“Magsabi ka nga ng totoo sa akin bunso, lumala ba ang sakit mo?” Tanong ng kapatid na si Jade.“Hindi naman ate napagod lang siguro ako at isa pa puyat kasi ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi, huwag ka ng mag-alala at huwag mo na rin sigurong ipaalam kay Nanay, ayoko silang mag-alala nina Papang at Mamang.” Pakiusap niya rito habang patuloy na kinukutkot ang sariling kamay.Hindi makatingin ng maayos sa kanya ang kapatid kaya naman nararamdaman niya na nagsisinungaling ito, ngunit hindi niya ito pinilit dahil ayaw niyang ma-stress ito. Binalingan nalamang niya ang nobyo na kanina pang may kausap sa cellphone nito.Nag-alala si Andy sa kalagayan ng kapatid ng nobya, kaya naman agad niyang tinawagan ang isang kilalang cardiologist sa Maynila para magtanong ng ilang bagay. Hindi siya nagkamali delikado ang lagay ng kapatid ni Jade, ngunit wala siya sa pusisyon upang pagsabihan ito. Nagdesisyon siyang kakausapin nalamang niya ang kasintahan kapag may pagkakataon na sila upang
Napakahirap para kay Jodi ang mag desisyon para sa kanyang sarili. Ayaw niyang maging pabigat sa kanyang ina. Alam narin niya na tanging operasyon nalamang ang makapag papagaling sa kanya. Nakapagpatingin na siya sa espesyalista sa puso at ayaw na niyang sumubok pa sa iba. Dahil alam niya na mabibigo lamang ulit siya at masasaktan . Kung ito na ang kanyang katapusan tatanggapin nalamang niya ng taos sa puso. Ang importante sa kanya ngayon ay ang makitang masaya ang pamilya niya lalo na ang kanyang nag-iisang kapatid. Handa siyang isakripisyo ang lahat para rito, para lamang sa kaligayahan nito. "Anak, gutom na ba kayo? Pasensya na kayo at tumulong pa ako sa silong kina Papang at Mamang. Maghahayin na ako para sa hapunan. " at nag dire-diretso ito sa loob ng kusina. Mabuti na lamang at hindi nito napansin ang pamumugto ng mga mata ni Jade. Mula ng lumabas ng silid ni Jodi at lumipat sila sa kaniyang silid ay hindi na maawat ang pagluha ni Jade. Naaawa siya sa kanyang kapatid
Huling gabi ng bakasyon ni Jade kasama ang pamilya, masakit isipin na parang kay lapit lamang niya ngunit hindi niya magawang umuwi dahil sa kakapusan sa pinansyal. Halos apat na taon na siyang nalalayo sa pamilya tuwing pasukan ngunit pagdumarating ang araw ng kanyang pag-alis ay hindi nawawala ang iyakan. Tinalo pa raw niya ang mag-aabroad sabi nga ng mga kapit bahay nila, ngunit ano nga ba ang magagawa nila kung hindi nila mapigilan ang pangungulilang nararamdaman ng bawat isa.Malungkot ang mga mata ni Jade ngunit pinipilit niyang mapasigla ang bawat kilos niya.Lumapit siya sa kanyang ina, “Nay pwede po ba tayong tabi tabing matulog ngayong gabi?” tanong niya sa kanyang pinakamamahal na ina.Hinaplos ni Nanay Jasmine ang buhok ng anak, “Oo naman anak, akala ko nga ay hindi mo na hihilingin iyan eh. Muntik na akong magtampo sainyo ng kapatid mo dahil mukhang nakalimutan na ninyo ako. Lalo ka na dahil may nobyo ka na ngayon, baka nahihiya ka nang malaman niya na tumatabi ka pa sa’k
Sunod sunod na paglagok ang ginawa ni Andy sa bote ng alak na hawak niya, gusto niyang makalimot upang agad makatulog. Hindi rin niya alam kung ano ba ang pumasok sa kanyang isipan at agad nalamang siyang umakto ng ganoon sa harapan ng nakararami. Kilala siya bilang mabait at pasensyosong tao kahit na suplado. Pero yung inakto niya kanina, hindi siya yon. Pinilit niyang balikan ang mga naganap upang mapaglubag ang sariling kalooban, ‘kahit sinong mapunta sa sitwasyon ko ay paniguradong magagalit rin, kaya naman hindi ako dapat makaramdam ng guilt dahil tama lamang ang aking ginawa.’ Bulong niya sa sarili habang patuloy na nilalagok ng paulit ulit ang alak. Halos maubos na niya ang nilalaman bote ng biglang maalaala nanaman si Jade, sisingsisi siya pero anong magagawa nya, pakiramdam niya ay wala na siyang mukhang maihaharap dito matapos niyang pagtaasan ng boses at sabihan ng kung ano ano. Sa sobrang inis sa sarili ay agad niyang ibinato sa may pintuan ang hawak niyang bote, nguni
Nakalipas ang mga araw at lalong tumibay ang pagmamahalan nilang dalawa, hindi narin sila nag-aaway wala nang selosang nagaganap. Sinikap ni Andy na masmapalayo pa sa mga kababaihan pagkat ayaw niyang magagalit si Jade, pinilit rin niyang maglaan ng oras para sa nobya. Ganoon rin naman si Jade hindi na ito nakikipag-usap basta basta sa mga lalaki lalo na kung hindi naman importante. Palagi rin silang sabay kumakain at masmalimit ay sa condo ni Andy natutulog si Jade.Minsang tinanong si Jade ng kasera kung bakit nalilimit ang hindi niya pag-uwi, at para sa ikatatahimik nito ay nagsinungaling siya. Ang dahilan nalamang niya sa kasera ay nalilimit ang panggabi niyang duty dahil may hinahabol siya para maka graduate at naniwala naman ito. Kung gaano kasaya ang relasyon nilang dalawa siya namang sakit ng biglaang pangyayari sa kanilang buhay na tila ba dinagukan sila ng tadhana upang magising sa mga kamalian nilang ginawa.Umuwi ng walang pasabi ang mommy ni Andy, dahil sa gusto nitong
Alam nina Andy at Jade na simula na ito ng mga problema na dapat nilang harapin. Inihatid ni Andy si Jade sa boarding house, at agad rin siyang nagpaalam rito na uuwi sa mansion. Gusto niyang kausapin ang kanyang Mommy para ipaalam dito ang naging disisyon niya.Isang malakas na sampal ang sumalubong sa kanyang mukha matapos niyang buksan ang pinto ng silid ng kanyang ina. "Napaka walang kwenta mong anak Andy! Paano mo nagawa ito sa amin ng daddy mo? Ibinigay namin lahat ng gusto mo tapos bubuntisin mo lang iyong walang delikadesang babae na yon! Nag-iisip ka pa ba ng tama? " galit na galit at nanlilisik na ang mga mata, sige sa pagsesermon ang ina ni Andy."Mom don't call Jade like that, she's nice and innocent. I am the one who provoke her, kaya naibigay niya ang sarili niya sa'kin. Kung mayroong may kasalanan dito ako yun. Ako lang yun mom, kaya please wag na wag nyo siyang pag sasalitaan ng hindi maganda. Handa akong panagutan kung ano man ang namagitan sa amin. Hindi dahil sa n
Malungkot na mukha, maiitim na eyebags, hapis na pisngi at mugtong mugtong mga mata ang sumalubong ng umagang iyon kay Jodi.Gulat na gulat siya ng pagbukas ng pintuan ng kanilang bahay ay ang kapatid niyang hindi magkandadala sa mga gamit ang sumalubong sa kanya.Hindi pa man ito nag sasalita ay alam na niya na may masamang nangyari lalo na nang patakbo itong yumakap sakanya at saka umiyak ng umiyak.Agad ring lumapit ang kanilang ina at bukas palad nitong tinanggap ang panganay na anak. Para namang mas nakonsensya si Jade dahil sa kabaitan ng kapatid at ina lalo siyang napahagulhol ng iyak."Apo mabuti pa ay magpahinga ka muna sa iyong silid at mamaya na tayo mag usap usap." Baling naman sakanya ng butihing lolo."Jodi samahan mo ang ate mo at huwag mong iiwan." Utos naman ng kanyang lola. Ganoon nga ang nangyari, at dahil sa sobrang pag-iiyak ay nakatulog si Jade ng buong araw. At halos mag tatakip silim na ng siya ay magmulat ng mga mata.Agad siyang bumangon at nagtungo sa kus
Mataas na ang araw ng magising si Jade, dahil sa paumaga narin siyang nakatulog. Naririnig niya ang ingay mula sa ibaba.Bumangon siya at nag ayos ng sarili bago pumunta sa kusina. Inabutan niya roon ang mga kasambahay ng kapatid niya nagmamadali sa pag hahanda ng agahan."Anak gising kana pala, halika at sumabay ka ng kumain ng agahan sa mga bata nariroon sila sa swimming pool at nagkakasiyahan." Masayang kwento ng kanyang ina na patuloy sa paglalagay ng palaman sa mga tinapay "Manang, may maitutulong po ba ako?" magalang niyang tanong kay Manang Fely.Nakangiti naman itong sumagit sa kanya. "Kayong mag-ina talaga oo. Aba'y napakalaking alwan namin sa trabaho mula ng tumigil kayo rito, halos kalahati ng gawain namin ay nagagawa na ninyo baka naman naaabuso na namin kayo." "Naku! Ito naman si Fely sinabi ng wala iyon. Hindi kami ang amo mo kaya okay lang, dapat lamang kaming tumulong sa inyo at isa pa hindi naman mahirap ang gawain dito sa mansion ." sabad naman ni Mamang.''Hay nak