LOGIN"Baka hindi na ko makauwi mamaya wag mo na akong hintayin" Sabi ni Tommy habang nag aasikaso paalis
Kakarating niya lang aalis na naman siya. "Saan ka na naman mag stay?" With all the courage sinabi ko yon ng hindi nauutal Sinamaan niya ako ng tingin, nakaramdam ako ng takot. "Sino ka para magtanong?!" Dahan dahan siyang lumapit sa akin "Asawa lang kita sa papel pero hanggang doon lang yon!! wala kang pakialam kung saan ako pupunta o sino ang kasama ko.. naintindihan mo!!" Napapikit ako sa pagsigaw niya, umigting ang panga ko. "Limang taon na tayong magkasama! hanggang ngayon ba hindi mo pa din ako matanggap?! ha!! hanggang ngayon ba hindi mo pa din makalimutan ang kapatid ko?!" Isang malakas na sampal ang natamo ko mula kay Tommy, sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya dumugo ang labi ko. Napahagulgol ako sa sakit. "Wag na wag mong mababanggit ang kapatid mo dito, dahil kahit kailan hinding hindi mo mapapalitan sa puso ko si Lyca!" Galit na galit siya habang sinasabi yon. Mga salitang parang kutsilyong tumutusok sa puso ko. Napa igik ako ng bigla niya akong hawakan ng mahigpit sa panga. "Itong tatandaan mo! habang buhay kitang sisisihin sa pagkawala ni Lyca, you take away my happiness and my life! i do the same" Parang nag aapoy sa galit si Tommy "Nasasaktan ako!" "Masasaktan ka talaga kapag umasta ka ulit na ganyan sa harapan ko" Itinulak niya ako dahilan para humampas ang katawan ko sa table. Walang sabi siyang umalis at ako naiwan akong umiiyak, Hindi ako makahinga sa sobrang sakit, sakit ng mga salitang sinabi niya sa akin. Wala talaga akong puwang sa puso niya, at kahit kailan hindi mangyayare na mamahalin niya din ako. --- Kinabukasan ay pumunta ako sa bahay ng magulang ko dahil pinapapunta ako ni Daddy, hindi ko alam kung bakit parang nagagalit siya nang tumawag siya sa akin. "Magandang Araw po...Ahhh!" Isang malakas na sampal ang binungad sa akin ni Daddy "Larry! bakit mo sinampal si Lorraine!" Saway ni Mommy habang nasa harapan ko. "Hindi ba! sinabi ko sayo na ayusin mo ang pakikisama sa asawa mo!" Sigaw ni Daddy sakin Nanlalabo ang mata ko. Nalaman niya ba na nagtalo kami ni Tommy kagabi? "Larry— "Tumigil ka Fely, kaya nagiging matigas ang ulo ng anak mo dahil kinukunsinti mo!!" "Sinasaktan mo siya!!" Sagot ni Mommy sa kaniya "Dad g-ginagawa ko n-naman po eh" "Pagbutihin mo pa!! at wag na wag mong uungkatin ang nangyare sa kapatid mo dahil hanggang ngayon hindi pa din niya matanggap na nawala siya dahil sayo!! Ganon din ako, sana ang kapatid mo na lang ang nandito hindi sana sumasakit ang ulo ko ngayon" "Larry! ano ba! bakit mo sinasabi yan sa anak natin ha!" "Bakit hindi?! napaka tigas ng ulo, hindi talaga marunong sumunod ang batang yan" Wala akong magawa kundi ang tahimik na umiyak habang naririnig ang mga salitang yon mula sa Daddy ko...Sarili kong ama na ginustong ang kapatid ko na lang ang nandito kaysa ako.. "Kapag nakipag divorce si Tommy sayo at ipull out lahat ng shares niya sa kompanya ko .. wala akong ibang sisisihin kundi ikaw!! naintindihan mo!!!" Napatalon ako sa gulat ng sumigaw siya at sunod sunod ang pagtango na ginawa ko. Pagkasabi niya non bigla na lang siyang umalis.. Doon ako napaluhod at umiyak ng umiyak, Hindi ko alam kung bakit nararanasan ko ang ganitong buhay, Buong buhay ko nakakulong ako sa kasalanang hindi ko naman sinasadyang magawa. 'Lyca sana nandito ka... hindi ko sana nararanasan ang ganito sa buhay ko' Hawak hawak ko ang pisngi ko, kagabi ang asawa ko ang sumampal sa akin, ngayon naman ang Daddy ko. "Anak, p-pagpasensyahan mo na ang Daddy mo ah.." Napa igting ang panga ko dahil sa sinabi ni Mommy Lagi na lang ba akong magpapasensya? Lagi na lang ba ang iniisip at sasabihin nila ang magiging kapakanan ko? Huminga ako ng malalim at dahan dahang tumayo Tumingin ako kay Mommy, nakikita ko ang awa sa mukha niya ngunit maging siya ay walang magawa at naiintindihan ko yon, kaya pilit akong ngumiti sa kaniya "Mom, it's okay, pagbubutihan ko na lang sa susunod at susundin ko na lahat ng utos ni Daddy,, Pasensya na po" "Oh Lorraine im so sorry" Niyakap ako ng mahigpit ni Mommy, doon ako umiyak ng umiyak na para bang isang bata na inagawan ng laruan.. Sana habang buhay na lang akong bata para hindi ko nararamdaman ang sakit na meron ako ngayon. Pag uwi ko ng bahay nadatnan ko ang isang babaeng napaka supistikada ng dating, hapit na hapit sa katawan niya ang pulang dress na suot niya, Napaka ganda ng babaeng yon.. "Sino ka? bakit nandito ka bahay ko?" Tanong ko sa kaniya.. Ngumisi ang babae at ikinainis ko yon "Bahay mo o bahay ni Tommy?" Magsasalita pa sana ako ng marinig ko ang boses ng asawa ko mula sa taas.. "Babe im ready, let's go" natigilan siya sa pagbaba ng makita ako. Hindi naman na bago sa akin na nambababae ang asawa ko pero ang dalhin niya sa bahay, yon ang hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pang dalhin dito. Pero winalang bahala lang ako ni Tommy, "Hindi ako makakauwi tonight" Sabi niya sa akin "Let's go babe" Nakangiti siya sa babae habang ang babae naman ay iniangkla niya ang kamay niya sa braso ni Tommy kaya napatingin ako doon. Umalis na sila pero hanggang ngayon nakatayo pa din ako sa sala, pilit na tinatanggap ang pagwawalang hiya sa akin ng asawa ko na harap harapan ang pagbabalewala sa akin. Hanggang kailan? hanggang kailan ko dapat pagtiisan ang ganitong sitwasyon sa buhay ko? Wala ba akong karapatan na mahalin? Wala ba akong karapatan na patawarin sa nagawa ko? Hanggang sa mamatay ba ako, ako pa din ang sisihin nila sa nangyare? Hindi na ako naka akyat ng kwarto ko, wala na din akong gana kumain kaya sa sofa na lang nahiga at hinayaan na umagos ng umagos ang luha sa mata ko hanggang sa hilahin na ako ng antok. Sa pagtulog na lang ako nakakapagpahinga at hindi nararamdaman ang sakit..Minsan sa buhay natin ay may mga bagay tayong kailangan pagdesisyunan kahit pa masakit para sa akin.Buong buhay ko ang hinangad ko lang naman ay mahalin at pahalagahan pero hindi naman yun ang nangyare.Hindi ko alam kung may pagkakataon pa kami ni Tommy sa isa't isa.Pagtapos ng pag uusap namin ni Tommy ay hindi na muli siya nagpunta sa bahay o nanggulo man lang.Alam ko at naniniwala akong tama ang desisyon ko.Habang nakatingin sa kisame ay biglang tumunog ang cellphone ko.Sandro Calling~"Hello""Hello Lorraine, im sorry i got busy with business kaya ngayon lang ako nakatawag"Napangiti ako"Okay lang yon.. kamusta ka?""I'm good! ikaw? kamusta ka? i heared from Joanna about what happened"Sandaling katahimikan ang namayaniNapayuko ako,"Trying to be okay""I'm so sorry Lorraine.. i know its very hard for you to accept.. im here you can always lean on me""Salamat Sandro""Pwede ba tayong magkita? and if not it's okay naman"Umiling ako"No its okay" Huminga ako ng malalim"Ila
Isang linggo na akong nandito kay Joanna.Kahit papaano nakakatulong naman ako sa gastusin dito sa bahay niya.. pero minsan hindi niya tinatanggap yung panggastos na inaabot ko sa kaniya..Maganda naman ang trabaho ng kaibigan ko pero nakakahiya dahil nakaka istorbo na ako sa kaniya dagdag pa ako sa mga gastusin niya dito sa bahay."Tulala ka na naman diyan" tumabi siya sa akin sa sofa.Sa sobrang lalim nang iniisip ko hindi ko namalayan na nakauwi na pala siya"Pwede mong ilabas sa akin yan Lorraine you know im here to listen"Tipid akong ngumiti sa kaniya"Masyado na akong nakakaabala sayo tapos ayaw mo pang tanggapin yung pera binibigay ko"Ngumiwi siya sa sinabi ko"Yun ba yung iniisip mo?""Gusto ko din maghanap ng trabaho at magpakalayo layo muna" I look at her"Gusto kong makalimot Joanna"Nagbabadya na naman ang mga luha sa mga mata ko Walang araw na hindi ako umiiyak sa tuwing maalala ko ang mga nangyare sakin lalo na ang pagkawala ng anak koHuminga ng malalim si Joanna"Pa
"Tommy answer my question.. you're having an affair!!?"Galit na tanong ng Daddy niya,"Y—yes Dad, but, but tinapos ko na yon""What the hell Tommy!!" Sigaw ng Daddy niya"And you know all of this iha?"Hindi ako kumibo all of a sudden bigla akong napagod sa lahat, ang laman lang ng isip ko ay ang anak ko.'My poor baby'Hindi man lang nabigyan ng chance masilayan ang mundo.Humiga ako at tinalikuran sila, wala naman akong magagawa, wala na ang anak ko.. wala na ang nagbibigay ng pag asa at kasiyahan sa akin.. Siya na lang sana, kahit siya na lang pinagkait pa sa akin..Napaka unfair ng buhay."Lorraine" that was the voice of my husband.Akala ko magiging okay na lahatAkala ko magiging masaya na ako dahil sa wakas tanggap at mahal niya na ako.Pero isang malaking kasinungalingan ang lahat."Umalis ka na, umalis na kayo.. gusto kong mapag isa""Let me stay love"Napapikit ako ng mariin, ang kapal ng mukha niya."Ayokong nandito ka, please Tommy umalis na kayo!!!"And i started to cry
Pagkauwi ko ay natanaw ko na ang sasakyan ni Tommy, Mukhang maaga nakauwi ang asawa ko.Pero ang ipinagtaka ko ay meron pang isang sasakyan na nakaparada sunod lang sa sasakyan ni Tommy. Ngayon ko lang nakita ang sasakyan na yonO baka may bisita si Tommy?Nagmadali akong makapasok sa bahay nakakahiya at wala ako doon, baka wala pang pagkain."Arriane,enough! umuwi ka na dahil baka pauwi na si Lorraine"Narinig ko ang boses ni Tommy nang makapasok ako sa bahay.I froze as i heard the name of that woman!"Oh she's here"Nakita ko silang parehong nakatayo at sabay na napatingin sa akin.."Lorraine" Madaling naglakad papalapit sa akin si Tommy."I'll explain everything""Explain mo na din kung ano ang pinag uusapan natin""Enough!!"Napatalon ako sa gulat dahil sa lakas ng sigaw niya."A—anong bang nangyayare?" Palipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa,Si Arriane ay nakangisi habang si Tommy ay hindi na maipinta ang mukha dahil kita ko sa kaniya ang takot.Ano ba dapat ang ipapaliw
"You have to take care of yourself iha, mabuti na lang at walang nangyare sa baby mo" Sabi ng doctor sa akinNagpacheck up ako kinabukasan dahil sa takot na baka may nangyare sa baby ko."Avoid stress iha, though malakas naman ang kapit ng bata pero you have to take care of yourself pa din ha""Yes doc.. thank you!"Pagkaalis ko ng hospital binili ko agad ang mga gamot na nirecommend ng OB ko.Kailangang isipin ko muna ang sarili ko at ang baby ko, ayokong mawala siya dahil baka hindi ko kayanin..siya na lang ang nagpapalakas sa akin.Ngayon kailangan kong may makausap dahil hindi ko na kayang kimkimin ang mga nalaman ko sa mga magulang ko.Hindi ko alam kung nagsasabi ba ng totoo si Mommy para lang hindi ako masaktan o talagang hindi ako anak ni Daddy."Hello Joanna?""Lorraine, napatawag ka .. ayos ka lang ba?""Yeah, uhm busy ka ba ngayon? gusto ko sana nang may makausap""Nope kakatapos ko lang sa ginagawa ko.. diretso ka sa house ko pauwi na din ako okay.... Ingat ka"I ended the
Naging maganda at magaan lang ang naging takbo ng relasyon namin ni Tommy, talagang tinotoo niya yung promise niyang aayusin niya ang relasyon naming mag asawa.Masaya ako sa atensyon at pagmamahal na ibinibigay niya sa akin lalo na ngayon na magkaka anak kami.Hindi pa alam ni Tommy ang tungkol sa pagbubuntis ko i just found out last week lang akala ko simpleng sakit lang yung pagkahilo, pagsusuka at parang laging pagod yun pala may nabubuo na sa tiyan ko.Napahaplos ako sa tiyan ko, gusto ko sanang sabihin ang pagbubuntis ko sa mismong birthday niya and i hope na matanggap niya ang baby namin.Wala naman siyang nababanggit na gusto na niyang magkaanak.Kaya hindi ko talaga alam ang magiging reaksyon niya once na malaman niya ang tungkol dito."Ang lalim naman ng iniisip mo Mrs. Salvador... Care to share?"Napalingon ako sa asawa ko na nasa daan ang atensyon at panaka naka ay tumitingin sa akin, nagmamaneho kasi siya dahil papunta kami sa bahay ng parents niya dahil meron daw sasabih







