Share

Chapter 14

Hindi mapigilan ni Jodi ang sumama ang loob sa kapatid, mahal niya ito at masaya siya para rito, lahat ng gusto nitong mangyari ay sinusuportahan nila. Ngunit ang malamang may nobyo na ito, iyon ang hindi niya matatanggap. Pagkat nagsumpaan sila na iiwasan muna ang magkaroon ng nobyo para matutukan ang kanilang pag-aaral at ng maiahon sa kahirapan ang kanilang Inay, Papang at Mamang. Kaya hindi niya lubusang maintindihan kung bakit umuwi ito ng may kasamang nobyo. Napaluha nalamang si Jodi sa sobrang inis, isinubsob niya ang sariling mukha sa unan.

“Nay, ano pong gagawin ko? Galit po si Jodi sa amin ni Andy.” Nag-aalalang tanong ni Jade.

“Kaunting lambing at paliwanag lang siguro ang kailangan anak at mauunawaan ka rin ng kapatid mo. Alam mo naman na pagdating sa pangako gusto niya ay tutuparin iyon. Sige na pumasok ka muna sa silid at mag-usap kayo ng mahinahon, ayoko ng nagkakatampuhan kayong magkapatid kaya’t habang maaga ay ayusin ninyo na ang tampuhan ninyo.” Pangaral naman ni Na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status