Share

CHAPTER 2

Aalis ka pa ba?” tanong ni Elia sa kaniya ng dumaan ang mahabang sandaling katahimikan sa pagitan nila.

Sa halip na sagutin niya ang kakambal, tumayo siya para hayunin ang pinto ng balkonahe. Gusto niyang ihinga ang lahat ng nararamdaman niya. Pakiramdam niya lumiit bigla ng kuwarto nito sa sinabi sa kaniya.

Oo, nanloloko sila sa tuwing nagpapanggap sila sa eskwelahan pero white lies 'yon. Hindi naman siya nagpanggap bilang Elia sa iba para manloko ng lalaki. Ni sa hinagap niya ay hindi niya gugustuhin na magustuhan siya ng ibang tao bilang si Elia. Ang gusto niya mahalin siya ng tao bilang siya, bilang Ellie.

Magkamukhang-magkamukha sila pero hindi ibig sabihin no’n ay okay lang na lokohin nila si Jojen.

Mahal niya ang kakambal, walang duda ‘yon. Ang hindi niya lang nagugustuhan ang paglilihim nito sa kaniya.

Though, Jojen is such a goodman, pero hindi sapat ‘yon para sumang-ayon siya sa gusto ng kapatid. 

Hindi niya gustong na may naargrabyado silang tao, lalo pa’t may ‘feelings’ na involve. Kahit hindi naman niya gusto si Jojen, hindi rin naman niya gustong paglaruan ang feelings nito.

Kaya nga ni minsan ay hindi niya ito pinapansin.

'Yon pala!

Natawa siya nang mapakla ng bigla niyang naalala kung papaano nag-alala si Jojen sa kaniya no’ng isang araw. 

Natamaan kasi siya sa ulo ng bola ng basketball no’ng nanood sila nina Averette at Lolli sa gymnasium. Nasa bandang unahan sila umupo para makita nila na maglaro si Ethan ang basketball boyfriend ni Lolli. Ewan ba niya, sa dinami-dami ng taong nanonood doon, ang ulo pa talaga niya ang napili ng bola na tamaan. Halos mahilo-hilo siya no’n, feeling nga niya nakakita siya ng mga star na umiikot-ikot sa ulo niya sa sobrang lakas.

Bago pa siya makapag-react sa nangyari ay may tao ng bumuhat sa kaniya. Ganoon na lang ang gulat niya na si Jojen ang taong ‘yon. 

Kaya pala!

Kahit anong palag niya kay Jojen para maibaba lang siya ay hindi nito ginawa. Katwiran nito ibaba lang siya kapag nasa loob na siya ng clinic.

Damn!

Ngayon, nauunawaan na niya kung bakit parang kabute si Jojen na basta na lang nasulpot kung nasaan siya. 

Naiinis na nga siya sa tuwing kinakantiyawan siya nina Averette at Lolli dahil sa tuwing natitisod o 'di kaya kailangan niya ng tulong ay to the rescue si Jojen sa kaniya.

Ika nga ng mga ito. "Jojen is her knight in shining armor."

Sa isip niya napailing na lang siya.

“Ellie, galit ka ba sa akin?” mahinang tanong ni Elia na may parang pangamba sa boses nito. 

Marahil iniisip nito na galit siya dahil sa biglaang pananahimik niya.

“Aalis ako, bahala ka na bukas. Tutal, may sarili ka namang desisyon ‘di ba?” Hindi niya ito nilingon para iparamdam na hindi niya gusto ang ginawa nito.

Ang ayaw niya sa lahat ay ang paglihiman siya ng taong pinagkakatiwalaan niya. Lalo pa’t kakambal niya ang gagawa no’n. 

She felt betrayed.

OA na kung OA pero hindi maganda sa pakiramdam niya ang gano’n.

Napabuntong-hininga siya at planong maglakad palapit sa balustre na hindi niya nagawa ng may naramdaman siya na dalawang braso ang yumakap mula sa likuran niya. Ang baba nito ay ipinatong sa kaniyang balikat. 

“Sorry, Bal. Hindi ko agad nasabi sa’yo ang tungkol kay Jojen, kasi alam ko naman na magagalit ka sa akin. I swear to God. Kung gaano ko siya iniwasan sa tuwing ako ang pumapasok sa eskwelahan mo, kaso… Talagang gusto ko rin siya, guwapo, mabait, matalino, at higit sa lahat napaka-gentleman niya. Ngayon, lang ako nakaramdam ng ganito. Kaya sana naman, hayaan mo muna ako na maging ikaw sa tuwing kasama ko siya. Sorry na! ‘Wag ka na magalit, please…”

Napairap na lang si Ellie at hinawakan ang mga braso nito na nakayap sa baywang niya. 

Elia is the most naturally sweet person that she has ever met. Palagi nito ginagamit ang sweet tone nito kung may mga bagay ito na gusto o ‘di kaya ay kung papaano ito magpaliwanag. 

Siya kasi ay hindi gano’n. 

Wala naman kasi siyang bagay na hindi nakukuha at hindi rin niya kayang mag-explain nang maayos, kaya madalas ay nawawalan na siya ng sasabihin at nananahimik na lang kaysa ipaliwanag ang side niya.

Sa isip niya kasi wala na siyang pakialam kung ano ang iisipin ng ibang tao sa kaniya. Dahil alam niya na the more mag-e-explain siya ay the more na pagdududhan ka. 

Less talk, fewer mistakes.

“Bal, sorry na! ‘Wag ka ng magalit. Please….”

Mabilis niyang inilayo ang mukha ng akma nitong hahagkan ang pisngi niya.

Papaano pa siya magmamatigas sa kakambal niya? Kung paulit-ulit itong humihingi ng kapatawaran.

Huminga siya nang malalim bago dahan-dahan na inalis ang braso nito at saka humarap. Hindi na siya nagulat ng makita niyang may luha ang magkabilang gilid ng mata nito.

Bukod sa pagiging mabait ni Elia ay iyakin rin ito.

“Ano pa nga ba gagawin ko, nandiyan na ‘yan! Ang ayaw ko lang, masaktan ka. Kung sakaling magtatapat ka kay Jojen na hindi ikaw, ako! Naiintindihan mo naman ako ‘di ba?”

“Oo. Alam ko naman ‘yon. ‘Wag kang mag-alala, magtatapat na rin naman ako kay Jojen. Naghahanap lang ako ng magandang tiyempo.”

“Magtapat ka na habang maaga pa, kasi, kapag pinatagal mo pa ‘yang pag-amin mo. Baka lalong mamuhi sa’yo ‘yong tao, naiintindihan mo ba ako? Baka isipin no’n plano natin na paglaruan ang feelings niya!” pamimilit niya pa sa kakambal. 

Hindi niya gusto na madamay pa siya sa galit ni Jojen if ever na mauna itong makatuklas sa sekreto nila bago pa magtapat si Elia.

Marahan na tumango si Elia bilang pagsang-ayon sa kaniya pagkuwan ay naglakad pahayon sa balkonahe. Tumingin ito sa ibaba bago siya nilingon. 

“Mukhang mahihirapan kang makatakas,” wika nito na ikinalapit niya sa kinaroroonan nito para tingnan kung bakit nito nasabi.

Napasapo siya sa noo ng makita na may dalawang sasakyan pa ang dumating sa bahay nila. 

Bukod kasi sa guard na nagbabantay roon sa gate nila ay may dalawang bodyguard pa ang dumagdag doon.

Papaano siya ngayon makakaalis? Kating-kati pa naman ang lalamunan niya sa alak.

Shit! Mahinang mura niya sa isipan.

“’Wag kang mag-alala, tutulungan kita para makaalis ka na,” nakangiting wika ni Elia habang nakatingin sa frustrated niyang mukha.

“Papaano mo gagawin ‘yon?” Nakakunot-noo niyang tanong sa kakambal.

Sa halip na sagutin ang tanong niya ay ngumiti lang ito at kumindat na parang may plano na ito na maganda. Naglakad si Elia papasok sa loob ng kuwarto mayamaya ay tinawag siya nito.

“Sure, ka ba sa gagawin natin?” nangangamba ni Ellie sa kakambal niyang si Elia.

“Oo, kaya ipanatag mo ‘yang sarili mo.”

Nasa ikalawang palapag sila ng mansyon sa bandang likuran kung saan makikita ang swimming pool area nila. Walang katao-tao roon dahil abala ang mga kawaksi nila sa pag-aasikaso sa mga dumating na bisita. Nasa living room pa rin ang magulang nila at mga bisita, na ewan ba niya kung kailan naman gabi, saka naman naisipan ng mga ‘yon na pumunta sa bahay nila.

Dapat sa mga oras na ito ay nagpapahinga na ang magulang niya

Ayaw man niya sa plano ni Elia pero wala naman siyang choice dahil wala na rin siyang puwedeng madaanan dahil puno ng bantay ang harapan ng gate nila. 

“Lia, hindi ba ako mamatay sa gagawin natin?” muli niyang tanong sa kakambal na abala sa pagtali ng lubid sa bakal ng balustre nila.

Tumingin ito sa kaniya at saka marahan na tumawa.

“Oo, madalas ko naman ito gawin lalo na kapag—”

“Ano! Tumatakas ka rin?” gulat niyang tanong sa kakambal.

Isang maharot na tawa ang pinakawalan ni Elia sa kaniya bago ipinagpatuloy ang ginawa. Hindi nito sinagot ang tanong niya na obvious naman na ginagawa talaga nito.

Sa kanilang dalawa ni Elia, ito kasi ang mahina ang loob at takot na makagawa ng bagay na ikakagalit ng magulang nila. Kaya hindi niya talaga aakalain na tumatakas din ito katulad niya.

Mataman niyang tiningnan ang kakambal na nakayuko pa rin ito habang hinihigpitan ang pagtali ng lubid.

Kung titingnan wala naman pinagbago ang kapatid niya pero bakit pakiramdam niya na may mga bagay ito na ginagawa nang hindi niya alam.

“Elle, tapos na ako. Ano tatayo ka lang ba d’yan at titingnan ako?” untag nito sa pagkakatulala niya.

Mabilis niyang ipinilig ang ulo para iwaksi ang mga naiisip pagkuwan ay lumapit sa kakambal.

Hinawakan niya ang lubid at hinatak-hatak para ma-check kung mahigpit ba ang ginawa nitong pagtali.

"Hold on... Is it safe?” mahinang tanong niya at sinusubukan na hilahin nang buong puwersa. 

Mahirap na mahulog pa siya at mapilayan. Ano na lang ang sasabihin ng mga taong makakakita sa kaniya? Tatakas na lang tatanga-tanga pa!

Tumawa nang mahina si Elia at tinapik pa ang kaniyang kamay.

“Ako na maunang bumaba para may aalalay sa’yo sa kapag tumalon ka,” anito at kinuha sa kamay niya ang lubid.

Mabilis ang kilos ni Elia na ikinamangha niya dahil ‘di niya aakalain na napakaliksi nitong kumilos at sanay na sanay na bumaba gamit ang lubid. Animo’y isa itong stunt woman sa isang pelikula na walang kahirap-hirap na bumaba. 

Napalunok pa siya nang biglang tumalon si Elia at tumingala sa kaniya. Kinawayan pa siya nito hudyat na siya na naman ang bumaba.

Hindi niya maiwasan na mapa-sign of the cross at huminga nang malalim. 

Oo, malakas ang loob niya at gumagawa siya ng mga kalokohan pero ang pagtakas ng ganito ay wala sa bokabularyo niya. Katwiran niya, kaya naman niyang umalis nang hindi nalalaman ng magulang niya sa maayos na paraan.

Si Elia ang lumalansi sa guard nila sa labas habang siya naman ay pasimpleng tumatakas. 

Inihagis niya kay Elia ang stiletto at sling bag pagkuwan ay humawak nang mahigpit sa lubid. Dahan-dahan ang ginawa niyang pag-akyat sa balustre. 

Pigil na pigil ang kaniyang paghinga habang buong lakas niyang ginagamit ang dalawang braso para bumaba nang paunti-unti.

“Talon, Elle!” mahinang sigaw ni Elia sa kaniya. 

Pumikit siya at huminga nang malalim bago lakas-loob na tumalon.

Shit! Mahinang pagmumura niya ng sumalampak ang pang upo niya sa bermuda grass.

“Okay, ka lang ba?” tanong ni Elia sa kaniya habang tinutulungan siyang tumayo.

“Sa tingin mo ba, okay lang ako?” balik niyang tanong dito.

Obvious naman na nasaktan siya, pero kung makatanong ito ay parang engot lang. 

“’Wag ka ng magsungit diyan,” wika nito sa kaniya na nagpatiuna ng maglakad pahayon sa may gilid ng swimming pool.

Sa may patio sila nakarating naglakad pa sila nang kaunti, bago tumapat si Elia sa pader na puno ng bougainvillea. Kumapa-kapa si Elia pagkuwan ay bumukas ‘yon. Isang secret door pala ang pader na ‘yon, sa tinagal-tagal niyang nakatira roon ay ngayon lang niya nalaman. 

“Tara na!” aya ni Elia sa kaniya na pumasok sa loob.

Ganoon na lang ang pagkamangha niya ng makita niya may sadyang daanan doon. Napapaligiran kasi ‘yon ng mga halaman kaya kahit sino ang makakakita iisipin na simpleng garden lang.

Napahinto siya ng huminto sa paglalakad si Elia.

"Bakit?"

“Buksan mo ‘yang pinto na ‘yan,” utos ni Elia sa kaniya at itinuro ang pinto na nasa unahan nito.

May gusto pa sana siyang itanong ay hindi na lang niya ginagawa sa halip ay sinunod na lang niya ito.

Binuksan niya ang pinto saka lang niya napansin na may sasakyan na nakahinto sa tapat no’n. Bago pa siya makapagtanong kay Elia ay itinulak na siya nito palabas ng pinto. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status