Nagpatulong na si Andy kay Kristel sa pagkuha ng mga pagkain na pinamili nila sa sasakyan, paakyat na sana sila ng hagdan ng marinig ang sigaw mula sa itaas ng bahay. Nagkatinginan sina Kris at Andy saka nagmamadaling umakyat sa kabahayan. Pagkapasok nila ng kabahayan ay sinalubong sila ng mapanuring tingin ng ina, lola at lolo ni Jade. Kinabahan si Andy ngunit nakabawi din naman kaagad. Kinakabahan man ito ay pinilit paring magtanong. “W—what’s happened?”Nakakunot ang noong nilapitan ni Papang Jhun si Andy at inakbayan. “Apo halika sa silong meron lang tayong pag-uusapan sandali.” tanong nito sa mababang tinig.“Opo! Sige po ibaba ko lang po ang mga ito.” Magalang na tugon ni Andy. “Saan ko po ba ito maaaring Ilagay?” tukoy niya sa mga pagkaing daladala.Tumayo naman si Nanay Jasmine at agad inabot ang mga dala ng binata. “Ako nang bahala rito anak, sige na sumunod kana sa iyong Papang sa silong.” Nakangiti namang inginuso pa ng nanay ni Jade ang labas ng bahay habang kinukuh
Hindi mapigilan ni Jodi ang sumama ang loob sa kapatid, mahal niya ito at masaya siya para rito, lahat ng gusto nitong mangyari ay sinusuportahan nila. Ngunit ang malamang may nobyo na ito, iyon ang hindi niya matatanggap. Pagkat nagsumpaan sila na iiwasan muna ang magkaroon ng nobyo para matutukan ang kanilang pag-aaral at ng maiahon sa kahirapan ang kanilang Inay, Papang at Mamang. Kaya hindi niya lubusang maintindihan kung bakit umuwi ito ng may kasamang nobyo. Napaluha nalamang si Jodi sa sobrang inis, isinubsob niya ang sariling mukha sa unan.“Nay, ano pong gagawin ko? Galit po si Jodi sa amin ni Andy.” Nag-aalalang tanong ni Jade.“Kaunting lambing at paliwanag lang siguro ang kailangan anak at mauunawaan ka rin ng kapatid mo. Alam mo naman na pagdating sa pangako gusto niya ay tutuparin iyon. Sige na pumasok ka muna sa silid at mag-usap kayo ng mahinahon, ayoko ng nagkakatampuhan kayong magkapatid kaya’t habang maaga ay ayusin ninyo na ang tampuhan ninyo.” Pangaral naman ni Na
“Apo, huwag ka ng lumuwas, dito kana matulog. Naayos na ni Jodi ang silid na maaari mong ukopahin, gabi na masyado at hindi naman kami matatahik kung alam naming na dis-oras na nang gabi ay nasa biyahe ka pa. Isa pa, diba nangako ako sa iyo kanina na ipapasyal ko kayo dito sa aming bayan.” Pangungulit ni Papang Jhun kay Andy dahil halos alas nuebe na ng gabi ng magpaalam ito na luluwas na pa Maynila.“Oo nga naman Hijo, abay nakakatakot na ang magbiyahe ng ganitong oras baka ikaw ay antukin lalo na at wala kang kasama pabalik.” Segunda naman ni Mamang Zenny.“EH---kasi po Pang, Mang nakakahiya po at hindi po magandang tingnan.” Sagot naman ni Andy habang kinakamot ang kanyang batok.Lahat sil ay nasa ibaba ng hagdan malapit sa sasakyan ni Andy, gusto naman talaga nitong mag-stay ang problema lamang ay nahihiya siya dahil nakikita niyang nagkakasira ang magkapatid dahil sa kanya.Nakatanaw si Jodi sa labas ng bahay, nasa may punong hagdan siya at pinagmamasdan ang mga tao sa ibaba na
“Magsabi ka nga ng totoo sa akin bunso, lumala ba ang sakit mo?” Tanong ng kapatid na si Jade.“Hindi naman ate napagod lang siguro ako at isa pa puyat kasi ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi, huwag ka ng mag-alala at huwag mo na rin sigurong ipaalam kay Nanay, ayoko silang mag-alala nina Papang at Mamang.” Pakiusap niya rito habang patuloy na kinukutkot ang sariling kamay.Hindi makatingin ng maayos sa kanya ang kapatid kaya naman nararamdaman niya na nagsisinungaling ito, ngunit hindi niya ito pinilit dahil ayaw niyang ma-stress ito. Binalingan nalamang niya ang nobyo na kanina pang may kausap sa cellphone nito.Nag-alala si Andy sa kalagayan ng kapatid ng nobya, kaya naman agad niyang tinawagan ang isang kilalang cardiologist sa Maynila para magtanong ng ilang bagay. Hindi siya nagkamali delikado ang lagay ng kapatid ni Jade, ngunit wala siya sa pusisyon upang pagsabihan ito. Nagdesisyon siyang kakausapin nalamang niya ang kasintahan kapag may pagkakataon na sila upang
Napakahirap para kay Jodi ang mag desisyon para sa kanyang sarili. Ayaw niyang maging pabigat sa kanyang ina. Alam narin niya na tanging operasyon nalamang ang makapag papagaling sa kanya. Nakapagpatingin na siya sa espesyalista sa puso at ayaw na niyang sumubok pa sa iba. Dahil alam niya na mabibigo lamang ulit siya at masasaktan . Kung ito na ang kanyang katapusan tatanggapin nalamang niya ng taos sa puso. Ang importante sa kanya ngayon ay ang makitang masaya ang pamilya niya lalo na ang kanyang nag-iisang kapatid. Handa siyang isakripisyo ang lahat para rito, para lamang sa kaligayahan nito. "Anak, gutom na ba kayo? Pasensya na kayo at tumulong pa ako sa silong kina Papang at Mamang. Maghahayin na ako para sa hapunan. " at nag dire-diretso ito sa loob ng kusina. Mabuti na lamang at hindi nito napansin ang pamumugto ng mga mata ni Jade. Mula ng lumabas ng silid ni Jodi at lumipat sila sa kaniyang silid ay hindi na maawat ang pagluha ni Jade. Naaawa siya sa kanyang kapatid
Huling gabi ng bakasyon ni Jade kasama ang pamilya, masakit isipin na parang kay lapit lamang niya ngunit hindi niya magawang umuwi dahil sa kakapusan sa pinansyal. Halos apat na taon na siyang nalalayo sa pamilya tuwing pasukan ngunit pagdumarating ang araw ng kanyang pag-alis ay hindi nawawala ang iyakan. Tinalo pa raw niya ang mag-aabroad sabi nga ng mga kapit bahay nila, ngunit ano nga ba ang magagawa nila kung hindi nila mapigilan ang pangungulilang nararamdaman ng bawat isa.Malungkot ang mga mata ni Jade ngunit pinipilit niyang mapasigla ang bawat kilos niya.Lumapit siya sa kanyang ina, “Nay pwede po ba tayong tabi tabing matulog ngayong gabi?” tanong niya sa kanyang pinakamamahal na ina.Hinaplos ni Nanay Jasmine ang buhok ng anak, “Oo naman anak, akala ko nga ay hindi mo na hihilingin iyan eh. Muntik na akong magtampo sainyo ng kapatid mo dahil mukhang nakalimutan na ninyo ako. Lalo ka na dahil may nobyo ka na ngayon, baka nahihiya ka nang malaman niya na tumatabi ka pa sa’k
Sunod sunod na paglagok ang ginawa ni Andy sa bote ng alak na hawak niya, gusto niyang makalimot upang agad makatulog. Hindi rin niya alam kung ano ba ang pumasok sa kanyang isipan at agad nalamang siyang umakto ng ganoon sa harapan ng nakararami. Kilala siya bilang mabait at pasensyosong tao kahit na suplado. Pero yung inakto niya kanina, hindi siya yon. Pinilit niyang balikan ang mga naganap upang mapaglubag ang sariling kalooban, ‘kahit sinong mapunta sa sitwasyon ko ay paniguradong magagalit rin, kaya naman hindi ako dapat makaramdam ng guilt dahil tama lamang ang aking ginawa.’ Bulong niya sa sarili habang patuloy na nilalagok ng paulit ulit ang alak. Halos maubos na niya ang nilalaman bote ng biglang maalaala nanaman si Jade, sisingsisi siya pero anong magagawa nya, pakiramdam niya ay wala na siyang mukhang maihaharap dito matapos niyang pagtaasan ng boses at sabihan ng kung ano ano. Sa sobrang inis sa sarili ay agad niyang ibinato sa may pintuan ang hawak niyang bote, nguni
Nakalipas ang mga araw at lalong tumibay ang pagmamahalan nilang dalawa, hindi narin sila nag-aaway wala nang selosang nagaganap. Sinikap ni Andy na masmapalayo pa sa mga kababaihan pagkat ayaw niyang magagalit si Jade, pinilit rin niyang maglaan ng oras para sa nobya. Ganoon rin naman si Jade hindi na ito nakikipag-usap basta basta sa mga lalaki lalo na kung hindi naman importante. Palagi rin silang sabay kumakain at masmalimit ay sa condo ni Andy natutulog si Jade.Minsang tinanong si Jade ng kasera kung bakit nalilimit ang hindi niya pag-uwi, at para sa ikatatahimik nito ay nagsinungaling siya. Ang dahilan nalamang niya sa kasera ay nalilimit ang panggabi niyang duty dahil may hinahabol siya para maka graduate at naniwala naman ito. Kung gaano kasaya ang relasyon nilang dalawa siya namang sakit ng biglaang pangyayari sa kanilang buhay na tila ba dinagukan sila ng tadhana upang magising sa mga kamalian nilang ginawa.Umuwi ng walang pasabi ang mommy ni Andy, dahil sa gusto nitong