa ni Aling Cristy na umihi dahil dalawa lang naman ang cubicle sa loob. Pagkalabas ng magkaibigan ay wala na roon ang ginang.Kinabahan bigla si Marife kaya mabilis siyang lumabas ng banyo upang tignan kung naroon sa labas si Aling Cristy. Nakasunod naman agad si Berry sa kanya at hinanap din ang ginang.Inilibot nila ang kanilang paningin sa loob ng club pero hindi na talaga nila makita si Aling Cristy."Si Aling Cristy ba ang hinahanap ninyo? wala na siya, nakaalis na. Iniwan na kayong dalawa rito. Nabayaran na siya ng amo namin kaya pinapadala na kayong dalawa sa pugad," aning turan sa kanila ng isang maskuladong lalaki na kanina ay nakita nila at nadaanan sa labas ng entrance ng club."Ano?! teka, anong ibig mong sabihin na iniwan kami rito at binayaran si Aling Cristy ng amo ninyo?" takang tanong ni Marife sa lalaking kumausap sa kanila."Hindi n'yo ba nakukuha ang ibig kong sabihin? illegal recruiter si Aling Cristy, dinala n'ya kayo rito sa club para pagkakitaan at magtatrabaho kayong dalawa rito bilang mga entertainer at dancer," seryosong sagot ng lalaki kay Marife."Tang ina! sinasabi ko na eh! may mali talaga sa mga kilos ng walang hiyang babaeng 'yon! tama ang hinala ko, sinabi ko na kase sa 'yo Berry nung una palang na makilala natin siya na hindi katiwa-tiwala ang hilatsa ng mukha ng hayup na babaeng 'yon, pero pinagkatiwalaan mo pa rin," nanggagalaiti sa galit na wika ni Marife."Fe, bakit tayo iniwan ni aling Cristy dito? at anong sinasabi niya na dito tayo magtatrabaho? di ba ang sabi ni Aling Cristy sa atin ay ipapasok niya tayong tindera ng mga damit sa kapatid niyang may RTW store dito sa Maynila. Hindi naman niya sinabi na dito niya tayo dadalhin, bakit niya tayo iniwanan dito? Fe, ayoko rito, ayokong magtrabaho sa ganitong lugar," natatakot at kinakabahang saad ni Berry."Hindi kayo makakaalis sa lugar na ito hangga't hindi ninyo naibabalik ang ibinayad ng boss namin sa nagdala sa inyo rito. Kung may pera kayo na ten times ang balik sa hininging kabayaran sa inyo ni Aling Cristy ay makakalaya kayo ngayon din, May pera ba kayo?" Natatawang turan sa kanila ng lalaki.Umawang ang bibig ni Marife at naguguluhan naman si Berry sa sinabi ng bouncer ata ng club dahil halata sa laki ng pangangatawan nito."Teka lang ha! bakit naman ganoon si Aling Cristy ang binayaran ng amo ninyo at hindi kami at wala kaming alam sa pinag-usapan ng amo ninyo at ni Aling Cristy, bakit kami ang magbabayad nun? isa pa hindi namin kaano-ano ang demonyitang babae na 'yon, kaya wala siyang karapatan na gawin ito sa amin ni Berry," pasigaw ng angil ni Marife."Miss, wag mo 'kong sigawan dahil kapag ako napikon baka masaktan kayo ng kasama mo!" pagbabanta ng lalaki kay Marife kaya napahawak si Berry sa kaibigan at pinatitigil na nito si Marife."Sampung libo ang bawat isa sa inyo, kaya kung gusto talaga ninyong makaalis sa club na ito ay ibalik ninyo ang pera ng ten times sa naibayad na kay Aling Cristy. One hundred thousands ang ipangtutubos ninyo sa mga sarili ninyo," wika pa ng lalaki sa kanila."Wala kaming pera, halata naman na mahirap lang kami di ba! kaya paano namin mababayaran ang hinihingi ninyo. Mga walanghiya kayo, pakawalan ninyo kami rito o magsasampa kami ng kaso!" galit pa ring turan ni Marife habang si Berry ay nagmamatyag lang sa nangyayari."Kaya nga magtatrabaho kayo rito sa club hanggang sa mabayaran ninyo ang isang daang libo. Saan ka magsusumbong, sa mga pulis dito? nagpapatawa ka miss?! hawak namin ang mga yun at kahit kanino ka magsumbong ay walang maniniwala sa iyo dahil may pinirmahan si Aling Cristy kanina bago siya umalis. Hindi ang club ang makakasuhan, tanging si Aling Cristy lang, gets mo?" mahabang paliwanag ng lalaki kay Marife.Sinamaan ng tingin ni Marife ang bouncer at yumakap kay Berry na halata na ang takot sa mga mata nito kanina pa. Nilalakasan lang ni Marife ang loob para kay Berry dahil alam niyang hindi ito sanay sa ganoong sitwasyon."Okay ka lang Berry?" tanong ni Marife."Fe, ipaliwanag mo sa akin ang pinag-uusapan ninyo, nalilito ako kung bakit ang sabi niya ay dito tayo magtatrabaho?" naguguluhang tanong ni Berry sa kaibigan.Napabuntong hininga si Marife at pumikit. Pagdilat ng mata ay ibinagsak naman ang mga balikat. Hinarap si Berry at mahinahong kinausap."Berry, naibenta na tayo ni Aling Cristy sa may ari ng club na 'to. Binayaran nila si Aling Cristy ng bente mil kapalit ng pagtatrabaho nating dalawa sa lugar na ito. Naiintindihan mo ang sinasabi ko? ibinenta tayo ng babaeng 'yon ng walang pahintulot nating dalawa, hindi tayo makakaalis sa lugar na ito kung hindi natin maibabalik ang perang ibinayad nila kanina kay aling Cristy at ang masaklap pa ten times ang patong, tig isang daang libo ang babayaran natin sa kanila. Wala tayong pera at saan natin kukunin ang pambayad? Tang ina lang talaga! mapapatay ko sa sabunot ang Aling Cristy na yun kapag nakita ko siyang muli," mahabang paliwanag ni Marife kay Berry. Tumulo naman ang luha ng dalaga at yumakap kay Marife."Tama na yan! bitbitin n'yo na ang gamit ninyo at ihahatid kayo ni Allan si bahay na tutuluyan ninyo. Magpahinga na muna kayo roon at mamaya ay babalik kayo rito para simulan ang trabaho ninyo," wikang utos ng lalaki sa kanila."Hindi, ayoko.., hindi kami sasama sa bahay pugad na sinasabi mo!" lakas loob na sigaw na sabi ni Berry ng harapin niya ang lalaking nagsalita."Ah matapang ka rin pala ha!" aning turan ng lalaki at binunot nito ang baril sa likurang bahagi ng katawan nito at mabilis na nahila si Marife palapit sa maskuladong katawan nito at itinutok sa ulo ni Marife ang dulo ng baril.Napapikit ang mata ni Marife sa takot at kaba at si Berry ay nataranta sa mabilis na kilos ng lalaki."Huwag! parang awa mo na, wag mong ipuputok yan! Oo na, sige na, sasama na kami. Pakiusap wag n'yo kaming patayin ng kaibigan ko," sobrang takot na saad ni Berry.Napangisi ang lalaki at mahinang itinulak si Marife. Ibinalik din ng lalaki sa pagkakasukbit ang baril sa likuran nito.Napayakap agad si Berry kay Marife at napahagulhol na ng iyak.Nahintakutan din si Marife ng tutukan siya ng lalaki ng baril kaya hindi siya makaalma kahit sa loob niya ay naghihimutok sa galit ang kanyang kalooban. Gusto niyang tumakas pero hindi niya magagawang iwanan si Berry. Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Marife at dinampot na ang bag niya."Huwag ka ng umiyak, okay lang ako. Sumama na tayo sa kanila Berry," pagpapatahan ni Marife sa kaibigan.Tumigil sa paghikbi si Berry ng marinig ang sinabi ni Marife at napatitig siya sa mukha ng kaibigan. Dinampot na rin ni Berry ang bag niyang dala."Wilmer, ano na? hindi pa ba tapos ang dramahan ninyo diyan? tumawag na si Madam Lorena at ipinahahatid na ang dalawang iyan sa pugad," aning wika ng lalaking kakapasok lang."Tapos na Allan, kayo na ang bahala sa dalawang ito. Higpitan ninyo ang bantay at mukhang balak tumakas pa nito. Malintikan kayo kay boss kapag nakatakas ang mga ito," bilin ng lalaking Wilmer ang pangalan at kanina pa kumakausap kina Marife at Berry.Pagkababa nila Jayden at Berry sa hagdan na akay ang kanilang kambal ay napaiyak ang Mommy Sandra ni Jayden na pinatatahan ng kanilang Daddy na nasa tabi ng Mommy nila. "Mom, Dad," bati ni Jayden na mababanaag sa mukha nito ang sobrang saya ng makita sila. "Tita Sandra, Tito Jasper," nahihiyang bati ni Berry na hindi makatingin sa mga mata ng mga magulang ni Jayden. "Berry, Iha, na miss kita! Napakaganda mo na noon mas gumanda ka pa ngayon. Hiyang ka sa pagkakaroon ng anak. Sila na ang mga apo naman di ba?!" "Yes po Tita Sandra, si Jay-Dee po at si Jay-Vee." nagagalak na ipinakilala ni Berry ang kambal sa kanilang Lola. "Twin's, sila ang parents ng Daddy ninyo kaya grand parent's din ninyo sila katulad ni LoloDad na Daddy ko naman." pagpapakilala at paliwanag na rin ni Berry sa dalawang bata. "Hello po! MommyLa, DaddyLo. nice to see you po." saad ng isa sa kambal. "Mom, Dad, siya po si JV. May balat po siya sa braso." aning saad ni Jayden upang malaman ng magulang nito agad kun
Nakabalik ng bahay sina Don Alejandro ng bandang hapon na nga. Inantok na kase ang kambal kaya nagpasya na silang umuwe na. Nakaabang naman na sa labas ng pinto ng bahay sina Jayden at Berry dahil naabisuhan na sila ni Jade. "Mommy..,!" "Daddy..,!" Pasigaw na sambit ng kambal ng bumukas ang pintuan ng van na sinakyan ng mga ito ng makita silang dalawa na nakalapit na sa van. Dahil mga nakaseatbelt pa ang mga bata ay excited na nagkakakawag ang kambal sa kinauupuan ng mga ito. "Wag malikot, wait lang mga pogi kong pamangkin. Jayden, ikaw na nga kumuha sa mga anak ninyo." saad ni Jade na ikinalapit naman agad ni Jayden na tinulungan na rin ni Berry. "Daddy, Mommy, Me and JD eat french fries and hotdog with LoloDad and Tita Jade." masayang pagkukwento ni JV kaagad. "And we play also in jumping gym, Mommy. Nag slide kami ni JV and tita Jade." saad naman ni JD. "Wow, mukhang nag enjoy ang twins ni Mommy ah! Next time, sama kami sa inyo ni Daddy ha!" nakangiting wika ni Berry na haw
"Anong oras na?" tanong ni Berry matapos ang huli nilang rounds sa ibabaw uli ng kama. "Magtatanghali na." "Hala ang kambal," "Nasa mall sila kasama ni Jade at ng Dad mo. Umalis sila kanina pa. Nag chat sa akin si Jade kaya okay lang kahit na mamaya pa tayo lumabas ng kwarto mo. Maghapon daw muna sila sa mall mga alas kwatro na raw sila babalik dahil nag i enjoy ang mga anak natin sa jumping gym ng mall." "Ah, hindi ka ba nagugutom? wala pa tayong agahan at magtatanghali na ang sabi mo." "Busog na busog naman na ako sa iyo." nakangiting sagot ni Jayden. "Pero gutom na ako. Pwedeng bang ikaw na lang muna ang bumaba nahihiya ako sa mga kasambahay." "Jade, wala kang dapat na ikahiya alam nila na ako ang ama ng kambal. Kaya sure akong kahit na isipin nila na may nangyari sa atin sa loob ng kwartong ito ay hindi na big deal sa kanila iyon." "Mamayang gabi pupunta dito sina Mom at Dad at mamanhikan na sila para pag usapan ang magiging kasal nating dalawa at makilala na rin sina JD
Unang nagising si Jayden sa kanilang dalawa at palagay niya ay maliwanag na sa labas. Napangiti siya ng masilayan niya ang mukha ni Berry at nakayakap sa kanyang katawan ang babaeng mahal niya. Hinagkan niya sa ulo si Berry at inayos niya ang kumot na nakapatong sa katawan nito na nakalihis.Bumangon muna si Jayden upang umihi sa banyo at maligo na rin ng mabilisan dahil medyo nanlalagkit ang kanyang balat.Paglabas niya ng banyo ay hinanap niya sa bulsa ng pantalon niyang hinubad kagabi ang kanyang cellphone.Binasa niya ang mga message na na send sa cellphone niya at nabasa niya ang chat sa kanya ni Julius, ng Mommy niya at ni Jade.Umalis raw ang kanyang kapatid kasama sina JD, JV at si Don Alejandro. Nagpunta sa isang sikat na fast food chain upang mag breakfast at pagkatapos daw ay didiretso na ng mall dahil alas nuebe pa raw ng umaga magbubukas iyon. Hindi na sila pinaistorbo ni Don Alejandro dahil sigurado raw ang matanda na pinuyat ni Jayden ang unica iha ng Don.Napangiti si
Nagpatiunang maglakad si Berry pataas at sumunod naman si Jayden na nag init ang katawan at mabilis ang pintig ng puso. Ganun din ang nararamdaman ni Berry na para siyang biglang lalagnatin. Pagpasok nila sa loob ng silid ni Berry ay inilock agad ni Jayden ang pinto at hinawakan ang isang kamay ni Berry. Napatingin si Berry sa mga mata ni Jayden at para siyang hinihila ng lalaki hanggang sa maglapat ang kanilang mga labi. Para silang mga uhaw na uhaw na matagal na nanabik sa bawat isa kung maglalaplapàn ng kanilang mga bibig. Binuhat ni Jayden ang katawan ni Berry na ang mga binti nito ay nakapulot sa baywang niya habang sila ay naghàhalikàn pa rin. Ibinababa ni Jayden pahiga si Berry sa ibabaw ng malambot na kama at mabilis na naghubad ng mga saplot habang siya ay tinititigan ni Berry. Tumayo si Berry at kusang hinubad ang kanyang mga suot, bra at panty lang ang naiwan at naglakad papasok sa loob ng banyo na sinundan din ni Jayden agad. Nahubad na ni Berry ang kanyang mga under
Matapos ang ilang minutong pag uusap nilang lahat sa sala ay naging maayos at malinaw na ang lahat sa kanila. Official ng nagkabalikan sina Jade at Jayden at bago umalis ang magkaibigang Marco at Lawrence ay ipinaalala uli ng kuya ni Berry ang bilin nito kanina kay Jayden na ikinaningkit ng mata ni Berry sa nakatatandang kapatid dahil wala itong preno sa pagsasabi kahit na naroon sa harap nila sina Marco, Jade at Don Alejandro. Nagpaalam na rin si Don Alejandro na matutulog na dahil maghahating gabi na rin kaya talaga antok na ang matanda. Si Jade ay sa silid ng kambal natulog dahil iyon ang gusto nito. May malaki kaseng sofa bed sa loob ng silid ng mga pamangkin niya na parang pinasadya talaga ng makita niya iyon kanina. Palagay ni Jade ay para talaga iyon kay Berry kapag gusto nitong doon sa silid ng mga bata matulog. Hindi na nagtanong si Don Alejandro kung saan matutulog si Jayden ng magpahatid ito kay Lara sa kwarto kasunod si Jade na umakyat na rin sa itaas. "Pwede na ba tayo