Share

Chapter 16

“Magsabi ka nga ng totoo sa akin bunso, lumala ba ang sakit mo?” Tanong ng kapatid na si Jade.

“Hindi naman ate napagod lang siguro ako at isa pa puyat kasi ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi, huwag ka ng mag-alala at huwag mo na rin sigurong ipaalam kay Nanay, ayoko silang mag-alala nina Papang at Mamang.” Pakiusap niya rito habang patuloy na kinukutkot ang sariling kamay.

Hindi makatingin ng maayos sa kanya ang kapatid kaya naman nararamdaman niya na nagsisinungaling ito, ngunit hindi niya ito pinilit dahil ayaw niyang ma-stress ito. Binalingan nalamang niya ang nobyo na kanina pang may kausap sa cellphone nito.

Nag-alala si Andy sa kalagayan ng kapatid ng nobya, kaya naman agad niyang tinawagan ang isang kilalang cardiologist sa Maynila para magtanong ng ilang bagay. Hindi siya nagkamali delikado ang lagay ng kapatid ni Jade, ngunit wala siya sa pusisyon upang pagsabihan ito. Nagdesisyon siyang kakausapin nalamang niya ang kasintahan kapag may pagkakataon na sila upang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status