Home / Romance / BROKEN HEARTS AND PROMISES / 4. TRAPPED SERIES#5

Share

4. TRAPPED SERIES#5

Author: SEENMORE
last update Last Updated: 2024-06-15 12:41:59

[Gail]

Imbis mataranta ito sa kanyang pagsigaw ay narinig niya ang mahina nitong pagtawa, parang natutuwa pa sa kanyang pagkataranta at takot. Dahil sa panginginig ng kanyang katawan sa takot ay hindi niya magawang habulin ito at humingi agad ng tulong... naiwan siyang tulala at shock sa nangyari.

Hindi pa nangyari na hindi siya nakinig sa mga lessons sa buong buhay niya. Pero ngayon, heto siya at lutang... naiiyak sa nangyari kahapon. Hanggang ngayon ay dama niya ang mainit nitong kamay na dumampi sa gilid ng balakang niya.

'Walang hiyang lalaki 'yon!'

"Bakit ba hindi kayo naniniwala sa akin, Sir? I swear, may lalaking pumasok sa ladies restroom at... at tinulungan niya akong magsuot ng underwear ko!" Namumula ang pisngi na ulit niya.

Kanina pa siya narito sa istasyon ng pulisya, nagsusumbong, at binibigay lahat ng detalye na kanyang natandaan. Pero imbis na tulungan ay ginigiit ng mga ito na walang pumasok sa restroom na iyon.

"Miss, baka nobyo mo lang ang kasama mo do'n. Naku, miss... kung ako sayo ay mag aral ka nalang muna ng mabuti. Masyado ka pang bata para makipagnobyo!"

Kumuyom ang kanyang kamao. Mukha ba siyang nagsisinungaling?

"Kung gusto ninyo ay pwede ninyong i-check ang CCTV sa lugar, Sir. Saka ninyo sabihin sa akin 'yan kapag napanood niyo na ang footage ro'n... I'm not lying, I am telling the truth!" Giit niya.

"Sir!" Agad na nagsi-saludo ang mga ito ng biglang dumating ang isang gwapong pulis na mayro'ng kulay asul na mata.

"Check the CCTV you moron! Paano ninyo mapapatunayan na nagsasabi ng totoo ang batang iyan kung wala kayong gagawin?!" Malakas na bulyaw ng lalaki sa mga pulis na kasamahan. "Bumalik ka bukas, bata. Tatawagan ka nalang kapag na-confirm na ang sumbong mo." Sabi ng lalaki sa kanya.

Kung kasama niya si Nerissa ngayon, sigurado na nagtatalon ito sa kilig. Sobrang gwapo ng pulis na kaharap niya ngayon... parang prinsepe sa kagwapuhan. Maihahambing sa lalaking nakita niya sa Z-mall.

Napabuntong hininga siya. Akala niya wala nang makikinig sa kanya pero mayro'n pa pala. May inis na tiningnan niya ang mga naunang pulis na sinumbungan niya ng reklamo. Inuna pa ang pangaral at haka-haka kaysa ang umaksyon.

"Si Ate Zera po? Si dad?" Tanong niya agad ng makauwi.

"Wala pa ho si Ma'am Zera, ang daddy niyo naman ay umuwi na kanina. Pero nagkaro'n siya ng urgent meeting sa China. Hindi ba siya tumawag sa'yo, Ma'am Abigail?"

Nagmamadali siyang umakyat sa kwarto para magcharge ng cellphone. Tama nga siya ng hinala, maraming text messages ang kanyang ama. Pagkatapos magpadala ng message na nakauwi na siya ay agad siyang naligo— hindi lang isang beses, kundi apat na beses pa. Maisip palang niya ang paghawak sa kanya ng lalaking 'yon ay nangingilabot na siya.

Kailangan na mahuli ang lalaking iyon bago pa makabiktima ng iba. Mabuti nalang at hanggang gano'n lang ang ginawa sa kanya... paano kung higit pa? Nakadama na naman siya ng kilabot.

'Di bale, mahuhuli din naman ang lalaking 'yon.

Iyon ang akala niya. "Po? Ano ang ibig ninyong sabihin na walang nakita sa CCTV footage? That's impossible!" Aniya na hindi maipinta ang mukha.

"Eh 'yon ang sinabi ni Sir Alejo... nagkakamali ka lang daw, Miss. Teka, nari'yan na pala si Sir Alejo... bakit hindi mo siya tanungin para maniwala ka na iyan ang sinabi niya." Wika ng pulis sabay turo sa lalaking may kulay asul ang mata na kadarating lang.

Sumaludo ang lahat ng naroon. Mukhang mataas ang posisyon ng lalaking ito dahil ginagalang ito ng lahat.

Nang mapatingin sa kanya ang lalaking may asul ang mata ay napailing ito.

"Sir, tungkol sa sinasabi kong lalaki na—"

"Oh, that fvcker?" Putol ng lalaki sa kanya. Umiling-iling pa ito na animo'y nagpipigil ng ngisi. "Just imagine that he is a mosquito, a mosquito that surely come back for you from now on..."

Errr... ano daw? Sinasabi ba nito na isipin niya na insekto ang lalaking 'yon? "Sandali po!" Tawag niya sa lalaki, pero nakalayo na ito.

Sobrang sama ng loob niya habang pauwi. Dapat siguro ay sinabi niya sa kanyang ama ang nangyari para may kasama siya na magsampa ng reklamo. Porke bata siya ay hindi siniseryoso.

Umiling-iling siya. Hindi pwede!

Sigurado na kapag sinabi niya ang tungkol sa bagay na ito ay baka umuwi agad ito. Inis na tiningnan niya ang Police station kung saan siya nanggaling.

"Akala ko pa naman matino ang lalaking 'yon, pero mukhang mali ako dahil katulad din siya ng ibang pulis." Niyakap niya ang sarili ng makaramdam ng kilabot. Pakiramdam niya ay mayro'ng nakasunod ng tingin sa kanya.

Paano kung nasa paligid lang ito? At dahil nalaman nito na nagreport siya ay tambangan siya at i-salvage?

"Oh my god," pinilig niya ang ulo. "Kasalanan 'to ng lalaking iyon. Kung ano-ano na tuloy ang iniisip ko." Aniya bago nagmamadaling pumara ng taxi.

SEENMORE

Thank you sa po mga readers ko na talagang nakasuporta🫶

| 19
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BROKEN HEARTS AND PROMISES   112. Wakas:

    WALANG patid ang pagluha niya habang nakatingin sa puntod ng mga ate niya. Akala nila ay napakaswerte nila dahil nakatagpo sila ng mabuting tao na umampon sa kanila, ngunit mali sila. Para sa mga batang iniwan at pinabayaan ng tunay na mga magulang, gusto lang naman nila magkaroon ng magulang na tatanggap at mamahalin sila. Kanina pa tahimik na umiiyak si Junli. Sobra itong nasaktan sa nalaman. Hindi pala ito iniwan ng ate niya. Doble ang sakit na naramdaman nito ng malaman na nagdadalantao pala ang ate niya. Alam niya na kung nasaan man ang ate Marian niya ay masaya ito dahil nakatagpo si Junli ng mabuting babae. Nakakabilib si Joana, kahit sa pagluluksa sa first love ng asawa ay kasa-kasama ito. Si Coby naman, nasa kalayuan. Masaya ito dahil nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ate Zera niya. Pero batid niya na nasasaktan parin ito sa sinapit ng ate niya. Mahal na mahal rin nito ang ate Zera niya dahil kung tutuusin ay pwede itong umalis ng bansa at tumakas. Pero hindi nito g

  • BROKEN HEARTS AND PROMISES   111. TRAPPED SERIES#5

    Sobra ang kaba niya na baka magduda ang mga lalaking kasama nila ngayon. Buti nalang at ‘mukhang hindi sineryoso ng mga ito ang sinabi ng anak ni Nerissa. Sino nga naman kasi ang tatawagin niyang ‘fafa’ dito bukod sa kanyang ama. “Hoy, lakad na! Kanina pa naghihintay sila ma’am at sir sa sala!” Pinigilan niya ang sarili na huwag sipain ang lalaki. “Mamaya ka lang talaga sa aking lalaki ka. Pababalatan talaga kita kay Miguel mamaya.” Mahinang bulong niya. “May sinasabi ka?!” Bulyaw pa nito sa kanya. Hindi lang siya ang napangiwi, maging ang lalaking papakasalan niya. Paano ay nagtalsikan ang mabahong laway ng lalaki sa mukha nila. “Patawad, oh Diyos ko.” Napapantastikuhang tumingin siya sa lalaking papakasalan niya na ngayon ay nauna ng umalis sa kanya. Kanina pa niya napansin na panay ang sign of the cross nito. Mukhang sobra ang takot nito at tinatawag na ang lahat ng santo. Pagdating sa sala ay naabutan niya si Nerissa na kasama ang daddy niya. Natigilan siya at nagp

  • BROKEN HEARTS AND PROMISES   110. TRAPPED SERIES#5

    DINALA siya ng mga lalaki sa kwarto sa itaas ng kwarto ng daddy niya. Padaskol siyang itinulak ng mga ito at hinagis ang isang malaking kahon sa kanya. “Suotin mo daw ang laman niyan sabi ni ma’am Nerissa. Wag mong subukan na sumuway kung ayaw mong kami pa ang magpalit ng damit mo.” Napaatras siya ng pasadahan nito ng tingin ang katawan niya. “Ayaw mo naman siguro na kami pa ang magbihis sayo?!” Malakas na sinara niya ang pinto ng kwarto. “Mga manyakis!” Kung may load lang sana ang simcard ng ate Zera niya ay nakahingi na sana siya ng tulong. Kung hindi lang sana dumating ang daddy niya ay nailagay niya sana ang simcard sa cellphone nito. Pero sadyang ang malas niya dahil naabutan siya ng daddy niya at ni Nerissa. Pinahid niya ang luha na hindi niya namalayan na naglandas sa kanyang pisngi. Nang mapatingin siya sa kamay ay saka lang niya napansin na sobrang nanginginig na pala siya. Sana pala ay nakinig siya kina Joana at Junli na wag magpadalos-dalos at pumunta dito. Hindi

  • BROKEN HEARTS AND PROMISES   109. TRAPPED SERIES#5

    NATUMBA ang daddy niya sa lakas ng hampas niya. Nabitiwan niya sa takot ang hawak na kawali ng makita niya na dumudugo ang ulo nito habang walang malay. Naghanap siya ng tali at ng makakita ay itinali niya ito. Baka kasi magising ito at makatakas. Kailangan niyang makasiguro na hindi ito makakatakas. Pagkatapos itali ng mahigpit ang kamay at paa ay kinapa niya ang bulsa nito para kunin ang cellphone nito. “Thanks god!” Aniya ng makuha ang cellphone nito. Kailangan niyang tawagan si Miguel para ipaalam kung nasaan siya. “Shit!” Napasigaw siya sa inis ng makitang may password ang cellphone nito. Hindi ito gumamit ng fingerprint o face unlock kaya hindi niya ito mabuksan. Sinubukan niyang buksan ito gamit ang lahat ng pwedeng i-password nito pero wala talaga. Ang malas naman! Nakakainis! Sandali siyang napaisip. “Sa kotse!” Tama! Sigurado na may charger ito sa sasakyan nito. Wala siyang sinayang na sandali. Agad siyang lumabas para puntahan ang sasakyan nito. Dahil nakuha niya a

  • BROKEN HEARTS AND PROMISES   108. TRAPPED SERIES#5

    ‘WAG KANG magpapahalata na alam mo na ang lahat, Gail!’ Aniya sabay kagat ng malakas sa loob ng kanyang bibig. Kailangan niyang labanan ang takot at kaba niya para hindi ito makahalata. Kunwari ay bumuntonghininga siya. “Tama ka, dad. Hindi dapat paniwalaan ang lalaking ‘yon. Siya ang dahilan kaya naging gano’n ang ugali ni ate Zera. Biruin mo ‘sinabi niya sa akin na pinatay daw si ate Zera dahil may nalaman si ate na sikreto ng pamilya natin.” Kunwari ay tumawa siya. “Mukhang nababaliw na talaga ang lalaking ‘yon. Inutusan oa niya ako na kunin ang mga gamit ni ate Zera para patunayan sa akin na totoo ang mga sinabi niya. Anong akala niya sa akin? Tanġa na maniniwala sa mga sinasabi niya?” “Kung gano’n ay bakit mo dala ang mga gamit ng ate mo?” Walang kangiti-ngiti na tanong ni Hector na may duda sa ikinikilos ng anak. Lihim siyang napalunok. “Ah ito ba, dad? Pumunta kasi ako dito para alamin kung may pwede pa akong mapakinabangan na gamit dito. Nasunugan kasi ang pamilya ng d

  • BROKEN HEARTS AND PROMISES   107. TRAPPED SERIES#5

    Bumuga ng hangin si Gail habang nakatingin sa bahay-bakasyunan nila dito sa Zambales. Padilim na. Pagod pa siya dahil sa biyahe pero wala siyang panahon para magpahinga. Kailangan niyang malaman kung ano ba ang meron dito para matakot ang ate Zera niya para sa kanya, ano ba ang nalaman nito na humantong sa pagkamatay nito. Tinatanggi ng utak at puso niya ang mga sinabi ni Coby tungkol sa daddy niya. Patutunayan niya na hindi iyon totoo. Patutunayan niya na walang dapat ikatakot sa lugar na ito. Ito talaga ang tunay na dahilan kaya siya narito—ang patunayan na hindi magagawa ng kanyang ama ang bintang nito. Mabilis na nagtago siya sa likuran ng sasakyan ng makarinig ng yabag. “Aalis na ako, Hector. Pumunta lang ako dito para bigyan ka ng babala. Makabubuti kung susundin mo ang mga sinabi ko sayo. Hindi ka na ligtas sa bansang ito.” Hindi siya pwedeng magkamali. Ito ang kaibigan na doktor ng daddy niya na pinakilala sa kanila noon. “Bye, daddy!” Napaawang ang labi niya ng mak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status