Share

CHAPTER 3

Napapikit si Ellie ng mawalan siya ng panimbang dahil sa lakas nang pagkakatulak sa kaniya ni Elia palabas sa secret door. Alam niyang susubsob siya sa lupa kaya mabilis niyang iniumang ang dalawang kamay para gawing pangtukod.

Hindi pa nga nakakatikim ng first kiss ang lips niya. Tapos ang lupa pa na agad ang makikinabang?

Hustisya!

Hindi siya madasalin na tao pero natawag na ata niya ang lahat ng santo para lang humiling na sana ay may isang superhero na sasalo sa kaniya. Na mukha naman dininig ni Papa God dahil may dalawang braso na sumalo sa kaniya.

“Yumz, are you okay?” nag-aalalang tanong ng boses na bumulong sa kaniyang tainga.

Ewan ba niya, kung bakit imbes na kiligin siya katulad ng mga babaeng napapanood niya sa mga pelikula, na kapag may natitisod ay sinasalo ng bidang lalaki ang engot na babae. 

Sa kaniya, hindi! 

Walang slow-motion at spark!

“Yumz,” ulit na tawag nito sa kaniya.

Biglang parang nataranta pa siya at nayamot, nang mas lalong siyang hinapit sa baywang na parang ikinukulong siya sa mga bisig nito. 

Dagling napaangat ang kaniyang mukha para tingnan kung sino ba ang walang tigil na kakatawag sa kaniya ng ‘Yumz.’ Though, may ideya naman siya kung sino ‘yon, pero gusto na lang niyang kumpirmahin kung tama ba ang hinala niya.

Napakunot-noo pa siya ng tumama ang hinala niya at nabungaran si Jojen na may pag-alala sa mukha nito. 

Bakit nandito ang lalaki? Tinawagan ba ito ng kakambal niya?

Pinasadahan niya ng tingin ang lalaki dahil ibang-iba ang pormahan nito sa karaniwang isinusuot nito sa eskwelahan. He was wearing a black shirt and maong pants na bumagay nang husto sa lalaki. 

Jojen is undeniably handsome. Kahit sinong babae ang makakakita sa lalaki, ay alam niyang hindi papalampasin na hindi sundan ito ng tingin, but not with her.

Hindi sa pag-iinarte pero nakakaramdam siya ng pagkailang lalo pa’t alam niyang hinapit siya nito nang husto. Halos nakayakap na ito sa kaniya.

Dahil sa suot niyang backless kaya ramdam niya ang mainit na palad nito na humahaplos sa likod niya

“Ammpp… J-Jojen, I’m fine.” 

Napapitlag pa siya ng parang bumababa ang palad nito kaya mabilis niyang tinapik ito sa balikat para matigil ito sa ginagawang paghaplos sa kaniya.

Ilang segundo bago siya nito pinakawalan. 

Unti-unti ang paglayo nito sa katawan niya pero ang kamay nito ay nanatiling nasa baywang niya. 

Sa ayos nila ay nakaramdam siya ng pagkaasiwa, dahil ang mga mata ni Jojen ay punong-puno ng paghanga na nakatingin sa kabuuan niya.

She is aware of how sexy and enticing her outfit is.

"JOJEN!" She snapped her finger in front of his face, para magising ang diwa nito.

"Yumz, I'm sorry. But you look so alluring in your dress. I can't help but start to be jealous now, wondering if someone might dance with you later."

Gustong mapaangat ng kilay ni Ellie sa narinig niya kay Jojen. 

Duh! ‘Di ba ito na-inform na kahit hindi ganito ang suot niya, ay maganda at kaakit-akit talaga siya! Kaya nga siya tinagurian na Campus Queen Bee sa Lincoln University dahil sa angking ganda at kaakit-akit na katawan. 

“So, anong gusto mo, magpalit ako ng damit at isama ka sa mga lakad ko? Kasi kung pakikialaman mo ang mga isusuot at gagawin ko. Aba’y dapat maghiwalay na tayo, Jojen. Hindi ‘yong ganito na parang gusto mo na akong pagbawalan,” paghahamon niya sa lalaki.

Tama! 

‘Yon ang gusto niyang mangyari ngayon, para hindi naman tumagal ang pagsisinungaling ni Elia sa lalaki. Kung ano ang magiging kahihinatnan nito sa buhay ng kakambal niya. For sure, naman. Ilang araw lang nito iindahin ang sakit at makaka-move-on din naman ito.

Napakamot sa batok ang lalaki at umiwas ng tingin sa kaniya.

“Yumz, you know how much I love you, right? Kung sa tingin mo pinagbabawalan kita sa mga isinusuot mo o sa paggimik mo, pasensiya na. Huwag mo na lang intindihin ang sinabi ko. Wala pa tayong 24 hours na mag-boyfriend, gusto mo maghiwalay na agad tayo? Akala ko ba susubukan mo ‘kong mahalin? Kahit alam kong napilitan ka lang sa akin, pinanghahawakan ko na mayroong tayo. At gagawin ko ang lahat para tumagal tayo.”

Biglang parang nakonsesiya si Ellie sa mga binitawang salita niya kay Jojen. Mataman niyang tiningnan ito, kaya hindi nakaligtas sa paningin niya ang namuong mga luha sa magkabilang gilid ng mata nito. Pagkuwan ay tumingala ito at nagpakawala ng isang buntong-hininga. 

Gano’n ba siya ka-love ni Jojen? Hindi makapaniwalang tanong niya sa isipan.

Napahinga nang malalim si Ellie.

"I apologies. Masyadong matabil ang dila ko, kaya kung anu-ano ang mga sinasabi ko na hindi agad pinag-iisipan, Kaya mo bang pakibagayan ang masama kong ugali,” dinaan niya sa pagbibiro ang tanong niya kay Jojen. 

Alam niya sa sarili niya na wala siyang gusto kay Jojen kahit katiting man lang, pero parang hindi niya kayang makita na may taong nalulungkot ng dahil sa kaniya. Kung wala lang siya siguro sa gilid nito baka biglang bumagsak ang luha nito na parang kanina pa gustong bumigay.

Huminga nang malalim si Jojen at pagkuwan ay tumingin sa kaniya, isang pilit na ngiti ang sumilay sa labi nito. 

Alam niya na pilit nitong tinatago ang sakit na nararamdaman nito.

Ang bibig naman niya kasi minsan parang machine gun.

“Let’s go, Yumz. Baka kanina ka pa hinihintay nina Averette at Lolli.” Pagtukoy nito sa mga kaibigan niya na kanina pa nasa bar.

Huminga muna siya nang malalim bago hinawakan sa kamay ang lalaki na ikinapitlag pa nito. Bigla pang napatingin si Jojen sa kaniya at iniangat pa nito ang mga kamay nila na magkahawak. 

‘Yong mata nito na parang nagtatanong, kung okay lang ba na magka-holding hands sila? 

Nakakaunawang tumango siya at ngumiti nang matamis sa lalaki para ipaalam na okay lang sa kaniya.

Iniisip na lang niya na isang malapit na kaibigan niya si Jojen para matanggal ang pagkailang niya lalo pa’t ipinagsiklop nito nang husto ang mga kamay nila. Iginiya pa siya nito sa harap ng kotse nito para pagbuksan at alalayang maupo sa passenger seat. Nang makapasok siya ay ito na rin mismo ang nagsara ng pinto bago ito umikot sa kabilang side para umupo na rin sa driver seat.

Napaatras pa siya sa kinauupuan niya ng bigla itong yumuko at lumapit nang husto. Buong akala niya ay hahalikan siya nito kaya mabilis niyang itinukod ang mga kamay para magkaroon ng distansiya sa kanilang pagitan.

“Relax. Ikakabit ko lang ang seatbelt mo, Yumz,” natatawang wika pa nito sa kaniya. Ang mata nito ay parang nanunudyo dahil sa bilis na ginawa niyang pagdepensa sa sarili. 

Napairap siya sa lalaki.

“Awat, na! Kung makatingin ka naman sa akin, parang ayaw mo naman akong mawala sa paningin mo?”

Tumawa ito nang mahina na hindi pa rin siya nilulubayan ng tingin nito. Gustong-gusto na naman niyang magtaray sa lalaki pero pilit niyang pinapaalalahanan ang sarili na hindi siya si Elia para saktan ang damdamin nito. 

“Hindi lang kasi ako makapaniwala na ang dating tinitingnan ko lang. Ngayon girlfriend ko na.”

Gusto ng barahin ni Ellie ang lalaki pero hindi na lang niya ginawa. Nakakaramdam na naman siya ng inis dahil parang hindi titigil si Jojen sa kakatingin sa kaniya.

Sarap tusukin ang mata.

“Ano na? Aalis ba tayo o bababa na lang ako para maghanap ng taxi? Andami mong sinasabi diyan!”

Natatawa itong lumayo sa kaniya at pagkuwan ay binuksan na nito ang makina. Napahinga nang maluwag si Ellie dahil mukhang takot din si Jojen na bumaba siya sa kotse nito.

Tahimik na tahimik sila sa loob ng kotse.

Habang seryosong nagmamaneho ang lalaki, si Ellie naman ay pasimpleng tinitingnan ito. Kinapa niya ang dibdib kung may kakaiba ba siyang nararamdaman para rito. Ipinaling niya ang ulo sa bintana habang ang kamay niya ay sapo pa rin ang dibdib.

Normal lang ang nararamdaman niya.

Ayon sa nabasa niyang libro na ‘love and destruction’

"Your heart will beat quicker when you find the right person for you. Everything around you appears to be moving slowly, and your surroundings appear blurred."

Kaya siguro normal ang tibok ng puso niya ay dahil hindi si Jojen ang lalaki para sa kaniya. 

Nakahinga siya nang maluwag. 

Ang pangit isipin na si Jojen ang magiging mitsa ng hindi nila pagkakaunawan ng kakambal niyang si Elia. Kung sakali man na magkakagusto rin siya kay Jojen.

“Yumz, were here.” Narinig niyang wika nito kaya napalingon siya sa lalaki at pagkuwan ay bumaling muli sa bintana.

Pinagloloko ba siya nito? 

Nasa parking lang sila ng Ozem Pub Club at medyo malayo pa ang entrance. Anong gusto nito? Paglakarin siya mula parking hanggang sa entrance?

Hell no!

She was wearing a three-inch stiletto. Tapos, maglalakad siya?

Oh, gosh!

“Nasa entrance sina Averette at Lolli. Kaya imbes na sa mismong entrance kita ibababa ay dumeretso na lang ako sa parking. Remember, your Rule #1: No one knows about our secret relationship, especially our close friends. Rule #2: Keep our relationship private because Rule #3: A secret life is a happy life. Ayaw ko sana ng Rule #1 natin. Kaso, alam ko naman na hindi ka pa-ready na ipaalam sa lahat na boyfriend mo ako." Parang may himig na pagtatampo sa boses ni Jojen na hindi na lang niya binigyan ng pansin.

“Bababa na ako, mag-iingat ka pauwi.” Mabilis niyang inalis ang pagkakabit ng seatbelt pagkuwan ay humawak sa handle para buksan na ‘yon.

“Yumz, okay lang ba na pumasok din ako sa bar. Okay lang, naman sa akin na hindi tayo magkasama sa table. Sa malayo na lang ako pupuwesto, para naman hindi ka mailang sa akin. Gusto ko kasi, na ako pa rin ang maghahatid sa’yo pauwi.”

“Ahh… Sige! Basta ‘wag kang gagawa ng eksena sa loob at ‘wag mo akong pakikialaman doon.”

Marahan na tumango si Jojen at mabilis humalik pa sa kaniyang pisngi. Bago pa niya ito masampal sa mukha ay nagmamadali siyang bumababa sa kotse nito. Walang lingon-likod na naglakad siya papalayo sa sasakyan nito. 

“Sis, you’re fucking late!” bungad agad na wika ni Averette sa kaniya. 

“Yeah, you’re late. Papaano tayo makakarami ng inom niyan,” sang-ayon pa ni Lolli.

Inis na napairap siya sa dalawang kaibigan.

Kung makasita ang mga ito sa kaniya parang na-El Niño ang mga lalamunan.

Patay alak, yern!

“Ano magkukuwentuhan na lang ba tayo rito o papasok na sa loob?” tanong niya sa mga ito na mukhang gagawa pa ng eksena sa labas ng OPC.

Hindi niya ma-gets ang mga utak ng kaibigan niya, puwede naman siyang hintayin sa loob ng bar, pero bakit nagtiyaga ang mga ito sa labas?

Maganda sana, kaso mga bobita!

Nagpatiuna na siyang maglakad papasok sa loob ng OPC habang ang mga ito na walang imik na sumunod na lang sa kaniya.

Agad silang sinalubong ng isang waiter para igaya sila sa magiging table nila.

"OMG! It is a great ambiance, and the atmosphere is perfect for our group. I recommend that my followers to come here,” namamanghang wika ni Averette. 

Mabilis na inilabas ni Averette ang cellphone para ma-i-live nito sa SKYline habang si Lolli naman ay walang tigil sa pagkuha ng mga picture nilang tatlo.

Kung may pagkakaiba silang tatlo ‘yon ay wala siyang hilig sa mga social media.

Averette Ruffo at Lolli Capistrano ay mga social influencer na may millions follower. Kaya bawat alis nila ay alam ng buong Lincoln University dahil sa mga ito na walang tigil sa pag-post.

Habang palalim nang palalim ang gabi ay pasaya nang pasaya ang pakiramdam ni Ellie. Parang hindi na ata sila umaalis sa dance floor, maraming gustong makipagsayaw sa kaniya pero dahil nakikita niya si Jojen na nakatanaw mula sa malayo. Kahit hindi naman niya talaga ito na boyfriend ay nirerespeto pa rin niya ito.

“Balik muna ako sa table natin. At o-order na rin ang ng maiinom natin,” paalam niya kay Lolli na agad naman na tumango.

Pagkabalik ni Ellie sa table ay agad niyang pinindot ang buzzer sa gilid ng table nila, mayamaya ay lumapit ang isang waiter. Agad siyang nagpakuha ng inumin para sa kanilang tatlo ng kaibigan niya. 

Kinuha ni Ellie ang cellphone para i-message ang kakambal niyang si Elia na bilinan ang kawaksi nilang si Luisita na ‘wag nitong isara ang pinto sa may bandang kusina. Doon kasi niya planong dumaan kapag umuwi mamaya.

Dahil busy sa pagtipa si Ellie sa kaniyang cellphone hindi niya nakita kung sino ang naglagay ng inumin sa harapan niya. Basta na lang niya ‘yon kinuha at ininom. Hindi pa niya nakakalahatian ang baso nakaramdam siya ng pagkahilo. 

Biglang parang naging doble ang tingin niya sa cellphone na hawak. Pumikit-pikit pa muna siya pagkuwan ay ipinilig ang ulo bago niya isinilid ang cellphone sa loob ng bag. 

Gosh! Lashiing n-na baa aakoh? Natatawang wika niya sa sarili na may kasamang pag-iling pa ng ulo.

Humawak siya sa upuan at pilit na tumayo. 

Ewan ba niya, kung bakit pati ang mga tuhod niya parang nanlalambot. Kung tutuusin ay nakakailang baso pa lang siya ng alak.

Alak? 

Bigla siyang kinabahan at yumuko para tingnan ang baso na nakalapag sa table nila. Kahit nanlalabo ang tingin niya ay malinaw sa isip niya na tatlo ang na-i-order niya sa waiter kanina.

Pero bakit isa lang ang nandoon?

Sinikap ni Ellie na makatayo nang maayos at lumakad palayo sa table nila pero bago pa niya maihakbang ang paa ay tuluyan na siyang nabuwal sa kinatatayuan. Ang mata niya ay unti-unti na ring pumikit hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng malay.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Kara
next please...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status