Share

BROKEN SERIES 2 FREYA SANDOVAL [SINNER]
BROKEN SERIES 2 FREYA SANDOVAL [SINNER]
Author: Mhiekyezha

CHAPTER 1

Kanina pa hindi mapakali si Ellie sa loob ng kaniyang kuwarto. Paroo’t parito ang ginawa niyang paglalakad na tila isang pusa na hindi manganak-nganak. Panay na rin ang tingin niya sa orasan na nakapatong sa mini cabinet niya. 

Pasado alas diyes na ng gabi pero gising pa rin ang magulang niya dahil bumisita si Don Faustino De Vera sa kanilang bahay, matalik at business partner ng magulang niya. 

Don Faustino owns thirty percent of the Madrigal Group of Companies na pag-aari ng magulang niya. Mabait si Don Faustino sa kanila, itinuturing na sila parang mga tunay na anak, kahit ang anak nito na si Fox Grayson De Vera, na mas matanda sa kanila ng limang taon ay itinuturing sila parang nakababatang kapatid. Wala naman siyang maipipintas sa ugali ng mag-ama dahil sobrang bait ng mga ito sa kanila.

Napapitlag siya ng biglang tumunog ang cellphone niya na nasa ibabaw ng kama. Dali-dali niyang kinuha ‘yon at ini-off ng makita ang pangalan na na-registered.

Si Averette ang tumatawag sa kaniya, isa sa ka-close friend niya sa Lincoln University. Usapan na kasi nila na magkikita sa OZEM PUB CLUB sa BGC ng bandang alas nuebe ng gabi.

Being a young, impulsive partygoer. Ang gano’ng uri ng bar ay hindi nila basta-basta papalampasin. Ozem Pub Club originated in San Carlos. Halos mayayaman, sikat na artista, mga anak ng politiko at mga businessman ang halos nakakapasok sa loob ng bar. Ozem serve a good quality drink plus factor ang ambience. Kaya nga, alas otso pa lang ay naka-ready na siya. 

She was dressed seductively in a black mini-backless dress with a pair of three-inch black stilettos. Ang damit niya na hindi man lang umabot sa kalahati ng hita niya, hantad na hantad ang makinis, maputi at mahaba niyang mga binti. Alam niya sa suot niyang dress ay lumabas ang angking ka-sexy-han na taglay niya. Ang buhok niya na wavy hanggang baywang ay sinadya niyang ilugay para mas magmukha siyang seductive.

Sa ayos niya ngayong gabi walang sino mang lalaki ang hindi mapapalingon sa kaniya. Halos sambahin ang kagandahan niya ng mga kalalakihan.

Her power is in her beauty. Kaya lahat nakukuha niya ng walang kahirap-hirap.

Nagpakawala ng isang buntong-hininga si Ellie habang iniisip kung papaano makakaalis sa bahay nila. Hindi puwedeng hindi siya makaalis ngayon! Wala na siyang mapagpipilian kung hindi ang humingi ng tulong sa kakambal niyang si Elia. 

Inalis niya muna ang suot na stilettos at binitbit ‘yon kasama ang shoulder bag. Patingkayad na lumakad siya sa takot na makagawa ng ingay. 

Panigurado kasi siya, na kapag nakita siya ng magulang na ganoon ang suot niya ay hindi siya palalabasin ng bahay. Or worst, ma-grounded pa siya. 

“Elia, open this door.” Mahinang katok niya sa pinto ng kuwarto na katapat ng kuwarto niya.

“Lia!” muli niyang tawag at marahan na kumatok muli. 

Mayamaya ay may narinig siyang lagatik ng pinto. Palatandaan na binuksan na ‘yon ng kakambal niya. 

Pagkabukas na pagkabukas pa lang ay agad siyang pumasok sa loob at isinara ang pinto. Kinapa niya ang switch ng ilaw dahil tanging table-lamp lang ang nagsisilbing ilaw ng buong kuwarto nito.

“Ano ka ba naman, Lia! Ilang beses na kitang pinagsasabihan na kung magbabasa ka, buksan mo ang ilaw ‘di ba? Gusto mo bang sirain ‘yang maganda mong mata? Kasi kung gusto mo, ako na ang sisira n’yan,” pagsermon niya sa kakambal at akmang dudukutin niya ang mata nito.

Palagi kasi ginagawa ni Elia na magbasa ng libro na tanging ilaw na gamit ay ang table-lamp nito. 

Tumawa lang ito nang mahina at tinapik siya sa balikat.

“Huhulaan ko, kaya ka nandito sa silid ko, kasi aalis ka ‘di ba?” Sa halip na sagutin siya ng kakambal ay nakangiti lang ito habang mataman siyang tinitingnan nito.

Pinasadahan niya rin ng tingin ang sarili at pagkuwan ay inirapan ang kakambal.

"With my dress? I won't be going elsewhere. I get dressed because I want to sleep here,” pamimilosopo niya sa kakambal na ikinatawa lalo nito.

Ewan ba niya, kung bakit ganoon ang kakambal niya? Hindi niya ito nakikitaan na magalit man lang sa kaniya. 

Elia is an excellent example of an epitome daughter, while she is not. Lahat ng pinapangarap ng isang magulang ay na kay Elia na. Mabait, masunurin, magalang, matalino, at higit sa lahat never itong naging pasaway sa magulang nila. Halos lahat ng katangian nito ay kabaligtaran niya. 

Kahit gaano sila kayaman, Elia was scholar sa International Manila University. Isa sa pinaka-prestigious university rito sa Manila. Kaya nga sobrang proud ang Mommy Eliza at Daddy Leandro niya sa kakambal. Ever since, Elia was consistent valedictorian. 

Kaya nga, mas pinili niyang sa ibang paaralan siya pumasok para hindi sila maikumpara ng ibang tao o kakilala.

Her parents support and love them equally. Walang mas higit sa kanilang dalawa ni Elia. Para sa magulang niya ay lahat pantay. Kung ang Mommy Eliza niya ay palaging kasama ni Elia, siya naman ang Daddy Leandro niya ang sumasama sa kaniya. Never, nagkulang ang magulang nila kahit na kabilaan ang prior commitment ng mga ito sa kanilang family business. 

“Saan ba ang punta mo, Elle?” untag ng kakambal niya habang nakatingin sa kaniya.

Huminga muna nang malalim si Ellie bago umupo sa kama para isuot muli ang stiletto niya na hinubad kanina.

“Lia, hello! It’s Friday, right? I’m going to OPC at BGC, kaya ako—”

“You, what?” gulat na tanong nito na hindi man lang nito nagawang patapusin ang sinasabi niya. 

Inis na napairap siya at saka ipinagpatuloy ang pagsuot ng stiletto niya.

“Bakit ba parang gulat na gulat ka, Lia? Alam mo naman na tuwing Friday night, umaalis ako ‘di ba?” naiirita niyang wika sa kakambal. 

Hindi niya maintindihan kung bakit palagi itong nagugulat gayun na palagi naman siyang umaalis kapag Friday.

“Oo, nga! Alam ko naman ‘yon. Pero... may exam ka bukas ‘di ba?”

Napakunot ang noo niya at tumingin sa kakambal.

Sa pagkakaalala niya ay wala naman siyang nabanggit dito na may exam siya bukas. Kung papaano nito nalaman ay may ideya na siya. 

“At sino naman nagsabi sa’yo?” kunwari niyang tanong dito.

“Ahhh... ‘Di ba? Nabanggit mo—”

“Ako? I’m one hundred percent sure, na hindi ako nagsabi no’n sa’yo! At wala akong binabanggit sa’yo nang kahit ano,” sangat agad niya sa sasabihin nito.

Tumayo siya at mataman na tiningnan ang kakambal na mabilis nag-iwas ng tingin sa kaniya.

“Si… Jojen nagsabi,” mahinang wika nito na mas lalong ikinakunot-noo niya.

“Si Jojen? As in, si Jojen Esmeralda, ‘yong kaklase ko?” gulat niyang tanong dito.

Marahan na tumango si Elia sa kaniya na ikinasapo niya sa ulo. Kung pagbabasihan niya ang kilos ng kakambal mukhang may gusto ito sa kaklase niya.

Jojen Esmeralda is her suitor. Matangkad, mabait, matalino at mayaman. Pero ni sa hinagap ay hindi niya ito kinausap man lang o pinansin. Ni wala nga sa isip niya ang mag-boyfriend man lang. Ang gusto niya lang ay mag-enjoy at makatapos ng pag-aaral. 

Hindi niya rin nakikita ang sarili na makikipagrelasyon kung kani-kanino. Kaya nga kahit marami siyang manliligaw ay wala ni isa siyang sinagot sa mga ‘yon.

Katwiran niya, masyado siyang maganda para matali sa iisang lalaki na gagawin lang siyang palamuti at ipagyabang sa mga kakilala.

"Umamin ka nga sa akin? Do you have feelings for Jojen?”

Mabilis na napayuko si Elia na ikinakuyom ng kamay niya. Pakiramdam niya, hindi niya magugustuhan ang sagot nito.

“I’m sorry, Elle. Sinagot ko na kasi si Jojen kanina at—”

“What!” malakas niyang tanong.

Napapitlag pa si Elia sa lakas ng boses niya. Kaya pala mas tumindi pa ang pangungulit sa kaniya ni Jojen, ‘yon pala lihim na nakikipag-usap si Elia sa lalaki. 

“Sinabi mo ba kay Jojen na ikaw si Elia at hindi ako?” tanong niya.

Gusto niyang makasiguro kung alam ba ng lalaki na may kakambal siya. Gusto niyang malaman na sinagot nito si Jojen bilang Elia at hindi bilang siya. 

Wala naman kasing nakakaalam sa university nila na may kakambal siya, gano’n din sa eskwelahan ng kapatid. Kaya naman, nagagawa niyang mag-bar sa gabi dahil na rin sa kakambal niyang si Elia. Ito ang pumapasok sa eskwelahan niya lalo pa’t may exam siya kinabukasan. 

She was lucky to have a sister like Elia. Kaya kahit ano ay gagawin niya rin para sa kakambal niya. Pero hindi ang magpanggap ito sa lalaki na hindi naman niya gusto.

Ano na gagawin niya ngayon?

Huminga siya nang malalim.

Nahahapong napaupo siyang muli sa kama. Pakiramdam niya nawawalan na siya ng gana na mag-bar dahil sa ibinalita ng kakambal niya.

“I’m sorry, Elle. Hindi ko naman sinabi kay Jojen na may kakambal ka at ako ‘yon. Natatakot kasi ako na baka kapag sinabi ko ‘yon, hindi na niya ako kausapin o kaya makipaghiwalay siya sa akin,” mahina nitong sagot na ikinabuntong-hininga na lang niya.

After all, wala na siyang magagawa dahil sinagot na nito si Jojen. Kahit pa sabihin niyang siya mismo ang makikipaghiwalay sa lalaki, dahil buong akala naman ni Jojen ay siya ang sumagot sa binata at hindi si Elia. 

Parang ‘di naman niya maaatim na masaktan ang kapatid. 

Lumapit siya kay Elia at kinabig ito para bigyan ng isang mahigpit na yakap.

“You're aware that I love you, right? Kung gusto mo si Jojen, ayos lang. Basta pakiusapan mo siya na, hindi niya puwedeng ipagkalat na mag-boyfriend kami... I mean kayo pala!” mahinang bulong niya sa kakambal.

“Thank you, Elle. Promise, kapag nakahanap ako ng magandang tiyempo, sasabihin ko rin kay Jojen ang totoo,” pangangako ni Elia sa kaniya nang lumayo ito sa pagkakayap sa kaniya. Itinaas pa nito ang kanang kamay para ipakita na nangangako ito.

Sasagot pa sana si Ellie nang mahagip ng mata niya ang mga libro niya na nasa ibabaw ng lamesa nito sa gilid ng kama.

Bigla siyang napangiti at napailing ng ulo.

“Mukhang pinag-aralan mo na ang magiging exam namin? So, ibig bang sabihin niyan, ikaw na ang papasok at mag-take ng exam para sa akin?” nangingiti niyang tanong sa kakambal.

Kung may isang bagay siyang ipagpapasalamat sa pakikipagrelasyon nito kay Jojen, ‘yon ay ang palagiang pagpasok nito sa eskwelahan niya. 

Dati-rati kasi ay pilitan pa ang pagpayag nito na magpanggap at pumasok sa eskwelahan niya.

“Yes, ako na ang bahala sa exam mo. Pero sa isang kondisyon, hahayaan mo ako, na ako mismo ang magsabi kay Jojen tungkol sa pagiging magkambal natin.” 

Isang irap ang isinukli niya sa kakambal at pagkuwan ay tumango bilang pagpayag niya.

Wala naman siyang magagawa dahil nagdesisyon na ito para sa kanilang dalawa. Ang pinangangambahan lang niya ay si Jojen. Kung noon na manliligaw pa lang niya ito ay makulit na. 

Ano pa kaya na naging mag-boyfriend na sila. Baka kahit saan siya magpunta ay maging anino na niya ‘yon?

Kung hihiwalayan naman niya ang lalaki. Ang kakambal naman niya ang masasaktan niya.

Parang hindi niya kakayanin na ma-broken hearted ang kakambal. Lingid kasi sa kaalaman ni Elia. Alam niya ang nangyayari sa kakambal, sa pinapasukan nitong paaralan. 

Elia is a victim of bullying from her classmates. Kaya nga, nang minsan siya ang pumasok sa eskwelahan nito ay hindi rin siya nakaligtas sa mga kaklase nito. 

Buti na lang din, at mukhang natigil na ‘yon sa kakambal niya nang minsan niyang pinatulan ang pinaka-leader. 

Buong akala ng mga ito ay siya pa rin si Elia na tatahimik sa tabi at iiyak. Hindi aakalain ng mga ‘yon na ‘yong ginagawa nilang pam-bully sa kaniya ay pang-elementary lang ang galawan.

Ayon, bukod sa sampal at suntok na ginawa niya sa leader ay napa-kick-out niya pa sa IMU. Kaya simula no’n wala ng nangahas na may mam-bully kay Elia. Kaya kahit papaano naging kampante siya lalo na’t kung nasa eskwelahan ito.

Hindi niya maiwasan na mapabuntong-hininga. Ang gusto lang naman niya ay mag-bar ngayong gabi pero bakit parang ang laki na ng problema niya? 

Bukod sa hindi pa siya nakakaisip kung papaano makatakas. Dumagdag pa si Jojen sa iniisip niya.

What a life!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status