Home / Romance / Back Off, I'm Marrying Your Uncle! / Chapter 004- The CEO They Never Saw Coming

Share

Chapter 004- The CEO They Never Saw Coming

Author: Eliana Asher
last update publish date: 2026-08-02 19:47:04

KIARA

Nasa loob ako ngayon sa isang mamahaling boutique at tiningnan ang mga damit na nakasabit. Hinawakan ko mga naka-display na blouse at magagandang dress. Pamilyar sa akin ang lugar na ito dahil madalas akong mamili rito bago ko pa nakilala si Calvin.

Mula nang maging kami ni Calvin, pinili kong magsuot ng simpleng damit at mamuhay nang simple. Ginawa ko iyon para hindi niya malaman kung sino talaga ako. Pero hindi na ako ang dating Kiara na laging inuuna ang ibang tao kaysa sa sarili ko. Ngayon, kailangan kong bumangon at magsimulang muli. Panahon na para ibalik ang dati kong marangyang buhay. Kaya nagpasaya akong mag-shopping.

Pumasok ako sa fitting room at sinukat ang isang mamahaling itim na dress mula sa Saint Laurent. Tamang-tama iyon sa hubog ng katawan ko. Isinuot ko rin ang leather heels mula sa Gucci at hinawakan ko ang kulay beige na Chanel bag na pinakuha ko kanina sa staff.

Nang tingnan ko ang sarili ko sa salamin, halos hindi ko nakilala ang babaeng nasa harap ko. Matagal ko ring itinago ang ganitong bahagi buhay ko.

Marahan akong napatawa habang nakatingin sa salamin. Hindi ko akalaing tinanggap ko ang pagsubok ni Papa at ngayon ko lang napagtanto na naging bulag ako sa pag-ibig. Lagi akong sumusunod sa gusto ni Calvin noon. Gusto niya maging simpleng babae lang ako, bukod sa gusto niyang magtipid ako, gusto niyang walang ibang lalaki ang mahumaling sa akin.

Pero tapos na iyon.

Hindi ko na kailangang magpakalosyang sa harap nila. Ngayon, mabubuhay na ako nang higit pa sa mayroon sila.

Paglabas ko ng fitting room, narinig ko ang pamilyar na boses mula sa likuran ko.

“Wow. Tingnan nga natin kung sino ang nagpapanggap na VIP dito,” pangungutya ni Madison.

Humarap ako sa kanya. Nakangisi siya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Nakatayo naman si Calvin sa tabi ni Madison at tahimik akong pinagmamasdan, na para bang ibang tao ang nakikita niya sa akin.

Ngayon lang niya ako nakitang nakasuot ng mamahaling damit. Lagi niyang sinasabi noon na hindi ko kailangan ng mga branded na gamit. Dahil mahal ko siya, pinili kong mamuhay nang simple at kinalimutan ang buhay na kinalakihan ko.

“Bakit ka rito nagsh-shopping?” tanong ni Madison. “Para lang ito sa mga VIP. Naliligaw ka ba?”

Diretso ko siyang tiningnan. “VIP ako rito,” kalmado kong sagot.

Biglang tumawa nang malakas si Madison. Lumingon siya sa saleslady at itinuro ako.

“Did you hear that? Sinabi niyang isa siyang VIP,” natatawa niyang sabi. “Paalisin ninyo siya. This store is for people who actually belong here.”

Nag-alangan ang saleslady habang nakatingin sa akin. Maya-maya, lumapit siya na para bang susundin niya si Madison. Pero nanatili lang akong kalmado at hindi gumalaw.

Bago pa siya makapagsalita, dumating ang manager ng boutique. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa amin.

“May problema po ba?” tanong niya.

Agad lumapit si Madison. Halatang sigurado siyang papanigan siya ng manager.

“Meron,” sagot niya. “Hindi bagay ang babaeng ito rito. Nakakaistorbo lang siya sa mga totoong VIP dito.”

Hindi nagbago ang mukha ng manager. Sinenyasan niya ang saleslady na siya na ang bahala. Pagkatapos ay humarap siya kay Madison.

“Pasensya na po, Ma’am, pero VIP customer namin si Ms. Kiara Remington. Please show some respect na lang sa mga kapwa VIP niyo,” maayos ngunit seryoso niyang sabi.

Biglang nawala ang ngiti ni Madison. Halata ang gulat niya habang mahigpit na hawak ang bag at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

Pati si Calvin ay natigilan. Mukhang hindi niya inakalang totoo ang sinabi kong VIP ako rito.

Gusto ko sanang umalis at hindi na sila pansinin. Pero ayoko namang hayaan nilang maliitin ang isang Remington. Kaya gumawa ako ng hakbang para ipamukha sa kanila kung sino ang kinakalaban nila.

Sinenyasan ng manager ang mga staff. Ilang sandali lang ay lumapit sa akin ang ilan sa kanila na may dalang mga mamahaling dress, sapatos, branded na bag, at glasses. Inayos nila ang lahat ng napili ko para mabayaran ko na.

Kinuha ko sa bag ang custom-made black credit card ko. Walang limit iyon. Sa isang swipe lang, kaya kong bilhin ang lahat ng gusto ko—kahit ang buong boutique na ito.

Nanlaki ang mga mata nina Calvin at Madison nang iabot ko ang card sa cashier. Palipat-lipat ang tingin nila sa akin at sa card na hawak ng staff. Halatang hindi nila maintindihan ang nakikita nila.

Muling nagsalita si Madison.

“Mukhang marami kang nabili, Kiara,” mapait niyang sabi. “Siguro malaki ang ibinibigay sa iyo ng sugar daddy mo ‘no?”

Tumawa siya at inayos ang buhok niya na para bang panalo na naman siya sa pang-iinsulto sa akin. 

Hindi ko na siya sinagot. Hindi ko hahayaang sirain niya ang araw ko. Tinaas ko ang noo ko habang kinukuha ng mga assistant ko ang mga pinamili ko. Sumunod sila sa akin palabas ng boutique.

Sumakay ako sa itim kong Rolls-Royce at mahigpit na hinawakan ang manibela. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko dahil sa galit. Huminga ako nang malalim para kumalma.

Hayaan kong pagdudahan nila ako.

Pero darating din ang araw na makikita nila kung sino talaga ako at kung ano ang kaya kong gawin.

***

Pagdating ko sa mansyon ko, agad na lumapit ang ilang kasambahay para kunin ang mga pinamili ko. Ibinigay ko naman ang susi ng sasakyan sa security guard para maiparada niya iyon nang maayos.

Pagpasok ko sa malaking sala, nakita ko si Papa na naghihintay sa akin. Nakangiti siya habang nakatayo sa gitna ng silid. Nang makita ko siya, agad na gumaan ang pakiramdam ko. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano ko kailangan ang yakap at suporta niya.

“Oh, my lovely daughter, how was your shopping day?” masayang tanong niya habang niyayakap ako.

Mahigpit ko rin siyang niyakap at napabuntong-hininga. “Okay naman po, Papa. Pero nakita ko sina Calvin at Madison kanina. Inaway nila ako.”

Bahagyang tumaas ang kilay ni Papa. “Ano ang sinabi nila?”

“Akala nila, pera ng sugar daddy ko raw ang ginagamit ko sa pagsho-shopping,” sagot ko. Napatawa ako nang mapait at umiling. “Kahit sinabi ko na sa kanila kung sino talaga ako, ayaw pa rin nilang maniwala. Siguro masyadong mahirap para sa kanila na isipin na anak mo ako.”

Bahagyang tumawa si Papa, pero agad ding naging seryoso ang mukha niya.

“Gusto mo bang bawiin ko ang billion-dollar project na ibinigay natin sa Harrison Group?” tanong niya. “Sabihin mo lang at tatapusin ko agad ang kontrata nila.”

Umiling ako. “Huwag muna, Papa. Hayaan mo muna silang magduda at isipin na nagsisinungaling ako. Darating din ang araw na malalaman nila ang totoo. Kapag nangyari iyon, saka nila maiintindihan kung gaano kalaki ang pagkakamali nila sa akin.” 

Matagal akong tiningnan ni Papa. Maya-maya, ngumiti siya nang bahagya.

“Mabuti na lang at tapos na ang pagsubok mo, Kiara,” sabi niya. “Matagal ka nang nagtiis sa pamilya Harrison. Panahon naman para bumawi ako sa iyo.”

Napayuko ako. Biglang bumigat ang dibdib ko nang maalala ko ang lahat ng tiniis ko para kay Calvin.

“Sorry, Papa,” mahina kong sabi. “Nagmatigas pa ako noon. Akala ko iba si Calvin. Akala ko mamahalin niya ako kahit wala akong pera at pangalan. Pero nagkamali ako. Pare-pareho lang pala sila.”

Lumapit si Papa at hinawakan ang balikat ko. “Huwag mong sisihin ang sarili mo. Nagtiwala ka lang dahil mahal mo siya. Hindi kasalanan ang magmahal.”

Napakurap ako para pigilan ang mga luha ko.

“Pero tapos na iyon,” dagdag niya. “Sa birthday mo, ipapakilala kita bilang bagong CEO ng Remington Group.”

Natigilan ako at hindi agad nakasagot.

“CEO?” gulat kong tanong. “Sigurado po ba kayo?”

Tumango si Papa. “Sigurado ako, Kiara. Karapat-dapat ka sa posisyong iyon. Matagal na kitang inihahanda para dito.”

“Pero bakit sa birthday ko pa?” tanong ko.

“Maghahanda tayo ng engrandeng party,” sagot niya. “Iimbitahan natin ang lahat ng kilalang negosyante. Pati ang pamilya Harrison.”

Bahagya akong napangiti nang marinig ko iyon.

“At sa araw na iyon,” patuloy ni Papa, “malalaman nilang hindi ka isang ordinaryong babae. Makikita nila kung sino ka talaga.”

Mas hinigpitan niya ang yakap sa akin at marahang hinaplos ang likod ko.

“Thank you, Papa. I won't let you down.”

“You’re my daughter, Kiara. I will always be here for you. And I'm so glad that you're finally here.”

Huminga ako nang malalim nang maalala ko ang lahat ng ginawa sa akin ng pamilya Harrison, lalo na si Madison.

Humanda sila.

Birthday ko na sa susunod na linggo. At sa araw na iyon, ako mismo ang babawi sa billion-dollar project na ibinigay ko sa kanila.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Back Off, I'm Marrying Your Uncle!   Chapter 004- The CEO They Never Saw Coming

    KIARANasa loob ako ngayon sa isang mamahaling boutique at tiningnan ang mga damit na nakasabit. Hinawakan ko mga naka-display na blouse at magagandang dress. Pamilyar sa akin ang lugar na ito dahil madalas akong mamili rito bago ko pa nakilala si Calvin.Mula nang maging kami ni Calvin, pinili kong magsuot ng simpleng damit at mamuhay nang simple. Ginawa ko iyon para hindi niya malaman kung sino talaga ako. Pero hindi na ako ang dating Kiara na laging inuuna ang ibang tao kaysa sa sarili ko. Ngayon, kailangan kong bumangon at magsimulang muli. Panahon na para ibalik ang dati kong marangyang buhay. Kaya nagpasaya akong mag-shopping.Pumasok ako sa fitting room at sinukat ang isang mamahaling itim na dress mula sa Saint Laurent. Tamang-tama iyon sa hubog ng katawan ko. Isinuot ko rin ang leather heels mula sa Gucci at hinawakan ko ang kulay beige na Chanel bag na pinakuha ko kanina sa staff.Nang tingnan ko ang sarili ko sa salamin, halos hindi ko nakilala ang babaeng nasa harap ko. Ma

  • Back Off, I'm Marrying Your Uncle!   Chapter 003- Goodbye, Mrs. Harrison

    KIARAMagulo pa rin ang isip ko dahil sa nangyari habang papasok ako sa bahay ng Harrison. Kailangan kong mag impake at ayusin ang mga gamit ko dahil hindi na ako maaaring manatili pa sa mansyong ito.Matapos kong mailagay sa maleta ang mahahalagang gamit ko, lumabas ako ng silid at nagtungo sa sala. Naroon si Samarra, nakaupo sa sofa na para bang kanina pa niya ako hinihintay.“Aalis ka?” tanong niya na may mapanuksong ngiti. Bumaba ang tingin niya sa maletang hawak ko.Hindi ako agad sumagot. Mabigat pa rin ang dibdib ko at halos hindi ko alam kung paano ko haharapin ang lahat. Ngunit alam kong hindi niya ako hahayaang makaalis nang hindi ako muling iniinsulto.“Alam mo, Kiara,” pagpapatuloy niya habang tumatayo at humaharap sa akin. Puno ng pangungutya ang boses niya. “Panahon na para tanggapin mong si Madison ang nararapat para kay Calvin. Matagal na siyang nasa tabi ng anak ko. Siya rin ang tumulong para makuha ng Harrison ang kontrata mula sa Remington Group.”Para akong sinampa

  • Back Off, I'm Marrying Your Uncle!   Chapter 002- I’m Done Being Your Wife

    KIARAHuminto ako sa tapat ng pinto ng condo niya. Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa mga papeles nang mapansin kong bahagyang nakabukas ang pinto.May parte sa akin na gustong umatras at umalis. Pero gusto kong malaman ang katotohanan, kaya kusang gumalaw ang kamay ko. Dahan-dahan kong pinindot ang password at itinulak ang pinto.Napunta agad ang tingin ko sa isang pares ng pulang high heels na nakakalat malapit sa pinto.Napalunok ako.Nang tumingin pa ako sa loob, nakita ko ang mga damit na nakahagis sa sahig. May pink na blouse at pulang underwear ng isang babae.Bawat bagay na makita ko ay parang sampal iyon sa akin. Ngunit ang pinakamasakit ay nang makita ko si Calvin at ang isang babaeng magkayakap at magkahalikan sa kama.Halatang sobrang abala sila sa isa't isa kaya hindi man lang nila napansin ang pagpasok ko.“Paano kung malaman ni Kiara ito? Siguradong magagalit ang asawa mo,” sabi ng babaeng kasiping niya.Ngumiti lang si Calvin. “Ikaw lang ang gusto ko, Madison, wala

  • Back Off, I'm Marrying Your Uncle!   Chapter 001- The Heiress He Rejected

    KIARAAkala nila, nagmula lamang ako sa isang ordinaryong pamilya.Nagkakamali sila.Ako si Kiara Lauren Remington—ang nag-iisang anak at tagapagmana ng Remington Group.Tinanggap ko ang pagsubok na ibinigay sa akin ni Papa dahil mahal ko si Calvin Harrison. Gusto kong patunayan sa kanya na naiiba si Calvin sa lahat ng lalaking nakilala ko. Minahal niya ako at tinanggap ako nang buo nang hindi nalalaman ang tunay kong pagkatao.Walang alam si Calvin, maging ang buong pamilya Harrison, tungkol sa tunay kong pagkakakilanlan. Sasabihin ko sa kanila ang katotohanan kapag natapos ko na ang pagsubok na ito.“Nandito na po ang order niyo,” nakangiting sabi ng waiter saka maingat na pinasok ng staff ang mga pagkain sa mesa. Ilang linggo kong pina-reserve ang mamahaling restaurant na ito para i-celebrate ngayong gabi ang fourth wedding anniversary namin ni Calvin. Ilang sandali ay bumukas na ang pinto ng VIP room at dumating na si Calvin. Mabilis kong inayos ang sarili ko at hinaplos ang pu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status