Home / Romance / Back To Me / Chapter One

Share

Back To Me
Back To Me
Author: Nhenggggg

Chapter One

Author: Nhenggggg
last update publish date: 2026-06-26 12:43:23

"Tommy anong g-gusto mong dinner mamaya?"

Tanong ko sa asawa ko habang inaayos ang bag na dadalhin niya sa trabaho.

Walang gana siyang tumingin sa akin.

"Wag ka na magluto malalate ako ng uwi dahil marami akong tatapusin sa opisina"

Nalungkot ako sa sinabi niya

Alam ko naman na hindi totoo ang sinasabi niya, alam ko naman na sa iba siya magdidinner,

Yes, alam kong may ibang babae ang asawa ko.

Hindi naman niya tanggap at kahit kailan hindi niya ako matatanggap bilang asawa niya.

Dahil hanggang ngayon ako pa din ang sinisisi niya kung bakit nawala ang babaeng pinakamamahal niya. Kung alam niya lang kung gaano ko din sinisisi ang sarili ko dahil sa pagkamatay ng kapatid ko.

Kung hindi siguro ako niligtas ng kapatid ko ako sana ang nawala at masaya sana sila ni Tommy ngayon.

Nang mamatay ang kapatid ko ako at si Tommy na ang pinagkasundo ng Daddy ko,

Nung pinakasalan niya ako akala ko tanggap niya ako yun pala pahihirapan niya lang ako dahil yun daw ang kapalit sa pagkawala ni Lyca,

Wala akong nagawa kung hindi tanggapin ang pagpapahirap niya, dahil kung hindi dahil sa akin buhay pa sana ang babaeng mahal niya,

Inabala ko na lang ang sarili ko sa mga gawaing bahay kahit na mayaman ang asawa ko hindi siya kumuha ng katulong kaya ako lahat ang gumagawa sa gawaing bahay.

Mag isa akong nag dinner mapait akong ngumiti, bakit hindi pa ako nasanay.

Sa limang taong nagsama kami hindi ko man lang siya nakasama sa hapag kainan kahit isang beses lang, maging sa pagtulog ay magkaiba ang kwarto namin

Kung tatanungin niyo ako kung bakit ako nakatagal ng ganong set up yun ay dahil mahal ko si Tommy, Noon pa man may lihim na akong pagtingin sa kaniya.

Nakahiga na ako ng marinig ko ang tunog ng sasakyan hudyat na nandiyan na ang asawa ko, kaya dali akong tumakbo pababa para salubungin siya.

Paglabas ko naabutan ko si Sandro, ang kaibigan ni Tommy na akay akay ang lasing kong asawa.

"Lorraine, pasensya ka na nagpakalasing na naman 'tong asawa mo, kahit na anong pigil ko ayaw magpaawat" Mahabang paliwanag niya

"Nako ayos lang!, ako nga ang humihingi ng pasensya sayo naabala ka pa namin" Kinuha ko ang braso ni Tommy para akayin papasok sana sa loob ng bigla niyang hawiin ng malakas.

"Lumayo ka sakin!!"

"Tommy ano ba asawa mo yan!!" Saway ng kaibigan

"Anong asawa!! katulong ko lang yan!!" Sabi pa ni Tommy

Parang may patalim sa dibdib ko, kahit kailan talaga hindi niya ako tinuring na asawa, pinakasalan niya lang ako pero hindi niya ako kailan man matututunang mahalin.

Pinigilan ko ang nagbabadyang luha napatingin ako kay Sandro at nakikita ko sa kaniya ang awa dahil sa sinabi ng kaibigan niya.

Pilit akong ngumiti at kinuha ang lasing na lasing kong asawa.

"Lorraine—

"Ayos lang um, ako na bahala kay Tommy, pasensya ka na at naabala ka pa niya"

"Are you sure your okay?" Nag aalalang tanong niya.

Agad naman akong tumango at ngumiti,

Maya maya ay napagdesisyunan niya nang umalis matapos akong tulungan na ipasok si Tommy sa kwarto niya.

"Lyca"

Pagtawag niya sa pangalan ng kapatid ko, napahinto ako sa paghubad ng sapatos niya.

"I miss you so much babe, ikaw lang ang babaeng nandito sa puso ko"

Napakasakit marinig mula sa bibig ng asawa ko ang mga salitang yon, napakatagal na ng panahon na lumipas hanggang ngayon si Lyca pa din ang laman ng puso niya.

Hindi ko mapigilan ang mapaiyak habang inaasikaso ang asawa ko habang siya naman ay banggit ng banggit sa pangalan ng kapatid ko.

Tapos ko na siyang asikasuhin mahimbing na ang tulog niya.

Pinagmasdan ko ang itsura ng asawa ko, maamo ang mukha, napakagwapo at ang labi..

Napailing na lang ako at napabuntong hininga.

Lumabas na ako ng kwarto para maghanda na sa pagtulog, hindi ko mapigilan ang masaktan at malungkot dahil kahit kailan hindi niya ako tinuring na asawa niya.

'Kung nandito ka lang siguro lyca masayang masaya siguro si Tommy ngayon'

---

Kinabukasan tanghali na ako nagising dahil madaling araw na akong nakatulog, nagmadali akong tumungo sa kwarto ni Tommy, wala na siya doon marahil ay pumasok na siya.

Napahinga na lang ako ng malalim

Bakit nga ba hindi pa ako nasasanay sa loob ng limang taon ganito ang lagi kong nararanasan.

abala ako sa paglilinis ng tumunog ang cellphone ko

Si sandro ang tumawatawag..

"Hello Sandro napatawag ka?"

"Yeah, i just wanted to check on you"

Napatahimik ako dahil unang beses na may nangamusta sa akin

"Ayos naman ako Sandro, ikaw kamusta ka?"

"Im okay, how's between you and Tommy?" He suddenly ask

"A—ayos lang n-naman"

"Alam ko hindi.."

Saglit na katahimikan

"Lorraine if you want someone to talk to, nandito lang ako ha"

I nod as if he see me,

Napangiti ako, dahil meron pa rin palang taong concern sakin.

"Salamat sa pagtawag at pagkamusta sa akin.. na appreciate ko" Nakangiting sabi ko sa kanya

"Sana magkaroon din tayo ng chance na makapag lunch together"

Natigilan ako sa sinabi niya, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya

Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya

"Just kidding, baka bugbugin ako ni Tommy"

'How i wish, pero hindi naman mangyayare yon'

"Sige na kinumusta lang talaga kita"

Then he ended the call,

napatingiti ako habang nakatingin sa cellphone ko

Ngayon ko lang naramdaman ulit na mahalaga ako

huling naramdaman ko ang ganito nung buhay pa si Lyca,

Siya lagi ang nangangamusta sa akin sa tuwing mapapagalitan ako ni Papa.

Lagi niya din akong pinapangiti kapag nakikita niyang malungkot ako.

Ngunit sa isang malagim na pangyayare hindi ko na naranasan muli yon dahil ang kaisa isang taong nagparamdam non sa akin kailan man hindi ko na makikita at makakasama pa.

Sobra akong nasasaktan dahil sa nangyare kay Lyca

Araw  araw kong sinisisi ang sarili ko dahil sa nangyare.

Kung hindi sana naging matigas ang ulo ko, kung nakinig lang sana ako sa kaniya noon edi sana nandito pa siya,

Simula ng mawala siya hindi ko na naranasan ang maging masaya, papaano ko mararanasan yon?

Mula sa asawa ko hanggang sa magulang ko ako ang sinisisi..

Kaya hanggang sa mawala din siguro ako dala dala ko ang bigat ng pagkawala ni Lyca.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Back To Me   Chapter fiftheen

    Naging maganda at magaan lang ang naging takbo ng relasyon namin ni Tommy, talagang tinotoo niya yung promise niyang aayusin niya ang relasyon naming mag asawa.Masaya ako sa atensyon at pagmamahal na ibinibigay niya sa akin lalo na ngayon na magkaka anak kami.Hindi pa alam ni Tommy ang tungkol sa pagbubuntis ko i just found out last week lang akala ko simpleng sakit lang yung pagkahilo, pagsusuka at parang laging pagod yun pala may nabubuo na sa tiyan ko.Napahaplos ako sa tiyan ko, gusto ko sanang sabihin ang pagbubuntis ko sa mismong birthday niya and i hope na matanggap niya ang baby namin.Wala naman siyang nababanggit na gusto na niyang magkaanak.Kaya hindi ko talaga alam ang magiging reaksyon niya once na malaman niya ang tungkol dito."Ang lalim naman ng iniisip mo Mrs. Salvador... Care to share?"Napalingon ako sa asawa ko na nasa daan ang atensyon at panaka naka ay tumitingin sa akin, nagmamaneho kasi siya dahil papunta kami sa bahay ng parents niya dahil meron daw sasabih

  • Back To Me   Chapter fourteen

    "Talaga? sinabi niya yon?" Gulat ang naging reaksyon ni Joanna nang ikwento ko sa kaniya lahat, mga nangyare sa amin ni Tommy, ang pag aaway nila ni Sandro at ang promise niya sakin. Napatango na lang ako, nandito ako sa bahay niya at kakauwi niya lang kahapon galing ibang bansa dahil sa work niya at namiss ko din ang bestfriend ko na to. "Eh diba dapat masaya ka kasi unti unti nang natutupad yung gusto mo?" Napahinga ako ng malalim, "Ewan ko, pero kung gusto niyang ayusin yung relasyon namin.. pero hindi naman niya maiwan yung babae niya ano pang silbi non?" "Ahh gusto niya dalawa kayo? aba pwede na siyang kumanta ng Mahal ko o mahal ako" Napanguso ako para mapigilan ang pagtawa, bwisit din to eh ang seryoso ng usapan tas sisingitan ng ganyan "Eh anong plano mo?" "Hindi ko alam.. sa totoo lang hanggang ngayon nangangapa pa din ako sa kaniya" "Hay nako basta ang maipapayo ko lang sayo, piliin mo kung ano o sino ang magpapasaya sayo at nandito lang ako susuportahan kit

  • Back To Me   Chapter thirteen

    Pagdating namin sa bahay agad akong bumaba at nagtungo sa kwarto ko.Hinubad ko na lahat ng suot ko dahil gusto ko nang magpalit at matulog na lang,bahala siya sa buhay niya, imbes na magiging maganda at maayos sana ang araw na 'to nasira lang nang dahil sa kaniya"Ba't kasi sumama sama pa!"Pagtapos ko maligo nagulat ako dahil yung lalaking kinaiinisan ko ngayon ay prenteng nakaupo sa kama ko.napahigpit ang hawak ko sa tuwalya dahil yun lang naman ang suot ko"What are you doing here?""Why not?""Pano ka nakapasok, nilock ko yung pinto"Itinaas niya ang kamay niyang may hawak sa susi."I have a spare keys, this is my house so pwede akong pumasok kahit nakalock pa yan"Napairap ako,"Pwede ho bang lumabas ka muna, magbibihis ako""Bakit hindi ka magbihis sa harap ko"Napanganga ako sa sinabi niya,"After all nakita ko naman na yan" Tumayo siya at dahan dahang lumapit sa akinNapaatras ako hanggang sa maramdaman ko ang malamig na pader"You don't need to hide it my wife"Sinasabi n

  • Back To Me   Chapter twelve

    Hindi ko sinasabayan sa paglalakad si Tommy medjo nauuna ako sa kaniya at naiirita ako sa presensya niya.Dapat masaya ako diba? Kasi kasama ko siya.."Lorraine!" Kumakaway si Sandro pagpasok namin Kumaway ako sa kaniya"I thought you're not coming""Hindi noh, pinag usapan na natin to kahapon" Nakangiti kong tugon"Ehem"Napatingin siya sa likuran ko..Binigyan niya naman ako ng nagtatakang tanong.. nagkibit balikat lang ako."Tommy your also here""Yeah" Walang gana niyang sagot"Sinamahan ko lang ang 'asawa' ko"Pinagkadiinan niya pa ang salitang 'Asawa'Napangiwi naman si Sandro."Anyway ipapakilala kita sa kaibigan ko"Tinawag niya ang kaibigan niya."Shaun this is Lorraine""Hi" Nakipagkamay ako sa kaniya"Tommy?" Gulat siyang napatingin sa likuran ko"Shaun" at nagbatian din sila."You know Tommy?" Takang tanong ni Sandro"Yeah, I knew him because of Arriane"Napahinga ako ng malalim ng marinig ko na naman ang pangalang ng babaeng yon."Bro, don't tell this is your new girl? w

  • Back To Me   Chapter Eleven

    Abala ako sa pagbibihis dahil ngayon nga kami pupunta ni Sandro sa museum ng kaibigan niya.. nang biglang"AHHHHHHHHH!" Napatili ako ng bumukas ang pinto at pumasok si Tommy!Napatakip na lang ako sa katawan ko dahil hindi pa naman ako tapos magbihis... ni hindi pa nga ako nakakapagbra!"Kung makatakip ka naman, nakita ko naman na lahat yan, mula taas hanggang..." Bumaba ang tingin niya sakin "Hanggang baba"Ramdam kong pumula ang pisngi ko sa sinabi niya...'baliw!'"Hindi ka man lang kumakatok!""Why? do i need to?"Taas baba ang tingin niya sa akin and i swear! naiilang akoHiwalay kami ng kwarto, kahit na may nangyare sa amin parang hindi ko na maatim na katabi siya sa kama lalo na doon niya din pinapatuloy ang babae niya."Pwede ba! patapusin mo muna ako magbihis!""Okay" Isinarado niya ang pinto pero hindi siya lumabas!Kunot noo ko naman siyang tiningnan."What? sabi mo magbibihis ka?""Lumabas ka" Nauubusan ako ng pasensya sa lalaking to.Humalukipkip naman siya at nagflex tal

  • Back To Me   Chapter Ten

    Hanggang ngayon hindi pa din maalis sa isip ko ang sinabi ni Daddy.Alam kong may ibig sabihin si Daddy sa sinabi niya sa akin."Ang lalim naman ng iniisip mo" Napamulagat ako ng marinig ko ang boses ni Sandro.Nagyaya siyang makipagkita sa akin at kahit na nagagalit sila Dad sa pagkikita namin ni Sandro, wala na akong pakialam dahil wala naman kaming ginagawang masama.At para may makausap din ako dahil ilang araw akong binabagabag tungkol doon sa sinabi ni Daddy.Huminga ako ng malalim at ikinwento sa kaniya ang lahat."Really?" Hindi makapaniwalang tugon niyatumango ako"Hmm baka naman nasabi niya lang yon kasi galit siya,"Nagkibit balikat lang ako"You know what i don't get it, bakit sila nagagagalit na nagkikita at nagkakasama tayo? wala naman tayong ginagawang masama, i mean im just here being a.... friend""Hindi ko din alam sakanila. Masyado nilang binibigyan ng malisya ang pagkakaibigan natin... lalo na si Tommy"Napanguso siya"Maybe nagseselos siya?"Napatawa ako sa sinab

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status