Bakit nga ba sumusugal parin tayo kahit alam naman natin na mula una hanggang sa huli ay tayo parin ang talo? Natural na siguro sa tao ang maging marupok, ang sumugal sa mga bagay na sarili lang din ang dehado. Katapangan nga bang matatawag ito? Katangahan? O karupukan? Maalin sa tatlo ay hindi ko alam.
Habang naglalakad patungong pamilihan ay hindi na nawala sa isip ko 'yong sinabi sa akin ni Manang Helen. Nagpaulit-ulit ang mga sinabi niya na parang sirang plaka at habang nangyayari iyon ay unti-unti ko nang naiintindihan ang mga salitang binitawan niya.
Patungkol iyon sa akin at kay Sir Gio. Wala siyang alam sa namamagitan sa amin pero may pakiramdam na siya. Ramdam ko iyon. Simula noong nalaman niya ang aksidenteng halik na nangyari sa amin ni Sir Gio ay naging mapagmasid na siya, parang laging nay pag-aalinlangan kapag gagawin ko na ang duty ko sa senyorito nila.
Hindi man halata pero sa totoo lang ay natatakot ako. N
Halos ilang ulit kong sinampal ang sarili pagkatapos ng nangyari. Baka kasi nananaginip lang ako. Baka hindi iyon totoo. Baka gawa-gawa lamang ng malikot kong imahinasyon.Pero hindi, eh. Nasaktan ako sa mga sampal ko kaya totoo 'to. Totoong muntik na naming magawa iyon. Shocks.Sino ba naman ang hindi makakapagpigil kung may inaalagaan kang pogi at mabango na adik sa kiss? Shet na malagket! Hindi parin naaalis ang amoy niya sa akin pati ang init na naramdaman ko no'ng ginawa namin iyon, tila bumabalik habang patuloy na rumerehistro sa utak ko ang senaryo."Alyana, ibigay mo ito kay senyorito Gio." Inabot sa akin ni Manang ang isang PSP controller."Aye aye, manang!" Malawak ang ngiting kinuha ko iyon at nilisan ang sala upang puntahan si Sir Gio sa living room ng kaniyang kwarto.Binuksan ko ang pintuan at tumambad sa akin ang likod niya. Nakaangat ang mukha niya sa
"Nakakabwisit!"Huminto ako sa mabibigat kong paghakbang habang hindi parin nawawala ang pagkasimangot ng mukha."Oh? Anong nangyari? Natanggap ka? Ito na ba?" Hinarap ko si Genelyn, matalik kong kaibigan magmula noon pa man. Nagniningning ang kaniyang mga mata na sobrang umaasa.Mas humaba ang nguso ko, nanlanta ang pagkakahawak ko sa mga papeles at dokumento, bumagsak ang mga balikat ko at naiiyak siyang tiningnan. Kalalabas ko lamang sa isa sa mga kumpanyang tanyag dito sa lugar namin. Pero katulad ng hindi na mabilang kong subok, lumabas akong bigo.Papaano ko ba sasabihin sa kaniya? Wala nang bago. Nakakasawa na 'yung ganito. Na ang kislap sa mga mata namin, galak at pinaghalong excitement at kaba ay kaagad rin maglalaho na parang bula. Bakit kasi kay ilap ng swerte sa akin?"Hindi parin, e..." umiling-iling ako. Nasaksihan ko ang panlulumo niya."Wala na daw bakanteng slots. Nahuli ako..." humina ang boses kong nangangatal.Lumambot ang
Hindi na matanggal ang abot-tengang ngiti sa mga labi namin ni Gen hanggang sa pumara kami ng jeep pabalik sa baranggay namin pauwi. Hindi na rin siya matigil kakatanong sa akin tungkol sa magandang balitang namutawi kani-kanina lang."Dali na, Aly! Patingin! Super excited na ako! Mygod, finally!" Kanina pa siya gan'yan. Hinihila-hila ang laylayan ng damit ko.Pinagtitinginan na nga kami ng ibang pasaherong kasama namin dito sa loob ng jeep. Nawewerduhan na sila sa pinaggagawa nitong katabi ko. Masyado siyang magaslaw kaya wala akong nagawa kundi ibigay sa kan'ya ang cellphone ko. Kaagad naman niya iyong tinanggap para tingnan ang e-mail na natanggap ko galing sa secretary ng mga Madrial.Masyado akong masaya para maimbyerna. Habang nasa byahe ay hindi na mawala ang ngiti ko. Feeling ko kahit may nakakainis na bagay pa akong makita o maranasan ay mananatili akong masaya. Walang sinuman man o ano man ang makakapagtanggal ng ngiti ko ngayon. Hina
Ang dami kong isinakripisyo para sa oportunidad na ito kaya dapat maging maganda ang kalabasan nito. Simula bata pa ay hindi na kami mapaghiwalay ni Gen. Palagi kaming magkasama saan man. 'Tapos iyong pamilya ko... iniwan ko alang-alang sa trabahong naghihintay sa 'kin.Ngayon lang nag-sink in sa akin ang lahat. Ngunit wala na akong magagawa pa. Nandito na ako, babyahe na patungong Manila kung saan pumabor sa akin ang swerte.Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na may trabaho na ako. After my countless attempts... hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam. Masaya ako at excited pero nalulungkot rin. Nalulungkot ako kasi kinailangan kong iwan ang pamilya ko at kaibigan ko para kumita ng pera. Wala, e. Ganito talaga ang buhay. Kailangan makipagsapalaran kahit walang kasiguraduhan, kahit mahirap man mawalay sa mga minamahal.That's why I salute those OFW since then. They are the real heroes. The real strong people. Dahil patuloy parin sila sa pag
"S-siya po? Siya po ang ib-babysit ko? Nagbibiro po ba kayo?" Halos hindi ko maalis ang tingin sa matangkad at guwapong lalaking nasa harapan ko ngayon."No, hija. We aren't bluffing around. You heard it right. You're going to babysit our son." Nginitian ako ni Madam Anisha.Ngunit hindi na ako makangiti! Sa lagay na ito? Sa tingin nila makakangiti pa ako? I'm super shock to the highest level!"Don't you worry. He's not that hard to deal with. Trust me. But, I just want you to know that he's still that kind of brat because he's been spoiled for a long time. Please, bear with my son, hija. Can you do that for us?" Wika naman ni Senyor Theodore.Napakurap ako at hindi agad nakasagot. Nanatili lamang ang titig ko sa anak nilang nakatitig din sa akin. Iyon nga lang, kahit anong rahas ng tabas ng panga nito at katulis ng ilong, nagmumukha parin itong inosente para sa akin. Ang mga mata nito ay nagtatanong, parang bata na walang kamuwang-muwang.Bakit?
Hindi ako mahilig sa mga bata, kahit pa noong nag-aaral pa ako. Tanging si Zoren lamang ang nakahiligan ko. Kasi para sa akin, ang mga bata ay nakakainis, makukulit at maiingay. Ngunit bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon? Hindi nga bata ang dapat kong alagaan ngayon, pero isa namang makisig at mala-adonis na nilalang. Napapatanong tuloy ako kung ano ba talaga ang mas maganda?Ang mag-alaga ng isang bata o ng tulad niyang isip-bata?Sabi ko sa sarili ko, kahit anong trabaho nalang ay papasukin ko. Kaya kahit gaano pa kahirap ang isang ito, paninindigan ko hanggang dulo."Sir Gio, upo ka muna riyan..." sabi ko at itinuro sa kaniya ang isang high chair dito sa may kitchen.Tumingin lang siya sa akin at nanatiling tuod na nakatyo roon. Narinig ko ang bulungan ng mga kasambahay na kasalukuyang naririto. Sa pagkakatanda sa mga pangalan nila ay sila sina ate Carmen, ate Susan, ate Jody at ate Malou. Sa tingin ko din ay kasapi sila ng mga kapitbahay nam
"Psst! Manang Helen!" Pasimple kong tinatawag si Manang habang sinasamahan ko si Sir Gio na manood ng TV sa sala.Lumingon naman sa akin si Manang."Oh, Alyana? May kailangan ka?" Naglakad siya papalapit sa akin."Ganoon po ba talaga si Sir Zadge? Ang cold niya tapos nakakatakot iyong aura niya!" Mariin kong ibinulong.Pagkatapos kasing dumating ng kapatid nitong si Sir Gio ay nacurious tuloy ako sa pagkatao ni Sir Zadge. Mukhang masungit at may menstrual period. Kanina lamang dumating ang parents nila galing Italy Italy sinalubong ang panganay nilang bagong dating. Oh 'diba? Ang angas ng pamilyang ito, grabe. Kaya din pala hindi ko nakikita noong mga nakaraang araw ko rito si Sir Zadge ay doon ito namalagi sa Las Vegas dahil hilig din daw nito ang music at nagkaroon ng concert roon bukod sa paghahandle ng kanilang kumpanya.Maraming kumpanya ang mga Madrial. Mayroon sa iba't-ibang panig mundo kaya siguro ang busy nilang pamilya. Pero dahil nagkagani
May banyo naman ang sariling kuwarto ni Sir Gio kaya doon ko siya papaliguan. Hindi na din pala siya nagsusungit kapag pumapasok ako sa kaniyang kwarto hindi katulad noon na ayaw niya talaga akong papasukin. Excited na ako! Ahihi.Okay, Alyana. Remember, trabaho lang.Nag-inhale exhale muna ako bago siya sinamahan umakyat patungong kuwarto niya. Ang laking lalaki niya, napakatangkad. Kahit second born siya ay parang magkasing tangkad na sila ng kaniyang Kuya. At napansin ko rin na namimintog ang kaniyang mga muscles tapos maumbok rin ang kaniyang pwetan.Siguro suki 'to ng gym noon? May abs rin kaya siya? Ilan naman kaya?Gosh! Stop na, Aly! Behave!"Ngayon ay magsasando ka kasi medyo mainit ang panahon. Ayos ba?" Pagkapasok namin sa kuwarto ay ipinakita ko sa kaniya ang damit na susuotin niya.Kumunot ang kaniyang noo, hindi yata nagustuhan ang kulay. Yellow iyon, eh. Sumimangot ako at binuksan ang walk in closet niya. Nilingon ko siy