Mag-log inKIARA
Magulo pa rin ang isip ko dahil sa nangyari habang papasok ako sa bahay ng Harrison. Kailangan kong mag impake at ayusin ang mga gamit ko dahil hindi na ako maaaring manatili pa sa mansyong ito.
Matapos kong mailagay sa maleta ang mahahalagang gamit ko, lumabas ako ng silid at nagtungo sa sala. Naroon si Samarra, nakaupo sa sofa na para bang kanina pa niya ako hinihintay.
“Aalis ka?” tanong niya na may mapanuksong ngiti. Bumaba ang tingin niya sa maletang hawak ko.
Hindi ako agad sumagot. Mabigat pa rin ang dibdib ko at halos hindi ko alam kung paano ko haharapin ang lahat. Ngunit alam kong hindi niya ako hahayaang makaalis nang hindi ako muling iniinsulto.
“Alam mo, Kiara,” pagpapatuloy niya habang tumatayo at humaharap sa akin. Puno ng pangungutya ang boses niya. “Panahon na para tanggapin mong si Madison ang nararapat para kay Calvin. Matagal na siyang nasa tabi ng anak ko. Siya rin ang tumulong para makuha ng Harrison ang kontrata mula sa Remington Group.”
Para akong sinampal sa narinig ko. Hindi ako makapaniwalang sasabihin niya iyon, pero hindi na rin ako dapat magulat. Malamang ay ipinagmamalaki ni Madison na siya ang dahilan kung bakit nakuha ng Harrison Group ang billion dollar project.
“Mali kayo,” mariin kong sabi habang pinipigilan ang galit ko. “Ako ang tumulong kay Calvin para makuha ang kontratang iyon, hindi si Madison. Kinausap ko ang Papa ko para maibigay sa Harrison Group ang proyekto. Hindi ninyo alam kung gaano ano ang ginawa kong sakripisyo para sa pamilyang ito.”
Mahinang tumawa si Samarra at umirap na para bang isa akong hibang na gumagawa lamang ng kuwento.
“Ang taas talaga ng tingin mo sa sarili, Kiara,” pangungutya niya. “Sa tingin mo ba may naitulong ka sa pamilyang ito? Si Madison ang laging nasa tabi ni Calvin. Siya ang tumulong sa anak ko sa lahat. Ikaw? Wala kang silbing asawa.”
Masakit ang mga sinabi niya, pero ayokong ipakita na nasaktan ako. Apat na taon niya akong minamaliit at ipinaparamdam na hindi ako karapat-dapat maging asawa ng anak niya.
“Ako ang dahilan kung bakit ninyo nakuha ang proyektong iyon, hindi si Madison,” mariin kong ulit. “Kung ayaw mong maniwala, hindi kita pipilitin.”
Mas humigpit ang hawak ko sa maleta nang bumukas ang p***o sa likuran ko. Paglingon ko, nakita kong pumasok si Calvin. Kasunod niya si Madison.
Biglang kumirot ang dibdib ko nang makita silang magkasama. Gusto kong tumalikod at umalis, pero hindi ako makagalaw.
“Kiara, please,” tawag ni Calvin habang lumalapit sa akin. Bakas sa mga mata niya ang pagsisisi. “Huwag kang umalis. Maaayos pa natin ito. Bigyan mo lang ako ng isa pang pagkakataon.”
Umurong ako at umiling. “Hindi mo na maaayos ito, Calvin. Tapos na tayo. Pinirmahan na rin natin ang annulment agreement.”
Mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Lalo akong nagulat nang ilabas ni Calvin ang annulment papers na nakita ko kanina sa mesa.
“Ayokong matuloy ito,” nanginginig niyang sabi habang hawak ang mga papeles. “Pupunitin ko ang mga ito kung iyon ang gusto mo. Magsimula tayo ulit, Kiara. Gagawin ko ang lahat. Huwag mo lang akong iwan.”
Saglit na nanghina ang puso ko. Naisip kong baka maaari pa naming ayusin ang lahat. Mahal ko si Calvin. Apat na taon kong ibinigay sa kanya ang buong buhay ko.
Pero bago pa ako makapagdesisyon, mabilis na lumapit si Samarra at inagaw ang mga papeles mula sa kamay ni Calvin.
“Hindi, Calvin,” mariin niyang sabi. “Huwag kang magpaloko sa babaeng ‘yan. Pabigat lang siya sa buhay mo. Mas magiging maayos ang lahat kapag wala na siya.”
Pinilit kong kumalma kahit gusto ko nang sumigaw sa galit.
“Kayo ang naghanda ng annulment papers namin, hindi ba?” sabi ko. Hindi na iyon tanong dahil alam kong si Samarra ang may gawa. “Hindi na ako nagulat. Simula pa lang, gusto na ninyo akong mawala sa buhay ni Calvin.”
Napatingin si Calvin sa kanyang ina. Bakas sa mukha niya ang pagkalito habang bahagya siyang umatras.
“Sandali… Mom, kayo ba talaga ang naghanda ng annulment papers?”
Hindi natinag si Samarra. Nagkrus lang siya ng mga braso at malamig na ngumisi, na para bang wala siyang ginawang masama.
“Ginagawa ko lang kung ano ang makabubuti para sa pamilya natin,” sagot niya. “Si Madison ang nararapat para sa iyo, Calvin.”
Naramdaman kong umiinit ang ulo ko. Gusto kong ipagtanggol ang lahat ng ginawa at isinakripisyo ko para kay Calvin at sa pamilya niya. Pero alam kong wala rin itong saysay. Kahit ano pa ang sabihin ko, hindi makikinig si Samarra. Matagal na niya akong hinusgahan.
Tinalikuran ko silang lahat at naglakad papunta sa p***o. Narinig kong tinatawag ni Calvin ang pangalan ko, pero hindi ako huminto. Sobra na ang sakit na ginawa niya sa akin. Wala na rin akong dahilan para manatili pa sa bahay na ito.
Paglabas ko ng mansion, nakita ko ang itim na limousine na naghihintay sa labas. Si Madison ang unang nakapansin dito. Nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin at sa sasakyan.
“Sandali, saan ka nakakuha ng ganito kagarang sasakyan?” tanong niya. Halatang hindi siya makapaniwala.
Humarap ako sa kanya at bahagyang itinaas ang baba ko. Hindi ko na kailangang magpanggap sa pagkakataong ito.
“Ako ang anak ni Simon Remington, ang bilyonaryong chairman at may-ari ng Remington Group. At sinusundo na niya ako,” matatag kong sabi.
Nakanganga si Madison habang nakatingin sa akin. “Si Simon Remington? Ang boss ng uncle ko? Imposible…”
Mabilis na lumapit si Samarra. Halatang ayaw niyang maniwala si Madison sa sinabi ko.
“Huwag kang maniwala sa kanya,” mariin niyang sabi. “Gumagawa lang siya ng kuwento. Sinabi niya noon na wala siyang ama. Tapos ngayon, bigla niyang sinasabing anak siya ng isang bilyonaryo.”
Dahil sa sinabi ni Samarra, napangisi si Madison.
“Talaga ba, Kiara?” nakangisi niyang tanong. “Tigilan mo na ang pagpapanggap na isa kang mayaman dahil hindi bagay sa iyo.”
Hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Bago pa ako makarating sa sasakyan, bumukas ang p***o ng limousine. Lumabas si Walter, ang personal assistant ng Papa ko.
Bahagya siyang yumuko sa harap ko. “Ma’am Kiara,” magalang niyang bati.
Narinig ko ang malakas na tawa ni Samarra sa likuran ko.
“Hindi ko alam na komedyante ka pala, Kiara,” pangungutya niya. “Sigurado akong isa sa mga lalaki mo ang sumundo sa iyo. May sugar daddy ka na ba? Hindi ka ba nahihiya kay Calvin?”
Alam kong gusto niya akong ipahiya. Gusto niyang palabasin na masama ako sa harap ni Calvin.
Napatingin ako kay Calvin. Nakatayo siya sa tabi ng kanyang ina. Mahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamay niya at halatang nagdududa pa rin siya sa akin.Doon ko nakuha ang sagot na kailangan ko. Sa kabila ng lahat, mas pinili pa rin niyang maniwala kay Samarra kaysa sa akin.
Bahagyang lumapit si Calvin.
“Dahil may pinirmahan tayong kasunduan bago tayo ikasal, wala na tayong paghahatian sa mga ari-arian. Pero bibigyan pa rin kita ng limang milyong piso para makapagsimula ka ulit,” sabi niya habang kinukuha ang checkbook niya.Natigilan si Calvin nang marinig niya akong tumawa nang mahina.
“Hindi ko kailangan ang pera mo, Calvin. Wala akong tatanggaping kahit isang piso mula sa iyo.”
Halata ang gulat sa mukha niya. “Sigurado ka ba? Gusto ko lang naman na maging maganda ang buhay ko.”
Biglang tumawa si Samarra. “Huwag mo na siyang bigyan ng pera, Calvin. Marami na siyang pera dahil sa mga sugar daddy niya.”
Malamig ko siyang tiningnan habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamay ko. “Wala kayong alam tungkol sa akin, Samarra. Kaya tumigil na kayo.”
Huminga ako nang malalim at saglit na pumikit. Wala na akong pakialam sa iniisip nila. Wala na rin akong pakialam sa mga kasinungalingan at masasakit na salita nila. Ang mahalaga ngayon ay makalayas na sa puder ng mga Harrison.
Sumakay ako sa limousine nang hindi na lumilingon sa kanila. Habang papalayo ang sasakyan mula sa Harrison mansion, nangako ako sa sarili ko na hindi na ako babalik sa dati kong buhay.
Darating ang araw na pagsisisihan nilang lahat ang ginawa nila sa akin.
KIARANasa loob ako ngayon sa isang mamahaling boutique at tiningnan ang mga damit na nakasabit. Hinawakan ko mga naka-display na blouse at magagandang dress. Pamilyar sa akin ang lugar na ito dahil madalas akong mamili rito bago ko pa nakilala si Calvin.Mula nang maging kami ni Calvin, pinili kong magsuot ng simpleng damit at mamuhay nang simple. Ginawa ko iyon para hindi niya malaman kung sino talaga ako. Pero hindi na ako ang dating Kiara na laging inuuna ang ibang tao kaysa sa sarili ko. Ngayon, kailangan kong bumangon at magsimulang muli. Panahon na para ibalik ang dati kong marangyang buhay. Kaya nagpasaya akong mag-shopping.Pumasok ako sa fitting room at sinukat ang isang mamahaling itim na dress mula sa Saint Laurent. Tamang-tama iyon sa hubog ng katawan ko. Isinuot ko rin ang leather heels mula sa Gucci at hinawakan ko ang kulay beige na Chanel bag na pinakuha ko kanina sa staff.Nang tingnan ko ang sarili ko sa salamin, halos hindi ko nakilala ang babaeng nasa harap ko. Ma
KIARAMagulo pa rin ang isip ko dahil sa nangyari habang papasok ako sa bahay ng Harrison. Kailangan kong mag impake at ayusin ang mga gamit ko dahil hindi na ako maaaring manatili pa sa mansyong ito.Matapos kong mailagay sa maleta ang mahahalagang gamit ko, lumabas ako ng silid at nagtungo sa sala. Naroon si Samarra, nakaupo sa sofa na para bang kanina pa niya ako hinihintay.“Aalis ka?” tanong niya na may mapanuksong ngiti. Bumaba ang tingin niya sa maletang hawak ko.Hindi ako agad sumagot. Mabigat pa rin ang dibdib ko at halos hindi ko alam kung paano ko haharapin ang lahat. Ngunit alam kong hindi niya ako hahayaang makaalis nang hindi ako muling iniinsulto.“Alam mo, Kiara,” pagpapatuloy niya habang tumatayo at humaharap sa akin. Puno ng pangungutya ang boses niya. “Panahon na para tanggapin mong si Madison ang nararapat para kay Calvin. Matagal na siyang nasa tabi ng anak ko. Siya rin ang tumulong para makuha ng Harrison ang kontrata mula sa Remington Group.”Para akong sinampa
KIARAHuminto ako sa tapat ng pinto ng condo niya. Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa mga papeles nang mapansin kong bahagyang nakabukas ang pinto.May parte sa akin na gustong umatras at umalis. Pero gusto kong malaman ang katotohanan, kaya kusang gumalaw ang kamay ko. Dahan-dahan kong pinindot ang password at itinulak ang pinto.Napunta agad ang tingin ko sa isang pares ng pulang high heels na nakakalat malapit sa pinto.Napalunok ako.Nang tumingin pa ako sa loob, nakita ko ang mga damit na nakahagis sa sahig. May pink na blouse at pulang underwear ng isang babae.Bawat bagay na makita ko ay parang sampal iyon sa akin. Ngunit ang pinakamasakit ay nang makita ko si Calvin at ang isang babaeng magkayakap at magkahalikan sa kama.Halatang sobrang abala sila sa isa't isa kaya hindi man lang nila napansin ang pagpasok ko.“Paano kung malaman ni Kiara ito? Siguradong magagalit ang asawa mo,” sabi ng babaeng kasiping niya.Ngumiti lang si Calvin. “Ikaw lang ang gusto ko, Madison, wala
KIARAAkala nila, nagmula lamang ako sa isang ordinaryong pamilya.Nagkakamali sila.Ako si Kiara Lauren Remington—ang nag-iisang anak at tagapagmana ng Remington Group.Tinanggap ko ang pagsubok na ibinigay sa akin ni Papa dahil mahal ko si Calvin Harrison. Gusto kong patunayan sa kanya na naiiba si Calvin sa lahat ng lalaking nakilala ko. Minahal niya ako at tinanggap ako nang buo nang hindi nalalaman ang tunay kong pagkatao.Walang alam si Calvin, maging ang buong pamilya Harrison, tungkol sa tunay kong pagkakakilanlan. Sasabihin ko sa kanila ang katotohanan kapag natapos ko na ang pagsubok na ito.“Nandito na po ang order niyo,” nakangiting sabi ng waiter saka maingat na pinasok ng staff ang mga pagkain sa mesa. Ilang linggo kong pina-reserve ang mamahaling restaurant na ito para i-celebrate ngayong gabi ang fourth wedding anniversary namin ni Calvin. Ilang sandali ay bumukas na ang pinto ng VIP room at dumating na si Calvin. Mabilis kong inayos ang sarili ko at hinaplos ang pu







